REVENUE REGULATIONS BLG. 6-98

MGA PARAAN NG PAGBABAYAD NG BUWIS

 

T: Anu-ano ang mga paraan ng pagbabayad ng buwis?

S: Ang buwis ay maaaring bayaran sa alinman sa sumusunod na paraan:

    1. Pagbabayad sa counter ng bangko
    2. Pagbabawas o pagdebit ng halaga ng buwis sa deposito ng taxpayer sa bangko
    3. Pagkakarga ng buwis bilang utang sa bangko o anumang kompanyang nagpapautang
    4. Tseke, maging ito ay personal, tseke ng kompanya o tseke ng kahero o manedyer.

Kapag magbabayad sa pamamagitan ng pagbabawas ng buwis sa deposito sa bangko o sa pag-utang sa bangko o anumang kompanyang nagpapautang, kinakailangang mayroong account ang taxpayer sa bangko na pinahintulutang kinatawan ng BIR kung saan maghaharap ng tax return o magbabayad ng buwis.

(Nagpapatupad sa Seksyon 56, 58, 81, 103, 114, 130 at 200 ng 1997 Tax Code, na sinusugan ng RA No. 8424; Ipinalabas noong Hulyo 13, 1998; Magkakabisa simula sa Hulyo 13, 1998)



Back to Main PageBack to Index