|
KAIBAprofile
Jemino L. Balaguiao, Jr.:
Mga Bakas ng Isang Bayani.
ni Ma. Leny E. Felix
May lumang anekdota tungkos sa isang panginoon at kanyang
alagad. Isang araw ay lumapit ang alagad sa kanyang panginoon
at nasabing: "master, I have come to offer you my service."
Ang sagot ng kanyang panginoon ay ganito: "if you drop the
'I'," service would automatically follow."
Ang kwento ng buhay ni Jemino Lesiñana Balaguiao, Jr. ay
maihahalintulad sa anekdotang ito. Binitiwan niya ang katagang
ako, naglingkod sa masang anak-pawis nang walang kabayaran, at
nag-alay ng buhay para sa kalayaan ang sambayanan.
Una kong nakita si jemino noong 1984, panahon ng boycott
campaign laban sa eleksyon ng mga 'representatives' para sa
Bataang Pambansa. Pareho kaming nanonood ng rally sa Plaza
Quezon. Hindi ko alam na full-time guirilla na pala siya noon
sa bundok. Huli ko siyang nakita noong 1992, nakaburol sa
Ateneo de Naga...
Si Jemino ay 'Jun' kung tawagin ng kanyang mga magulang,
kapatid at
kamag-anak. 'Quiawe' naman siya sa kanyang mga kabarkada sa
Naga. Sa parliyamento ng lansangan ay 'James' ang
pagkakakilala sa kanya - ang mass leader ng mga kabataang
estudyante. Siya naman si 'Ho' sa hanay ng mga kasamahan niya
sa Kabataang Makabayan, ang kanilang revolutionary folk hero.
Nang namundok siya ay tinaglay niyaand nom de guerre na 'Ka
Vito,' ang revolutionary artist, at naging 'Ka Al' sa huling
bahagi ng kanyang buhay bilang isang rebolusyonaryo.
My son, the Dreamer
"My son was a dreamer," ani Nanay Luz, 73 taong-gulang,
retiradong guro. "He used to weave dreams while playing.
Magiging doktor daw siya, artista, police, superman, at marami
pang iba. Basta lagi siyang bida sa kanyang mga panaginip."
Ang napansin niya lang dito ay kahit na ano pa siya sa kanyang
panaginip, ay palaging karugtong ang mga katagang tutulungan
ko ang mga mahihirap.
Anim na taong gulang palang si Jemino nang mag-grade 1. 'Nung
unang mga araw ay laging natutulog si Jun sa klase... inaantok
daw siya. Pero makalipas ang tatlong buwan ay napakagaling
nang bumasa."
Hindi maiwasan ni Nanay Luz ang mapangiti habang ikunukwento
ang kadaldalan at kabibohan ni Jemino n'ung maliit pa ito. "Aliw
na aliw talaga ako sa anak kong iyan."
Si Jemino ay nagmula sa isang middle class family. Isinilang
siya noong Mayo 31, 1960 sa Bgy. Pagao, Bombon, Camarines Sur.
Ang mga magulang niy ay sine Jemino Balaquiao, Sr. at Luz
Lesiñana-Balaquiao. Siya ay pang-siyam sa sampung magkakapatid
na walo ang lalaki at dalaw ang babae.
Tinapos ni Jemino ang kanyang elementarya ng may karangalan sa
Pagao Elementarya School noong 1972. Ani Nanay Luz, halos
lahat ng programa sa eskwelahan ay kalahok ito. Nasa
elementarya pa lamang ay nagpakita na ito ng kahusayan sa
pag-arte at musika kung kaya't lagi itong kalahok sa mga
school plays.
Sa Ateneo de Naga nag-aral ng hayskul si Jemino. "My husband
and I deeply believed then, and even now that a good education
under the Jesuits would ensure him a good future."
Pagkagradweyt ng hayskul noong 1976 ay tumungo si Jemino sa
mAynla upang magkolehiyio.Kumuha ito ng kursong Engineering sa
Adamson University. Pagkatapos ng dalawang taon sa koleiyo ay
umuwi ito sa bikol.
Noong 1980 ay muling bumalik si Jemino sa Ateneo de Naga upang
ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Sa Ateneo na niya
natapos ang kursong Bachelor of Arts in Business
Administration noong 1982.
Nang bumalik si Jemino sa Ateneo de Naga ay sabay nitong
binuno ang pag-aaral at extra-curricular activities. "Magaling
talaga siyang Public speaker at kalog pa kung kaya naging
sikat na lider estudyante sa loob at labas ng eskwelahan", ani
Elmer, isang matalik na kaibigan at kamag-aral sa Ateneo.
Ipinamalas ni Jemino ang likas na kakayahan nito sa pagsusulat
at pagdidirehe ng mga stage plays sa Ateneo. Naging manunulat
din ito sa The Pillars, ang student organ ng Ateneo de Naga
Student Council noong 1981-1982, ang pinakarurok ng kanyang
kasaysayan bilang lider estudyante ng mga Atenista.
"Hindi ko na rin masyadong inurirat ang anak ko kung bakit
naisipan niyang bumalik sa Ateneo. Marahil ay nalungkot siya
sa Maynila. Basta ako ay tuwang-tuwa n'ung malapit na uli siya
sa amin", ani Nanay Luz.
Si James, ang Lider-Estudyante
Taong 1980. Panahon ng Martial Law. Masidhi ang kahirapan
pagkat ito ang taon na naranasan ng bansa ang pinakamababang
economic growth na 4.7 porsiyento. Sunud-sunod ang mga kilos
protesta laban sa pagtaas ng matrikula, militarisasyon, graft
and corruption at US intervention. Dumadagundong ang kilusang
masa sa hanay ng mga kabataang estudyante.
Sa ganitong sitwasyon nagsimulang mahubog ang bagong Jemino.
Mula sa pagiging simpleng lider estudyante ng mga Atenista,
siya ay naging mass leader-activist. Nagsimula na siyang
magsagawa ng pagsusuri sa lipunan at direktang partisipasyon
sa pagkilos ng mga estudyante, manggagawa, at iba pang sektor
sa Bikol.
Nang mga panahong ito ay nag-aaral pa ako sa UP, pero
nababalitaan ko na rin ang umaalimpuyong kilusan ng kabataan
estudyante sa Bikol. Palasak na rin sa pandinig ko ang
pangalang Jemino Balaquiao, Jr. na noon ay mas kilala bilang
James.
Masasabing ang yugto ng 1980 hanggang 1982 ay panahon ng
pagpupundasyon para sa kilusang kabataang estudyante sa Bikol.
SA panahong ito ay maraming organisasyon ng mga estudyante ang
nabuo sa Bikol upang ipaglaban ang kagalingan at karapatan ng
mga estudyante lalo na ang academic freedom. Isa na rito ang
Alliance of Nationalist Students Working for Educational
Reforms (ANSWERED-Bikol). Kasabay nito ay aktibo ring lumahok
sa kilusang protesta laban sa diktadurang Marcos ang mga
kabataang estudyante sa Kabikulan.
Ani Cris, na dati ring lider-estudyante at kasamahan ni Jemino,
"Malaki ang naging papel ni James sa pag-unlad at paglawak ng
kilusang estudyante sa Bikol lalo na sa Camarines Sur."
Paborito ni Jemino ang mga katagang binitiwan ni Antonio
Tagamolila, dating editor-in-chief ng Philippine Collegian
noong Enero 27, 1971; Every slogan understood and cried by the
masses is a weapon/every strike, every rally, every manifesto,
drama, song or placard which aims to expose the true...
to be continued.
|
|