Prostate/HappyPinoy/Happy Pinoy

WELCOME TO THE FRIENDLIEST AND HAPPIEST PEOPLE IN THE WORLD !!        Come to the Philippines !!                              Special Promo ! NOW GET YOUR MINI WEBSITE ABSOLUTELY for FREE for your small business. Click the FREE WEBPAGE button.           CEBU is open!          Send your business name to be listed for PAID or for FREE!                        
spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer
www. .tk Home FREE
Webpage
Get
Listed for
FREE
Our
Sponsors
Samples Contact
Us
 
 
 
 
 
 
spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer spacer
  Services               "Ang Prostate (Prostata)"  


                                    Reference 01



                                    "Panimula"

      Ang Prostata ay isang mahalagang bahagi sa loob ng katawan nga tao. Ito ay matatagpuan lamang sa mga kalalakihan. Ang hugis at laki nito ay katulad ng wall nut na nakapalibot sa daraanan ng ihi na galing sa apdo. Maaring lumaki ito dahilan sa pagtanda ng lalake. Ang normal na laki nito ay hindi nagdudulot ng pagkasikip ng daanan (urethra) ng ihi.


                       "Ano ang kahalagahan ng prostata"

      Kung bakit ang prostata ay matatagpuan lamang sa mga kalalakihan ay sapagkat ito ang nagsisilbing tagapagpalabas ng madulas na likido upang bigyang daan ang pagdaloy ng semen na galing sa testis (bayag) sa panahon ng kasukdulan ng pagtatalik (sex).       Ang prostata ay animo'y barbula (valve) na nagbubukas at nagsasara sa oras mailabas na ang kinailangan likido upang dumulas ang paglabas ng semen.


               

              "Maari bang mabuhay ang isang lalaki kung wala siyang prostata?"

      Maaring mabuhay ang isang lalaki kahit wala siyang prostata. Ngunit magiging mahirap para sa kanila ang umihi sapagkat hindi na ito mapipigil kung wala ang nagsisilbing barbula upang magsara ang daanan nito.


              "Maari bang magkasakit ang protstata ng kalalakihan?"

     Maaring ang prostata ay magkaroon ng inpeksyon dahil sa bakteria. Ang prostata ay maaring mamaga at magkaroon ng iritasyon sa pag-ihi at iba pa.

     Malaking panganib ito kung ang prostata ay dapuan ng kanser. Magiging sanhi ito ng katamayan kung hindi maagapan ang sakit. Karaniwan ang sakit ng kanser ay dumadapo sa edad 50 pataas. Ngunit mayroon din namang mga kabataan ang nakararanas nito.

      Kaya ang mga kalalakihan magmula 40 pataas ay pinapayuhang magpasuri ng prostata sa doktor upang malaman kung may namumuong sakit dito.

     Mga dahilan ng sakit na ito:

      Ayon sa mga mananaliksik, maraming dahilan ang nagiging sanhi ng sakit na ito. Ngunit ang pinaka malabis sa lahat ay ang ating pagkain.
  • Ang pagdami na hormon na tinatawag na 'testosterone'
  • Ang pagtanda ng tao
  • Inpeksyon
  • Ang labis na pagkain ng mayaman sa taba ng hayop ( baka, baboy atbp)
  • Ang pagkain ng mga laman loob
  • Mayroong kamag-anakan o sa loob ng pamilya ang nagkasakit nito


              "Anu-ano ang mga kakikitaan sa mga tao may sakit sa prostata?"

     Hindi ibig sabihin kung kayo mayroon isa man dito sa mga sumusunod ay mayroon kayong sakit sa prostata.

  • Ang madalas na pag-ihi sa gabi. Ang pag-ihi nila ay halos walang 2 oras ang pagitan
  • Mahina ang daloy ng ihi
  • Hirap umihi sa umpisa at hirap din namang pumigil
  • Hindi makaihi
  • Mahapdi sa pagihi
  • May dugo ang ihi
  • Masakit magpalabas sa panahon ng pagtatalik
  • Tuloy tuloy na pananakit ng likod o balakang

      Kung kayo ay may nararamdaman isa man o higit pa sa mga ito ay mahalagang magpunta at magpasuri sa pinakamalapit na doktor.

              "Anu-ano ang mga pagsusuri upang malaman ang sakit na ito?"

  • Digital Rectal Exam Isinususuot ng doktor ang kanyang daliri sa puwetan upang kapain ang kalagayan ng prostata kung ito ay namamaga o hindi.
  • PSA.Prostatic Specific Antigens. Ito ay inaalam kung ito ay mataas.
  • Ultrasound TestingIto ay ginagawa upang malaman kung may pagbabago sa laki ng prostata


              "Anu-ano ang mga gamot sa upang malunasan ang sakit na ito?"

  • Kung maagapan ang sakit na ito, maaring alisin ang maliit na parte ng prostata o dili kaya ay ang pagtanggal ng kabuuan nito.
  • Karaniwan ang namamagang prostata ay dulot ng inpeksyon. At ito ay kayang gamutin sa pamamaitan ng pag-inom ng mga anti biotics upang mapatay ang anumang bakteria ang naging sanhi nito
              "Anu-ano ang dapat gawin upang maiwasan ang sakit sa prostata?"

     Pagkain:

Napag-alaman sa pananaliksik na ang pagkain na mainam sa pagbawas ng maaring kahantungan ng sakit ay:
  • Bitamina E
  • Brokoli
  • Selenium
  • Green Tea
  • Tokwa o tofu
  • Maitake Mushroom
  • Lycopene
  • Saw Palmetto
             May karugtong
 
DOMINIC CONTSTRUCTION INC.
call 997-10-29

Aromatherapy & Salon
Sit Back And Relax And Enjoy Paradise
Within your Budget
Call (02) 668-1657
Cell: (0921) 466-1231

JLT Trading
 
    We serve the public as our priority more than anything else.  
   
  FAQs 
    We take time to answer all your questions and querries. Know all about HappyPinoy  
    
  Active  
    We created webpages for professionals and small business  
    
  Samples  
    Designs for our avid clients  
    
 Summary  
    Webpage of small businesses  
    
  New Friends  
      Find your new friends!  
    
  Messages  
    Send messages for your missing relatives and friends  
  

AIY Trading
 
 
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
BALIK TAYO SA MENU

 
   Naibigan mo ba ang paksang ito?
Oo      Hindi
  
   Ano ang ibig mong malaman o matutuhan? Itayp mo lang sa ibaba.

  
                 Pangalan
  
   Lugar:     Iba pang lugar:
  
  
  
  
 
 
Copyright © 2005 by HappyPinoy  All Rights Reserved