This site is dedicated to Ms. Jolina Magdangal, who unselfishly shared her many talents with Filipinos worldwide. You truly are great Jolina!!!

 

Unofficial Fan Site for Jolina Magdangal

 

"Feeling ko, wala pa ako sa kategorya nila.  Mas marami na silang napatunayan!"

 

Issues/Intrigues:

SINAPAWAN NA  RAW SINA JUDAI AT CLAUD?

JOLINA MAGDANGAL has every reason to be happy. First, successful ang kanyang album under Star Records simply titled Jolina dahil nasa triple platinum na ito and according to Jolens nu'ng makausap namin sa ASAP last Sunday, malapit na itong mag-quadruple aside from the fact na kumita rin sa takilya ang Hey Babe na movie nila ni Marvin Agustin under Star Cinema wherein, nasa top rating din ang TV show niyang Labs Ko Si Babe ng Dos.

At ang sigaw nga ng nakararami ngayon, si Jolina ang hottest young actress at tinalbugan na raw niya sa kategoryang ito sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto.

Ano bang reaksyon dito ni Jolens?

"To be honest with you, 'yung sinasabi nilang  ako na raw ang hottest young actress, na tipong ako raw ang number one, etcetera-etcetera, hindi ko pinapansin as in deadma lang talaga ako.

"Ewan ko, pero ang feeling ko kasi, parang wala pa ako sa kategorya nina Judy Ann at Claudine 'coz for me, mas marami na silang napatunayan kesa sa akin.

"Pero 'pag sinasabi nilang 'andoon na ako, na ka-level ko na sina Claudine at Judy Ann, 'yung feeling ko, masayang-masaya at proud na proud.

"Iba kasi ang feeling 'pag sinabing kagaya mo na sina Claudine at Judai.  Let's face it, silang dalawa talaga ang pinakasikat na young actress, 'di ba?

"So, 'yung mai-level ako sa kanila, parang napakalaking achievement na sa akin.

"But still, hindi pa rin ako nakikipag-compete sa kanila.  Trabaho lang ang lahat ng ginagawa ko and I'm happy and at the same time, very proud dahil 'yung lahat ng ginagawa at pinagpapaguran ko ay ina-appreciate ng mga tao at 'yun ang importante para sa akin.

"Besides, hindi naman talaga ako nakikipagtalbugan sa ibang kasamahan kong artista.  Ang sa akin kasi, 'andito ako para mag-entertain ng tao at hindi para makipagtalbugan or whatsoever.

"Sa ngayon, ang trabaho ko na lang talagag ang pinagbubutihan ko.  Mas maganda kasi kung ito ang pagtutuunana ko ng pansin kesa sa mga intrigang ganyan.

"Mahirap na rin kasi.  Ako pa naman ang tipo ng taong ayaw ng merong kaaway.  Mas gusto ko kasi 'yung meron akong peace of mind.  Na tipong kahit na anong gawin ko, enjoy ako dahil alam kong wala akong inaagrabyado at tinatapakang tao."

Suwerte nga ni Jolina dahil sa dami ng mga young actress ay tinangkilik siya ng mga tao.

"Ang lahat ng ito, utang ko talaga sa lahat ng taong nagkagusto at sumuporta sa akin.  And I believe, na kung hindi rin dahil sa kanila ay hindi ko mararating ano man itong kinalalagyan ko ngayon.

"Siyempre, very thankful din ako sa Dos at sa Star Cinema, special mention din siyempre sa parents ko, na all-out ang support sa akin but most of all, sa Itaas for giving me all these good blessings.

"Basta ngayon, feeling nasa cloud nine talaga ako.  As in, masayang-masaya talaga.  Sobra! Ha-ha-ha!" at humagalpak na ng tawa si Jolina.

Aminin man o hindi ni Jolina, pero lumalabas talagang kaya na niyang dalhin ang sariling pangalan without the help of Marvin?

At ang latest tsika nga, iiwan na raw niya ang loveteam nila ng binata at last movie na nga nila ang Hey Babe?

How true?

"Hindi naman puwedeng iwanan ko na lang nang bigla-bigla ang tandem namin ni Marvin.  Siyempre, 'andoon pa rin 'yun.  Hindi totoong last movie na namin ang Hey Babe.  Gagawa pa rin kami ng movie, pero baka next year na lang ito matuloy.

"So far, baka ang gawin ko ay gumawa ng movie na iba naman ang kasama.  Like, heto nga, si Robin Padilla naman ang makakasama at makakatrabaho ko sa bagong movie na gagawin ko sa Star Cinema."

Tutal, okey naman ang takbo ng career ni Jolina, siguro naman by this time, puwede na niyang pag-ukulan ng pansin ang kanyang puso.

At aminado naman si Jolens na may mga nanliligaw sa kanya.  And the latest we heard, si Carlos Agassi raw ang isa sa masugid niyang manliligaw ngayon.

Totoo ba ito?

"Hindi totoo 'yan, 'no? I mean, hindi ako nililigagwan ni Carlos. I admit that we're close, pero hanggang du'n lang 'yun."

Pero, inamin sa amin ni Carlos na nanliligaw ang binata sa iyo.

Idenay ba ang bagay na ito, Jolina?

"Bakit ko naman idedenay ang bagay na 'yan? I mean, anong masama kung manligaw si Carlos sa akin? Eh, kung hindi naman talaga totoo, bakit aaminin ko, 'di ba?

"Wala... wala talaga akong alam tungkol sa bagay na 'yan.

"Hindi ko talaga alam na nililigawan ako ni Carlos.  Wala akong idea.  Pero kung sakaling sinabi man niyang nanliligaw si Carlos sa akin, fine.  No big deal, pero kailangang kausapin ko pa rin siya para malaman ko kung totoong sinabi niya na nanliligaw siya sa akin, huh!"

Gano'n?

[Source: Super Teen Movie Mag, 100399, No.150 by Jun Reyes]