VISIONARY

See
Hands off! OCTOBER 30, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: Moonlight Over Paris - Paolo Santos
Emotional Status: Proud of thyself

Academic Status muna bago lahat

Ako ay napakaligaya sa kadahilanang maganda ang kinahinatnan ng aking mga marka sa paaralan. Ulanin ng todong pansin ang aking mga grado per asignatura:

Communication 1: 1.5

Natural Science 1: 1.0

History 1: 1.25

Social Science 2: 1.25

Mathematics 11: 2.0

Physical Ed 1: (1.0)

Average: 1.4

Alam ba ninyo ang ibig sabihin nito? Ako ay isang University Scholar! Pero yun lang. Dahil hindi ako STFAP, walang benefits.

Lesson Hango Sa Isang Comic Istrip

What much better way should we end the month but giving out something that will teach people a good lesson in life? Basahin ang sumusunod na comic strip.

1

Always tandaan na kapag may problema, laging meron kang kaibigan na sasalo sa iyong mga panaghoy. Yayayain ka nilang pumunta sa mall at magliwaliw para lang mabura sa isipan mo ang iyong mga suliranin. Ain't that sweet?

2

Mahalin mo ang mga kaibigan mo, sabi nila. Make love with them. Pero bakit ka nagpabuntis? I mean, kung gusto mo talaga ng sex, e di makipagsex ka! Pero bakit ka nagpabuntis? Iyan tuloy. Ano'ng balak mo niyan?

3

Naku! Child abuse. Ikaw naman kasi, nene. Huwag mo munang sabihin sa parents mo ang nangyari sa iyo. Iyan tuloy, isang magaspang na palad ang tumilamsik sa kutis mong makinis. Don't worry, marami namang Papaya extract soaps ang available diyan. May Kissa, Hiyas, Likas, Lakas, atbp.

Kapag ganitong sitwasyon, may mga kaibigan kang malalapitan. Sila muna ang lapitan mo bago ang mga kapamilya. I-seek mo ang kanilang counsel.

4

O di ba? Sabi ko na't magconsult ka sa kaibigan mo at sigurado, may way iyang mga iyan para makalusot ka sa problema. At, laging magtiwala sa mga doktor kasi they know best.

Randomly...

Lesson: always bring with you a condom especially kung ang libido mo ay singbilis ng kabayo kung gumalapak.

Another lesson: huwag sasabihin kay Daddy na nagdadala ka ng tiyanak sa womb kung sa huli ay magpapalaglag ka rin pala.

Isa pang lesson: Kung makati ka rin lang at pabubuntis ka, piliin mong magiging ama ng mga anak mo ay iyong mayaman atsaka iyong kaya kang bigyan ng magandang lahi.

Last lesson: Huwag papasok sa paaralang tinutuluyan ng mga batang involved sa kuwento. Marami ang disk space ng mga sex drive ng mga tao diyan.

Hay naku, malapit na ang Pasko!!! Medyo mag-reredesign ako ng website para angkop sa kapanahunan. See ya!

[Credit: Gospel Komiks, CFA]

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! OCTOBER 28, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: A Love To Share - Rivermaya
Emotional Status: Poor, as in financially

Kaundasan

Undas! Todos Los Santos! All Saints' Day! Kuno All Souls' Day! Araw Ng Mga Dedo! Whatever you want to brand it, November 1 na niyan, meaning Undas, Todos Los Santos, All Saints' Day, Kuno All Souls' Day, o Araw Ng Mga Dedo na!

Excited ako lagi kapag malapit na ang Kaundasan. Pero medyo papalitaw ko ang kasamaan ko (if ever you're a devotee of the dead).

Hindi ko priority ang mga espiritu ng mga pumanaw kapag Nov 1. I mean, pinagpe-pray ko naman ang souls ng aking grand parents kahit hindi Undas, kaya ine-enjoy ko na lang tuwing sasapit ang araw ng ika-isa ng Noviemvre.

Unang ine-enjoy ko ay ang road trip! Opo, dahil tiga-Olongapo ang aking erpatz, pumupunta kami doon at may kalayuan yaon sa Pampanga. Wala lang. Enjoy ako sa mga road trip provided may music. And when I say music, I mean modern music, not the early 90s or 80s.

Tribya: Alam ba ninyong mga taga-lupa kayo na ang sementeryo sa Olongapo ay sa bundok? Picture this: Isang hill na puro epitaph at puntod. Ganun... pero maganda! I can feel the scent of death. Tapos kapag gabi tignan mo ang "hill of death" from afar, ang ganda dahil sa mga nakasinding mga kandila.

Next stop: Porac North Cemetery.

Mas peyborit ko ito kasi mas-close ako sa motherside relatives. Sa Porac naman, sa awa ng Diyos ay hindi natabunan ng volcanic ash.

Pero ang sarap ng ambience talaga kapag Araw Ng Mga Patay. Hindi naman kasi ambience ng kamatayan ang nafi-feel ko, kundi iyong maraming lights, you know, mga things na ganun.

Tapos, heto pa, yung mga SCARY STORIES that aren't very scary anymore (dahil matanda na po ang inyong lingkod). Wala lang. Enjoy ako samga stories na ganun, at since nabuksan na lang ang topic na ito, may ire-reveal akong bagong pangarap.

Pangarap kong maging writer ng urban legends or horror stories. Ang pa-pathetic kasi ng mga horror stories (esp. sa Philippines like Kakabakaba) nowadays. Napapathetican ako. Sori sa mga involved, pero basta.

Existence of ghosts VS Non-existence of ghosts debate? Leave me alone. Sawa na ako sa mga ito.

New Talent, Coming Up!

I beg to disagree, ngunit based from personal experience, talents are both possibly natural or acquired through practice raised to the third power.

Hindi ako nagbibiro. Madalas (or hindi masyadong madalas) and mga singers ngayon ay kumanta lang NOONG BATA. At dahil sa reyalisasyong iyon, na-inspire akong i-pursue ang pagse-self-practice ko ng pag-awit.

In fairness, nade-develop ko unti-unti ang vibrato na tinatawag. Yumbang parang nagva-vibrate ang boses? See? Talents can be learned. Kaya desperado akong gumaling sa pagkanta ay dahil gusto ng lolo niyo na maging versatile. Aywan ko. Siguro subconsciously nag-eexist pa ang "vow" ko sa sarili ko noong fourth year high school.

Medyo magdadrama muna ako. Test mic. Ahem.

Napaka-low profile ko noong first to third year, Hindi ako binu-bully, pero sumasama ang loob ko sa mga "classroom tyrants," if you know what I'm talking about. Kimkim lang. Sige lang. Pagtitimpi. Tiis.

Isang factor lang iyon. Ang isa ay, hila ng demonyo o anghel, bigla kong pinangarap na mapansin. Na-feel ko na hindi ko deserve na isantabi lang ng mga tao at diktahan at maging low-profile. Mayabang ba? So what.

Kaya since then, I converted myself. Hindi ng relihiyon, kundi sa lahat lahat—from porma to attitude towards people and life, and from level of expression to physical things.

At iyon, simula noon, pinangarap kong maging Mr. Perfect, as in, perfect in everything. Talent, Intelligence, Ethics (meron ako nito ah, hyper lang ako sa web), Creativity, at ang pinakamahirap i-acquire at possibly hindi na ma-a-acquire pa, Looks. Mahirap gawing ginto ang hindi ginto. Sabi ng ermatz ko mukhang artista ang Daddy ko nung nanliligaw pa. Sana na-inherit ko. Pero huwag na, baka mainherit ko pati ang salapi niyang kamay.

Big dream, eh? Perfectionist talaga ako, although hindi ako ganun ka-obsessed sa dream na iyon. Pero parang nandiyan pa rin sa subconscious, kasi gusto kong bumilis ang metabolism ko at lumakas ang cardiovascular fitness ko. Gusto kong matutong kumanta, pagkatapos mag-play ng musical instrument.

Haay... Huwag niyo na lang pansinin. Siguro sinasapian lang ako ng isang espiritung revenant.

Getting Old na si Ermatz

Tumatanda na nga ang ermatz ko. Paasim na ng paasim ang kanyang ugali, para bang iyong mga matatandang talak ng talak umaga't gabi? Iyong kundi lang sila matanda ay inano muna. Oh well. Kaya I fear growing old.

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! OCTOBER 26, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: Bliss - Alice Peacock
Emotional Status: Very hopeful

Messages to Singer-Celebrities

Jay R
      Idol kita sa ngayon pero bilang na ang mga araw mo as Prince of RnB. Medyo ayusin mo ang pagsasayaw mo kasi mas magaling ako sayo in terms of dancing. Sa singing naman, don't worry, ma-a-Americanize din ako at pagbalik ko sa Pinas, mawawalan na ng bisa ang Design For Luv mo. (Sabi ng kaklase kong isa mukha ka daw gorilla, pero peace tayo. Hindi ako ang may sabi nun.)

Sarah Geronimo
      Pinagalitan ka daw ng Uste!? Hayaan mo, mas mayaman ka na niyan sa kanila. Pakisabi naman sa camera man niyo ni Mark Bautista sa Search For A Star na huwag kayong masyadong i-close up kapag naghahatid kayo ng Star Mail kasi parang Blair Witch. Bumubulong pa naman kayo. Pero ang galing mo talagang kumanta. Okey lang bang pirated ang bilhin kong album mo? Krisis kasi eh, payagan mo na ako. PS: Sana magaling kang sumayaw para ikaw ang Britney Spears ng Pilipinas. Exportable ka nun.

Arnee Hidalgo
      Okey ang boses mo, unique. Pero bakit may pa-boldstar effect ka pa sa video mong 'Cold Summer Nights'? Atsaka bakit puro ka revivals? Parang ikaw tuloy si Nina. Pero magaling din kayo kaya peace tayo.

Regine Velasquez
      Hindi ba't tapos na ang Star For A Night? Tapos na rin ang Search For A Star. Ang dalawang iyon ay mga search engines for singers di ba? Tapos meron pang Star Struck na pi-premiere sa Monday na search engine naman for aspiring actors and actresses. What if pagkatapos ng Search For A Star, Search For A Bold Star naman? Para naman may kaunting showdown. Atsaka tataas nun ang ratings niyo. Pero si Maui na lang ang host noon. Pero pareho naman kayong may deficiency sa mammaries di ba? Fake yung kay Maui. Yung sayo naman lawlaw. Pero either way, hindi naman kayo ang papanoorin ko kundi yung mga aspiring bold stars.

Gloc 9
      You're the next best thing... after Salbakuta that is, if ever you consider them good. Medyo laliman mo lang ng konti ang lyrics mo.

Heart Evangelista
      Puwede ba. Hindi ka naman singer. Celebrity ka lang.

Patay kang F4 Music Mania ka!

Yes! Nauubos na ang mga F4 music videos sa MYX!!! Si Mr. here-we-are-it's-not-a-perfect-world aka show-me-your-love-what-you-blah-blah na lang! Si Mr. never-gonna-stop-never-ever-stop-ain't-gonna-give-you-up nasa #19 na sa Hit Chart at anytime now, mawawala na ang presensiya ng mokong na 'to (Sorry, I hate F4).

Tang*na yung 'I Truly Love You' na iyon. Iyon ang pinaka-hate ko sa mga F4 videos. Cen ti cen ti cen ti blah blah. Yeah, shut up!

Kung sino man ang mga nag-vo-vote via text sa MYX daily Top Ten ng mga videos na iyon, sumpain ng hadhad ang inyong mga singit at tubuan sana kayo ng buhok sa gilagid!

Hindi niyo ba na-rerealize na dinadagdagan niyo lang ang sahod ni Fart Evangelista sa mga tigpi-pisong text na sinasayang niyo sa kaka-vote!? Hello, summer vacation pa ang mga 'Show Me Your Love' na mga iyon. Parang magto-Todos Los Santos na. I mean, duh.

Heart naman kasi. Okay ka na sana kundi mo lang pinagpilit sarili mong mag-VJ at mag-barge in sa music biz. May pa-swimming-swimming effect ka pa sa music video mong nakakahilo.

And I
I wanna share my whole life with you
I wanna keep on dreaming dreams and
With you make them all come true
As I lay inside your arms and
Rest my head upon your shoulder
Believe me there's nothing that I can't do
Whenever we're together

I can never be
The same girl that I used to be
I'm stronger now
'Coz you made me face the fear in me
And you don't have to prove yourself at all
By making wrong things right
The fact that you love me
Makes everything all right

YEAH WHATEVER! Who would want to keep on dreaming dreams with you and make them all come true? Balita ko nag-aapply pa itong Heart na ito as Cho Chang sa mga next movies ng Harry Potter.

Buti pa si Sarah.

A Unique Tip on Poetry (really, it's unique)

Minsan overrated na ang mga poetry-critiquers. Halimbawa, isa kang magaling na makata at alam iyon ng mga tao, gumawa ka ng isang wirdo at incoherent na poem. Yumbang wala kang particular theme na iniisip habang ginagawa mo.

Hegsampol:

I was writing a letter on my room
Quiet it was
Cold it was
And then the telephone rang
I got out of the room to answer it
But when I returned to my room
The lights were no longer working
I smirked.

On-the-dot lang ang pagsulat ko ng poem na iyan. Kung ipapabasa mo iyan sa mga "feeling-magaling-sa-poetry," aba'y kakaiba ang kanilang mga interpretasyon! Ili-link pa nila ang akda mo sa mga current events o kaya naman ay sa mga socio-cultural ek-ek. O kaya psychological depression o variation, etc.

Parang dati, may sinulat lang akong poem tungkol sa isang puno na nangangalagas ang dahon at nasa tabi ko iyong puno. Akalain mo ba namang ininterpret siya ng isang tao as PostPoems na it is true that we sometimes forget to look back on our roots... blah blah blah.

YEAH WHATEVER!

Kung ako sa mga magagaling na makata ngayon, basta sulat lang kayo ng sulat ng mga weird na poems na walang depth. Kahit mababaw lang. Let the critiques give them depth.

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! OCTOBER 25, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: Perfect - Simple Plan
Emotional Status: Still disappointed that I am not a natural singer

Kapuso Ako

Oo! Alam ko na mas magaling ang ABS-CBN, mas magaling ang mga talents nila, mas maraming audience, pero hindi ko alam kung bakit, pero maka-7 talaga ako.

Nahihiya akong umamin. Pero dahil hindi niyo naman ako nakikita araw-araw, sasabihin ko na. Kaya lang nag-aalangan ako. Sige na nga. Nanonood ako nung ano... errr... Twi... Twi... TWIN HEARTS! *cover thyself*

Mwahaha. Hindi magaling umakting si Tanya. Ang korni ng Power 4 lalo na nung pinagkanta nila si Tanya dun sa canteen (promise, nagsi-erect ang mga balahibo ko sa kamay at may kuryenteng dumaloy sa aking spine nung makita ko ito). Halata ring may influence ang mga chinovelas dito. Ang taba ni Dingdong. Mukhang mag-ate sina Fofs Pernandez at Karylle. May katapat na si Nancy Castiliogne sa katawa-tawang pagta-Tagalog: si Greg Martin.

Pero ewan ko, pinapanood ko. Kaytagal Kang Hinintay? No, thanks. Alam kong mas maganda yun (as proven siguro by ratings and awards) pero meron akong natural instinct na madalas pinipili ko ang mga 2nd placers. Halimbawa.

ABS-CBN or GMA? The latter.
F4 or 5566? The latter (but it doesn't mean that I am a fan. I just like them better... or hate them less than the former).
Kyla or Nina? The Soul Siren.
Britney Spears or Christina Aguilera? The latter.
Linkin Park or Evanescence? The dark rockers, Eva.
Maalaala Mo Kaya or Magpakailanman? Magpakailanman. Mas maganda ang presentation ng Dos, pero mas interesting ang mga featured people ng Magpakailanman. Hit sa amin yung kay Ate Gay (My brother is not a pig; isa siyang kaba-YO!).

Ngunit may exceptions! Tulad na lang ng: MTV or MYX? Siyempre, MTV. I hate MYX. Ang pathetic ni Heart at Lucky. Akalain mo ba namang sabihin ni Heart, "Of course, I can play your request. Nothing is impossible... with God!"

Nanonood din ako ng Search For A Star at kini-criticize ko yung ibang hindi magaling. Alam ko na maraming nangangarap na maging star. Sana naman ma-realize ng iba na wala silang Star Quality. Kasi yung iba obvious na obvious na obsessed sila for stardom. Yumbang pinagpipilitan ang sarili. Ah basta. Ewan. Sana naman hindi pang-karaoke ang manalo this time.

Buti pa si Sarah.

Manonood din ako nung bago sa Siyete, yung Star Struck. Sa mga hindi pa nakakaalam nito, isa na naman itong search, kaya lang, this time, ng mga artista. Manonood ako nito at iki-criticize na naman ang mga pinagpipilitan ang sarili.

At isa pang pinapanood ko ngayon ay Extra Challenge. Mas oks ito sa Game K N B. Kaya nga ginaya ng kaunti ng Game K N B kasi naagawan sila ng ratings. Kumakalat na talaga ang mga reality shows sa Pinas. Pero as usual, hindi ito original concept.

Physical Check-up

JasonMay mga taong hindi ko kilala na nakiki-Friends sa akin. Pero ina-accept ko naman. Siyempre, friendship yun, huwag tatanggihan. Heto ang bago kong representation (see left). On Jason: isang chipipay na Christmas Santa elf hat (necessary for a certain reason sa [pesteng] hayskul), isang P20.00 na choker-necklace, ang salamin ko dati na defunct na ngayon dahil puno na ng gasgas ang right lens at marupok na ang frame, isang blue shirt na hindi ganun ka-importante. (Kunwari daw sa maganize.)

May sasabihin ako, pero hindi nanggaling sa akin. Galing sa aking Inay. Galing din sa mga titser ko noong [pesteng] high school. Galing din dun sa ibang elem kids na tsinu-tutor ko noon for a campus journ contest. Photogenic daw ang lolo niyo.

Pero hindi ako kuntento. Gusto ko, mapa-picture man o reality, gusto ko "genic" ako. Bakit half-face lagi ang mga pics ko sa net? Wala lang. Nahihiya pa akong maglabas ng mukha. Wala akong karapatan na isiwalat ang isang bagay na makasisira sa general will ng society.

Atsaka I'm better off with a half-face, mwehe. Isa ko pang napansin, makapal ang kilay ko. Kapag wala akong salamin, nagmumukha akong "fierce" kasi V-shape ang brows ko. Ngunit hindi masyadong pansin kung may salamin ako.

Isa pang bago kong nadiscover noong culmination namin sa pinasukan kong org, brown eyes ako. Opo, brown. Kulay tsokolate. Kasi noong pinagmamasdan ko ang mga mata ko sa banyo. May naaninag ako na parang brown, pero hindi ko pa pinapansin. Ngunit na-confirm ito noong culmi. Kanino ko kaya galing 'to? Kay grand erpatz siguro.

Hay naku. Enough of narcissisms. Pero booster ito ng self-esttem. Hehe, feeling psychologist ulit. Maging counsel ulit iyan sa inyong mga taga-lupa kayo.

MongoloidSiya nga pala, kung gusto niyong makita ang whole face ng isang picture na half-face, pagdugtungin niyo by flipping the picture horizontally, saving the flipped version as another file, and merging the two.

Symmetrical naman ang mukha eh, meaning, kung ano ang nasa kaliwa, nasa kanan din. Kaya heto ang aking mukha in reality.

Huwahahaha! Mukha akong mongoloid na galing sa Planet X. Subukan niyo sa mga sarili niyong picture. Nakakapagdala ng tuwa sa kalooban nimo.

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! OCTOBER 24, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: Island In The Sun - Weezer
Emotional Status: Typical

Mga Ligaw Na Panaginip

Ano na'ng nagyayari sa aking utak tuwing tulog? Kakaiba ang mga napapanaginipan ko lately. Kagaya na lang noong minsang 5:00 am.

Akalain mo ba namang si Sarah Geronimo nasa panaginip ko! As in yung parang ordinary person lang siya sa buhay mo. Wala siya sa TV. Nasa bahay namin! Sayang hindi siya nag-concert sa aking utak, e di sana nakapanood ako ng concert niya ng hindi oras. Libre pa.

At noong isang umaga bago pa nung dream na iyon, hanggang ngayon ay nangingilabot pa rin ako sa panaginip na iyon. Sa UP, meron akong nakikitang babae palagi na hindi naman kagandahan o kung ano (pero mukhang mabait). Akalain mo ba namang ang intimate namin sa panaginip ko!

Hindi intimate na as in pagtatalik. Ganito kasi yun.

Nag-uusap yata kami tungkol sa whatevers na hindi ko na maalala, tapos nag-agree yata kami na kami na lang ang mag-jowaan. Tapos nag-embrace kami. Pero walang kiss.

Pero gayunpaman, waaaaah!

Tumatayo pa rin ang aking balahibo.

Mabuti na lang iyong latest kong panaginip hindi ganun ka-morbid. May reunion lang namin kami daw ng mga highschool classmates ko sa isang masikip na restaurant. Tapos may pinapa-fill out na form yung titser ko. Natatandaan ko may kinomment akong, "Pucha. Mas mahirap pa 'to sa UPCET."

Nais kong malaman mo na hindi typo ang 'UPCET.' Gannun ko talaga siya sinabi. Siguro synergy ng UPCAT at ACET. Napanaginipan ko rin ang animo'y kapatid ng isang tao na kilala ko lang sa cyberspace.

Lagsh's Mating Project AKA Part of Being Bored Unit II

Heto na naman ang isang dangerous na Lagsh tuwing dinadalaw ng pagka-bored! Maaaring makita ang outcome na dalawang tao. Outcome? Ano'ng outcome? Anak!

Umbagin ng pansin ang Figure 1.1:

Male + Female = Metafemale

Kaya lang, applicable lang ito kung parehong dominant ang traits ng bawat isa. Using this scientific, top-secret project of mine, malalaman niyo kaagad kung maganda o guwapito ang outcome ng magiging anak ninyo ng inyong mas magandang kalahati (better half).

Sembreak, nawa'y matapos ka na!

Tama na! Ayoko na! Let it be over! Gusto ko na ulit pumasok sa school at maki-socialize sa mga klasmeyts at orgmates. Sawa na ako sa kapakshetan na sembreak.

At! Malapit na ang Pasko! Feeling ko kasi nag-iiba ang ambience tuwing Pasko. Parang malamig na ganyan na ganire na ewan. Basta, whatever the feeling is, natutuwa ako. Atlis, yung init, mababawasan. At kapag hindi mainit, puwedeng pumorma.

Elaboration.

Kapag mainit, hindi ka puwedeng mag-long sleeves. Medyo pangit ding mag-cap o kung ano mang headgear kasi puwedeng sabawin ang ulo mo sa init (well, at least, in UP Pampanga). Pero kapag malamiiiig, puwede kahit ano! Da mor da meriyer, di ba?

Ah basta, gusto ko tapos na ang sembreak. Ito'y sa kadahilanang walang matinong magawa sa haybol. Buti sana kung may PS2 ako. O kaya PC na may competent na video card. O kaya unlimited Internet access (pero nakakasawa na ring mag-Internet minsan).

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! OCTOBER 23, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: You And I Both - Jason Mraz
Emotional Status: Guilty

Puchang-ina, as I've predicted

Ayan na, ayan na, ayan na! Isa na akong certified na adik. Pinromise ko sa sarili ko dati na hindi ko na gagamitin ang Dial-Up Connection sa Internet kasi mahal. P0.70/minute. Bali kung 10 hours na ang nako-consume ng iyong kaluluwa, mga P500.00 yun (estimated value).

Samantalang kung bibili ka ng Internet Card, aba sulit na sulit! P100.00 is equal to 10 hours! O, hindi ba? Mas tipid kumpara sa pesteng Dial-Up?

Pero dahil naadik ako sa Friendster, sinisitsitan ako ni Satanas na gamitin ang Dial-Up. Kaya hayun, ginagamit ko siya para lang magpakawala sa Friendster at mag-search ng mga taga-lupa.

Iilang celebrity pa lang ang nakikita ko, at sure na sure ako na sila talaga iyon.

Yung mga MTV VJ Hunt finalists ang aking nahanap, unang-una si Patty Laurel, tapos si Johan Ekedum. Clickable naman ang kanilang names, ibig sabihin friend sila ng friend ng friend ng friend ng friend ko.

Andun din si Antoinette Taus, na aking ka-Angeles din. Nagtataka lang ako kung bakit ang konti ng friends niya at kung bakit wala siya kahit isang testimonial. Tatlo lang iyan: busy siya sa kanyang mumunting trabaho sa SOP, wala talaga siyang friends, o hindi niya alam gamitin ang Friendster.

Paano kung ampon/diyos ako?

Mas masaya kung ampon ako, tapos iyong totoong parents ko may sampung hacienda, limang resthouse, apat na supermarket, at dalawang shopping malls. Pa-martir effect noon ako. Siyempre hindi ko iiwan ang aking nakagisnan na magulang, pero pasusustento ako. Aba, mahirap na ang buhay ngayon.

From heavenKung akala niyo na pinanganak ako ng dalawang taga-lupa, nagkakamali kayo. Sa picture na ito, kagagaling ko lang sa lugar ng mga diyos. Nag-descend ako at hinatid pa ako ng isang messenger na ewan.

Ops! Hindi iyon totoo, at alam kong hindi ka naniwala.

Isa pang pinag-iisipan minsan ng hibang kong kaisipan, paano kaya kung mala-Kristo ako? Iyong nagdescend ako sa mundo ng mga taga-lupa as a Savior? Kasi, bakit ako ito? Bakit hindi ako siya? Bakit hindi ko nakikita ang sarili kong mukha samantalang ang iba'y nakikita ko? Mahirap i-explain eh.

Mga Iba Pang Pangarap

Nabanggit ko na dati na balak kung hablutin mula sa semi-kalbong ulo ni Jay R ang korona ng RnB. Ngunit, may mas mababaw pa akong mithiin sa aking lalang ("buhay" -Ibong Adarna).

Pangarap kong magsuot ng shades. Iyon lang. bow.

Pukpukin niyo ng martilyo ang ulo ko, sige, pero may dahilan. For your impormeysiyon, ako ay isang nilalang na malabo ang paningin. Hindi ko nakikita ng maayos ang aking surroundings kapag walang vision-sharpening, symmetrical, can-be-fold, double-oblate-spheroid-per-frame device, or, sa mga lengguwahe ng mga mortal na tulad niyo, SALAMIN!

Hindi ko pa nakikita ang sarili ko na naka-shades. Kung magshe-shades ako, lalabo ang paningin ko, at hindi ko makikita ang looks ko nun.

Nahihiya naman akong pumunta sa isang photography studio at magpa-picture with shades on. Eh kung mukha pala akong tae kapag ganon, e di nasayang ang P70.00 ko?

Pakshet. Dapat ma-laser na ang mga mata ko.

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! OCTOBER 20, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: Shut Up - Black Eyed Peas
Emotional Status: Mega-bored

Puwede bang makipag-Friends[ter]?

Pucha, mababaliw na 'ko! As in. Wala na akong ginawa kundi matulog, kumain, manood ng TV, makinig ng WinAmp, at magpakain ng isang pusa. Waaaah! Wala na bang iba? Nahihirapan din akong mag-connect sa Internet kasi tinatamad akong bumili ng Internet Card.

Bukas talaga, bibili na ako at bibigyang pansin ko na ang Friendster. Nakaka-adik daw eh. Di sagot na iyon sa aking mga panaghoy. Hindi na ako mabo-bore.

Hanggang ngayon wala pa rin akong ideya sa Friendster na iyan pero anytime now, gagamitin ko na at sa tingin ko, isang adik na naman ang maisisilang. Kung sino man ang may sapat na pasensiya at dangal ay pakisabi naman sa akin kung ano'ng klaseng adiksiyon ang dinadala ng Friendster.

Btw, noon pa ako may account sa Friendster with tempest_jaz@yahoo.com as my email addy pero hindi ko pinapansin. Baka next week, papansinin ko na. So kung sino man ang mga interesado diyan, puwede bang makipag-friends? Hehe.

Part of Being Bored

Dahil minsan ay sobrang bored na ako sa buhay ko, pinag-eeksperimentuhan ko ang mga mukha ng aking mga kaklase. Suwerte ako kasi nagkaroon ako ng chance na ma-scan ang lahat ng grad pics nila. Mwehehe. Kaya si Pyuree ang peyborit kong biktima kasi nagja-jive ang mukha niya kahit kanino—mapa-babae man o lalaki.

Bigyang pansin ang mga letratong ito. Spot the equality:

   

Puwedeng gamitin iyan sa mga psychology ek-ek. Ano ba iyon, yung mga illusion somethings na madalas makita sa mga libro? Iyong tignan mo for about 1 minute, tapos may makikita kang bagong image.

Aba, dito hindi mo na kailangang gawin iyon for 1 minute! Kahit half-a-second lang puwede na. Pyuree, da best talaga mukha mo.

Untold Secret, Told na Told na!

May bagong pangarap ako: Kunin ang titulong Prince of RnB mula kay Jay R. Sorry ha kung masyadong mababaw, pero mechanism ko iyan.

Maging advice iyan sa inyong mga taga-lupa, kasi way iyan for self-improvement. Maghanap kayo ng inyong object for self-improvement. Kung posible ay mga malalaking tao nang sa ganoon ay mas malayo ang range ng inyong pangarap.

Kaya lang, prepare kayo for a lot of disappointments. Kung masyadong mahina ang inyong kalooban, talagang mawawasak ang buhay mo at baka mapilitan ka pang magcommit ng swisayd.

Hehe. Feeling psychologist.

Para sa mga mambabasa ko sa 320/320 Vision

Nagawa ko na po ang Childhood Sweetheart II, iyong pinakahihintay (ng iilan) na sequel ng Childhood Sweetheart. Medyo sa palagay ko ay hindi siya ganoon kagandahan. Promise. Mag-expect din po kayo ng dalawang typographical error kasi medyo tinamad akong mag-triple check.

Heto po ang preview:

Sambit nila, “Love is lovelier the second time around.” Pweh.

Walang masyadong nagbago sa paaralang aking iniwan matapos ang Pre-School—nandoon pa rin ang punong mangga na siyang naging kalaro naming mga bata tuwing habulan; kalawangin pa rin ang munting signboard ng eskuwelahan; pink at yellow pa rin ang kulay ng mga upuan ng mga Kinder at Prep students.

Ipinakilala ako sa mga bago kong kaklase ng aking titser, “Class, this is your new classmate.”

Ang mga mata ko ay lumilipat-lipat sa bawat tao. Lahat sila, sa akin nakatitig. Hiyang-hiya ako. Naka-outside dress pa naman ako dahil wala pa akong uniporme. Third Quarter na kasi nang magsimula ako ng Grade 3.

Naglakad ako papunta sa upuan ko sa likod. Lahat sila, sinusundan ang aking paggalaw na tila isa akong celebrity na naglalakad sa daan. Nakikilala ko pa nga ang iba kong mga kaklase noong Prep at Kinder. Nandoon pa rin si Ian, ang batang nasipa ko ang bayag; si Chad, ang dumugo ang ilong dahil nag-slide ng nauuna ang ulo; si Jesa, ang babaeng tahi-tahimik lang ngunit Rank 2 noong Graduation; si Menen; si Johnny; si Aprille; si Mary Ann; at marami pa... ngunit wala si Carla.

Ang mga araw ay nagdaan.

Ngunit ang kuwento pong ito ay parang The Ring—isa po siyang trilogy. Hindi po dahil favorite number ko ang 3. Hindi dahil meaning ng 3 ay "I love you." Mas lalong hindi dahil 3 ang grade ko sa Midterms ko ng Math. Dahil lang hindi kasya sa isang part ang kuwento.

Atsaka it's high time na magkaroon ako ng trilogy nang sa ganoon, hindi ako ma-drain sa kakasulat for Peyups. But it's really worth-it kapag nagustuhan nila ang iyong naisulat. At first talaga akala ko babasurahin ako, ngunit malugod akong tinanggap, kaya pagbubutihan ko. :)

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! OCTOBER 18, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: Bakit Pa Ba - Jay R
Emotional Status: Desperate on being good at singing

Yet another version is born

After only 6 months ng pamamalagi sa Version 2, aking binigyang panganak na naman ang bagong layout at version ng aking website. Aaminin ko na mas maganda ang dating bersiyon (or so I think) ngunit masasanay din tayo. Mas maganda na yung malinis, di ba?

Kayraming nawala sa aking website. Wala na ang aking mga artikulo sapagkat nagmumukhang advance screening ang website ko sa mga upcoming articles ko sa aking kolum sa Peyups. Siyemps, wala ng surprise kapag ganoon. Kaya ni-link ko na lang ang aking kolum sa upper right korner ng paningin mo ngayon.

Inalis ko na rin ang Guest Book. Nag-aaway kasi sila ni Tagboard, nag-aagawan ng guests. Dahil mas may silbi si Tagboard at mas convenient gamitin, inetsapuwera ko na lang si Guest Book. May pa-smilie effect pa si Tagboard; si Guest Book, hanggang 15 posts lang ang carry, tapos dapat i-archive mo manually kapag full na.

Wala na ring poetry, editorial cartoon, at photo of the week. Dahilan? Katamaran. Masyadong matrabaho ang pag-a-update ng mga iyon ah. Kaya spontaneous na lang kung maglalabas ako ng picture o drowing or what-have-I dito. Tulad nito:

Batang lagsh

Ako ang tampalasang paslit na ito nung kabataan ko. Ngayon, tamis-16 na ako at hindi na cute, hindi kamukha noong beybi pa lang ako. Hindi ko na rin magawang mapanatili ang ganitong level ng pagkasaya. Ika nga ni Rufa Mae, mahirap na, alam mo yun, yung level.

Back to da topic, hindi na rin limitado sa kulay na blue ang aking website. May red, yellow, brown, o kung ano pang kulay ang matatagpuan dito. Nakakaumay na iyong puro blue kasi; pero siyempre, main color pa rin dito ay blue dahil favorite color ko siya. Ngunit bakit blue and white ang beypi picture ko? Galing pa kasi iyan doon sa Version 2 ng Visionary; hindi na nito nasilayan ang malagay sa Photo of the Week.

Tungkol naman sa pag-a-update, hindi ko na magagawa ang ginagawa ko dati noong May. Hindi na kaya ng powers ko na mag-weblog araw-araw. Siguro bi-weekly or weekly na lang. At least mas may saysay ang mga sasabihin ko kapag ganoon kasi tiyak na hindi naman laging interesado ang nangyayari sa aking buhay everyday.

Gaya ng dati, ayoko pa ring ilabas ng lantaran ang aking mukha. Hindi ako kaguwapuhan para gumanon.

Isa pang tulad ng dati, GeoCities pa rin ang aking hostess, este, host. Ibig sabihin, custom-made pa rin ang website ko. Natempt na ako dati na i-shut down ang site ko at gumawa na lang ng account sa Blog-City, Tabulas, o BlogSpot kasi minsan sinasapian na ako ni Juan Tamad. Atsaka walang Add Comment service ang Geocities per post ko kaya hanggang tagboard lang ang kaya ko. Tapos limited lang sa 6 MB ang space ko atsaka ginagamitan ko pa rin ng HTML. Oh my, the work!

Pero hindi ko lang talaga maiwan-iwan ang parte ng cyberspace na ito. Habang binabasa mo ito, meron niyan akong account sa Tabulas, pero hindi ko pa rin pinupursue.

Sa kadahilanng walang Add Comment service per post ang GeoCities, may naisip ang inyong lingkod. Tignan niyo na lang mamaya sa baba ng entry na ito.

Ang Babaeng Red Ang Mata

May bagong pakulo na naman ang mga Telecommunication Companies para mapilitang magtext ang mga tao. Gayunpaman, para lang ito sa mga taong matatakutin... tulad ko. Pero hindi ako pumatol ah.

Gud pm. I'm Jen, 16 y/o, red eyes, dead. Tell this to 10 people or I'll visit you later at 3 am beside your bed.

Red EyesAaminin ko na natakot ako ng kaunti (dahil mag-isa lang ako sa kuwarto), pero hindi ako pumatol. 10 people? Ba, P10.00 yun. Sana 3 friends na lang. Masyadong demanding ang patay na iyon ah.

After 15 minutes, natauhan din ako at inisip na hindi kailangang matakot.

Talagang ganito ako, matatakutin sa mga necromantic, ghostly, or something like those na bagay. Pero hindi obvious kasi hanggang isip lang ang aking takot. Ang tanging epekto lang sa akin ay hindi ako makatulog ng maayos. Pero natatauhan din ako. Pesteng yaya kasi nung bata pa ako; lagi akong iniiwan sa dilim kapag umiiyak ako.

Ngunit peyborit movie ko pa rin ang The Ring. Nami-miss ko na rin ang mga palabas na tulad ng Lihim Ng Gabi, pati yung mga movie na Shake, Rattle, and Roll.

[Pasintabi sa dalawa kong kaklase nung hayskul (esp. kay Pyuree); ginamit ko ang mukha nila at pinaghalo para ma-illustrate ang Babaeng Red Eyes.]

Two of my Class Cards came out

Yes! Pasado ako ng Math 11! Dos (2). Sa dakong History naman, 1.25 ako. Hindi kasi ako nag-report, hehe. Kundi sana nauno ko na iyon.

Kapag binabanggit ko na hindi ako kuntento sa na-achieve kong grade sa Math 11, naiirita ang mga kaklase ko sa akin. Kasi daw, dapat masaya na ako. Pero hindi eh. Talagang... errr... uno ang gusto kong grade, mwahahahaha!

Yes!

Ang nais kong makita ay ang Class Card ko sa Communication 1. Maaaring ako ang highest sa subject na ito sa lahat, ulitin ko lang, sa LAHAT ng mga freshie. Talagang peyborit ko ang mga English subjects.

Name URL or Email
[Brief] Comment


OCTOBER 2003

Back to Home

VIOLENT REACTIONS
Powered by TagBoard Message Board
And you are?

URL / Email

Messages (smilies)

MY FROPILE
Lagsh
LAGSH

16 years old
b. Sep 21, 1987
Virgo

1/2 Kapampangan
1/2 Olongapoan
Angeles City
Philippines

College Freshie
UP Pampanga
BA Psychology
AES Member

VIRGIN (UNUSED) AREA



VISIONARY v3.0 - Everything Copyright © Lagsh
View: 800x600 Resolution / 16 or 32 bit color
All Rights Reserved
no animal was hurt in the making of this website