REVENUE REGULATIONS BLG. 5-99

REGULASYON SA BAD DEBT BILANG KABAWASAN SA INCOME TAX

 

T: Ano ang bad debts?

S: Ang bad debts ay mga pautang ng taxpayer na nawalan na ng halaga o hindi na masingil, maging ito’y pera o kalakal, o serbisyong hindi nabayaran.

T: Sino ang maaaring magbawas ng bad debts mula sa kitang pinapatawan ng buwis sa kita (income tax)?

S: Maaaring ibawas ng mga sumusunod na taxpayers ang bad debt sa kanilang kabuuang kita:

T: Kailan maaaring ibawas ang bad debts?

S; Maaari lamang ibawas ang bad debts sa mga sumusunod na kondisyon:

Magkamag-anak na kinabibilangan ng

kapatid, asawa, ama at ina, lolo at lola, anak at apo sa anak.

Isang indibidwal at isang korporasyon na higit sa 50% ng stocks ay pag-aari ng nabanggit na indibidwal;

Dalawang korporasyon na parehong higit sa 50% ng stocks ay pag-aari ng iisang indibidwal, kapag isa sa dalawang korporasyon ay personal holding company o foreign personal holding company;

T: Kailan maaaring sabihing ang pautang ay nakaltas na sa libro ng taxpayer?

S: Ang pautang ay maaaring sabihing nakaltas na sa libro kung ang halagang nakatala na maaaring masingil ay nakansela na sa libro ng taxpayer matapos matiyak at mapatunayan na ito ay wala nang halaga.

T: Ano ang pamantayan na ang pautang ay wala nang halaga?

S: Ang pautang ay maaaring sabihing wala nang halaga kung ang masisingil ay mas maliit ang halaga kumpara sa gastusin kung maghahabla sa korte upang ito ay masingil. Pag-aaralan ng BIR ang halaga ng prenda at ang kalagayang pananalapi ng may-utang. Isasaalang-alang din ang patunay ng isang abogadong hindi empleyado ng taxpayer at ang kanyang ulat sa mga balakid na legal at hirap na makasingil.

T: Maaari bang ipagpaliban ng taxpayer ang pagkaltas sa pautang bilang bad debt?

S: Hindi maaaring ipagpaliban ang pagkaltas sa pautang bilang bad debt kung dahilan lamang sa pag-asang ito’y masisingil pa.

Maaari lamang ipagpaliban ang pagkaltas sa mga sumusunod na sitwasyon:

Halimbawa:

Ang may-utang ay may ari-ariang titulado na pinagtatalunan sa husgado at naniniwala ang taxpayer na mababayaran siya kapag ito ay naipanalo.

T: Ang mga alituntunin bang isinasaad sa itaas ay ipasusunod sa lahat ng uri ng taxpayer?

S: Ipasusunod ang mga alituntuning isinasaad sa itaas maliban sa sumusunod na taxpayers:

T: Ano ang gagawin kapag ang pautang na nakaltas nang mga nakaraang taon ay nasingil sa mga sumunod na taon?

S: Ang halaga ng bad debt na nakapagpababa ng buwis na binayaran ay dapat itala at isama sa kabuuang kita (gross income) ng taxpayer sa taong masingil ito at papatawan ng buwis. Kung ang pagkaltas sa bad debt ay hindi nagbigay ng benepisyo sa taxpayer sa dahilang nalugi siya ng taong yaon kaya’t walang binayarang income tax, ang pautang na nasingil ay hindi makadaragdag sa kabuuang kita at itatala na lamang bilang pagkabalik ng kapital.

Halimbawa:

Case 1. Ang Kompanya A ay nagkaltas ng pautang na P14,000 bilang bad debt noong 1998 at dahil dito ay bumaba ang kanyang kita na papatawan ng income tax mula P234,000 hanggang P220,000. Kapag nasingil ng Kompanya A ang pautang sa sumunod na taon, ito’y itatala at isasama sa kanyang kita na papatawan ng buwis sa 1999.

Case 2. Ang Kompanya A ay nalugi ng P100,000. Nagkaltas siya ng pautang na P14,000 bilang bad debt at ang kabuuang kalugihan ay umabot sa P114,000. Kapag nasingil ng Kompanya A ang nasabing pautang na P14,000 sa 1999, ito ay hindi niya isasama sa kanyang kita sa 1999 sa dahilang hindi ito nakabawas sa kanyang buwis nang kaltasin bilang bad debt.

Case 3. Ang Kompanya A ay kumita ng P10,000. Nagkaltas siya ng pautang na P14,000 bilang bad debt at dahil dito’y nalugi siya ng P4,000.

Kapag nasingil ang nasabing pautang na P14,000 sa 1999, ang P10,000 ay isasama sa kanyang kita sa nasabing taon.

T: Maaari bang ibawas ang securities na nawalan na ng halaga?

S: Kapag ang securities na nakatala bilang capital assets ay napatunayang wala nang halaga at kinaltas na sa libro ng taxpayer, ang kalugihan dito ay ituturing na kalugihan sa pagbebenta o pakikipagpalitan ng capital asset. Kinakailangang mapatunayan ng taxpayer sa pamamagitan ng tiyak at kapanipaniwalang ebidensya na ang securities ay wala na ngang halaga.

T: Ano ang securities?

S: Ang securities ay tumutukoy sa stocks o sa karapatang makabili o makatanggap nito. Kabilang dito ang bonds, debentures, notes o certificates, o iba pang katunayan ng pagkakautang, na inisyu ng isang korporasyon, kabilang ang mga inisyu ng gobyerno.

(Nagpapatupad sa Seksyon 34 (E) ng 1997 Tax Code na sinusugan ng Republic Act No. 8424; Ipinalabas noong Marso 10, 1999; Magkakabisa 15 araw matapos malathala sa pahayagang may malawakang sirkulasyon)



Back to Main PageBack to Index