REVENUE REGULATIONS BLG. 10-98

PAGBUBUWIS SA KITA MULA SA FOREIGN CURRENCY DEPOSIT AT OFFSHORE BANKING SYSTEMS

 

T: Ano ang nakatakdang buwis sa interes mula sa dolyar at iba pang banyagang salapi na nakalagak sa bangko?

S: Ang interes na tinatanggap ng isang naninirahan sa Pilipinas (residente) mula sa dolyar at iba pang salaping banyaga na nakalagak sa Offshore Banking Unit (OBU) o Foreign Currency Deposit Unit (FCDU) ay kinakaltasan ng buwis na 7.5%.

Walang buwis ang interes na tinatanggap ng isang hindi naninirahan sa Pilipinas.

T: Sinu-sino ang itinuturing na naninirahan sa Pilipinas (residente)?

S: Ang mga sumusunod at itinuturing na naninirahan sa Pilipinas (residente):

T: Anu-anong katibayan ang kinakailangan ng isang hindi naninirahan sa Pilipinas?

S: Para sa isang indibidwal, alinman sa mga sumusunod na katibayan ay maaring gamitin:

Sa kaso ng korporasyon, ang orihinal o pinatunayang sipi ng mga sumusunod ay kinakailangan:

T: Anu-ano ang iba pang kinakailangan upang malibre sa buwis?

S: Ang deposito ay kinakailangang nakapangalan sa indibidwal o korporasyon na hindi naninirahan sa Pilipinas. Kinakailangan din na ang taxpayer ay magbigay ng pahintulot sa bangko na isama ang kanyang pangalan sa talaan na ibibigay ng bangko sa BIR.

T: Ano ang buwis na ipapataw sa interes mula sa dolyar at iba pang salaping banyaga na nakalagak sa bangko sa pangalan ng isang OCW or Pilipinong seaman?

S: Kapag ang deposito ay nakapangalan sa Pilipinong OCW o seaman at sa isa pang naninirahan sa Pilipinas, kalahati lamang ng interes ang papatawan ng buwis na 7.5%.

T: Paano sinisingil ang nasabing buwis sa interes?

S: Ang buwis ay kakaltasin ng bangko at ibabayad sa BIR. Ang bangko ay inaatasan ding magbigay sa BIR ng talaan ng lahat ng hindi kinaltasan ng buwis sa interes.

T: Ano ang FCDU at OBU?

S: Ang FCDU ay isang bahagi ng bangkong itinatag sa ilalim ng batas ng Pilipinas o kaya’y isang sangay ng bangkong dayuhan na pinahintulutan ng BSP na magbangko kaugnay ng mga salaping banyaga.

Ang OBU ay isang sangay ng bangkong dayuhan na pinahintulutan ng BSP na magbangko sa Pilipinas.

T: Ano ang buwis na sinisingil sa mga FCDU at OBU?

S: Ang mga FCDU at OBU ay kinakaltasan ng final na buwis na 10% ng kanilang kita mula sa pagbabangko, pagpapautang at iba pang transaksyon na kinapapalooban ng salaping banyaga.

Hindi kabilang sa pinapatawan ng buwis ang kita mula sa pakikipagtransaksyon sa mga hindi naninirahan sa Pilipinas.

Ang iba pang kita ng FCDU at OBU ay pinapatawan ng katulad na buwis na ipinapataw sa mga korporasyon na itinatag sa ilalim ng batas ng Pilipinas. Halimbawa, ang kita mula sa pagpapasangguni at pagpapaupa ay pinapatawan ng regular na buwis sa kita ng korporasyon. Ang kita mula sa pagbebenta o pakikipagpalitan ng stocks sa labas ng stock exchange ay may buwis na 5% sa unang P100,000 at 10% sa hihigit sa P100,000.

T: Paano sisingilin ang 10% na buwis?

S: Ang indibidwal o korporasyon na nagbabayad sa OBU o FCDU ang kakaltas ng buwis at magbabayad nito sa BIR.

T: Kailangan bang magharap ng tax return ang FCDU at OBU?

S: Oo. Ang FCDU at OBU ay kinakailangang magharap ng kaukulang tax return sa mga kita na pinapatawan ng regular na buwis sa korporasyon. Kasamang itatala sa tax return ang mga kitang nakaltasan ng final na buwis at gayundin ang mga sumusunod na kaalaman:

T: Kailan magkakabisa ang mga alituntuning nasasaad dito?

S: Ang mga alituntuning nasasaad dito ay sasaklaw sa kitang natanggap simula Enero 1, 1998. Sa kaso ng salaping nakalagak sa bangko bago pa ang Enero 1, 1998, ang buwis ay ipapataw lamang sa bahagi ng interes na natanggap simula Enero 1, 1998.

(Nagpapatupad sa Seksyon 24, 25, 27 at 28 ng 1997 Tax Code na sinusugan ng RA 8424; Ipinalagas noong Agosto 25, 1998; Magkakabisa simulas Enero 1, 1998)

 



Back to Main PageBack to Index