REVENUE REGULATIONS BLG. 8-98
PAGBUBUWIS SA PAGBEBENTA, PAGLILIPAT O
PAGPAPALITAN NG ARI-ARIAN
T: Anong buwis ang ipinapataw sa kita mula sa pagbebenta, paglilipat o pagpapalitan ng ari-arian?
S: Ang kita o tubo na ipinalalagay na nakamit mula sa pagbebenta, paglilipat o pagpapalitan ng ari-ariang itinuturing na capital asset na matatagpuan sa Pilipinas ay pinapatawan ng buwis na 6% base sa halaga ng pagkabenta o fair market value ng ari-arian, alin man ang higit na mataas ang halaga.
Kapag ang ari-arian ay ibinenta ng isang indibidwal sa gobyerno o sa korporasyon na kontralado nito, maaaring mamili ang taxpayer kung nais niyang mabuwisan sa 6% o isama ang tubo sa iba pa niyang kita at mabuwisan sa regular na income tax.
T: Kailan itinuturing na "capital asset" ang ari-arian?
S: Ang "capital asset" ay sumasaklaw sa mga ari-ariang hindi kabilang sa mga sumusunod:
Ang capital asset ay maaaring mayroon o walang kaugnayan sa negosyo o hanapbuhay ng taxpayer.
T: Saan at kailan dapat bayaran ang buwis?
S: Sa loob ng 30 araw matapos ang bilihan o palitan, ang 6% buwis ay kinakilangang bayaran sa isang bangko na pinahintulutan ng BIR sa lugar na nasasakupan ng BIR Revenue District Office kung saan matatagpuan ang ari-arian.
T: Kapag ang ari-arian na ipinagbili ay isang ordinaryong asset, ano ang nakatakdang buwis?
S: Sa kaso ng ordinaryong asset, ang tubo mula sa bilihan o palitan ay saklaw ng regular na buwis sa kita. Ang nakabili ay may katungkulan na magkaltas ng buwis mula sa nagbenta na maaari nitong ibawas sa buwis sa kita na babayaran sa katapusan ng taon. Ang sumusunod na bahagdan ng buwis ay ipapataw sa halaga ng bilihan o palitan o sa fair market value, alinman ang mas mataas ang halaga:
Kapag ang nagbenta ay nakatala sa HLURB sa hanapbuhay na pagbebenta ng lupa, ang halaga ng buwis ay sang-ayon sa halaga ng bilihan gaya ng sumusunod:
Hindi hihigit sa P500,000 1.5%
Higit sa P500,000 ngunit hindi
hihigit sa P2.0 milyon 3.0%
Higit sa P2.0 milyon 5.0%
Kapag ang pagbebenta ng lupa ay hindi hanapbuhay ng magbenta 7.5%
Kapag ang nagbenta ay libre sa buwis libre o 0%
T: Kailan dapat ibayad sa BIR ng nakabili ang buwis na kanyang kinaltas sa nagbenta.
S: Ang buwis na kinaltas ng nakabili sa nagbenta ay dapat bayaran kasabay ng paghaharap ng tax return sa isang bangko na pinahintulutang kinatawan ng BIR sa lugar na nasasakupan ng BIR Revenue District Office kung saan matatagpuan ang ari-arian. Ang pagbabayad ay hindi dapat lalagpas sa 10 araw makalipas ang buwan nang maganap ang bilihan. Ang buwis na kinaltas sa buwan ng Disyembre ay maaaring ibayad hanggang Enero 25 ng sumunod na taon.
Sa kaso ng malalaking taxpayers, ang buwis ay dapat ibayad nang hindi lalagpas sa 25 araw matapos ang buwan nang maganap ang bilihan.
T: Maaari bang makaiwas ang taxpayer sa pagbabayad ng capital gains tax?
S: Hindi. Ang Tax Clearance (TCC) o Pahintulot sa Pagrerehistro (Certificate Authorizing Registration o CAR) na ipinalalabas ng BIR ay kinakailangang iharap sa Registry of Deeds bago maitala ang ari-arian sa pangalan ng bagong may-ari.
(Nagpapatupad sa Seksyon 24 (D) (1) at Seksyon (D) (5) ng 1997 Tax Code na sinusugan ng RA No. 8424; Ipinalabas noong Agosto 25, 1998; Magkakabisa 15 araw matapos malathala sa isang diaryong may malawakang sirkulasyon.)