KINABUKASAN SOCIETY
Towards Unity and Service
Ating Pagmuni-munian...
muni-muni ng isang kapwa pinoy na walang magawa...
Kung
and I LOVE YOU ay INIIBIG KITA, bakit ang umiibig (I)
at
ang iniibig (YOU) ay mukhang naglaho sa pagkakasalin?
Dahil
ba kung umiibig ang Pilipino ay nawawala ang AKO at IKAW
at
nagiging isa at nagsasanib sa KITA?
Iyon
din marahil and dahilan kung bakit ang kasal
ay
PAG-IISANG DIBDIB at ang asawa ay KABIYAK NG PUSO.
Bakit
may tawag tayo sa limang daliri ng kamay -
HINLALAKI,
HINTUTURO,HINLALATO, PALASINGSINGAN at KALINGKINGAN-
pero
sa daliri ng paa ay wala?
Kung
and bicycle ay BISEKLETA, bakit ang motorcycle ay
MOTORSIKLO
at hindi MOTORSIKLETA? O kaya'y BISIKLO?
Bakit
ang SILANGAN (kung saan sumisilang and araw) at
KANLURAN
(kung saan kumakanlong ang araw) ay maliwanag ang ibig
sabihin,
pero ang HILAGA at TIMOG ay hindi mo alam ang pinagmulan?
Kung
ang likod ng tuhod ay ALAK-ALAKAN,
bakit
wala tayong tawag sa likod ng siko?
Kung
ang IN ay ginagamit sa gitlapi sa prito para maging PRINITO,
sa
gisa para maging GINISA, at sa paksiw para maging PINAKSIW,
bakit
sa laga ang ginagamit ay and unlaping NI
para
maging NILAGA.
Bakit
hindi LINAGA dahil hindi naman natin sinasabing NIPRITO
O NIGISA o NIPAKSIW?
Alin ba ang tama?
Bakit
may tawag tayo sa four seasons -
TAGLAMIG,
TAGSIBOL, TAG-INIT AT TAGLAGAS-
gayong
and panahon sa Pilipinas ay TAG-ARAW at TAG-ULAN lamang?
Kung
may inang PUTA, bakit walang amang PUTO?
Lahat
ba ng lalaking kalapati ay matataas and lipad?
Bakit
nakagawian na nating sabihing
isang
SENTIMO at limang SENTIMOS?
Wala
naman sa balarilang Tagalog ang pagdudugtong ng
"s"
sa pangalan para ito maging maramihan. Hindi naman natin
sinasabing
limang PISOS, 'di ba?
Kung
ang left-handed ay KALIWETE,
ano
ang right-handed?
Kung
tradisyunal na nating itinuturing na ang ama and
haligi
ng tahanan, bakit ang asawang babae ang MAYBAHAY at ang
asawang
lalaki ay TAO lamang.
Bakit
ang nakasanayan na nating sabihin
NAKAKAINIS,
NAKAKATAKOT O NAKAKAALIW?
Di ba
ang dapat na inuulit ay ang unang pantig ng salitang ugat? Kaya dapat ay NAKAIINIS,
NAKATATAKOT at NAKAAALIW.
Kung
sinasabi nating AMOY ARAW, LASANG IPIS o MUKHANG ANGHEL,
mayroon
na ba talagang nakalanghap ng araw,
nakatikim
ng ipis o nakakita ng anghel?
Mayroon
naman tayong LOLO at LOLA, AMA at INA, at TIYO at TIYA,
bakit
wala tayong isang salitang katumbas ng SON at DAUGHTER,
NEPHEW
at NIECE, at GRANDSON at GRANDDAUGHTER?
Itinuturing
ba nating alang sexual ang ANAK, PAMANGKIN at APO?
Bakit
sa Tagalog maraming katumbas and LOVE -
PAG-IBIG,
PAGMAMAHAL, PAGSINTA, PAG-IROG, PAGLIYAG, PAGGILIW?
Dahil
ba ang Pilipino ay likas na palasintahin?
'Ika
nga nila, you can judge a people by its language.
Yan ang pinoy...
Contributed by: Elma C. Torregrosa
if you have something to share, please click here