

"Sabi nila mahirap ka
daw abutin, paki ko, mahal kita!
Sabi nila wag na daw kitang pagpantasyahan, paki ko, mahal kita!
Mahal na mahal kita, alam mo ba yon? Paki mo, e may mahal ka namang iba! "

" Malungkot ka nanaman? Bakit? Kasi walang may
mahal sayo?
Hay naku! Tampo ko sayo! Lagi mo na lang ako kinakalimutan.
Ilang beses ko ba sasabihin? Ako, mahal kita. "

" Pag sinabi kong mahal kita maniniwala ka kaya?
Siguro hindi kasi di mo naman ako siniseryoso.
Kung maniwala ka naman siguro di mo na papansinin
kasi di mo naman ako mahal at iba ang mahal mo. "

" Minsan natuto akong magmahal, minsan natuto akong
masaktan,
minsan natuto akong umasa. Kasi minsan, minahal kita ng sobra-sobra. "

" Masakit, 'di dahil 'di mo ko mahal ngunit dahil 'di
mo ko sinubukang mahalin.
Masakit, 'di dahil mahal mo siya kundi dahil alam kong
kahit tayong dalawa na lang ang tao sa mundo, kaibigan lang talaga ako sayo. "

" Sabi nila gago ako, sabi nila bobo ako, sabi nila
ang tanga ko.
Lahat na sinabi nila, bakit mahal pa rin daw kita?
Sabi ko, akala ko may pag-asa e wala pala! "

"Ganda ng ngiti ah! Ah, dahil nga pala sa kanya.
Bakit? Mahal ka ba non? Totoo?
Kasi kung hindi, nandito lang ako para iyakan mo
o di kaya mahalin. Kahit minsan lang."

"Alam mo, I love you so much today.
Tomorrow, I'm sure I love you more.
Until the rest of my life…ikaw?
Kailan mo kaya ako makukuhang mahalin?
Kapag di na kita mahal?"

"Bakit bigla kita na-miss? Ewan ko, di ko alam,
wala akong clue.
Lagi namang ganito. Di napipigilan, di naiiwasan,
pero kahit ano pa ang sabihin ko, walang silbi,
may nami-miss ka rin e… Di nga lang ako."

"Heto ako, malapit na sa taas. Tapos na sa
pag-iyak, tapos na sa lahat.
Bakit ngayon, ngayong nasa may dulo na ako, saka ka pa dumating?
Mahuhulog na naman ba ako na walang sasalo sa akin?"

"Bakit ganon? Kahit anong sakit naman tiniis ko,
kahit anong hirap tinago ko, kahit sinong masaktan binalewala ko,
kahit sobra sobra pagmamahal ko sayo, bakit ganon? Di mo pa rin makita?"

"Bakit kung kailan natuto akong maghintay hindi ka
dumating?
Bakit kung kailan natuto akong magtiis doon ka sumuko?
Bakit kung kailan natutunan kitang mahalin doon ka lumayo?
Bakit kung kailan mahal na kita saka ka nagmahal ng iba?"

"Alam mo, gago sya. Di nya ko naiintindihan,
di nya ko mahal at di nya ko pinahalagahan.
Pero mas gago ako. Alam mo kung baket?
Kasi minahal ko ang isang gago."

"Once I fell in love with someone very special
and I told myself that I'll never gonna give up on her.
But the other day, she asked me to.
I tried really hard, but I couldn't.
Kasi mahal na mahal ko sya."

"Everytime you cry for the one you love
I often tell you, "Mahal mo nga sha."
not knowing that while your crying I also cry secretly
coz mahal na mahal kita ngunit may mahal ka nang iba."

"Alam mo yung mahal mo, mahal ka din.
Pero nasa'yo sha wala saken.
Lahat na ginawa ko para ako na lang ang mahalin…
pero baliwala kasi ikaw pa din.
Hindi ko alam kung ano na ang dapat gawin…
kasi yung mahal ko, mahal mo, at mahal ka din…"

"I know that I'm a friend, but how come I dream of
you
and feel different about you?
Maybe its because I didn't know that I love you…
so I just keep telling myself,
'Kung alam mo lang na sobrang mahal na kita.'"

"Don't set people
free if you love them,
keep them and treasure them and fight for them...
kaya nga pinaglaban kita eh, kasi LOVE KITA!!! "

"Magmahal? Oo marunong ako nun!
Yun tipong tanga ka na! Sige pa rin.
Kasi... Mahal mo syang talaga!
Pero sa bandang huli itatanong mo...
Tanga ba talaga ako?
O mahal ko lang talaga sya?"

"Sabi ko suko na ko, sabi ko hindi na kita mahal,
sabi ko malilimutan rin kita,
sabi ko hindi na kita kailangan,
sabi ko masaya na ko, sabi ko yun...
Pero sana yun din sabi ng puso ko..."

"Nafeel mo na ba yung akala mo nakalimutan mo na
siya..
wala na, tapos na ang lahat.. tapos isang araw nagkita kayo,
ngumiti siya sa iyo.. nasabi mo na lang
"tang-ina, mahal ka pa pala itong gagong to.." "

"Matagal na kitang mahal. Alam yun ng iba.
Ngunit bakit ikaw, hanggang ngayon hindi pa.
Nakita kitang masaya at nakatawa, lalapitan na sana kita.
Kaya lang, tang-ina, kasama mo sha."
Home |
About
|
Literature
|
Guest Book
![]()
@2002 BHA All Rights Reserved