 |
FEBRUARY 26, 2004
Moment's Soundtrack: Legend - 5566
Emotional Status: Damn I'm getting good in singing! =)
|
Usapang SINGERS
Kung ako sa mga ibang talunan sa American Idol, punta sila dito sa Pilipinas at mag-aral magsalita ng Filipino. Sisikat sila. Promise.
Ang cool ni Jay Chou.
Matindi rin itong 'Because of You' ni Keith Martin. Mag-iisang taon na sa Pilipinas, ayaw pa rin tantanan ang ating mga tainga. Una kong narinig sa mainstream ang kantang ito last summer vacation.
Dalawa ang dahilan kung bakit nagko-concert ang mga foreign artists dito sa Pilipinas: 1) sikat sila, 2) nalalaos na sila.
Ang mga ibang naliligaw sa website ko, sini-search nila sa google, "vhong pamela," kaya nakakarating sila dito. Ang iba: "noypi lyrics," "nasaan ka na by nyoy volante mp3," "jennylyn mercado," at "karl villuga."
Hindi ko alam kung magaling kumanta si Karylle o hinde.
Parehong mababaw ang boobs ni Regine Velasquez at Mariah Carey. Magiging mababaw din kaya ang kay Sarah Geronimo pagtanda niya?
320/320 Vision: Male CR Cubicle #2
Astigin din pala ang hiya nito. Biruin niyo, sa araw-araw na ginawa ng Lumikha, wala na siyang inatupag kundi bosohin ang mga jumi-jingle na lalaki sa nag-iisang pang-estudyanteng CR ng nag-iisang building ng nag-iisang UP Pampanga. Sa buong buhay nito, siguro wala na siyang napapanaginipan sa pagtulog kundi ari ng lalaki. Memorize na rin siguro niya ang brand ng underwear ng mga estudyante: Calvin Klein, Bench/, Carter, Penshoppe, Kanebo, Warren, Fruit Of The Loom, Avon, Ever Bilena, Lucky Me, Mitsubishi, atbp.
Sa araw-araw na pamboboso ng gagambang ito habang naninirahan sa pader ng pangalawang cubicle ng male CR, wala na ring ginawa itong si Yubs, isang Business Management student, kundi umupo sa inidoro at magmuni-muni. Minsan nga sa tagal niya sa loob, napagkakamalan na siya ng mga tao na nagtatae, nagpapa-"lipas oras," tumitira ng shabu, rumeregla, nanganganak, nangangatay ng biik, at sumasamba kay Satanas.
Love-struck eh. Iyan si Yubs. Malakas ang tama ni Mickey-isang Psych student na hindi lang magaling sa academics, matalino sa school, at maalam sa bagay-bagay, kundi magaling din sa pag-aaral-sa kanya. At mabait din siya. Marami siyang kaibigan, mapa-babae man o lalaki, mapa-Friendster, MySpace, Everyone’s Connected, Friend Surfer, o real life. Kaya siguro patay na patay lately itong si Yubs.
Minsan, nabangga ni Yubs si Mickey sa lobby. Biglang nag-slow motion ang paningin ni Yubs! With matching ‘Pagdating Ng Panahon’ pa sa background. Siyempre, bigla ba namang mabangga ang object of affection. Kinilig siya to the bones. Yihee.
Ngunit si Yubs ay torpe. Wala siyang nasabi. Ika nga ng mga nakakatanda, “speechless.” Kahit magpasori, hindi niya nagawa. Kaya hayun si Mickey, nakalabas na ng UP at dumiretso na sa jeep na sa tingin ni Yubs ay papuntang langit kung saan tunay na nararapat ang kanyang irog. Likod na lamang ni Mickey ang nasilayan ni Yubs (slow motion pa rin).
Dahil sa pangyayaring ito, mas matulin pa sa kabayo ang pagtakbo ni Yubs, although may hawig siyang konti sa kabayo. Dumiretso siya sa CR ng mga lalaki nang tumitibok ng malakas ang puso. Bubuksan na sana ang zipper, tapos biglang, “HOY! ANAK KA NG PUNYETA, MAY TAO KASI!”
May isang bading na nakaupo kung umihi ang nasa loob. May tao pala sa paboritong cubicle ni Yubs, kaya humingi na lang siya ng paumanhin. Instead na gamitin ang kabilang cubicle, nag-ayos na muna siya ng buhok sa harap ng basag-basag na salamin hanggang makalabas ang bading na may carnation pink pang handbag na bitbit-bitbit.
Pale yellow ang kulay ng ihi niya dulot ng madalas niyang pag-inom ng lemonade na lasang tubig na may food coloring sa canteen. Habang bumubuhos ang ihi sa inodorong may mga nagsilagasang pubic hair ng iba’t-ibang lalaki (kasama ang bading kanina), nabaling ang atensiyon niya sa sari-saring bandalismo sa paligid niya.
“Sali na sa Sigma Beta Delta Kappa (EBAK)!”
“Oi Boyds, yung 3rd Year Psych Econ, BAKLA ka ba?”
“Si Boyds? Di yan, mukhang malaki titi niyan.”
“<':: Bakit, nakita mo na ba!? Ano ang hitsura? ::'>”
“Oo! Ganito ==[) Naka-rebond pa nga buhok eh.”
“Tol, tingin ka sa salamin. Kung ano makita mo, ganun.”
“TANG-*NA, ang guwapo naman!”
“Oo nga! Tinignan ko rin!”
“Sa akin biyak!”
Naaliw siya sa pagbabasa ng samu’t-saring bandalismo, ngunit bigla niyang naalala ang pagkatorpe niya kay Mickey. Napasimangot siyang muli. Umaapaw na ang kanyang saloobin kaya kinuha na lang niya ang nagtatae niyang Panda ballpen mula sa kanyang notebook sa Math 14 at nagsulat na rin sa pader.
“May problema ako sa pag-ibig... Nahulog na ang damdamin ko sa kanya!... Ano’ng gagawin ng isang torpeng katulad ko?...”
Ni-zip ni Yubs yung pantalon niya, umeskapo na’t umuwi.
Kinabukasan, medyo hindi okey ang gising ni Yubs, masigla ang sikat ng araw, mainit-init ang panahon, pero tolerable naman. Ang air pressure ay hindi tiyak, gayundin ang humidity. Ang mga ulap, cumulo-stratus ang kanilang japorms. 6:02 pm daw lulubog ang araw at medyo may low tide mamayang gabi. At oo nga pala, sa tabi ng Pilipinas, may low-pressure area daw na namumuo. Makakaranas daw ng kaunting pag-ulan sa may Bicol at mga thunderstorms naman sa may Mindoro.
May mga tsismis na may strike daw ang mga dyip sa Gitnang Luzon sa araw na iyon, pero wala naman pala. Si Yubs, totoo man ang sabi-sabi o hindi, gusto pa rin niyang pumasok-atat na atat na yata ang bata nating makita ang araw-araw na inaabangan at oras-oras na inaalalang blue book sa Comm II... at siyempre, si Mickey.
Bago sinimulan ang unang klase, CR muna ang stopover. Cubicle #2. May bitak-bitak na ebs sa tubig kaya ni-flush muna niya ito at huminga na lang sa bibig para hindi maamoy ang pasabog. Madalas marinig natin sa mga banyagang pelikula at cartoons na dilaw ang kulay ng pagiging “chicken” o duwag; minsan naman, ito ay kulay ng kaligayahan; yellow din ang kulay ni Cory Aquino; pero sa sitwasyon ni Yubs, ang kulay na dilaw ang kulay ng kanyang ihi. Mas matingkad kaysa kahapon, dulot siguro ng dehydration o hepatitis.
Nabigla itong si Yubs nang tumingin siya sa ilalim ng bahay ng mapagkumbabang gagamba, Mas marami pa sa mga mansiyon ni Erap ang mga nag-reply sa sinulat niya kahapon. Puro kagaguhan.
“Tol, naiintiindihan ko ang problema mo. I-jakol mo na lang yan.”
“Alam ko kung bakit hindi ka niya pinapansin! Siguro maliit ang lawit mo!”
"Cnu b tlaga dserving tsupain d2?"
“ME! HE2 MY CELNUM 09209115566 txt me okei? Ü”
"May nagra-Ragnarok ba dito? Ano usernames ninyo?"
"gagu, di mabili topic mo!"
"May nagra-Ragnarok ba dito? Ano usernames ninyo?"
“Punyemas kayong mga students kayo, BaWaL mag-VaNDaL!”
“__Hmmm.. sino ang kras mong yan? Malaman ba ang suso niyan?__”
“Madrama ka tol. Kulang ka lang sa sex.”
Kagaguhan-ito ang pangkalahatang tawag niya sa mga reply na may free giveaway pang mga drowing at cartographic sketches ng iba’t-ibang lahi at anyo ng ari ng lalaki.
Lalabas na sana ang ating bida nang mabasa pa niya ang isang tugon na nasulat gamit ang isang red na bolpen.
“Bakit ka natotorpe? Bakit mo ba siya gusto? Feeling mo ba ganun siya kababaw para hindi ka niya magustuhan, kung sino ka mang bata ka? Kung iisnabin niya ang iyong pagmamahal, aba’y hindi ka niya deserve. Pero tiwala ako sayo na crush mo siya dahil hindi mababaw ang tingin mo sa kanya. Part talaga ng buhay ang pagiging torpe. Madalas torpe din ako sa mga natitipuhan ko, pero dapat matutunan natin itong i-surpass. Noon ngang na-in-love ako kay Sh Tol, go for it, habang single pa ang crush mo, kung single pa siya. Start with friendship -Anonimus.”
Sa ibaba nito may nagsulat, “Fineeling mo talaga, noh?”
Natigilan si Yubs, parang si Eddie Gil nang malaman niyang tumalbog ang mga tseke niya. Kinuha niya muli ang nagtatae niyang Panda ballpen at nagsulat ng reply sa sinabi ni Anonimus.
“Tol... mahirap na... Siguradong-sigurado ako na hindi kami puwedeng magkatuluyan... Iyon ang dahilan kung bakit 100% akong torpe... Kung tatanungin ako ni Angel Kris Aquino kung sigurado na akong hindi maaaring maging kami, ang isasagot ko, SURE NA! Gulong-gulo ako, pre... Di na nga me maka-sleep sa gabi dahil di me know ang must gawin...”
Tinitigan ni Yubs ang gagamba sa tabi at inisip na baka ito ang sumagot. Paglabas niya ng pangalawang cubicle, tinignan niya isa-isa ang mga taong nasa CR nang oras na iyon: ang bading na minura siya kahapon na nagpapahid ng Pond’s powder sa mukha, ang bisayang janitor na nagma-mop ng floor, si Boyds na jumi-jingle dun sa urinal, at ang supremo ng isang frat na kalalabas lang sa unang cubicle. Tanong niya sa sarili, “Sino kaya ang Anonimus na ito?”
Dumiretso na siya sa una niyang klase. Hindi na siya nakinig sa mukhang-pasas niyang prof sa History II dahil ang mga mata niya ay kay Mickey lang nakapuwesto. Siyempre pasulyap-sulyap lang, para hindi masyadong obvious.
“Ano ba talagang dapat kong gawin? Haaay. Sana may puwede akong kausapin, pero wala.”
Dumating ang dismissal kaya garapal lahat ng mga students. Ma-reremind ka sa pagkagarapal ni Loren sa pagiging preseidente sa hinaharap. Pumasok sa isip ni Yubs si Anonimus. Napag-isip-isip ng utak niyang may ilang kilo, tanging si Anonimus na lang ang puwede niyang kausapin ukol sa kanyang dinaranas. Hindi niya puwedeng kausapin ang librarian na kaibigan niya tungkol sa love problems niya. Una, masyadong confidential. Pangalawa, gurang na’t kulubot, baka hindi na maarok ang teenage love. Minsan gusto na niyang kausapin ang kuya niya tungkol dito, pero sigurado siya na iba ang magiging reaksiyon nito.
Naglakad siya patungo sa CR at pumasok sa Cubicle #2, hindi para umihi, kundi para lang tsekin kung may tinugon ang lihim niyang kaibigan. Meron nga.
“Kung talagang sure na sure ka na na hindi puwedeng maging kayo, gago ka pala talaga e heto ang maipapayo ko. Para mailabas mo ang nararamdaman mo, mag-isip ka ng paraan na maipapahayag mo ang nilalaman ng puso mo sa kanya. Huwag ka ng magpakilala. Ang main objective mo lang naman ay ma-express ang feelings mo. Pagkatapos nun, tignan mo man, luluwag ang mga ugat mo sa dibdib. -Anonimus.”
“Hoy, Anonimus! Kung sino man iyang chat-mate mo diyan, mag-tsupaan na lang kayo!”
“Kilala ko si Anonimus! Brod ko yata to. ;-)”
“Singkalaki na lang ng titi para masaya.”
“Pakshet kayo, bakit puro etits ang pinag-uusapan ninyo!? Dapat pek2!”
“Care mo!?”
“Survey: ilang inches ang etits ninyo?”
“9.5 inches. (with matching drowing ng isang pagkalaki-laking ari yata ng balyena)”
"8::::::::[) wla kayo ne2!"
“3 inches on normal conditions, 1 inch sa harap ni Prof Joel, 7.25 inches sa harap ni Ma’am Tayag.”
“Type FANATXT ETITS and send to 4627 for Smart and Talk N Text subcribers.”
“Type ko si Willie na 1st year! Gusto ko siyang i-BJ.”
“(In-encircle muna ang ‘Willie’) Bakla 'to eh.”
“Ganun ba? :( Sayang naman.”
“Oks lang kahit bakla, basta malaki, maabilidad, at kayang mangagat.”
May suminding light bulb sa ulo ni Yubs. Brilyante ang ideya. Nakapag-decide siya na sundin ang sinasabi ni Anonimus. Inisip niya, “Siguro nga, ganun na lang ang kailangan kong gawin para kay Mickey. Bukas na bukas mag-iiwan ako ng anonymous love letter sa locker niya, para solved na ako.”
Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang estrangherong counselor niya.
“Pre... sige... gagawin ko iyan.... Salamat sayo, kung sino ka man... Kunin ka nawa ni Lord Ü ...”
Sort of "itutuloy" pero not totally...
###############
1) Fictional characters, fictional story, real setting.
2) Ang mga vandalisms na nailahad, pati ang sinulat ni Yubs at Anonimus, ay hango sa mga tunay na bandalismo sa male restroom ng UP Pampanga. Binigyan ko lang ng kuwento.
3) Abangan ang follow-up article ("Lobby Locker #32-A") na sort of katuloy nito, pero not totally (you'll see what I mean).
 |
FEBRUARY 24, 2004
Moment's Soundtrack: Crazy - Javier
Emotional Status: Guilty of eating spaghetti
|
Intro muna
Magpapaka-orange muna tayo nowadays para in tune tayo with summer (ito lang ang kaya kong gawin para i-celebrate ang 10,000 hits natin noong araw). Ngayon din po pala lalabas ang 320/320 Vision sa Peyups. Yun yung 'Di Ako Papa Material na supposed to be last, last Tuesday pa lumabas, na hindi nailabas dahil busy ang Admi sa photo booth nila sa UP Fair.
In fairness, in-love ako sa banner na ginawa ko. :)
Ang Mga Musikal Kong Panaginip
Panaginip.
Oo, panaginip. Ito ang aking tatalakayin sa entry na ito. Once upon a time (noong Sabado), nag-lucid dream ako. Bago tayo magpatuloy, ang lucid dream ay isang panaginip na 1) natatandaan mo 2) nakontrol mo ang ibang parts kahit papano at 3) may manifestation o intervention ang nangyayari sa iyong kapaligiran, kagaya ng sounds, habang ika'y natutulog.
Nag-lucid dream ako na nasa American Idol ako. Opo, American Idol. Pero hindi ako isa sa mga contestants. Basta nandun lang ako, nanonood. May isang contestant na miyembro ng boyband na Blue (Lee), ang kinakanta niya ay iyong Moment's Soundtrack ko, Crazy by Javier. Sa panaginip ko, nagandahan ako sa kanta.
Hindi ko pinapansin ang kantang iyon dati. Paggising ko, inaabangan ko na sa MTV ang paglabas ng video nun. Gusto ko na ring i-download ang MP3 nun. Amazing, di ba? At na-solve ko na rin kung bakit sa isip ko, si Lee ang kumakanta-ka-boses ni Javier si Lee.
Share ko lang, madalas may intervention ang music sa mga dreams ko. Gaya dati, napanaginipan ko si Jade ng Mortal Kombat na kumakanta ng What If by Babyface. Dati naman, napanaginipan ko si Missy Elliot na solong umaawit ng Lady Marmalade sa isang sinehan. May natatandaan din akong dream na mga bata na kumakanta nung In The End ng Linkin Park habang naglalaro ng tumbang-preso. At dati rin, napanaginipan ko ang high school valedictorian namin na pumasok sa classroom at biglang bumirit ng Hanggang Ngayon by Ogie Alcasid and Regine Velasquez.
Ang dahilan: natutulog ako ng naka-on ang TV sa MTV o MYX. Minsan naman, radyo ang pinapatulan ko. Kaya siguro musical madalas ang mga panaginip ko.
Kung inyong tatanungin kung bakit ko ginagawa iyon, heto ang kasagutan: hindi ako nakakatulog sa gabi kapag tahimik. Umm... kasi, wala lang... Oo na, aamin na, medyo it gives me the creeps. *blush*
At least kapag may mumu na magpaparamdam, hindi ako focused, kasi may music. Hehe.
Naghalikan daw kami sa panaginip
Panaginip.
Oo, panaginip. Ito ang aking tatalakayin sa entry na ito. (Pa-deja vu effect, hehe.)
So iyon, noong umaga ng Sunday, medyo cloudy ang weather, umalis ang peyrents ko, may air pressure na ???, may temperatura na room temperature, at ako'y nakahiga sa kama ng parents ko at nagsi-surf ng channels sa cable nang bigla akong makatanggap ng text message galing sa isang tao na hindi naman ako regularly tine-text: ang Communication 2 classmate ko na si Jeannie aka Avril Lavigne of UP Pampanga.
Jeannie: Pakshet Lodge! (nung una di ko alam kung ano ang ibig sabihin niya sa LODGE, pero hindi po pala niya alam na LAGSH ang tama, hindi LODGE, pero nice idea hehe) NpnaGinipan kta! N u wont even bLiv kung an0 ioN! :) Share kLng! Hehe! KKbgLa eh.. :) (ang mga smiley po na :) ay iyong u na may dalawang tuldok sa taas, di ko lang po kasi alam gawin sa computer right now)
Lagsh/Lodge: O ano yon? Ma3tay na ba ko? :)
Jeannie: D..mLau doN.. BOYFREN kta s drim co.. n we kiseD, cudDleD.. amazin n0h?
Lagsh/Lodge: Wahahaha!
Jeannie: Oi! Npernes, d funi ung drim.. its so pasioN8, kw dn! Hai... itS stiL oN my mind... d co maaLes.. :) (once more, yung smiley po ay yung u na may dalawang paminta sa taas, di ko alam ang keynumber sa computer)
Sa kasamaang palad po, ako'y magrereply pa sana kaya lang biglang Check Operator Services na ako. At para sa karagdagang trivia, last akong bumili ng P300 prepaid noong December. Pakshet kasi iyang P30 at PasaLoad na yan. Diyan na lang nagsa-subsist ang aking cell.
Hey people, may bago akong nickname: LODGE.
 |
FEBRUARY 20, 2004
Moment's Soundtrack: Doesn't Really Matter - Janet Jackson
Emotional Status: Happy (after 9 million years)
|
Trip to Year 2010
HINDI NIYO PANINIWALAAN ANG SASABIHIN KO.
Kagabi, nakapag-astral projection na naman ako. At this time, nakapunta ako sa future. Mga 6 years from now iyon kasi may nakita akong calendar. Heto ang mga natatandaan kong impormasyon na nakuha ko:
Annual Grammy Awards
Record Of The Year
Can't Help Falling - Josh Santana
Album Of The Year
Playlist - Paolo Santos
Song Of The Year
Mapansin - Paolo Santos
Best New Artist
Armida Sigeon-Reyna
Best Female Pop Vocal Performance
I Don't Need Your Money - Geneva Cruz
Best Male Pop Vocal Performance
Akala Mo - Aiza Seguerra
Best Pop Performance By A Duo Or Group With Vocal
Tuwing Umuulan - Regine Velasquez & Robin Padilla
Best Pop Collaboration With Vocals
Nahulog - Gladys & The Boxers f/ Allan K.
Best Pop Vocal Album
Playlist - Paolo Santos
Best Dance Recording
Pamela One - Vhong Navarro
Best Female Rock Vocal Performance
Fallin' - Danica Sotto
Best Male Rock Vocal Performance
Mapansin - Paolo Santos
Best Rock Performance By A Duo Or Group With Vocal
Luha - Aegis
Best Hard Rock Performance
Mapansin - Paolo Santos
Best Metal Performance
Paper Roses - Jolina Magdangal
Best Rock Song
Mapansin - Paolo Santos
Best Rock Album
Danica Sotto - Danica Sotto
Best Female R&B Vocal Performance
The Gift - Piolo Pascual
Best Male R&B Vocal Performance
V-Fresh - Gloc 9
Best R&B Song
Get Real - Carlos Agassi
Best R&B Album
Pop Lola - Armida Sigeon-Reyna
Best Contemporary R&B Album
Endless Love 2 Soundtrack - Various Artists
Best Female Rap Solo Performance
Can't Help Falling - Josh Santana
Best Male Rap Solo Performance
Hinahanap Ng Puso - Gloc 9
Best Rap Performance By A Duo Or Group
Captain Barbell - Ogie Alcasid & Regine Velasquez
Best Rap Song
Captain Barbell - Ogie Alcasid & Regine Velasquez
Best Rap Album
Playlist - Paolo Santos
Best Country Song
One - Heart Evangelista
Best Rock Gospel Album
Only Selfless Love - Various Artists
Best Pop/Contemporary Gospel Album
LA Lopez - LA Lopez
Best Remix
Bulaklak (Acoustic Mix) - Viva Hotbabes f/ Danica Sotto
Best Short Form Music Video
The Gift - Piolo Pascual
Best Long Form Music Video
Mapansin - Paolo Santos
Todo naman pala sa okay si Paolo Santos eh. Astig siya. Andami niyang awards. No wonder nakuha niya ang award sa Best Album Of The Year. Biruin mo, Best Pop Vocal Album na, Best Rap Album pa. Tapos yung track niya na 'Mapansin,' wala kayo sa kanya. LIMANG malulutong na awards! So all in all, naka-pito siyang awards! Daig pa niya si Beyonce. Ay, oo nga pala, may natatandaan din akong lyrics ng isang bagong hit na kanta na galing ko sa future.
Cross Mary Langit Lupa Medley
Written by: Lito Camo
popularized by: Anne Curtis & Jimmy Santos feat. Gloc 9
Year: 2010
I
Tuwing ika'y / Nalulumbay / Halina tayo / Sa kuwarto ko
Bagong game ang lalaruin / Ito'y iyong hindi iisnabin
Pre-Chorus:
Tawagin mo si / Nanay, Tatay
Gusto kong tinapay
Ate, Kuya / Gusto kong kape
Lahat ng gusto ko
Oh susundin niyo (yeah yeah)
One, two, one, two, three, four
Kaya tayo na't maglaro ng
Chorus:
Cross Mary shake, shake, shake
Cross Mary shake, shake
Cross Mary shake
Cross Mary shake
Cross Mary shake, shake
Cross Mary shake, shake, shake
Yeah, yeah / Oh no no no no no
Come on now / Hey, let's do it
II
Kung ika'y / Merong suklay / Wala akong pakeech / Laro tayo diteech
Gusto mo bang maglaro / Ng bagong laro ko (oh yeah come on now)
Pre-Chorus:
Tawagin mo si / Nanay, Tatay
Gusto kong tinapay (tinapay)
Ate, Kuya / Gusto kong kape (kape)
Lahat ng gusto ko (oh come on)
Ay susundin niyo (sundin)
One, two, one, two, three, four
Kaya tayo na't maglaro ng
Repeat Chorus
Bridge:
Langit, lupa, impiyerno (say what)
Im-im-impiyerno (get it now, baby don't refuse it)
Saksak puso, tulo ang dugo (whoa)
Patay (patay), buhay (buhay)
Alis ka na dito (feel it, babe)
Instrumental
Repeat Chorus except last two lines
Coda:
Oohh, yeah yeah, I want it so bad
Cross Mary, yeah (come on)
Mary Mary, oohh, hmmm, yihee
Yeah, no no no oh oh yeah
Baby, baby (don't you wanna do it tonight)
Yeah, Cross Mary
Aww, don't stop it baby
Come on do the shake shake shake
Cross Mary
...Ang kantang ito, ang alam ko, ginamit din ng isang presidential candidate sa 2010 (base sa nabalitaan ko sa TV nang mag-astral project ako sa hinaharap). Hindi ko lang alam kung si Eddie Garcia, Clair Dela Fuente, o si Noel Cabangon ang gumamit. Napaka-creative naman pala ni Lito Camo. Hindi siya nauubusan ng ideas sa mga kantang sinusulat niya.
At last na lang, nakita ko yung future episodes ng Victim. Si Carlos Agassi pa rin ang host although semikalbo na ang hairdo ni Amir of Rap. Heto ang mga napanood kong episodes (walo lang, di ko na naabutan ang iba).
VICTIM (Year 2010)
EPISODE A
ACCOMPLICE GUY: Um, ikaw si Sarah Geronimo di ba? Yung singer!
SARAH: Hihihi, ako nga. Bakit?
ACCOMPLICE GUY: Um, bukas kasi ang zipper mo eh. Kita iyong panty.
SARAH: [looks down] Huh!? Talaga!?
ACCOMPLICE GUY: ...
SARAH: Hindi naman ah...
CARLOS AGASSI: [enters scene with bouquet of roses] Victim!!!
EPISODE B
ACCOMPLICE GIRL: Christine!
CHRISTINE BERSOLA: Um, hello?
ACCOMPLICE GIRL: Sa inyo yata itong napulot kong panyo [gets hanky from pocket].
CHRISTINE: Ay, hindi. Hindi akin iyan, hija.
CARLOS AGASSI: [enters scene with bouquet of tulips] Victim!!!
EPISODE C
ACCOMPLICE GUY: [runs to Borgy]
BORGY MANOTOC: Huh!?
ACCOMPLICE GUY: May nagpapaabot po ng letter sa inyo [hands letter].
BORGY: [gets letter, opens it, and reads it]
LETTER: Dear Mr. Borgy Manotoc. You are on... Victim!!!
CARLOS AGASSI: [enters scene with bouquet of daisies] Victim!!! Hehehe.
EPISODE D
ACCOMPLICE GIRL: Ms. Armida, saan ko po tinatago ang isang pisong barya?
ARMIDA SIGEON-REYNA: Ha?
ACCOMPLICE GIRL: Kaliwa o kanang pocket?
ARMIDA: Whom do you work for, hija?
ACCOMPLICE GIRL: Kanan po, o kaliwa!?
ARMIDA: Okay, okay. Hmm... Siguro, sa kaliwa, hija.
ACCOMPLICE GIRL: Haha! Mali po kayo. Sa kanan!
CARLOS AGASSI: [enters scene with bouquet of dahlias] Victim!!!
EPISODE E
ACCOMPLICE GUY: Interviewer po ako.
MANNY PACQUIAO: Manloloko! Kita ko ang hidden camera ninyo. Bisto!
ACCOMPLICE GUY: Hehe! Hindi sa amin iyan! Hayun ang sa amin!
CARLOS AGASSI: [enters scene with bouquet of stargazers] Victim!!! Hahaha.
EPISODE F
ACCOMPLICE GAY: Aiza, Aiza, harap ka dito! Naka-bold ako!
AIZA SEGUERRA: [faces accomplice]
ACCOMPLICE GAY: Joke joke joke!
CARLOS AGASSI: [enters scene with bouquet of santans] Victim!!! Hehe. Peace.
EPISODE G
ACCOMPLICE GIRL: Miss, gusto ba ninyong tikman itong chocolates?
CAMILLE PRATTS: Magkano ba?
ACCOMPLICE GIRL: Free taste po.
CAMILLE: Sige ba.
CARLOS AGASSI: [enters scene with bouquet of bougainvilleas] Victim!!!
EPISODE H
ACCOMPLICE GUY: Paolo, Paolo! May papakita me sa iyo.
PAOLO SANTOS: ?
ACCOMPLICE GUY: Um! [kicks Paolo's face hard]
PAOLO SANTOS: [drops down to floor]
CARLOS AGASSI: [enters scene with bouquet of ylang-ylang] Victim!!! Walang pikunan.
10,000 Hits
10,000 hits na po tayo. Nag-iisip pa ako kung paano ito ise-celebrate.
Tinignan ko ang stats ng aking website sa GeoCities. Hulaan ninyo kung aling months pinakamabili ang website ko: noong January at February. Tinignan ko ang posts ko para malaman kung bakit at heto ang kasagutan:
 STARSTRUCK!
Opo. Salamat na rin sa mga jologs na hindi tinantanan ang website ko dulot ng buhok at ngipin ni Rainier. Kaya para makadami ulit tayo ng hits, kailangan kong gawin ito:
Rainier Castillo Mark Herras Yasmien Kurdi Jennylyn Mercado Starstruck Survivors Starstruck Avengers Rainier Castillo Mark Herras Yasmien Kurdi Jennylyn Mercado Starstruck Survivors Starstruck Avengers Rainier Castillo Mark Herras Yasmien Kurdi Jennylyn Mercado Starstruck Survivors Starstruck AvengersRainier Castillo Mark Herras Yasmien Kurdi Jennylyn Mercado Starstruck Survivors Starstruck Avengers Rainier Castillo Mark Herras Yasmien Kurdi Jennylyn Mercado Starstruck Survivors Starstruck Avengers Rainier Castillo Mark Herras Yasmien Kurdi Jennylyn Mercado Starstruck Survivors Starstruck Avengers Rainier Castillo Mark Herras Yasmien Kurdi Jennylyn Mercado Starstruck Survivors Starstruck Avengers
Hehehe. Para kapag may nagsi-search sa Google, di ba? >:)
 |
FEBRUARY 16, 2004
Moment's Soundtrack: Noypi - Bamboo
Emotional Status: Fine
|
Mga feeling close na piloto ng mga jeepneys at mga barkers
Hindi ba mas magandang imadyinin ang Pilipinas kung mas kaunti o wala na talagang dyip? Physically ang ibig kong sabihin ha. Alam ko isang job na in-demand ang pagiging jeepney driver ngayon kaya maraming mga Pilipino ang, kumbaga sa Nursing, nagsisiksikan.
Minsan papunta ako sa Unibersidad Ng Pilipinas Extensiyon Programa Sa Pampanga (ang dakila kong factory, este, eskuwelahan). Siyempre, paano ba naman tayo pupunta doon kung hindi tayo sasakay ng dyip hindi ba?
Sa kamalas-malasang palad, ako pa lang ang pasahero, kaya naman minabuti nung driver na maghintay pa ng mga pasahero. Mga ilang light years lang naman. Gurang na si manong. Puti na ang buhok. Kulubot na ang balat. Hindi ko alam kung paano siya nakakakita ngunit parang laging sarado ang kanyang mga mata. Heto ang perpektong deskripsiyon: para siyang oversized na pasas na inineksiyonan ng kayumangging food coloring, pagkatapos, ay dinikitan ng mukha.
Pero astig siya. Kausapin daw ba ako bigla. Para siyang article sa Inquirer. Tignan mo ang kanyang lead:
"Puro salita, wala namang gawa!"
Akala ko nagdedeliryo iyong matanda dahil sa matinding init at vibration ng sasakyan niya, pero hindi pala. Isa lang pala siyang socially aware na nilalang, hindi tulad ko. (Although nag-suspect ako na baka siya talaga si FPJ at naka-costume lang para mangampanya ng patago sa balwarte ni GMA.)
"Iyang mga politikong iyan, dakdak ng dakdak, wala namang ginagawang mabuti para sa Pilipinas. Tapos kurakot pa ng kurakot. Dapat sa mga iyan tabakin ang kamay eh."
WOOOW! Astig si Manong! Okey na okey ang plataporma niya. Malakas ang kutob ko siya si FPJ na naka-costume. Pero parang feeling yata niya anak ako ng mayor ng Angeles kasi sinisigawan niya ako. Kako, baka feeling close lang.
May sumakay na tatlong jologs na babae sa dyip. Nakuntento na si Manong kaya off we went. Habang nagda-drive siya, may naglalakad na ale sa daan.
"HUWAG KAYONG LALAKAD SA GITNA NG DAAN!!!"
Pucha. Astig talaga siya. Para siyang si Son Gokou. Sigawan daw ba ang ale sa daan. Naks. Manong for President. Hindi ko lang alam kung bakit kailangan niyang sigawan iyong babae na para siyang nagsu-Super Saian. Pero, kako, baka feeling close lang si Manong.
Nang makarating kami sa may tindahan ng Chicken Joy at Jolly Hotdog, kung saan maraming mga Bumbay at Muslim na nagbebenta ng sandamakmak na pirated movies at music CDs, heavy pa sa mabigat ang traffic!
Biglang pumasok sa isip ko ang isa sa aking mabababaw na pangarap: ang makita ang Angeles sa TV. Kaya naman naisip kong mag-text one day kay Mike enriquez sa Imbestigador at isumbong iyong mga nagtitinda ng pirated CDs. No offense to them, kasi patronizer ako ng pirated na kagamitan, pero gusto ko lang makita sa TV ang Angeles.
Pero kasi naman, sila ang dahilan kung bakit ma-traffic banda dun. Dahil mura ang paninda nila, dinudumog ang lugar ng mga tao. At dahil maraming mga tao, dumudugas ang mga drayber.
Alam kong alam niyo iyong mga dyip na busina ng busina sa daan na parang nanghihingi sila ng gatas sa mga dumadaan na tao. Minsan gusto ko silang tanungin ng pasuplado: "Manong, bakit po kayo bumubusina? Pinagmamalaki niyo ba na Level 5 ang ringtone ng dyip ninyo? Feeling niyo ba naiintindihan ng mga tao ang potpot ng makina ninyo?" Pero iniatras ko na ang planong iyon. Kako, baka feeling close lang sila sa mga tao kaya ganun.
At dahil inookray ko na rin ang mga jeepney drivers, may mas malala pa sa pagsayaw ni Rainier: iyong mga barker ng dyip na hindi marunong manghusga ng size ng puwet ng mga tao.
Iyong as in wala ng space na kahit praying mantis hindi kakasya sa tabi mo tapos biglang isisigaw nung tang-inang barker: "O sampu pa, sampu pa."
Tapos, pag may sasakay, "Usog lang po tayo, sir. Usog lang po. Siping tane pu i malagu."
Siyempre walang gagalaw sa mga pasahero. Siksikan na eh. Aba, magmamarahas si barker. "KONTING USOG LANG PO!!! PARA MAKAALIS NA TAYO!" Hindi pa siya makukuntento kakalampagin pa iyong jeep.
Punyemas nila. Pero kako, baka feeling close lang sila sa mga pasahero.
Kaya someday magpapaka-feeling close na rin ako sa mga drivers at mga barkers na iyan... para mamura ko sila at masigawan.
Extra Challenge with Paolo Santos
Ito si Paolo Santos. Siyempre kilala natin siya. Siya yata ang next Michael Jackson. Sino ba'ng hindi mabibilib sa kanyang panggigitara at sa angkin niyang talento sa pag-awit (na para bang kambing na tinuruang magsalita ng tao).
Matindi ang narcissism ng taong ito. Kitang-kita sa kanyang mga awitin. For instance, sa kanyang pinaka-latest na 'Mapansin.'
Hooh pa pa rap
Pa pa pa pam
Pa ra ram bam bam
Ba ram
Hooh pa pa rap
Pa pa pa pam
Pa ra ram bam bam
Ba ram
Pakiramdam ko ay
Sumisigla
Kapag nakikita
Ang iyong ganda
Di ko malaman
Ang siyang gagawin
Magpapa-cute lang ba
Isipin pa eh kung magpapa-cute daw siya. Kayo na ang bahalang mag-imagine kay Paolo kung paano siya magpa-cute. Heto mas mataray:
Play with me tonight
Under these satin sheets
We’ll get our tongues twisted tight
Come on and play with me tonight
Our bodies will collide
Throw myself at you
Pretending I was flying...
You take away my breath
You up against me
Sweat to sweat...
Hayun sa kanan ninyo ang picture ni Paolo. Ngayon, imadyinin ninyo muli ang taong nasa picture at kunwari sa inyo niya daw dine-dedicate ang song.
Pang-Extra Challenge di ba? Ibig kong sabihin, ang galing talaga ni Paolo.
 |
FEBRUARY 14, 2004
Moment's Soundtrack: Megalomaniac - Incubus
Emotional Status: Can't really evaluate what I'm feeling right now
|
Siyempre Valentines' Day (at iba pang rantings)
Kaya naman ang inyong lingkod ay narito sa kanyang website, nag-iisip ng malalim sa malawak na katahimikan tungkol sa iilang bagay, gaya ng:
Ilang birheng mga babae ang nade-devirginize tuwing V-day? Ano ang diperensiya ng benta ng condoms tuwing V-day at tuwing mga normal na araw? Ilang bata ang naisisilang tuwing October at November?
Haaay. Balentayms nga naman. Sa labing-anim na pamumuhay ko dito sa lupa ng mga mortal, noong high school freshie lang ako nag-effort bumili ng chocolates, flowers, at card para sa isang babae. Mga 2001 iyon yata, the same year kung kailan ako nahimasmasan na nakakabobo ang sobrang pangongopya sa exams.
Talagang nagpunta ako sa isang tindahan at bumili ng iba't-ibang pulang kapusuan. Ang thoughtful ko no?
At siyempre, binigay ko na sa kanya... Happy Valentines' Day... Ma.
Okey lang iyon. After all, hindi ko naman iyon pera. Hiningi ko iyon sa kanya.
People, people! Color of the day sa UP Pampanga sa araw na ire: ano pa ba ang kulay ng okasyon ngayon??? Edi green! Ah, red ba? Shet, sumumpong yata ang aking color-blindness. Sino ba ang Presidensiyabol na pula ang color code? Naks. Parang maraming sumusuporta sa kanya.
Speaking of UP Pampanga, mid-February na! Namulaklak na ang infamous na 'ebak tree' sa labas ng campus. Bakit ebak tree ang tawag? Simple lang, mga hijo't hija. Amoy ebak ang bulaklak! By the way, puno ng goma iyon. Every year, pinupurga ng scent ng tae ang mga Isko't Iska sa UP Pampanga.
Hey wait a damn, friggin', holy, f*ckin', chillin', musky minute! A while ago pinag-uusapan natin ay ang kulay PULA. Tapos, naisingit din iyong mabahong BULAKLAK. Hey hey hey! May theme song na tayo:
Ang pula-pula! Ang pula-pula! Ang pula-pula ng bulaklak!
Ang bango-bango, ang bango-bango, meron ding mabahong bulaklak...
Lito Camo songs nga naman o. Sana man lang kahit minsan ay gumawa siya ng kanta na hindi pang-jologs. Ano kaya ang iniisip niya habang sinusulat niya iyong 'ibubuka ang bulaklak, papasok ang reyna, sasayaw ng chacha, ang saya-saya'? Pa'no ba naman kasi aminin na nating mga Noypi na kung gaano tayo kahirap, ganoon tayo ka-green-minded. Analyze:
"Ibubuka ang [bulaklak = colloquial term for vagina], papasok ang reyna [queen, a superior woman = a dominant woman], sasayaw ng chacha [in other words, kalikut-kalikot, to and fro], ang saya-saya [one word: orgasm]."
"Boom tiyaya boom tiyaya boom yeah yeah..."
Obviously tungkol ang awit sa Lesbianism. Hmm... Lito Camo! Aminin mo na kasi! Isa kang lesbiyana! At cousin mo sa talampakan ang mga school girls ng t.A.T.u. Ay, ikaw pala ay may bayag. Lalaki ka pala. Isa lang ang nais ipahiwatig nun: ikaw ay isang lesbiyana na nagpa-sex change.
Buwiset, supposed to be tungkol sa Balentayms ang isusulat ko eh! Tang-ina kasi eh. Una, mukhang mananalo si FPJ. Pangalawa, Bench/ model na si Rainier. Pangatlo, wala na akong pera. Puro barya na lang ang nasa... uyyyy, may Coke sa table.
...
... ...
... ... ... !
Pak pak pak PAK! Heto ambit sabay-sabay heto ambit bawal sablay, pabilis ng pabilis wag magmi-miss wag magmi-miss, gets mo na gets ko na ang aaahh coca-cola, nalilito nalilito nahihilo nahihilo, coke ko to, coke ko to, coke ko to, coke ko to!!! Ahahaha... ngeks, walang laman. -_-
Mga Bagay Ukol kay Pernando Foe, Junior
BWAHAHAHAHAHA! Natawa ako sa sinabi ni Pernando Foe!
Mula sa Mariveles, ako ang lawin na dadapo sa Malacanang!
WAHAHAHAHA! Parang storyteller. Lawin daw. Di ba lawin iyong nambubunot ng mata sa mga tao? Atsaka... atsaka... ang lawin ay isang bird!!! Kaya huwag pahawak kay Foe. Baka magkaroon ng bird flu ng di oras.
Akala ko most UP teachers ay hindi susuporta kay FPJ. Mali pala ako. One time (di ba technically Tagalog nito 'one hour'? anyway), after ng 2 rounds na ginawa ko sa PE (PE ko Running lang eh), tinanong ko sa teacher ko, "Sir, next meeting 2 rounds lang rin ba?"
"Oo, 2 rounds ulit."
"Sir, totoo?"
"Oo."
"Mamatay man si FPJ?"
Nagtawanan ang mga students, at pati siya tumawa. Malay ko ba. Sino bang mag-aakala na kanina ay nakapulot ako ng card na may picture niya at ni FPJ magkasama. Isang campaign card.
Ngaks. Possible kaya na ibagsak niya ako? Lord, huwag po, huwag po. Ako po ay isang malugod at masunuring PE student.
Hmm... Naku, nahawakan niya si FPJ! Heto lang ang payo ko sa kanya: kumain ng masustansiyang cauliflower at bulaklak ng kalabasa dahil kakailanganin mo ang sustansiya pangontra ng bird flu virus.
Makabagong Numerology: February Issue
Just follow the instructions.
1) Kunin ang last 2 digits ng birth year (eg. kung 1987, kunin ang 87).
2) I-subtract ang birth day (eg. kung September 21, 87 minus 21 = 66).
3) Kunin ang corresponding number ng birth month at i-subtract sa nakuhang numero sa number 2 (eg. September = 9, so 66 - 9 = 53).
4) Ipag-multiply yung tenths digit sa ones digit ng nakuhang sagot sa numer 4 (eg. 5 times 3 = 15).
5) Kunin ang ones digit. (eg. 15, get the ones digit, 5).
6) Hanapin ang corresponding na interpretation ng numbers sa baba:
...
Number 1: Hindi mo kailangang malungkot tuwing may nagsasabi sa iyo na isa kang sawimpalad na nilalang na ipinatapon sa lupa. Ang dapat gawin ay basahin ang Banal na Aklat ng nakapatiwarik. Hintaying mapunta lahat ng dugo sa ulo upang magkaroon ng low-blood pressure sa katawan, at anytime nun, ikaw ay mapupunta na sa kabilang-buhay. Tapos na ang iyong suliranin. Pupunta ka pa ng langit.
Number 2: Alam mo na may itinatago ka sa iyong kaloob-looban: wala kang butas sa puwet. Pinaglihi ka sa talong ng iyong nanay dahil noong ipinagbubuntis ka niya, nahilig siya sa talong. Iyong may bagoong at suka. Kung susuriin ng mabuti, walang butas sa puwet ang talong. Kaya huwag magtaka kung bakit kulay-lupa ang ihi mo. Diyan na lang lumalabas ang ebak, in liquid form. Iwasan ang pag-inom ng beer. Kapag nalasing ka, baka mabulgar mo ang tunay mong sekswalidad.
Number 3: Ano ang silbi ko sa mundong ating ginagalawan? Ano'ng hayop ang katulad ko? Ilang bulbol sa kili-kili ang katumbas ng aking buhay? Ito ang mga tanong na madalas gumulo sa iyong isip, at ang dahilan kung bakit minsan ikaw ay nagmumuni-muni na lang basta. Huwag ng magtanong pa ng paulit-ulit. Bumili ka na lang ng pakwan at drowingan mo ng mukha. Kausapin mo ng masinsinan. Huwag hihinga hangga't hindi sumasagot ang iyong bagong kaibigan.
Number 4: Ang araw ay laging sisikat sa Silangan, at laging lulubog sa Kanluran. Ang mundo ay hindi parisukat; ito ay bilog (oblate spheroid specifically), na parang Advent Wreath, na nagsisimbolo ng kawalang-hanggan. Ang puti ay kasalungat ng itim. Ang tatsulok ay may tatlong sulok at sa wikang Iggles, ito ay Triangle. Ito ang iilan sa mga bagay na hindi mo alam hanggang ngayon. Kaya simula ngayon, for the first time, lumabas ka ng kuwarto mo. Mag-enroll sa pinakamalapit na eskuwelahan at kumain ng maraming mani upang tumalino.
Number 5: Ngayong Pebrero, nanganganib ang buhay mo. O kayraming banta sa iyong buhay. Huwag tatawid ng nakapikit ang mga mata habang sumasayaw ng Macarena. Alam nating naadik ka na sa ganitong gawain, ngunit iwas-iwasan muna ang pakikipag-sex sa mga taong-grasa. Huwag kainin ang buto ng baboy. Kapag naliligo, tigilan na ang paglamon sa sabon at pag-inom ng shampoo. Sa loob naman ng iyong silid, iwasang matulog ng may suot na supot sa ulo. Pero masuwerte ka pa nga; noon ka pa dapat pinatay ng mga sindikato.
Number 6: Ang pagiging mainitin ng ulo ay ang dahilan kung bakit laging iniipis ang iyong utong tuwing bago matulog. Sa susunod na matutulog ka, hugasan ng Zonrox ang nipples at huwag kalimutang uminom ng Simeco. Tignan muna ang picture ni Albert Einstein for 57 minutes bago humiga sa garden. Huwag pansinin ang mga palakang dumidikit. Mas masakit yata ang makagat ng ipis sa utong. At lasang friend chicken ang palaka kapag naluto.
Number 7: Isa kang taong mapagbigay, ngunit ang problema, wala kang kayang ibigay dahil wala kang halaga. Isa kang pobre na madumi at mabaho. Noong may sapat na pera ka pa, wala ka ng inatupag kundi gastahin ang pera sa sandamakamak na second-hand na Jolina watches. Noong past life mo, ikaw ay isang garapata na sumisipsip ng dugo sa kaliwang pata ng isang panda bear sa Tsina. Kung ako sayo, magpatiwakal ka na bago ka pa patayin ng mga tao sa paligid mo. Umalis ka na dito. Hindi ka namin kailangan. Peste!
Number 8: Isaksak sa iyong kukote: hindi ka magugustuhan ng crush mo dahil tuwing Pebrero, ang zodiac sign mo at zodiac sign niya ay hindi compatible. Gayun din lamang, pinakamainam kung titigilan mo na ang pakikipagkantot sa mga security guards sa mga cheap na sinehan. Warak ka na. Tama na. Parang awa mo na. Ito ay para sa kaligtasan ng iyong magiging anak at inaanak sa hinaharap. Ay, baog ka pala. Sige, sige, tuloy mo na lang.
Number 9: Hindi na kailangan pang sabihin sayo na mukha kang libag. Bumili ng Kissa Papaya sa pinakamalapit na sari-sari store. Kung wala kang pera, ibenta ang laman. Ang problema, hindi titirahin ng sinuman ang taong mukhang libag. Yaman din lang, pumasok ka na lang sa kumbento o sa seminaryo at akitin ang mga pari. Kapag nanganak ka na, katayin ang sanggol na libag at ibenta sa palengke ang spare ribs at buto-buto.
Number 0: Malakas kang mangarap at kapag ginusto mo, pinagtutuunan mo ito ng oras at determinasyon. Dahil dito, mananalo ka sa Little Miss Philippines six years from now. Magiging mainstay ka sa noontime variety show ng Net 25 at bibigyan ng role sa isang movie na pagbibidahan ni MYX VJ Sallie at iyong leading man sa commercial ng My Marbel Taheebo. Habang shinu-shoot niyo ang movie, ikaw ay masasagasaan ng isang pushcart at magkakakanser sa atay at baga.
 |
FEBRUARY 11, 2004
Moment's Soundtrack: Noypi - Bamboo
Emotional Status: Pressured for no reason
|
'Di Ako Papa Material (a.k.a. Black Magic Of The Papas)
Ang malas-malas naman ng kapalarang aking kinagisnan dito sa lupa; hindi ako isinilang na isang Papa material na nilalang.
O napakahapding tunay tuwing kasama mo ang mga kaibigan mong babae at kapag nakakita sila ng mga kakaibang nilalang, nagkakagulo sila kahit patago. Kung sabagay, paano mo nga naman sila masisisi? Ang nakita nila ay gawa sa iba’t-ibang espesyal na material na kapag pinaghalu-halo, ang produkto ay iyong tinatawag na mga Papa.
Madalas kayumanggi o mestiso ang mga taong ito. Siguro ang balat nila ay gawa sa porselana at mamahaling kahoy na galing pa sa ibayong karagatan. Hindi ko mapagtanto kung ano ang dahilan ng epekto ng flawless nilang mga balat sa behavior ng babae. Posible kayang nag-e-emit ng psychological radiation ang material na nagko-compose sa kanila?
Nag-e-emanate din ang extraordinaryong kapangyarihan sa mga Papa. Malas mo kapag hindi ka Papa at may nakaenkuwentro kayo ng Papa ng mga kaibigan mong babae.
Katulad na lang sa mumunting gym ng UP Pampanga (actually, public gym yata iyon kasi tuwing 5 pm may mga outsiders na naglalaro). Kasa-kasama mo ang mga friends mo sa tambayan ng org niyo, ngunit kapag naispatan ng radar nila ang isang semikalbong guwapo na magaling mag-basketbol, buburahin ka ng mahiwagang kapangyarihan ng Papa at mawawala ka sa paningin ng mga kasama mo.
Paano niyan? Hindi ako Papa material. Gawa lang ako sa dumi (ayon sa Bibliya). Wala akong baby cheeks na kayang gawing panandaliang baliw ang mga babae. Hindi ako magaling mag-shoot ng bola. Hindi pang-model ang aking tindig at lakad. Hindi ko kayang laglagin ang panty ng mga mapanuring mga babae nang hindi gumagalaw. Talong-talo ako. Wala akong powers na pangontra sa mahika nila. Ang tanging option ko na lang ay manliit at manahimik tuwing may Papa na kikitil sa aking presensiya.
Eh kung hiritan ko kaya ng, “Alam niyo, nadiskubre ko, drug addict iyan. Atsaka nagpapatira daw iyan sa bakla kapag nangangailangan ng pera.”
Oh no no no no no! Never do that! Huwag sisiraan ang mga ginintuang Papa, dahil aalingasaw ang iyong pagiging insecure.
Eh kung makisawsaw ka sa pag-praise sa kanila? “Uy, magaling din iyan sa soccer. Noong high school, crush ng bayan iyan. At mayaman pamilya niyan ah. May sarili pa ngang kotse eh. Iyang pagka-moreno daw niya, ang alam ko, mana sa kanyang Daddy. Idol ko iyan. Galing.”
Waaah! Parang ang sagwang tignan. Baka pag-isipan ka pa na pati ikaw ay interesado sa taong iyon.
So wala na talagang puwedeng gawin kundi dukutin ang cellphone at magpakasasa sa Snake II ng mag-isa hanggang makaalis ang kalaban o hanggang humupa ang paglalarit ng iyong mga kasamang babae. Kung purgang-purga ka na sa Snake II, alisin ang mga kagamitan sa harapan mo, kalampagin ang mesa gamit ang iyong kanang kamay, at banggitin mag-isa ang mga katagang ito with action: “heto ang beat sabay-sabay, heto ang beat bawal sablay; pabilis ng pabilis huwag magmi-miss huwag magmi-miss; gets mo na? gets ko na ang aaahh... Coca-Cola!”
Subukan mong ilihis ang topic, magmumukha ka lang kawawa.
Ngunit sa huli, kami pa ring mga kasa-kasama nila ang kanilang mga kapuso o kapamilya sa araw-araw, kahit hindi kami Papable. Sa amin pa rin daw sila tatakbo kapag may kailangan sila o kung may gusto silang i-share na kuwento. Kaming mga hindi Papa pa rin daw ang tunay na action star ng kanilang mga buhay tuwing meron silang personal na suliranin o kung anu-ano pa na hindi mabibigyang lunas ng mga Papa na gumagala sa lupa.
Sabi nga ng isang kaibigan ko, ang mga Papa ay para tignan lamang. Kumbaga sa isang jewelry shop, hands off! Bawal hawakan, bawal kausapin ng masinsinan; hanggang malagkit na tingin ka lamang.
Ang Ebolusiyon Ni Lagsh
Would you believe na ako ang naka-encircle na tao sa picture three years ago?
Bwahaha. Sige laitin niyo siya. Kahit nga ako nilalait ko eh.
Kapag may mga reunions ng high school at pumupunta ako, iisa lang ang greeting sa akin. Well, actually dalawa, pero pareho ang pahiwatig. Kung hindi "Lagsh, pumayat ka, sobra!!!" ang sinasabi naman nila "Lagsh, ikaw ba iyan!?"
Ngunit! Hindi pa diyan nagtatapos ang aking ebolusyon. Hintayin na lang nating matapos ang summer. >:)
Kaya minsan hindi na ako nagtataka kung hindi na ako makilala ng mga ibang tao na usual kong nakaka-enkuwentro noong kapanahunan ng hayskul. Hihihi. Hehehe.
LOL (at usapang Star Circle Quest)
Sige, kayo na ang bahalang magkumpara sa dalawa. Lol. Hay naku. Killer smile ka nga naman.
Speaking of Starstruck, mapunta tayo sa parating na Star Circle Quest. Hindi ako sure kung magpapakasasa ako sa SCQ gaya ng Starstruck. Una, medyo nakakasawa na ang mga exact copies na programs. Pangalawa, kapuso ako. Pangatlo, nagdududa na ako sa mga Star Circle Questors na mga ito.
Ano na ang ginagawa nila? Bakit hindi pa sila ipinapalabas? Eh noon pa iyong teaser eh. I think last year pa. Ang ipinagdududa ko, puwedeng isinalang na sila sa workshop para palitawin na mas talented ang kanilang mga nakuhang candidates.
At malamang pinapa-derma at Weigh Less Center na ang mga ito para kapag lumitaw sila sa TV ay sasabihing mas guwapo or whatever sila. (Di gaya sa Starstruck na puno ng tagihawat si Dion at mukha pang chimay iyong ibang girls.)
Anyway.
17:28
Nasaan na kaya ang Pinoy boyband (na hindi baduy) na 17:28?
Since napanood ko sa MTV ang kanilang music video para sa kantang 'Come Breathe Me,' nasama sila sa listahan ko ng Personally-Qualified Homegrown Artists/Musicians (which also includes Kyla, Bamboo, Parokya Ni Edgar, Nina, Jay-R, Akafellas, South Border, Rivermaya, Arnee, Mahlik, 604, Nyoy Volante, Jimmy Bondoc, and others that I may have forgotten [Paolo Santos not included]).
Come Breathe Me
by 17:28
Come breathe me
I'm taking you up, lifting you higher
Come see me
I'll show you a way where no road will lead
Come live me
I'll get you right through
Believe it, it's me and you
Come breathe me
I know it's hard walking all alone
Down this long and bumpy road
With no one to cry on
No one to lead your head upon
But, baby, look harder now
Coz somewhere in the dark
I'm here to light a spark
(tsk tsk tsk ah whoo!)
Repeat Chorus
It's painful I know
Living life with all its hurts and troubles
I'm on your side
Pushing away your tears and sorrows
But you've gotta hang on
Together we'll carry on
You gotta get up and walk on
(tsk tsk tsk ah whoo!)
Repeat Chorus
But halfway to go your way
To keep you away from your road
But you gotta be strong, my friend
Don't waiver, keep hanging on
Coz you'll make it through the night
You gotta run the race
You gotta win the fight
(Come breathe me)
I'm gonna be there, gonna be there for you
I'm gonna be there for you, my baby
The moment I saw you girl, you gotta be strong
Gotta be strong (hang on)
(Come see me)
You're not too strong for me
But if you were with me, baby, you will see
Open up your heart, why don't you come breathe me
Repeat Above except last line
Come breathe me
Repeat Chorus
Come breathe me
Come see me
Come live me
Come breathe me
Come breathe me
[salamat kay Pareng Adylon for the MP3.]
 |
FEBRUARY 6, 2004
Moment's Soundtrack: Unbalanced Kiss - Hiro Takabashi
Emotional Status: Pissed off with these Rainier fans
|
Alert: Rainier fans are going crazy
People! Ano ba? Tapos na ang Starstruck! Nanalo na si Mark. Itigil na ang debate. Nanalo siya dahil may fair amount siya ng fans while impressing the Council ng kanyang talento.
Ngayon, kayraming makikitid na Rainier fans ang nananakop ng tagboard ko para magpaka-jologs. Pakibasa lang ito:
Angle 1: Isa sa mga masugid na Rainier fan ang nagsabing, "may talent nga si Mark, wala naman dating sa TV." Isang malaking huwaaaaaaaaat! Una, beauty is relative kaya hindi maaaring sabihin mas guwapo si Rainier kay Mark. Baligtarin natin. "May dating ka nga sa TV, wala ka naman talent?" Ano'ng pakinabang mo nun, aber? Filipinos should start seeking for inate quality, not the superficial.
Angle 2: "Nanalo lang si Mark dahil sa mga Rainier-haters." Ano'ng backup evidence mo dito? Nagtatrabaho ka ba sa SWS o Pulse Asia? Tsk tsk. Rainier fans talaga, oo. Masyadong na-frustrate sa pagkatalo ni taong tinubuan ng smile at buhok.
Angle 3: Talent can be developed daw, but not charisma. Charisma daw. Mwehehe, manonood ka ng bigating movie like Rizal, Crying Ladies, Mano Po, or even Gagamboy, tapos charisma lang ang hahanapin mo? Atsaka how can you develop talent if you don't even have it. :p Kung hihiritan niyo pa ang anggulong ito, we'll be glad enough to hear from you: ano ang talent na matino ni Rainier na ipinakita niya sa buong Starstruck series? Take note: matino.
Angle 4: Kung wala daw akong magandang sasabihin, manahimik na lang daw ako. Pakshet. Una, UP student ako, kaya culture ko ang freedom of expression. Pangalawa, blog ko ito kaya ako ang masusunod. Magsilayas kayo kung masyadong marahas ang website na ito sa inyo (although salamat na rin sa additional hits na binibigay niyo sa Visionary).
Angle 6: At least daw si Rainier may killer-smile. Si Mark daw wala. Pucha. Paano na ang silbi ni Rainier kung ang gaganapin niyang role ay tearjerker? Ano, magsa-smile din siya? The reason why the Council chose Mark is because of versatility atsaka SILBI. Pang-CLICK at Daisy Siete lang si Rainier.
Angle 7: Tignan ko muna daw sarili ko bago mang-husga. Sori na lang, God gave me the ability of critiquing and I'm glad I'm using it. Por que ba mas may hitsura ang tao sayo ay hindi mo na siya pwedeng i-criticize? Fallacy iyon.
PINRAMIS KO NA HINDI KO NA LALAITIN SI RAINIER PERO DAHIL MATITIGAS ANG ULO NG MGA AGRESIBO NIYANG FANS SA WEBSITE KO, HINDI KO SIYA TATANTANAN HANGGA'T HINDI KAYO NAGSISITIGIL. BEHLAT! BEH BEH BEH! TALO KASI BET NIYO EH!
And this, my friends, is how I get pissed off with irrationality.
Quizillamania Part II
 You have wings of STEEL. No one's really sure why, but at this point in your life you've shut off emotion to the point of extreme apathy. You are cold and indifferent much of the time...or perhaps you're just a good pretender. Next to impossible to get close to, even those who do never see the real you. It's entirely possible that YOU don't even know the real you. You have a certain fascination or attraction to destruction on a massive scale - disasters, perhaps even death or the concept of the Apocalypse. Because you hold so much inside, one day you're simply going to snap. Then the mask will fall away, and your true wings will be revealed. Until then you will deal with whatever comes your way in icy bitter silence and acceptance. On the positive side, you are fearless and immeasurably strong - not much can crack through your defenses. You intrigue people, who can't help but wonder why you're the way you are. A loner and one who spends much of their time brooding and contemplating life and death - you are a time bomb waiting to explode and create some destruction of your own.
*~*~*Claim Your Wings - Pics and Long Answers*~*~* brought to you by Quizilla
 YOU EAT PEOPLE!!!
what's YOUR deepest secret? brought to you by Quizilla
Hindi ko na sineseryoso ang pag-aaral
Maganda ang agreement namin ng parents ko pagdating sa pag-aaral. Hindi nila ako pakikialaman sa performance ko at ako ang bahala sa mga desisyon ko. Kapag nagkamali, ako ang magdadala ng sisi.
Simula pa noong bata (teka, bata pa rin naman ako), ganito na ang aming treaty. Ako naman, wala naman akong hinahabol sa honor or what. Basta ginagawa ko lang kung hanggang saan ang gusto ko, o kung hanggang saan ang kaya ko.
Ngunit matataas naman ang grades na nakukuha ko.
Noong Thursday, may midsemestral exam kami sa Psych 101. Marami-rami na rin ang scope, mula sa Overview of Psychology, Developmental Psychology, Biopsychology, hanggang Sensation and Perception. Binasa ko lang ang aking mga hand-outs in isang beses the night before ng exam. Mga isang oras lang.
At hayun, sa araw ng exam, nakuha ko naman.
Last sem naman, hindi naman ako nagpaka-nerdy or addict sa pag-aaral. Bisperas nga ng exam nanonood pa ako ng sine, naglalakwatsa, nagpapakatamas sa bahay. Nang nayari ang first sem, hayun ako sa block namin, pabgalawang pinakamataas, University Scholar pa.
Basta ako, iba-balance ko ang aking social life, private life (extra-academic ambitions), at academics. Huwag seryosohin ang pag-aaral ng masyado. Don't let academics hinder your learning.
Ibang rover, natagpuan sa Mars
Nabasa niyo ba sa balita? Iyong rover na pinadala ng NASA sa Mars, may nakasalubong daw na ibang rover na kakaiba ang istraktura.
Hanggang ngayon, sinisiyasat pa rin kung kanino iyon. Hinala ng NASA, top-secret rover daw iyon ng Russia. Ngunit kung ganon, bakit super-grotesque at weird daw ang pagkakagawa. Parang hindi daw... gawa ng earthlings.
Could it be? Pati mga aliens sa ibang planets, sinisimulan na rin explorin ang kabuuan ng ating galaxy at universe?
Sabi nga dun sa newspaper... VICTIM!
Wahaha. Although I doubt na naniwala kayo sa pinagsasabi ko, forgive me. Sana nga ganito ang mangyari para naman interesting ang buhay dito sa lupa.
--> January 04 <--
|