REVENUE REGULATIONS BLG. 13-98

REGULASYON SA DONASYON O REGALO BILANG KABAWASAN

PARA SA INCOME TAX

T: Ano ang benepisyo sa buwis na matatamasa sa pagbibigay ng donasyon sa karapat-dapat na institusyon?

S: Maaaring ibawas ng mga sumusunod na taxpayer sa kanyang kabuuang kita (gross income) ang mga donasyon o regalong ipinagkaloob sa karapat-dapat na non-stock, non-profit na korporasyon o samahang hindi pampamahalaan (non-government organizations o NGOs).

Korporasyon

Indibidwal na mangangalakal o nagnenegosyo

Propesyunal

Ang mga nasabing donasyon ay libre sa donor’s tax kapag hindi hihigit sa 30% nito ang gagastusin para sa pamamahala ng korporasyon o NGO.

T: Anong bahagi ng donasyon o regalo ang maaaring maging kabawasan sa income tax?

S: Sa kaso ng donasyon, kontribusyon o regalo sa isang karapat-dapat na non-stock at non-profit na korporasyon, ang maaaring ibawas sa kabuuang kita na papatawan ng buwis ay hindi hihigit sa 10% ng kitang papatawan ng buwis (taxable income) ng indibidwal at 5% sa korporasyon.

Sa kaso ng karapat-dapat na NGO, maaaring ibawas ang buong halaga ng donasyon.

T: Ano ang non-stock, non-profit na korporasyon o organisasyon?

S: Ito ay isang korporasyon o organisasyon na itinatag sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas at ang tanging layunin ay kabilang sa mga sumusunod:

 

T: Ano ang samahang hindi pampamahalaan (non-government organization o NGO)?

S: Ang NGO ay isang non-stock, non-profit na korporasyon o organisasyon at tanging itinataguyod para sa sumusunod na layunin:

Walang anumang bahagi ng kita ng NGO ang napupunta sa kapakanan ng pribadong indibidwal. Bukod dito, kinakailangang ang NGO ay makatalima sa mga sumusunod:

T: Sino ang magpapatunay sa mga institusyong maaaring bigyan ng donasyon o kontribusyon?

S: Itinalaga ng Kalihim ng Pananalapi ang Philippine Council for NGO Certification Inc. (PCNC) upang magpatunay sa mga karapat-dapat na institusyon. Ito ay isang non-stock, non-profit na korporasyon na itinatag ng ilang ugnayan ng NGO kabilang ang Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO), Philippine Business for Social Progress (PBSP), Association of Foundations (AF), League of Corporate Foundations (LCF), Bishops-Businessmen’s Conference for Human Development (BBC), at ang National Council for Social Development Foundation (NCSD).

Sa pagtatalaga sa PCNC, isinaalang-alang ng DOF na ito ay may mga kasaping NGO sa buong bansa na binubuo ng:

T: Anong paraan ang susundin sa akreditasyon?

S: Ang mga iteresadong organisasyon ay maghaharap ng kahilingan sa itinalagang ahensya at pasasailalim sa pagsusuri.

Sa pagsusuri, ang itinalagang ahensya ay gagamit ng tiyak na pamantayan tulad ng misyon at layunin ng organisasyon; kakayahan; pagpapatupad ng mga palatuntunan; at pagpaplano sa hinaharap.

Sa kaso ng mga bagong tatag na organisasyon na may pambansang kahalagahan maaaring hindi na sila hingan ng Kalihim ng Pananalapi ng mga nasuring ulat pananalapi kung imumungkahi ng itinalagang ahensya.

Ang mga nakapasang organisasyon ay tatanggap ng Katibayan ng Pagiging Karapat-dapat (Certificate of Accreditation) mula sa itinalagang ahensya. Ang Katibayan ay may bisa na limang taon para sa mga datihang organisasyon at 3 taon naman sa mga bagong tatag.

Ang mga hindi makakapasa ay pasasabihan ng itinalagang ahensya at bibigyan ng palugit na isang taon upang magawa ang mga mungkahi ng itinalagang ahensya at makapagharap na muli ng kahilingan sa akreditasyon.

Ang Kalihim ng Pananalapi at Komisyonado ng BIR ang titingin, susubaybay at makikipag-ugnayan sa itinalagang ahensya upang matiyak na ang mga tuntunin sa akreditasyon ay naipatutupad.

T: Kinakailangan pa bang magpa-akredit ang mga datihan nang non-stock, non-profit na konrporasyon at NGO?

S: Ang mga non-stock, non-profit na korporasyon at NGO na nakapasa na sa ilalim ng BIR-NEDA Regulation No. 1-81 ay binibigyan ng palugit na tatlong taon simula sa araw na magkabisa ang bagong regulasyon. Sa loob na panahon ng palugit, maaaring pa ring ibawas sa income tax ang mga donasyon o kontribusyon sa nasabing organisasyon.

Pagkatapos ng tatlong taon, tanging ang mga nakapasa na lamang sa bagong paraan ng akreditasyon ang magtatamasa ng mga pribilehiyo.

T: Anu-ano ang mga kasulatan o dokumento ang kinakailangan ng taxpayer upang maibawas sa income tax ang bahagi ng donasyon?

S: Ang taxpayer ay kinakailangang makapagpakita ng Katibayan ng Donasyon na ibibigay ng karapat-dapat na non-stock, non-profit na korporasyon at NGO. Ang mga karapat-dapat na organisasyon ay inaatasang magbigay ng nasabing Katibayan sa loob ng 30 araw matapos matanggap ang donasyon. Ang Katibayan ay naglalaman ng sumusunod na kabatiran:

Kapag ang donasyon ay nagkakahalaga ng mahigit sa P 1 milyon, kinakailangang ipaalam ito ng nagdonasyon na taxpayer sa BIR Revenue District Office kung nasaan ang kanyang opisina kalakip ang Katibayan ng Donasyon, sa loob ng 30 araw matapos matanggap ang nasabing katibayan.

T: Anu-anong ulat ang kailangang iharap ng mga karapat-dapat na organisasyon.

S: Ang mga karapat-dapat na organisasyon ay inatasang maglakip sa kanilang return sa buwis o sa taunang return sa impormasyon ng mga sumusunod:

(Nagpapatupad sa Seksyon 34(H) ng National Internal Revenue Code na sinusugan ng Republic Act No. 8424; Ipinalabas noong Disyembre 8, 1998; Magkakabisa 15 araw matapos mailathala sa official Gazette o alinmang pahayagan na may malawakang sirkulasyon)



Back to Main PageBack to Index