Tulog


                 

Chorus: 

Sa tulog ko lang ba kitang ma'ring makamtan
Di ba puwedeng makasama ka sa ibang paraan 
O Diyos ko tulungan mong maging totoo
Ang panaginip kong ito

Sa pagtulog ko, ikaw ang nakikita sa isipan
Puro sa iyo lang napupunta ang bawat kuwento
Sinungaling na panaginip 
Di ka raw lumalayo sa akin

O kay sarap,
di tayo mapaghiwalay
Tuloy tuloy pa rin, lumilipad ako sa aking isip
Ayokong magising, ayokong malayo sa piling mo
Kahit imposible ok lang 
Basta't palaging nandiyan kasama ka 
O kay sarap, di tayo mapaghiwalay