REVENUE REGULATIONS BLG. 9-99
PAGBUBUWIS SA MGA PILIPINONG HINDI NANINIRAHAN SA PILIPINAS
T: Sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino na hindi naninirahan sa Pilipinas?
S: Ang isang mamamayang Pilipino ay itinuturing na hindi naninirahan sa Pilipinas kung:
T: Paano binubuwisan ang mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa?
S: Ang isang Pilipinong naninirahan sa ibang bansa ay pinapatawan lamang ng buwis sa kanyang kita na nanggagaling sa loob ng Pilipinas. Halimbawa, ang mga kita sa pagpapaupa ng kanyang mga ari-arian na matatagpuan sa Pilipinas ay papatawan ng buwis.
T: Ano naman ang buwis na ipinapataw sa Pilipinong manggagawa sa ibang bansa?
S: Ang isang Pilipino na naghahanap-buhay sa ibang bansa (OCW) ay papatawan lamang ng buwis sa kanyang kita na nanggagaling sa loob ng Pilipinas. Ang isang Pilipinong seaman na namamasukan bilang tauhan ng barkong naglalakbay sa iba’t-ibang bansa ay itinuturing din na OCW.
T: Kung lahat ng kita ng isang OCW ay libre sa buwis, kinakailangan pa ba niyang magharap ng tax return?
S: Oo. Kinakailangan niyang magharap ng return sa impormasyon (BIR Form 1701 C o Form 1703) kung saan ilalagay ang salitang "LIBRE" sa kaukulang lugar para sa "TAX DUE". Ang return ay kinakailangang maiharap sa Revenue District Office na sangay ng BIR na nakakasakop sa bansang kung saan siya naninirahan nang hindi lalagpas ang Abril 15 ng sumunod na taon.
T: Bukod sa return ng impormasyon, anu-ano pang mga kasulatan ang kailangang ihain sa BIR?
S: Kailangang isama ng taxpayer sa return ng impormasyon ang patunay mula sa kanyang employer ng halaga ng kanyang kinita o kaya’y ulat ng pananalapi kung siya ay may sariling hanapbuhay.
T: Saklaw ba ng mga alituntuning ito ang kita noong 1998?
S: Oo. Ang return ng impormasyon tungkol sa kita noong 1998 ay kinakailangang maihain nang hindi lalagpas ang Hulyo 15, 1999. May kaukulang multa ang hindi makatupad dito.
T: Ano ang ginagawa ng BIR sa mga return ng impormasyon?
S: Ang mga sangay ng BIR sa ibang bansa ay inaatasang ipadala ang lahat ng return ng impormasyon na kanilang natanggap sa Revenue District Office No. 51 (Lungsod ng Pasay) upang doon ay mapagsama-sama at magawaan ng ulat. Ang iba pang Revenue District Offices na nakakatanggap ng ganitong mga returns ay inaatasang magpadala sa Pinuno ng International Tax Affairs Division ng BIR ng kaparehong taunang ulat na naglalaman ng impormasyon sa kabuuang kita ng taxpayer bawat bansa, uri ng kita at bilang ng mamamayang nag-ulat ayon sa uri ng kita.