REVENUE REGULATIONS BLG. 2-98
PAGKAKALTAS NG BUWIS SA KITA, SWELDO, VAT AT BAHAGDANG BUWIS NA PANGKREDITO
T: Ano ang buwis na kinakaltas (withholding tax)?
S: Ang buwis na kinakaltas ay ang halaga ng buwis na kinakailangang bawasin ng taxpayer mula sa kinita ng mga indibidual o korporasyon sa kanya.
Maraming uri ng buwis na kinakaltas:
1. Buwis na kinakaltas sa kita
a. Final na buwis na kinakaltas
b. Buwis na kinakaltas na pangkredito
c. Buwis na kinakaltas sa sweldo
2. VAT na kinakaltas na pagkredito
T: Sino ang inaatasang magkaltas ng buwis?
S: Ang mga sumusunod ay itinuturing na ahente sa pagkakaltas at inaatasang magkaltas ng angkop na buwis mula sa kanyang mga bayarin:
a. Mga korporasyon, asosasyon, partnership, organisasyong hindi nagpapatubo, kooperatiba, at iba pang nakatala sa Securities and Exchange Commission o iba pang sangay ng pamahalaan.
b. Isang indibidwal na nagnenegosyo. Inaatasan ding magkaltas ng buwis ang isang indibidwal kapag siya ay bumili ng ari-arian (real property) kahit siya ay hindi nagnenegosyo.
c. Lahat ng sangay ng pamahalaan kabilang ang mga korporasyon na pag-aari o kontrolado nito.
T: Kailan dapat magkaltas ng buwis?
S: Ang buwis ay kinakailangang kaltasin sa araw ng pagbabayad o sa takdang araw ng kabayaran ng kita o sweldo.
Halimbawa:
Kaso A. Ang employer ay nagbabayad ng sweldo ng mga empleyado tuwing ika-30 ng buwan. Kahit hindi nakabayad ng sweldo and employer sa ika-30 ng buwan dahil sa kakulangan ng pera, and buwis ay pananagutan na ng employer sa araw na iyon.
Kaso B. Ang Kompanya A ay nagbayad ng 3 buwang paunang renta. Kinakailangan nang kaltasan ng buwis ng Kompanya A ang kanyang ibinayad na renta.
T: Anu-ano ang mga tungkulin ng mga inatasang magkaltas ng buwis na kanilang nalikom?
S: Ang mga sumusunod ang mga tungkulin ng mga naatasang magkaltas ng buwis:
1. Ibayad ang buwis, kasama ang kaukulang return, sa isang pinahintulutang bangko sa nasasakupan ng Revenue District Office na nakakasakop sa tirahan o tanggapan ng nagkaltas ng buwis nang hindi lalagpas ang 10 araw matapos ang buwan. Ang buwis na kinaltas sa buwan ng Disyembre ay maaaring bayaran hanggang Enero 25 ng sumunod na taon.
2. Ang final na buwis na kinaltas mula sa interes sa bangko at iba pang katulad nito ay kinakailangang ibayad kasama ang return, nang hindi lalagpas ang 25 araw matapos ang bawat ikatlong buwan.
3. Sa kaso ng malalaking taxpayers, ang pagbabayad at paghahain ng return ay hindi lalagpas ang 25 araw matapos and bawat buwan sa sangay ng Land Bank of the Philippines o Development Bank of the Philippines sa punong tanggapan ng BIR.
T: Ano ang parusa kapag hindi nakapagkaltas ng kaukulang buwis ang isang naatasang magkaltas?
S: Ang dapat na buwis, kasama ang kaukulang parusa (25% na multa at 20% na interes), ay ituturing na pagkakautang ng naatasang magkaltas. Hindi rin maaaring ibawas ang mga ito mula sa kabuuang kita hanggang hindi naibabayad ang buwis na kinaltas.
T. Ano ang kaibahan ng kinakaltas na final na buwis (final withholding tax) sa kinakaltas na buwis na pangkredito (creditable withholding tax).
S: Ang kinakaltas na final na buwis ay katumbas ng kabuuang buwis na kinakailangang bayaran ng tumanggap ng kita o kabayaran at hindi na kinakailangang maghain ng return ukol dito.
Sa kinakaltas na buwis na pangkredito, kinakailangan pang maghain ng return ang tumanggap ng kita at bayaran pa ang kulang na buwis, kung mayroon pa.
Halimbawa:
Ang 20% na buwis sa interes ng perang nakalagak sa bangko ay final na buwis. Ito ay hindi isinasama sa kabuuang taunang kita na pinapatawan ng buwis sa pagtatapos ng taon.
Ang 5% na buwis na kinakaltas sa bayad sa renta ay buwis na pangkredito. Kapag ang umuupa na si A ay nagbayad ng P100,000 na renta kay B, ang buwis na kakaltasin ni A ay P5,000 (P100,000 X 5%). Ang P100,000 kita ni B ay isasama sa iba pa niyang kita upang matuos ang kabuuang buwis na kanyang babayaran sa pagtatapos ng taon, gaya ng sumusunod:
Kita mula sa renta sa ibang ari-arian P500,000
Kita mula sa renta ni A 100,000
Kabuuang kita P600,000
Kabawasan sa kita 200,000
Kitang papatawan ng buwis P400,000
Buwis sa korporasyon 34%
Buwis na dapat bayaran 136,000
Bawasin ang buwis na pangkredito 100,000
Nalalabing buwis na babayaran P131,000
T: Kailan maaring gamitin ng taxpayer ang kinaltas na buwis na pangkredito?
S: Ang buwis na kinaltas na pangkredito ay maaring gamitin ng taxpayer bilang pangbayad ng kanyang buwis sa kita. Halimbawa, kapag si Taxpayer A ay nakapagbenta ng P100,000 halaga ng paninda noong 1998 sa Kompanya X, isang malaking taxpayer, ang Kompanya X ay kinakailangang magkaltas ng 1% buwis mula sa kanyang ibabayad kay Taxpayer A. Sa paghahain ng return, ilalagom ni Taxpayer A ang P100,000 sa kanyang iba pang kita. Ang buwis na kinaltas ni Kompanya X ay maaari nang ibawas ni Taxpayer A sa kanyang bayaring buwis sa taong iyon.
T: Ano ang maaaring gawin kapag ang kinaltas na buwis na pangkredito ay humigit sa bayaring buwis ng taxpayer sa pagtatapos ng taon?
S: Dalawang bagay ang maaaring gawin ng taxpayer sa sobrang buwis na pangkredito:
a. Maaari niyang ibawas ang buwis na pangkredito sa mga bayaring buwis sa mga susunod pang panahon. Kinakailangang isama ng taxpayer sa kanyang return ang sipi ng unang pahina ng kanyang return para sa nakaraang panahon na nagpapakita ng halaga nalalabing tax credit. Makikita rin sa return na ang taxpayer ay hindi nag-apply para sa refund o tax credit.
b. Sa loob ng 2 taon matapos makaltas ang buwis, ang sobra ay maaaring ipamalit sa BIR ng cash (refund) o tax credit certificate na magagamit sa iba pang bayaring buwis. Kinakailangang maghain ng kahilingan sa BIR tungkol dito.
T: Anu-ano ang kinakaltasan ng final na buwis?
S: Ang sumusunod na uri ng kita ay kinakaltasan ng final na buwis:
URI NG KITA |
BUWIS |
TAXPAYER |
Interes sa perang nakalagak sa bangko |
20% |
|
25% |
Mga banyagang hindi naninirahan o nagnenegosyo sa Pilipinas |
|
34% sa 1998 33% sa 1999 32% simula sa 2000 |
Mga banyagang korporasyon na hindi residente sa Pilipinas |
|
Interes mula deposito sa foreign currency deposit unit |
7.5%
Libre |
|
Kita mula sa deposit substitutes, trust funds, royalties, premyong hihigit sa P10,000 maliban sa PCSO at lotto |
20%
25% 34% sa 1998 33% sa 1999 32% simula sa 2000 |
|
Royalty sa paggawa ng aklat at komposisyong musikal |
10% |
|
Interes mula sa depositong pangmatagalan at iba pang deposito ayon sa tagal ng paghawak dito |
Higit sa 5 taon - libre 4-5 na taon -5% 3-4 na taon -12% Mababa sa 3 taon - 20% |
|
Dibidendo mula sa korporasyon o partnership |
6% sa 1998 8% sa 1999 10% simula sa 2000 20% 25% 34% sa 1998 33% sa 1999 32% simula sa 2000 |
|
Kita mula sa pagbebenta ng ari-arian |
6% ng halaga ng pagkabili o fair market value |
|
Sweldo sa pamammasukan maliban sa pinapatawan ng fringe benefits tax |
15% |
Banyagang empleyado at Pilipinong empleyado na humahawak ng kaparehong katungkulan ng banyagang empleyado ng
|
Kita mula sa transaksyon sa mga naninirahan sa Pilipinas kabilang ang mga bangko, sangay ng banyagang bangko at iba pang FCDU at OBU |
10% |
FCDU OBU |
Tubo na ipinadadala ng sangay ng korporasyon sa Pilipinas maliban doon sa nasasakupan ng PEZA, SBMA AT CDA |
15% |
Punong tanggapan ng banyagang korporasyon |
Kabuuang kita mula sa loob ng Pilipinas |
25% |
Mga hindi naninirahan sa Pilipinas na nagmamay-ari, o nagpapaupa ng cinematographic films |
Kabuuang kita mula sa renta at charter fees |
4.5% |
Mga hindi naninirahan sa Pilipinas na nagmamay-ari o nagpapaupa ng sasakyang pantubig |
Kabuuang kita mula sa renta, charter at iba pang kita |
7.5% |
Mga hindi naninirahan sa Pilipinas na nagpapaupa ng sasakyang panghimpapawid, makinarya at iba pang kagamitan |
Interes mula sa pagkakautang sa labas ng bansa simula Agosto 1, 1986 |
20% |
Banyagang korporasyon na hindi residente |
Dibidendo mula sa domestic na korporasyon |
15% |
Banyagang korporasyon na hindi residente |
Dagdag na benepisyo na ipinagkakaloob ng employer sa empleyado |
34% sa 1998 33% sa 1999 32% simula sa 2000 25% |
|
Dagdag na benepisyo na ipinagkakaloob ng employer sa empleyado |
15% |
Banyagang empleyado at Pilipinong empleyado na may hawak na parehong katungkulan sa banyagang empleyado ng
|
Pabuya sa informer |
10% |
Mga nagbigay-daan sa pagkatuklas ng paglabag sa Tax Code at pagkahuli ng mga panindang hindi ipinagbayad ng taripa at buwis |
T: Anu-anong bayarin ang mga kinakaltasan ng buwis na pangkredito?
URI NG BAYARIN/TUMANGGAP NG BAYAD |
BUWIS NA KAKALTASIN |
|
10% |
Iba pang uri ng kabayaran sa mga indibidwal |
5% |
Renta sa nagpapaupa ng ari-ariang ginagamit sa negosyo |
5% |
Renta sa cinematographic films at iba pang kabayaran sa nagmamay-ari ng cinematographic films |
5% |
Kabuuang bayad sa:
|
1% |
Pamamahagi ng kita ng estate o trust maliban sa mga kitang libre sa buwis o yaong pinapatawan ng final na buwis |
15% |
Komisyon ng broker ng customs, insurance, real estate o ahente ng mga propesyonal na entertainer |
5% |
Kabayaran ng general propesyonal partnership sa mga partners |
10% |
Kabayaran sa mga doktor sa pamamagitan ng klinik o ospital |
10% |
Halaga ng napagbilhan sa ari-arian ng indibidwal, korporasyon, estate, trust, trust fund o pension fund
- Hindi hihigit sa P500,000
(b) Hindi regular na nagbebents ng ari-arian |
1.5% 3% 5% 7.5% |
Karagdagang bayad sa overtime ng mga empleyado ng pamahalaan mula sa mga importer, kompanya ng bapor or eroplano at kanilang mga ahente |
15% |
Kabayaran ng anumang kompanyang nasa unang 5,000 pinakamalaki sa kanilang lokal na supplier |
1% |
Kabayaran ng ahensya ng pamahalaan sa local na supplier maliban sa solong transaksyon na hindi hihigit sa P10,000 |
1% |
T: Kailangan bang magkaltas ng buwis ang mga employer mula sa empleyado?
S: Karaniwang, kinakaltasan ng buwis ang lahat ng empleyado na tumatanggap ng sweldo mula sa paglilingkod sa loob ng Pilipinas, maging mamamayan man o hindi.
Ang mga empleyadong ang kita ay hindi hihigit sa P5,000 sa isang buwan o P60,000 sa isang taon ay maaaring:
Kapag pinili ng empleyado na magpakaltas ng buwis, kinakailangan niyang lumagda sa nakatalagang BIR form ng pagpapaubaya sa kanyang karapatan na hindi makaltasan. Ito and magsisilbing pahintulot sa kanyang employer na magkaltas ng kaukulang buwis.
Ang mga Filipinong hindi naninirahan sa Pilipinas ay pinapatawan lamang ng buwis sa kanilang kita mula sa loob ng Pilipinas. Ang kanilang kita mula sa labas ng Pilipinas ay libre sa buwis at gayundin sa pagkakaltas ng buwis.
T: Sino ang itinuturing na employer?
S: Ang employer ay isang pinaghahainan ng serbisyo ng isang indibidwal sa ilalim ng relasyong employer-empleyado. Ito rin ay tumutukoy sa isang mayroong kontrol sa pagbabayad ng sweldo kung sakaling ang pinagsisilbihan ay walang kontrol dito. Ang isang nagbabayad ng sweldo para sa isang banyagang indibidwal o korporasyon na hindi nagnenegosyo o naninirahan sa Pilipinas ay itinuturing din na employer.
T: Bukod sa sweldo, ano pa ang ibang kita ng empleyado na kinakaltasan ng buwis?
S: Lahat ng ibinabayad sa paglilingkod ng empleyado ay kinakailangang kaltasan ng buwis, anuman ang tawag o taguri dito. Ang mga sumusunod ay itinuturing na compensation income:
May mga pagkakataon ng ang nasabing kita ay libre sa buwis at hindi na kinakailangang kaltasan nito.
T: Kailan hindi kinakaltasan ng buwis ang bayad sa empleyado?
S: Ang mga sumusunod na bayad o benepisyo ay hindi kinakaltasan ng buwis:
T: Paano tinutuos ang buwis na kakaltasin?
S: Mayroong mga gabay na ipinalalabas ang BIR na nagtatakda ng bahagdan ng buwis base sa katayuan, bilang ng dependents at sweldo ng empleyado. Ang pagtutuos ay isinasagawa ayon sa sumusunod na paraan:
T: Ano ang gagawin ng employer kapag sumobra o nagkulang ang buwis na kinaltas?
S: Bago matapos ang taon o ang kontrata ng empleyado, kinakailangang tuusin ng employer ang kabuuang kita at buwis na dapat bayaran. Ang sobra ay kailangang isauli at ang kakulangan ay kailangan bawasin mula sa nalalabi pang sweldo ng empleyado.
T: Magkano ang personal na kabawasan sa kabuuang kita para sa mga empleyado?
S: Simula sa Enero 1, 1998, bawat empleyado ay maaaring magbawas mula sa kabuuang kita ng mga sumusunod:
Para sa mga walang asawa at mga legal na hiwalay sa asawa na walang dependents - P20,000
Para sa puno ng pamilya (head of family) - P25,000
Ang puno ng pamilya ay tumutukoy sa isang walang asawa o legal na hiwalay sa asawa, na mayroong magulang, kapatid or anak na kasama sa tirahan at umaasa sa kanyang suporta, gayundin ang may tinatangkilik na rehistradong senior citizen. Ang kapatid o anak ay hindi hihigit sa 21 taong gulang, hindi kasal at hindi naghahanapbuhay, o higit sa 21 taong gulang subalit may kapansanang sa pag-iisip o pisikal.
Para sa mga may asawa - P32,000
Ang isang may-asawa o pinuno ng pamilya ay may karagdagang kabawasan na P8,000 sa bawat dependent na hindi hihigit sa apat.
Ang asawang lalaki ang may pangunahing karapatan sa karagdagang kabawasan maliban kung magbibigay siya ng pahintulot sa kanyang asawa. Kapag ang isang asawa ay walang hanapbuhay o naninirahan at naghahanapbuhay sa ibang bansa, ang asawang naninirahan sa Pilipinas ang bibigyan ng karagdagang kabawasan.
T: Anu-ano ang kinakailangang gawin ng empleyado upang magamit ang kaukulang kabawasan sa buwis?
S: Kinakailangang maghain ang empleyado ng aplikasyon sa pagrerehistro (BIR Form No. 1902) sa oras na maempleyo. Sakaling may pagbabago sa katayuan, kahilangang magharap ng Withholding Compensation and Exemption Certificate (Form No. 2305).
T: Kinakailangan bang magparehistro ang mga empleyado bilang taxpayer?
S: OO, lahat ng empleyado ay kinakailangang pagparehistro bilang taxpayer. Kinakailangan niyang magharap ng Aplikasyon sa Pagpaparehistro ng Indibidwal na swelduhan (BIR Form No. 1902) na naglalaman ng mga sumusunod na impormasyon:
Ang mga sumusunod ay kinakailangang isama sa aplikasyon:
Kasunduan ng kasal
Desisyon ng korte sa legal na paghihiwalay
Katibayan ng kapanganakan ng mga dependent
Katibayan ng paghahanapbuhay ng asawa sa ibang bansa
Pahintulot ng asawang lalaki na magamit ng asawang babae ang kabawasan sa buwis para sa mga anak
Pahintulot ng taxpayer sa pagkakaltas ng buwis sakaling ang kabuuang taunang kita ay hindi hihigit sa P60,000
Katunayan ng pagkakaroon ng kapansanang pisikal o sa pag-iisip ng dependent
Desisyon ng korte sa pag-aampon ng anak
Katunayan ng pagkamatay
Katibayan ng pagiging libre sa buwis ng senior citizen
T: Kailan kinakaltas ang buwis mula sa empleyado?
S: Ang buwis ay kailangang kaltasin sa oras ng pagbabayad sa empleyado. Mayroong mga gabay na ipinalabas ang BIR kung paano tinutuos ang buwis na kakaltasin maging ito man ay pang-araw-araw, lingguhan, buwanan, tuwing ikatlong buwan, tuwing hating-taon, o taunan.
T: Ang buwis ba na kinakaltas sa empleyado ay final o pangkredito?
S: Ang buwis na kinakaltas sa empleyado ay pangkredito. Kinakailangang sa pagtatapos ng taon ay magsubmit ng return ang empleyado upang ilahad ang kanyang kabuuang kita gayundin ang mga buwis na kinaltas dito upang matiyak ang tamang buwis na bayarin.
Ang employer ay inaatasang kaltasin ang lahat ng dapat na buwis na pananagutan ng empleyado kaugnay ng kanyang kita mula sa employer upang sa pagtatapos ng taon, ang buwis na kinaltas ay katumbas ng kanyang pananagutang buwis.
T: Anu-ano ang katungkulan ng employer bilang ahente sa pagkakaltas?
S: Ang buwis na kinaltas ng employer ay ilalagay sa isang special fund (trust) para sa Pamahalaan. Sinumang inaasahang magbabayad ng sweldo na hindi bababa sa P60,000 sa loob ng taon, o P5,000 sa isang buwan, sa isang empleyado ay kailangang magparehistro sa pamamagitan ng paghahain ng Aplikasyon ng Pagrerehistro sa Revenue District Office na nakakasakop sa lugar ng kanyang tirahan o tanggapan sa loob ng 10 araw matapos maging employer.
Ang employer ay maghahain ng return at magbabayad ng buwis nang hindi lalagpas ang ika-10 araw ng buwang sumunod sa buwan ng pagkakaltas sa isang pinahintulutang bangko sa lugar na nasasakupan ng Revenue District Office kung saan matatagpuan ang tanggapan o tirahan ng employer. Ang buwis na kinaltas sa huling pagpapasahod sa loob ng taon ay kailangang ibayad nang hindi lalagpas ang ika-25 ng Enero ng susunod na taon. Para sa malalaking taxpayers, ang buwis na kinaltas ay kinakailangang ibayad nang hindi lalapas ang ika-25 ng susunod na buwan.
Inaatasan din ang employer ng magbigay ng Katunayan ng Buwis na Kinaltas sa sweldo (BIR Form No. 2316, dating Form No. W-2). Ang katunayan ay kailangang ibigay sa empleyado bago matapos ang taon kasabay ng huling pagbabayad ng sweldo.
T: Ano ang parusa sa hindi pagtalima sa mga alituntunin sa pagkakaltas ng buwis?
S: Ang mga sumusunod ang kaukulang parusa sa hindi tumatalima:
Sisingilin din ang interes na 20% sa bawat taon sa halagang hindi pa nababayaran hanggang sa ito ay mabayaran.
Magbabayad din siya ng hindi bababa sa P10,000 at makukulong ng hindi bababa sa isang taon subalit hindi hihigit sa 10 taon.
T: Paano nagiging pangkredito ang buwis na kinakaltas para sa VAT?
S: Ang VAT sa pagbebenta ng mga paninda at serbisyo ay karaniwang hindi kinakaltas. Ang mga ibinabayad lamang ng pamahalaan sa binibiling gamit at serbisyo ang kinalkaltasan ng buwis ayon sa sumusunod na bahagdan:
Bayad sa biniling gamit 3%
Bayad sa serbisyo 6%
Bayad sa kontraktor sa public works 8.5%
Bayad sa renta 10%
T: Kailan dapat ibayad ang VAT na kinaltas?
S: Ang buwis ay dapat ibayad, kasama ang buwanang VAT Tax Declaration (BIR Form 2550M), sa isang pinahintulutang bangko sa lugar na nasasakupan ng Revenue District Office na nakakasakop sa tanggapan ng pamahalaan sa loob ng 10 araw matapos ang buwan kung kailan kinaltas ang VAT. Ang VAT na kinaltas sa huling buwan ng tatluhang buwan ay ibabayad kasama ng Quarterly VAT return (BIR Form 2550Q) nang hindi lalagpas ang 25 araw matapos ang tatluhang buwan.
T: Anu-anong bayarin ang kinakaltasan ng bahagdang buwis?
S: Ang binabayaran ng pamahalaan sa mga pribadong indibidwal, korporasyon, partnerships at/o asosyasyon ay kinakaltasan ng buwis gaya ng sumusunod:
URI NG BAYARIN/TUMANGGAP NG BAYAD |
BUWIS NA KAKALTASIN |
Mga libre sa VAT dahil ang kabuuang benta ay hindi hihigit sa P550,000 |
3% |
Domestic carriers |
3% |
Carriers na panghimpapawid at panglupa na pang-internasyonal |
3% |
May hawak ng prangkisa sa radio o telebisyon na may taunang kita na hindi hihigit sa P100,000 sa nakaraang taon |
3% |
May hawak ng prangkisa sa serbisyo ng kuryente, gas at tubig |
2% |
Mga bangko at intermedyarong pinansyal na hindi bangko Sa interes, komisyon, discount, base sa nalalabing taon ng instrumento Maikling panahon (hindi hihigit sa 2 taon) Di-kahabaang panahon (2 - 4 na taon) Pang-mahabang panahon (4-7 na taon) Higit sa 7 taon Sa dibidendo Sa royalties, renta ng ari-arian, kita sa palitan at iba pang kita |
5% 3% 1% 0% 0% 5% |
Kompanyang pinansyal at iba pang intermediaryong pinansyal na hindi gumagawa ng tungkuling quasi-banking
Maikling panahon (hindi hihigit sa 2 taon) Di-kahabaang panahon (2 - 4 na taon) Pang-mahabang panahon (4-7 na taon) Higit sa 7 taon |
5%
5% 3% 1% 0% |
Kompanya ng seguro sa buhay |
5% |
Ahente ng banyagang kompanya ng seguro |
10%/15% |
May-ari, Umuupa o operator ng
|
18% 18% 10% 15% 30% |
Pagbebenta o pakikipagpalitan ng stocks na nakalista at ibinebenta sa lokal na stock exchange |
½ ng 1% ng halaga ng pagkabenta |
Stocks na ibinenta o ipinamalit sa pamamagitan ng initial public offering Hindi hihigit sa 25% 25% - 33 1/3% Higit sa 331/3% |
4% 2% 1% |
T: Kailan dapat ibayad ang bahagdang buwis na kinaltas?
S: Ito ay dapat ibayad, kasama ang Buwanang Return ng Buwis ng kinaltas sa bayarin ng pamahalaan (BIR Form 1600) sa loob ng 10 araw matapos ang buwan kung kailan kinaltas ang buwis.