REVENUE REGULATIONS BLG. 3-98
BUWIS SA MGA DAGDAG NA BENEPISYO (FRINGE BENEFITS TAX)
T: Ano ang Fringe Benefits Tax?
S: Ang Fringe Benefits Tax (FBT) ay isang buwis na ipinapataw sa mga dagdag na benepisyo (fringe benefits) na ipinagkakaloob o ibinibigay ng isang employer sa isang empleyadong may tungkuling tagapamahala (managerial) or tagapamanihala (supervisory).
T: Sino ang dapat magbayad ng FBT?
S: Ang FBT ay isang uri ng buwis sa dagdag na regular na kita ng empleyado na binabayaran ng employer para sa empleyado. Kung susuriin ang paraan ng pagtutuos sa FBT, mapapansin na ipinalalagay ng batas na kasama sa halaga ng benepisyo ang kaukulang buwis na dapat sana ay binayaran ng empleyado.
Ang FBT ay ipinapataw sa lahat ng uri ng employer, maging ito man ay isang indibidwal, partnership na propesyonal o korporasyon. Saklaw ng FBT maging ang mga korporasyon na libre sa buwis, at ang pamahalaan ng Pilipinas at mga sangay nito.
T: Ano ang pinapatawan ng FBT?
S: Ang FBT ay ipinapataw sa mga dagdag na benepisyo (fringe benefits) na ibinibigay sa mga empleyadong may tungkuling tagapamahala (managerial) at tagapamanihala (supervisory) simula Enero 1, 1998. Ang mga dagdag na benepisyo na ipinagkakaloob sa empleyadong nasa rank and file ay hindi saklaw ng FBT.
T: Sino and itinuturing na mga empleyadong tagapamahala, tagapamanihala at rank and file?
S: Ang empleyadong tagapamahala (managerial employees) ay isang empleyadong may kapangyarihang magtakda at magpatupad ng mga patakaran ng kompanya at tumanggap, maglipat, magsuspinde, magtiwalag, magpabalik sa tungkulin, magtalaga at magdisiplina ng empleyado.
Ang empleyadong tagapamanihala (supervisory employee) ay mga empleyadong nakapagmumungkahi para sa ikabubuti ng employer ng mga desisyon at aksyon na hindi pangkaraniwan at nangangailangan ng malayang pagpapasya.
Ang empleyadong rank and file ay yaong hindi tagapamahala o tagapamanihala.
T: Ano ang dagdag na benepisyo o fringe benefits?
S: Ang "fringe benefit" ay tumutukoy sa pera o anumang bagay, serbisyo o benepisyo na ibinibigay o ipinagkaloob ng employer sa isang empleyadong hindi rank and file, bukod sa kanyang sweldo, kagaya ng mga sumusunod:
katulad na samahan
higit sa itinatadhana o iniuutos sa batas.
T: Lahat ba ng benepisyo na ipinagkakaloob sa empleyado ay saklaw ng FBT?
S: Hindi. Ang mga sumusunod na benepisyo ay hindi saklaw ng FBT:
T: Ano ang mga benepisyong de minimis?
S: Ang mga benepisyong de minimis ay tumutukoy sa mga benepisyong hindi kamahalan ang halaga na ibibigay ng employer sa mga empleyado upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan, mabuting samahan, kapanatagan at kahusayan ng mga empleyado tulad ng mga sumusunod:
Pabahay sa mga opisyal na militar ng Armed Forces of the Philippines kabilang ang Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force
Pabahay na nakatayo sa loob o hindi lalayo ng 50 metro sa kinatatayuan ng negosyo o pabrika
Pansamantalang pabahay sa empleyadong maninirahan nang hindi hihigit sa 3 buwan
Mga gastusin ng empleyado na binabayaran ng employer kung ang resibo nito ay nakapangalan sa employer at ang pinagkagastusan ay hindi para sa personal na kapakinagangan ng empleyado
Mga sasakyang ginagamit sa pagbebenta, paghahakot, pagdedeliber at iba pang paggamit na hindi pangsarili.
Paggamit ng mga sasakyang panghihimpapawid kabilang ang helikopter na pag-aari ng employer
Mga gastusing binabayaran ng employer para sa paglalakbay ng empleyado sa ibang bansa upang dumalo sa pulong o convention kaugnay ng negosyo. Ang convention ay patutunayan sa pamamagitan ng opisyal na paanyaya o komunikasyon mula sa namamahala ng convention o mula sa mga kasama sa pulong.
T: Paano tinutuos ang FBT?
S: Ang FBT ay tinutuos ayon sa sumusunod na paraan:
FBT = Halaga ng benepisyo X Bahagdan ng FBT
Bahagdan sa pagtuos ng kabuuang halaga
Ang bahagdan ng FBT ay 34% sa 1998, 33% sa 1999 at 32% sa taong 2000.
Ang bahagdang itinatakda ng batas na gagamitin sa pagtutuos ng kabuuang halaga na papatawan ng FBT ay ang mga sumusunod:
Simula Enero 1, 1998 66%
Simula Enero 1, 1999 67%
Simula Enero 1, 2000 68%
Halimbawa:
Noong 1998, si Manuel, isang tagapamahala sa Kompanya A, ay nakapagtala ng 150% pagtaas ng kanilang taunang benta. Bilang pagkilala sa kanyang kahanga-hangang nagawa, siya at ginantimpalaan ng Kompanya A ng isang bagong kotse na nagkakahalaga ng P550,000.
Kaugnay ng nasabing dagdag na benepisyo, ang Kompanya A ay magbabayad ng FBT ayon sa sumusunod na pagtutuos:
FBT = P550,000 X 34%
66%
= P283,333.33
T: Saklaw ba ng mga bahagdan ng FBT na nabanggit sa itaas ang lahat ng employers?
S: Hindi. May ibang bahagdan ng FBT na itinatakda sang-ayon sa katayuan ng indibidwal tulad ng sumusunod:
Bahagdan Bahagdan
ng FBT sa Pagtuos
ng Kabuuang
Halaga ________ ___________
Banyagang indibidwal na hindi naninirahan,
nagnenegosyo o naghahanap-buhay sa
Pilipinas 25% 75%
Banyagang indibidwal na empleyado ng
panrehiyong punong tanggapan, kinatawang
tanggapan, banyagang kontraktor sa operasyon
ng petrolyo sa Pilipinas 15% 85%
Pilipinong empleyado ng mga kompanyang
nabanggit sa itaas at may hawak ng kaparehong
posisyon sa mga banyagang empleyado 15% 85%
Ang mga empleyado sa loob ng special economic zones ay papatawan ng FBT batay sa kanilang katayuan at employer sang-ayon sa mga alitintuning nabanggit sa itaas. Halimbawa, kapag ang dagdag na benepisyo ay ibinigay sa empleyado ng kinatawang tanggapan na matatagpuan sa loob ng special economic zone, ang bahagdan ng FBT ay 15%. Kapag ang empleyado ay namamasukan sa isang regular na kompanya, ang normal na bahagdan ng FBT ang paiiralin.
T: Paano tinutuos ang halaga ng benepisyo na papatawan ng FBT?
S: Kapag ang dagdag na benepisyo na ibinigay ay pera o kaya’y isang bagay o serbisyo na binayaran ng employer, ang halaga ng dagdag na benepisyo ay ang ibinigay o ibinayad ng employer.
Kapag ang dagdag ng benepisyo na ibinigay ay isang bagay o ari-arian at ang pagmamay-ari ay isinalin sa pangalan ng empleyado, ang halaga ng fringe benefit na ito ay katumbas ng fair market value ng ari-arian ayon sa Sek. 6 (E) ng NIRC.
Kapag ang fringe benefit na ibinigay ay ang karapatan sa paggamit ng ari-arian subalit ang pagmamay-ari ay nanatili sa pangalan ng employer, ang halaga ng fringe benefit ay katumbas ng gastusing nakatala sa pagkaluma o pagkasira ng ari-arian.
Sa kaso ng ibang uri ng benepisyo, ang pagtutuos ng halaga ay nakatakda sa regulasyon na ito.
Pabahay o bahay
Kapag ang employer ay umupa ng bahay upang gamitin ng empleyado, ang halaga ng dagdag na benepisyo ay katumbas ng 50% ng upa sa bahay. Ang kasunduan sa pag-upa ay kinakailangang nasa pangalan ng employer.
Kapag ang bahay na pag-aari ng employer ay ipinagamit upang maging karaniwang tirahan ng empleyado, ang halaga ng benepisyo ay 5% ng market value ng lupa at bahay na isinasaad sa Real Property Tax Declaration Form o ng zonal value ayon sa Sec.6(E) ng NIRC, alinman ang higit na mataas ang halaga. Ang halaga ng dagdag na benepisyo na saklaw ng FBT ay 50% ng halaga ng benepisyo.
Kapag ang bahay na binili ng employer nang hulugan ay ipinagamit sa empleyado, ang halaga ng benepisyo sa taong pinag-uusapan ay 5% ng halaga ng pagkakabili, hindi kasama ang interes. Ang halaga ng dagdag na benepisyo na saklaw ng FBT ay 50% ng halaga ng benepisyo.
Kapag ang bahay ay binili ng employer ay inilipat sa empleyado ang pagmamay-ari nito, ang halaga ng benepisyo na siya ring halaga ng dagdag na benepisyong saklaw ng FBT at katumbas ng halaga ng pagkabili ng employer o ng zonal value, alinman ang higit na mataas ang halaga.
Sasakyan o behikulo
Kapag ang employer ay bumili ng sasakyan at ipinangalan sa empleyado, ang halaga ng benepisyo ay katumbas ng halaga ng pagkabili.
Kapag ang employer ay bumili ng sasakyan nang hulugan at ipinangalan sa empleyado, ang halaga ng dagdag na benepisyo ay katumbas ng 1/5 ng halaga ng pagkakabili, hindi kasama ang interes
Kapag ang empleyado ay binigyan ng employer ng perang pambili ng sasakyan na ipinangalan sa empleyado ang halaga ng dagdag na benepisyo ay katumbas ng halaga ng perang ibinigay maliban kung ang perang ibinigay ay itinuring na compensation income at kinaltasan ng buwis ayon sa Revenue Regulations No. 2-98.
Kapag ang employer ay nagmamay-ari ng mga sasakyang ginagamit sa negosyo at ng mga empleyado, ang halaga ng benepisyo ay katumbas ng 1/5 ng halaga ng pagkabili. Ang mga sasakyang karaniwang gingamit sa pagbebenta ng produkto, panghakot, at pang-deliver at iba pang gamit na hindi pang-personal at mga sasakyang panghimpapawid (kabilang ang helikopter) ay hindi saklaw ng FBT.
Ang paggamit ng empleyado ng yate maging ito ay pag-aari o inuupahan ng employer ay papatawan ng FBT. Ang benepisyo ay hahalagahan base sa taunang gastusing nakatala sa pagkasira o pagkaluma (depreciation) sa loob ng 20 taon.
Gastusin sa paglalakbay sa ibang bansa.
Kapag ang empleyado ay binigyan ng tiket na first class, ang halaga ng dagdag na benepisyo ay 30% ng halaga ng tiket.
Ang mga gastusin binayaran ng employer para sa paglalakbay sa ibang bansa ng pamilya o kaanak ng empleyado ay papatawan ng FBT.
Expense Account
Ang mga personal na gastusin ng emleyado na direktang binayaran ng employer o binayaran ng employer sa empleyado ay papatawan ng FBT maging ito man ay nakaresibo o hindi sa pangalan ng employer.
Ang mga representasyon at transportasyon allowance na regular na tinatanggap ng empleyado kasama ng kanyang regular na sweldo ay hindi papatawan ng FBT subalit ituturing na compensation income at papatawan ng income tax sang-ayon sa Sec. 24 ng NIRC.
Pautang ng employer sa empleyado
Kapag ang empleyado ay pinautang ng employer ng walang interes, ang interes na hindi siningil na ipalalagay sa 12% ay ituturing na dagdag na benepisyo.
Kapag ang employer ay nagpautang sa empleyado sa interes na mas mababa sa 12% sa isang taon, ang kulang ng interes sa 12% ay papatawan ng FBT. Ang batayang interes na 12% ay iiral hanggang sa may ibang batayang interes na itakda sa regulasyon.
Ang regulasyong ito ay paiiralin hinggil sa pahulugan o pautang sa interes na mas mababa sa 12% simula Enero 1, 1998.
Gastusin sa pag-aaral ng empleyado o ng kanyang pamilya:
Ang libreng pagpapaaral (scholarship) na ipinagkaloob sa empleyado ay hindi papatawan ng FBT kung ang pag-aaralan ay may direktang kaugnayan sa negosyo ng employer at kung may pipirmahang kontrata ang empleyado na mananatili siya sa kompanya sa loob ng tiyak na haba ng panahon na mapagkakasunduan.
Ang scholarship na ipinagkaloob ng employer sa pamilya (dependents) ng empleyado ay hindi papatawan ng FBT kung ito ay natamo matapos makapasa sa pagsusulit o pagsasala sa ilalim ng program sa scholarship ng konpanya.
Seguro (Insurance)
Ang mga kotribusyon ng employer para sa empleyado sa GSIS o SSS at iba pang katulad nito na itinatadhana ng batas ay hindi papatawan ng FBT.
Ang premium na binabayaran ng employer para sa group insurance ng mga empleyado ay hindi saklaw ng FBT.
T: Kailan kinakailangang bayaran ang FBT?
S: Ang FBT ay kailangang bayaran ng employer tuwing ikatlong buwan. Ang buwis ay kinakailangang bayaran kasabay ng pagsubmit ng return sa loob ng 25 araw matapos ang pagsasara ng tatlong buwan kung kailan ang buwis ay kinaltas.
T: Kailan sisimulang bayaran ang FBT?
S: Ang FBT ay babayaran sa lahat ng dagdag na benepisyong ibinigay simula Enero 1, 1998.
Walang parusa sa pagbabayad nang huli sa FBT para sa unang tatlong buwan ng 1998 (Enero-Marso) kung ito ay babayaran nang hindi lalagpas and Hulyo 25, 1998.
(Nagpapatupad sa Sek. 33 ng 1997 Tax Code, na sinusugan ng RA No. 8424; Ipinalabas noong Mayo 21, 1998; Magkakabisa sa Enero 1, 1998.