 |
SEPTEMBER 30, 2004
Soundtrack: Table For Two - Rivermaya
Emotional Status: ...
Brain Content: ...
|
THE ENTRY
Kung sino ka mang Hmmm na nagpo-post sa tagboard ko, appreciate ko that you blasted me decently, but I'm taking you as an offense.
hai.. d ko maaLis na maasar sa pagkakabasa ng artic mo sa peyups.. pti na rin niang suLat mo pra kay ms. waLang paki.
Ano ang dapat mong ikaasar sa article ko sa Peyups? At ano ang dapat mong ikaasar sa rebuttals ko against kay Ms. Walang Paki? Ako na nga ang inaano sa akin ka pa maiinis?
sa tingin ko may psychoLogicaL disorder ka.. iniisip mo tLga ung mga issuLat mo pra isipin ng mga taong humbLe ka dahiL kesho feeLing mo e hindi k gwapo at hindi ka sikat.
This is personal. Ms. Hmmm, I demand to know what psychological disorder you think I have. Schizophrenia? Anxiety Disorder? OC Disorder? Panic Attacks? Paranoia? Traumatic Stress? Autism? Attention Deficit Disorder? Alzheimer's? Dissociative? Bulimia? Anorexia? Mood swings? Pedophilia? Transvestitism? I demand to know, that is, if you know what you're talking about.
Of course iisipin ko ang mga sinusulat ko. I don't write innocently. I write with intentions.
Ang problema sa IBA sa inyong mga bumibisita ng site ko, tuwing sasabihin kong hindi ako guwapo, kayo na mismo ang automatic na nagsasabing humble ako. Eh ano'ng magagawa ko? Hindi ako guwapo sa tingin ko?
Ano ba sayo ang depinisyon ng guwapo? Ang akin, yung pisikal lang. Iyon talaga. Iyong artistahin. Artistahin ba ako? Kung sa akin lang, hindi.
Kung naniniwala akong guwapo ako, noon ko pa niligawan lahat ng mga babaeng natitipuhan ko (dahil ang kaguwapuhan ay mabuting pundasyon ng confidence).
Kung naniniwala akong guwapo ako, hindi ako mahihiyang makipag-EB sa mga taong gustong makipag-EB sa akin. Hindi sa ina-assume ko na huhusgahan niyo lang ako sa pisikal kong anyo. Ang point ko: iba ang tingin niyo sa akin. Sobrang iba. Kayo na ang humuhubog kung sino ako. Ang konsepto niyo kay Lagsh ay ang Lagsh na nababasa niyo sa Internet.
Kung akala ninyong ganoon din ako, makikipagpatayan ako para lang maniwala kayo na (under normal conditions) hindi ako ganoon.
May ikukuwento ako.
May kaklase ako sa PolSci 14 na minsa'y naligaw dito sa site ko. Ano ang sabi niya? Ibang-iba raw ako. Parang hindi ako ang may-ari.
Case two. May nakasakay ako sa dyip na ayon sa kanya ay visitor ng site ko. Ano ang sabi niya sa akin via Friendster PM? "Ganun ka pala in real life. Hindi ka mukhang approachable. Parang kahit sinong lalapit sayo ay kakainin mo ng buhay."
Ngayon, maiintindihan na siguro ng ibang mga kuno ay "fans" ko kung bakit tila suplado daw ako. Kesyo ako na nga daw ang pinupuri, ako pa daw ang arogante.
Naiinis ba ako? Medyo. Pero hindi sa inyo. Hindi ko alam kung kanino pero naiinis ako. Bakit? Kasi hindi match ang konsepto niyo sa akin at ang konsepto ko sa sarili ko. Nalulula ako. Hindi ako ang pinupuri niyo.
Nakakatuwa din kayong mag-isip. Panay ang pagsabi ko sa mga artikulo ko na hindi ako GUWAPO o hindi ako SOCIABLE, pero kayo, mapilit kayo. Kayo ang nag-iisip ng gusto niyong isipin. Kayo ang naniniwala sa gusto niyong paniwalaan. Yaman din lang, labas na ako sa usapan kung iyon ang tingin niyo, kaya huwag niyo akong pagsabihan.
Sikat.
Sikat ba ako? Ano ang ibig sabihin ng sikat? Natutuwa ako na may bumabati sa akin sa website ko. Natutuwa din ako na minsan ay may mga taong nagsasabi na nakita nila ako dito, nakita nila ako doon. Sikat na ba iyon sa inyo? Hindi ganoon ang konsepto ko ng sikat.
Kung sa Internet lang, oo, sikat ako. Pero ano ngayon kung sikat ka sa Internet? Sikat ka na rin ba sa tunay na buhay?
pero sa tingin ko.. deep inside e feeLing ka.
Tingin mo iyan, wala akong magagawa. Pero in defense of me, wala kang basis sa mga pinagsasabi mo. Kaya nga ayokong magpanggap maski sa mga taong kuno ay "fans" ko, kasi hindi ko ramdam ang "celebrity feeling." Hindi ako celebrity na kailangang magpaka-ma-PR ng pilit.
yng mga artix mo abt urseLf, ayos sana. mgaLing ka magsuLat.. pero parang ang conceited mo na yata. pnangangaLandakan mo p ung pix mo.
Hindi ko pinangangalandakan ang mga pics ko para purihin ako. Pino-post ko ang mga pics ko rito dahil gusto kong malaman kung ano'ng tingin ng mga tao sa hitsura ko. Eh ano'ng magagawa ko? Sobrang napapangitan ako sa sarili ko noon. Mabilis akong nagpalit anyo, makikita niyo siguro ang difference. Ipagkakait mo ba sa akin na i-post ang mga pictures ko rito na WAY BETTER compared sa pic na ito?
Kung tinutukoy mo ay yung September 21 ko na entry, birthday ko po noon kaya ko ginawa iyon, hindi para "pangalandakan" katulad ng sinasabi mo.
Tungkol sa artiks ko, walang conceited sa mga sinusulat ko. Puro self-degradation nga di ba? Tungkol lahat sa insecurity. Sana Guwapo Ako, Di Ako Papa Material, Ambisyoso (Ground Level)... O? Paano pa ba conceited niyan? Kaya hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo.
Again, kung anuman ang character ko sa web, kayo ang gumagawa. You are controlling my personality. Kaya bahala kayo sa buhay ninyo.
aLam mo kasi, sikat ka na. ang daming ngvvct sa syt mo at 2mtngkiLik sa mga cnusuLat mo kaya wag mo n ipagdkdkan na d ka ckat at my inferiority compLex ka, mukhang waLa nmn tLga.
Kung ang tingin mo sa sikat ay laging binibisita ang website, ibahin mo ako. Mas kilala ako kaysa sa ibang mga tao, pero hindi iyon sikat enough. Kaya nga gusto kong maging TV reporter, dahil only through national acknowledgment ko matatanggap na sikat na ako. Fine kung tingin niyo sakin sikat, pero huwag niyo akong anuhin tuwing sasabihin ko na hindi ako sikat, dahil magkaiba tayo ng konsepto. Hindi ako nagpapa-humble effect.
Tungkol sa inferiority complex, hindi mo pa ako nakakasalamuha sa tunay na buhay kaya wala kang karapatang sabihan ako na mukhang wala ako nito. Pero sabi mo nga, "mukhang."
Kung gusto mo, tanungin mo isa-isa ang mga taong nakasama ko noong Peyups Xmas Party: sina roni_bats, xeean, sickle, blue_spirit, cute_guy, noringai, unloved08, nezl. Pakatanong mo kung ano ang mga kilos ko noong party.
Ayokong makipagkita sa mga taong ang taas ng tingin sa akin. Kasi, sigurado, kapag nagkita kami, madi-disappoint lang sila dahil si Lagsh ay hindi si Jason.
d k nga pnagkkguLuhan sa phiLcoa e Lagi namang me bumabati sau n hindi mo kiLaLa dahiL kiLaLa ka niLa. gnun n rn un.
Kung sayo, ganoon yun, gaya ng sabi ko kanina, sa akin hindi.
i think u shud seek professionaL heLp. punta ka sa PHAN. baka m2Lungan ka niLa.
This is a fucking insult. I don't need any God-damned professional help and I don't intend to change, if that's what you want to happen. If you can't take a hell ounce of myself and my so-you-called conceitedness, then never again visit this website of mine.
In the first place, hindi mo alam ang mga pinagsasabi mo at kung makaasta ka, you're so educated about people's mentalities. I dare you to reveal your course and your background on these psych stuff.
-----------==================------------
So you're wondering what will happen to Visionary on October? Well, wonder no more.
I've decided to QUIT blogging for some time. Aside from other goals, my BLOG has deceived a lot of people, and these people are led to make me believe that I am who they think I am.
No VISIONARY for OCTOBER. Whether there will be in the following months depends on the achievement of another goal, which is private.
Thanks to all of my visitors and to those who messed up my life.
Goodbye!
Lagsh signing off.
PS: By this act of mine, wag sanang feelingin ng mga detractors na they won over me. Pakshet niyo.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN LIFE ::::::...
People are people. |
 |
SEPTEMBER 29, 2004
Soundtrack: Confessions - Usher
Emotional Status: Maluwag-luwag naman
Brain Content: 626 Music Marathon sa Friday! Gotta be there!
|
Para sa papansin na si Ms. Walang Paki
Dehins po lingid sa kabatiran ng nakararami na may kaganapang mangyayari sa Oktubre sa angking websayt ng bisyonaryong si Lagsh. Kaya bago mag-Oktubre, nais lang natng batikusin ang isang papansing dilag na may sa-Erap sa katangahan.
Ang nasasakdal ay walang iba kundi si Ms. Walang Paki na noong una ay nagpaparamdam lamang gamit ang aking tagboard. Ang ngalan niya noon ay Wala Kang Paki.
Wasto ang iyong pangalan. Wala nga akong paki sayo. Ngunit nais ko pababain ang iyong dignidad. Tutal, maluwag-luwag na rin ang aking iskedyul.
KASO 1: Ako raw ay isang hambog. Sa ibang salita, ako daw ay ubod ng kayabangan.
Ang tanong: ako nga ba ay hambog? Ang sagot, OO. Pero dito lang. Atsaka hindi masyado. Ika'y naiintimida ba sa aking pahapyos na pagkahambog? Aba'y aking hindi na suliranin iyon.
Basta ang tanging alam ko, nagbabasa ka ng mga sulatin ko dito sa aking websayt, kaya't pinapasalamatan kita. Kaya aking handog sayo ang akng hiling ng iyong maagang paglisan sa ating daigdig.
KASO 2: Inggit lang daw ako.
Iyo bang iniidolo si Bayani Agbayani na nais magpatawa ngunit ang labas ay hindi nakatutuwa? Ako'y iyong bigyan ng matinding rason kung bakit ako maiinggit sa isang katulad mo na pasulpot-sulpot lang sa aking websayt na wala namang napapatunayan kund ang iyong angking katangahan?
Kung ka'y mayaman at tinutuhog ang kape sa Starbs o Seattle's ng beinte-kuwatro oras, aba'y malamang ika'y akin ngang magiging asignatura ng aking pagka-inggit. Ngunit huwag na. Ayokong mainggit sa mga nilalang na pinaglihi ang utak sa pakwang inuuod.
KASO 3: Ako ra'y nagmama-guwapo, hindi naman daw ako guwapo.
Ika'y aking hahamunin: maghanap ng pangungusap sa aking websayt at sa mga inilathala ko sa Peyups kung saan deretsahan kong sinabing, "HOY MGA PUNYETA KAYO ANG GUWAPO-GUWAPO KO!" Kapag iyon ay iyong nagawa, magwawagi ka sa duwelong ito. Pero kung hindi, pangit ka.
Iyo sanang alam na ang unang artikulo ko sa Peyups sa aking kolum ay pinamagatang Sana Guwapo Ako. Doon pa lang, katunayan na na akong hindi nagmama-guwapo. Kung sa tingin mo ako'y pangit (katulad mo), iyo'y iyong opinyon.
Kung ako'y mapagbibigyan mo, patingin naman ng larawan mo o, para naman mailathala ko ang mga kuro-kuro ko sa iyong pagmumukha.
KASO 4: Mayayabang talaga ang mga Kapampangan daw.
Medyo totoo. Kung pag-aaralan ang Kasaysayan, malakas ang impluwensiya ng mga Kastilang gago sa aming mga taga-Pampanga at sa mga karatig-bayan.
Ngunit kung ang tingin mo sa lahat ng mga Pampangeno ay mayayabang, aba'y hindi ka talaga intelehenteng hayop. Hayop lang.
KASO 5: Lumalaki raw ang aking ulo at tingin ko raw sa sarili ko sikat.
Hmm... Paano mo nasabi? Kung ako'y tunay ngang tanyag, noon pa ako pinagkaguluhan sa terminal ng Philcoa. Paano ko mararamdaman na ako'y sikat?
Mga mambabasa, ang mga taong katulad ni Ms. Walang Paki ang mga taong katulad ni coolgrlinwhytsnkrs na kung mag-isip ay bali pa sa etits ni John Osmena.
Sa susunod, mas mainam kung may bitbit-bitbit kayong mga kaso ng ebidensiya o basehan sa inyong mga pinagpuputak.
Ngunit salamat pa rin. Aabot na ng tatlumpu't libo ang bilang ng aking mga bisita sa aking Websayt.
Oktubre na sa Biyernes! Ano kaya ang mangyayari sa websayt ko?
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 3 ::::::...
Kahit itim ang kulay ng langit sa buwan tuwing umaga, hindi pa rin ibig sabihin na makikita ang mga tala sa langit. |
 |
SEPTEMBER 26, 2004
Soundtrack: Atat - Rivermaya
Emotional Status: Blank
Brain Content: Must... do... assignments....
|
Chats With Mama
Jason: Ma, gusto kong magbago ng hairstyle.
Ermatz: Ako nga gusto kong pakulot eh.
Jason: Magpapakulot ka pa eh may asawa ka na eh.
Ermatz: Bolang. (Kapampangan na mura)
Ermatz: O, heto yung mga ballpen eraser niyo.
Kuya: Gumagana ba talaga ang mga iyan?
Ermatz: Oo naman.
Kuya: Parang imposible.
Ermatz: Sus, nakarating na ang tao sa buwan, iyan pa?
Ermatz: Tignan mo si Sunshine Dizon, ampon daw.
Jason: Lagi naman eh.
Ermatz: Kung ikaw, nalaman mong ampon lang kita, ano'ng gagawin mo?
Jason: Kung mayaman, doon na ako.
Ermatz: Mukhang pera.
Ermatz: [text] Happy Bday my wonderful son! What more can I ask for?
Jason: [text] Money.
Ermatz: [text] Mukhang pera.
Jason: Ma, gusto kong magkahikaw.
Ermatz: Ba't di kayo magpahikaw habang bata pa kayo't nakakasunod sa uso?
Ermatz: Nag-i-Internet ka? Kailangan kong tawagin si Carina sa tindahan.
Jason: Text mo na lang.
Ermatz: Eh! Magtipid kayo, noh. Sayang ang piso.
Ermatz: Paano ba bumoto diyan sa Pinoy Pop Superstar? Iboboto ko si Kristel.
Jason: P2.50 bawat text.
Ermatz: Okey lang!
Ermatz: Noong bata pa kami, nakatsinelas lang kami. Crackers lang merienda namin.
Jason: Ako nga hindi nag-aalmusal eh.
Ermatz: Tapos may mga panahong asin at mantika lang ang ulam namin.
Jason: Malay ko ba kung totoo ang sinasabi mo.
Ermatz: Gago.
Ermatz: Bilisan niyo nga! Ba't ang kukupad ninyong gumalaw?
Jason: Nagmana sayo.
Jason: Ma, nagsiya-shabu ako.
Ermatz: O ngayon?
Ermatz: Makakalimutin kayo. Manang-mana kayo sa mga Laxamana.
Jason: At least magaling akong magsulat at di mainitin ang ulo.
Ermatz: Ah yun, sa lahi namin yun.
Ermatz: Sana naging babae na lang mga anak ko para may katulong ako sa bahay.
Jason: Sana mayaman na lang yung magulang ko para maraming katulong sa bahay.
320/320 Vision: Phenomenon II (The Friendly Stranger)
Let me exploit the statement: Some things happen when you least expect them.
A fine Wednesday afternoon. It was 4 pm. Having nothing to do after my Hum 2 class (every Wednesday), I decided to read my Order Of The Phoenix at the Sunken Garden (of course, alone) while seated on my favorite grassy spot. Perfect time. The sun wasn't so bright, the sky was cloudy, and because it was a Wednesday, only a few people were in UP. So I guessed those self-supporting students wouldn't commit ad misericordiam in front of me for me to buy their pastries, tamarind, and dried mangoes.
Harry Potter and company were already in the Department of Mysteries when suddenly, "Hi! Ano iyan?" disturbed my reading.
She was a stranger. I looked at her and wondered. Then she sat beside me and reiterated her question.
"Harry Potter V," I told her to quench her question.
I continued my reading, as if she wasn't there, but deep inside, I was already taken aback by what was happening. A stranger-girl approaching me and sitting beside me? That's phenomenal.
She began asking me questions. Questions, questions, and more questions. I was answering them one by one like I was being interviewed by a journalist. I felt corny at the concept of her asking questions and me just answering, so I made a move and offered my hand.
"Jason," I said.
She shook my hand and did the same. "Tina." (Not her real name.)
Realizing I can no longer concentrate on what was happening to Harry Potter already, I snapped my book close and kept it inside my bag and just chatted with Tina. We talked of a variety of topics-future plans, ambitions, hobbies, even atheism (although I have a lot of ideas about atheism, I don't like talking about it).
As the soccer players crowded the sunken part of the Sunken Garden, three physically filthy children approached us and were asking for alms. Before I could even flex a muscle, Tina chatted with them casually, like she was an avatar of Mother Theresa.
"O! Hindi ba binigyan ko na kayo kanina?" she told them while smiling. "Tara, ibili ko kayo ng ice-cream. Yung limang piso lang, ha? Ano na nga ulit pangalan mo?"
I was struck. That was something to behold. Never in my life have I treated street children the way she did. Seeing that, I thought something phenomenal was happening to me yet again.
So we rose from the grass and went to the nearest ice-cream man and she bought ice-cream for all of them... then bought one for me, too. For free. I find it corny to resist the favor so I just thanked her. Then, for minutes, I was actually hanging out with people whom I barely know: a female stranger who sprouted from nowhere and three street children.
After we finished our ice-creams, the street children parted with us and we were left alone again. She wanted to wash her hands.
"Dito yata may canteen. Hugas lang ako," she said while pointing at PH Annex, referring to CASAA. Dito yata may canteen. "Is she even from UP?" I thought. "Doesn't she know that CASAA exists there?"
I asked her her course. "Tina, ano'ng course mo?"
"Fine Arts. Third Year na ako."
"Fine Arts? Eh di panay mong nakikita si Hero? Hehehe."
"Ha?"
"Si Hero. Yung nanalong Star Circle Quest. Fine Arts din iyon."
"Ah. Hindi ako tiga-dito. PUP ang school ko."
"Eh ano'ng ginagawa mo dito?!"
"Wala lang. Mahilig lang akong lumibot-libot sa mga universities. Last time sa Ateneo ako nagliwaliw."
When I learned she was from PUP, I was somewhat disappointed. I thought she was from the same university I am in. I have nothing against other universities. It's just that I, if ever entering a relationship, prefer someone who is also from UP for personal reasons that I choose not to disclose right now.
While she was inside the washroom, I was waiting outside CASAA. I was still astonished with what was happening to me. Hanging out with a girl who is not even my friend? I don't normally do that. I'm a weird loner. It was really awkward, but I just kept on smiling at the thought. I also thought, "Ano ngayon kung hindi siya tiga-UP?" I also consulted about the issue roni_bats, who told me, "Why would it matter? Ü" Right. So what if she doesn't know that there's no such word as datas in the English language?
Finally, she was done. It was already getting dark, so we decided to part ways. She got her cellphone out and, as I predicted, she asked for my number. The ritualistic things-she got my number, I got hers. I know though that it's usually the guy who asks for the lady's number, but the hell. I'm not sociable and not experienced with these ceremonies.
When I was already in the boarding house I was lodging, something in me was officially phenomenal. I was shining. I was smiling. I was like filled with a new feeling that I knew not of, but nonetheless, a pleasant one.
Time to test the cellphone stage of a budding friendship.
"Tina, sori di ako masyadong masalita. Tahimik lang talaga kasi ako."
"Ok lang yun. Normal lang iyan."
Before I went to bed, I phenomenally realized something-I thought I was in love.
The next morning, I tried to send her a quote. Haha, quotes. They never fail to arise when a new friendship arises. She replied back with a quote, then another message saying that she was done jogging and all, and asking me of my plans for the day. Cool. I never chatted about "crappy things that do not concern both our lives." I'm telling you, it was something new in my pathetic life.
Could it be the start of a relationship? Is it a good opportunity? Should I make a move now?
Questions, questions, questions. I was having confidence in providing yes as an answer to these questions. I decided to see how things would work out on their own, but the some things just die down so fast.
So-so. Days passed. Everyday, she sent me quotes, messages asking me how my day was, whether I was free or not, and telling me the "crappy things that don't matter to me". Asking how I fared during a day was sweet, yes, but I couldn't help but to get sick of it, especially that she did it everyday.
One day, she invited me for some ice-cream (I was also getting sick of ice-cream; in the first place, I hate sweets) at Jollibee. Maybe I can give this a chance, I told myself. And so I met with her at Jollibee Philcoa. She was fresh from Sta. Mesa.
She sat and smiled at me, at which I smiled back sarcastically. Currently, whenever reminiscing that stupid smile on her face, I get irritated. I don't know why. I'm weird. What's even weirder was that she bought a pack of Putong Pangasinense which we ate at Jollibee along with her favorite, Swirly Bits. (Again, I got mine for free, thanks to her. So much for kindness.)
Her eyes saw the papers I was bringing.
"Ano iyan?" she asked curiously.
"Speech ko sa Comm 3," I coldly answered.
Deep inside, I wanted either her to leave me alone or I to leave her alone. She grabbed my papers and read the title. Why I Will Not Be Successful In Life. She browsed over the thing and commented, "Astig." I smiled back sarcastically again.
Why did I even opt to meet with her? I could have lied and told her I was up to other things. Perhaps I just realized I don't want her or anything. I was just caught off guard of what happened.
I was really not in the mood to talk to her. But my silence backfired-she chose to start a topic.
For about half an hour, she talked about her confusion of whether there really is a Supreme Creator or not, telling me that she consulted a pastor, blah blah blah. I was doing what my Comm 100 professor calls Insulated Listening-looking at her and hearing her voice, but not absorbing the things she's rattling on. It's a bad listening habit, but was useful enough at that moment; take away the torture of getting impatient and bored.
The next thirty minutes, she talked shit about the difference of spirit and soul and drained me of my brain blood to death. My mind was screaming, "Shut up! Shut up! Shut up, for crying out loud." She seemed to be having the time of her life with her messed up explanations that for me didn't actually make sense.
Seeing her Walkman, I tried to sail the boat in a different direction. Maybe she was listening to some artist I'm also fond of. Then, we could talk about that artist. At least and at last, something I was more than interested to talk about.
"Ano'ng pinapakinggan mo?" I asked her.
"Ah wala. International Convention tungkol sa History. Pakinggan mo. Marami kang matutunan. Akala natin figurative ang Bible, pero minsan, literal lang talaga."
"Yeah. Right. Whatever," I answered in my mind.
I know I was starting to dick around rudely, but it was what I was feeling. Finally, I had to go for my PolSci 14 class. Salvation!
The following days, whenever she asked me how my day was, I simply replied, "Oks." No smilie, to send her the signal that I was tremendously fed up. For a week, she stopped texting. I thought that was the end of it, until yet on another day, we had this chat via text that only raised my blood pressure to a high level:
"Hi Jason! Mag-isa lang ako ngayon sa house, hindi ako nakasama sa outing ng family namin kasi busy ako. Ikaw, kumusta ka na? Kumusta ang buhay mo? Ü"
Like I give a precious damn.
For the sake of not being too mean (but mean still though), I replied, "Ganun pa rin. Nothing extraordinary."
"Haha. Boring pa rin ba?"
I really scratched my head in irritation that I wanted to hire an exorcist to get rid of her in my life. If back then, she was the avatar of Mother Theresa, that time, she was the avatar of Mike Enriquez-ayaw niya akong tantanan. Call my life boring? How tactless and stupid.
"Hindi naman boring. Wala lang bago."
"Bakit? Ano ba gusto mong magbago?"
That was it! I bugged my BC 100 classmates and asked them desperately how to tell someone that you're sick of her and you want to erase her from your system. They advised me evilly to just ignore her.
So I told her simply, "Wala." The End. Wakas. Fin.
What is wrong with me? I'm weird. But she's weirder. She's the last thing I need right now. It was a fine opportunity to have my very first relationship, but I was happy enough that I had let go of it.
Next time, I should learn how to make a distinction between wanting a girl and wanting someone to share my life with.
Back to unfriendly neighborhood loner mode.
###############
I'm not really mean. I just don't like pesky people meddling with and trying to know every action that I do in my everyday life.
I am not continuing this series anymore. Some people I know (in real life) have access to this website. These are supposed to be secrets.
The Cap Bros.
This is my brother. We are actual opposites with regard to personality, but one thing is precisely similar: we love caps very much.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 100 ::::::...
Nakakabawas ng libog ang pagkain ng papaya. |
 |
SEPTEMBER 23, 2004
Soundtrack: As The Music Plays - Bamboo
Emotional Status: Haha
Brain Content: Shet! Malapit na talaga sembreak!! At ang daming gagawin.
|
Maikling Entry (noong bday ko)
Yehey, mayroon na akong butas! Bukod sa butas, niregaluhan ko rin ang sarili ko ng tatlong albums, dahil mahilig din ako sa music. Bumili ako ng Between The Stars And The Waves ng Rivermaya, As The Music Plays ng Bamboo, at Confessions ni Usher. Kung may pang-apat pa akong bibilhin, either Not Your Ordinary Girl ni Kyla, album ng Sandwich, o kaya Songs About Jane ng Maroon 5.
Last meeting na namin nung Tuesday sa Comm100 class ko. Little do they know, it was my birthday! Siyempre hindi ko sinabi. Haha.
Sa lahat ng bumati sa akin, salamat sa inyong lahat!
Malapit na talaga ang October. May mangyayari na talaga sa Visionary! Shucks, can't wait. Ano kaya iyon?
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 3 ::::::...
220+ scent ingredients ang nilalaman ng Johnson's Baby Powder. |
 |
SEPTEMBER 21, 2004
Soundtrack: Tilt Ya Head Back - Nelly f/ Christina Aguilera
Emotional Status: Basta ang alam ko, bday ko ngayon.
Brain Content: Basta ang alam ko, bday ko ngayon.
|
17 Things To Say On My 17th Birthday
Kung artista ako, ise-celebrate ko ang birthday ko sa ASAP o kaya sa SOP. Kakanta ako ng favorite song ko, tapos biglang may sisingit na surprise guest. Tapos, kunwari masha-shock ako. Tapos, after ng number, bibigyan ako ng regalo. Tapos, may phone patch Erpatz ko. Pero hindi ako artista eh, kaya ito na lang:
 | ONE [1]Nabibigla ang mga tao tuwing nalalaman nilang 16 pa lamang ako. Kahit pa parang okey yun pakinggan, minsa'y nagiging disadvantage siya on my part. Tapos, pati mukha ko hindi mukhang 16. To quote the nurse on one hospital, "Andami niyo na pong absent niyan sa trabaho, ano?" |
 | TWO [2]Kahit pa na medyo proud ako sa murang edad ko, nang dahil sa edad kong 16, hindi ako nakapag-audition dun sa lintik na DJ Search. Ang Campus Aircheck sa 97.1. Ngayon, 17 na ako! Maghihintay na lang ako ng mga labing-isa pang buwan bago makapag-audition. Parating na ako sa mga radyo ninyo! |
 | THREE [3]Setyembre nung nakaraang taon, ginawa akong kolumnista ng Peyups. Nagpapasalamat ako kay LimpBwiZiT at Roni_bats sa kanilang pag-udyok sa akin upang mag-apply. Nagpapasalamat ako kina Kuya Karl at Ate Mimi sa tiwala nila sa aking kakayahan. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nagbabasa ng aking mga sinusulat. |
 | FOUR [4]Kung akala ninyong masayahin akong tao, nagkakamali kayo. Kung akala ninyong kwela ako, well, sabihin na lang nating parang hindi totoo kung kakilala ninyo ako sa totoong buhay. Kaya naman mahal na mahal ko ang pagba-blog. Dito napapansin ako. Dito pinapansin ako. Dito sa Internet, marami akong mga kaibigan. So sino ang tunay na ako? Si Lagsh o si Jason? |
 | FIVE [5]Dito rin sa Internet nagsilabasan ang mga kamukha ko! Mula kina Ely Buendia, Jimmy Bondoc, Michael V, hanggang kina "Is this the way to the libe," Chubi Del Rosario, atbp. Pero sa totoo lang, dun kay "Is this the way to the libe" lang ako medyo nag-a-agree. Hindi ko kamukha yung the rest na sinabi ninyo. |
 | SIX [6]"Reregaluhin ko ang sarili ko ng butas." Sa mga nagsabing ang ibig sabihin ng butas ay piercing, kayo'y hindi nagkakamali. Bukas ay magpapabutas ako ng tainga at magsusuot nang hikaw. Ang hikaw na ito ay—corny mang pakinggan—simbolo ng isang goal na nais kong makamtan. Ang hikaw na iyon ang magre-remind sa akin na may kailangan akong maabot. |
 | SEVEN [7]Anglicization at Tagalization Projects. Maski ako ay nabibighani kung paano ko napapag-match ang number of syllables ng English at Tagalog version. Kung misteryo sa inyo kung sino ang mga Chipmunks na walang sawang nagpe-perform ng mga ni-translate na kanta, boses ko po iyon. |
 | EIGHT [8]Never pa akong nakatanggap sa buhay ko nang regalo na hindi nanggaling sa isang kapamilya. Kahit card man lang. Kaya kung sinoman ang unang taong hindi kapamilya ang magbigay sa akin ng regalo sa kahit aling birthday ko sa hinaharap ay tatanghalin kong isang taong presiyoso. |
 | NINE [9]Noong nakaraang mga araw, medyo sumakit ang dibdib ko't medyo naluha ang mga mata ko nang maisip ko na ise-celebrate ko ang birthday ko ng mag-isa. Kaya naman isa-satisfy ko ang sarili ko nang mag-isa sa birthday ko. Reregaluhin ko ang sarili ko (ng butas atbp.). Pero hindi ako dapat malungkot. Sanay naman akong mag-isa lagi. |
 | TEN [10]Kung tatanungin talaga ako kung ano ang pangarap ko sa buhay, aaminin ko na gusto kong maging recording artist. Kahit wala akong inate talent sa pag-awit, basta nagfi-feelingan na lang ako minsan. Heto nga't may duet kami ni Rachelle Ann Go, Love Of My Life. Download here! Specifically, maging RnB artist ang gusto ko. Dinig naman siguro sa boses ko. |
 | ELEVEN [11]Malabo mang mangyari, pangarap ko ring makapag-release ng libro sa book market bago ako maging 20 y/o. Dahil sa kalabuang ito, priority na muna: 1) maging DJ next year; 2) maging reporter pagkatapos kong gumradweyt ng Broadcast. Naku, hindi niyo lang ako aabangan sa radyo; sa TV din! At sana, someday, sa bookstores din. Eh paano ang silver screen? Nyehehe! |
 | TWELVE [12]Paano ba ipapaalam sa mga tao na bday ko ngayon? "Batiin mo naman ako, birthday ko ngayon." "Ganyan ka, hindi mo ako gini-greet; birthday ko ngayon eh." "Uy kailan birthday mo? Ako actually, ngayon." "Psst, birthday ko ngayon." "Happy birthday to me, happy birthday to me." "Uy, alam mo ba na exactly one year ago, nag-celebrate ako ng ika-16 kong kaarawan?" |
 | THIRTEEN [13]Sana Guwapo Ako. Kung akala ninyong hindi ako seryoso doon, nagkakamali kayo. Seryoso ako doon. Lahat ng sinabi ko doon ay sincere. Ito ang hindi seryoso: Childhood Sweetheart Trilogy. Totoo si Carla/Karla at lahat ng mga binanggit kong pangyayari, pero nilapatan ko na lang ng cinematic appeal. |
 | FOURTEEN [14]Nabigla ako nang malaman kong dinadayo pa rin ang site ko ng mga high school class and batch mates ko. Maraming salamat, pero nang dahil sa inyo, hindi ako makapag-blog with absolute freedom. May mga bagay na hindi ko masabi dito dahil alam kong nariyan kayo. Hindi naman sa libelous sa inyo ang balak kong isulat, pero may mga bagay-bagay na hindi niyo dapat malaman. |
 | FIFTEEN [15]Kung balak kong mag-DJ, binalak ko na ring mag-VJ dati. Dahil alam kong mababaw lang ang standards ng MYX, balak ko noong mag-tryout doon sa MYX VJ For A Day contest. Pero baka malaman nila na ayoko sa MYX, kaya saan pa? Eh di sa MTV na lang! Kaso hindi ako kaguwapuhan. Saka na lang kapag guwapo na ako. |
 | SIXTEEN [16]Noong 15th bday ko, niregaluhan ako ng cellphone ng Tita ko. Yun ang unang cell ko sa buhay ko. Pero after months, na-sweet talk ako ng isang stranger at inabot ko sa kanya ang cellphone ko. Kaya hayun—wala na. Cipher. No cellphone. Ang cell ko ngayon ay 3315. Kailan kaya ako magkaka-cell na may MMS? |
 | SEVENTEEN [17]"Nag-Diliman ka lang, nagpapa-cute ka na." Natawa na lang ako dito. "Ba, Jason, gumuguwapo ka yata!" Hindi ko maiwasang mailang noong sinabi ito sa akin ng face-to-face. "Jason, ang cute mo ngayon; para kang commercial model." Hanggang smile lang ang reaction ko dito. Ito ang mga komentong ipinagkait sa akin mga two years ago. Pero kung ako'ng tatanungin, hindi ako naniniwala sa inyo. |
Pagpasensiyahan na ang pagkakalat ng mga pictures ko dito. Birthday ko naman eh. Atsaka last na iyan. Last na exposure ko na lang iyan ng pagmumukha ko. Tutal, may mangyayari naman sa Visionary sa October eh. O iyan, puwede niyo na akong i-greet.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 3 ::::::...
Ang mga Egyptians na babae noon, pinapahid ang mansanas sa kanilang mga nagpawpawisang kili-kili, at pagkatapos, ay binibigay sa mga Egyptians na lalaki na kanilang natitipuhan. Para may personal touch. |
 |
SEPTEMBER 18, 2004
Soundtrack: On Your Own - Krook and JOLO
Emotional Status: Semi-ecstatic
Brain Content: Buti medyo nag-lie low ang acads this week, whew!
|
The Anglicization Project
It Is You
Anglicized Form of Ikaw Nga (Mulawin Theme Song) by South Border
Hey yeah
Oh oh
Hoo...
Na na na na na
Again, here I am
Thinking so hard
Sometimes I'm wondering
I possess all but why am i feeling incomplete
Oh
The moment that I saw you
Felt something good
That I felt not before
Is this what they call love, I'm starting to be afraid
I just want to tell you the truth that
I just wish that you would listen to this heart of mine
Even though it's true
That we're of different worlds
Oh oh oh oh oh
It is you
I've been searching through time
I've been dreaming hard for so long
I genuflect
And I'm begging you
Please do love me too
My love
It is you
Who is bound to make change
Make change in me and how I live
Prepared to leave all that I possess
Just to be with you, my love
And when I got to know you
Felt something good
That I felt not before
I know that it's love indeed
Oh what happiness
Oh
I just want to tell you the truth that
I just wish that you would listen to this heart of mine
Even though it's true
That we're of different worlds
Oh oh oh oh oh
It is you
I've been searching through time
I've been dreaming hard for so long
I genuflect
And I'm begging you
Please do love me too
My love
It is you
Who is bound to make change
Make change in me and how I live
Prepared to leave all that I possess
All of these for you, my love
Just to be with you, my love
Oh oh oh
Na na na na na
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 3 ::::::...
Green ang color ng moodring under normal conditions. Noong sinuot ko, naging black meaning stressed. |
 |
SEPTEMBER 15, 2004
Soundtrack: Not Your Ordinary Girl - Kyla f/ Jimmy Muna
Emotional Status: Sick of my nearsighted eyes
Brain Content: Ibibili ko ang sarili ko ng gift for my bday!!!
|
Grabe
Hindi ako ganoon kasipag sa pag-aaral. Kahapon, may speech ako sa Comm 3. At ginawa ko ang speech ko at minemorize sa araw ding iyon. Buti naman okey lumabas.
Tatlong oras ang break ko tuwing T/F. Kaya tinodo ko ang pag-eensayo. Para natural ang feeling, sa Sunken Garden ako nag-practice. Dinaan ko sa audience participation ang speech to inform ko at buti na lang ay pumatol ang mga tao. Nabibigla sila sa mga visual aids ko kasi kung saan-saan nagsusulputan—sa likod, sa side, sa ibaba ng mga upuan ng mga tao, sa likod ng chair, etc. Alam niyo na. Para may element of surprise.
Lagsh: I believe our classmate Ulysses here loves Mathematics very much, as shown by the topics that he chooses for his speeches, am I correct, Ulysses? Well, if you're wondeirng what Intelligence you are strong in, please check out the paper underneath you chair.
Ulysses: [shocked] Huh??? [checks out under his chair and finds a huge paper on which "Logical-Mathematical" is written]
Audience: Abaaaaaa.... [applause]
Lagsh: If Ulysses is the master of Logical-Mathematical Intelligence in this class, I believe our classmate right here showed us last meeting the wonders that his feet can do to a sepak-takraw ball.
Sepak Boy: [shucks]
Lagsh: Oh, and let's not forget Mr. Pep Squad here. If you were just born today, let me tell you that the UP Pep Squad bagged second place in the recently concluded Cheerdance Competition. Let's grab this moment to give 'em a round of applause.
Audience: [applauds and hollers
Lagsh: Mr. Pep Squad, in case you're wondering what Intelligence you have strength in, check out the paper underneath your chair.
Audience: Abaaaaaaaa...
(In fairness pinalakpakan ako sa ideya ko, hehehe!)
Tapos, pagkauwi ko ng bahay, nalaman ko na may vintage bomb pala sa Sunken Garden na natagpuan. Buti na lang hindi sumabog, hahaha.
Oo nga pala, yung babaeng humahagulgol sa previous entry ko, umepal ulit siya. Nag-speech ulit siya. Hindi talaga puwede iyon kaso parang naawa na lang yung prof kaya go.
Guess what. Ang topic niya ay History of Philantrophy in the Philippines.
Ngayon naman, in between giggles ang speech niya. Ano ba yun. Ang sama ko raw sabi ng kaklase ko ulit, kasi ni-text ko siya ng Ano ba iyan gusto ko ng umuwi habang nag-i-speech yung babae.
Birthday Ko
Next week Tuesday na! Bibigyan ko ang sarili ko ng regalo. Reregaluhan ko ang sarili ko ng butas. Go figure.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 3 ::::::...
Puwedeng mabaog ang babae kapag sobra sa caffeine. Lahat ng tao ay may unique scent kagaya ng ating mga fingerprints. |
 |
SEPTEMBER 10, 2004
Soundtrack: Playa - South Border
Emotional Status: Looking forth to October
Brain Content: Pesteng mga mata 'to o!!! Bakit lagi kayong namumula?!
|
Tatlong Katangahan At Maasim Na Ubas
Kung may panahong aking masasabi na nagmukha akong isa't isang kapat na tanga, iyon ay kanina sa klase kong PolSci 14, kung saan nagkaroon ng debate (gamit ang Oregon-Oxford format). Sa hindi ko alam kung masama o mabuting palad, pro-Parliamentary ang aking kupon.
Hindi na kailangan pa si Madame Rosa upang mahulaan ninyo kung sino ang ginawang hindot na tagapagsalita para sa aming grupo. Siyempre, sino pa kung hindi.... *drumroll* ako!
Unang katangahan:
Groupmate: Ikaw na ang speaker natin!
Lagsh: Ba't ako?? Hindi naman ako magaling magsalita. Si Peter na lang.
Groupmate: Kulitin mo siya. Ikaw na lang, pls?? Broadcast student ka naman e.
Lagsh: Sige na, oo na, ako na.
Groupmate: Yey! I love you!!! Bigay namin bukas yung na-research namin.
Ba't ba ako napa-oo??? Kinabukasan, hayun ang mga readings—makapal pa sa mukha ng isang kakilala ko! Kaya hayun ako't napabili tuloy ng kape sa Mercury Drug para tirahin sa gabing iyon dahil maraming aaralin.
Sa debate, dalawa ang speaker. Dalawang group na ni-merge kasi ang bawat side. Yung isa pang speaker, aba, miyembro ng Debate Society ng UP! Tumawag siya sa boarding house namin that night para pag-usapan namin ang aming mga sasabihin. Medyo hesitant nga lang akong sabihin sa kanya na hindi pa ako nagsisimulang magbasa, pero sinabi ko na rin.
Ikalawang Katangahan:
Kapwa Speaker: Sa akin na yung principal differences ng parliamentary at presidential.
Lagsh: Ah. Eh yung akin?
K. Speaker: Yung sayo na lang siguro yung mechanisms ng parliamentary government atsaka yung practicSability.
Lagsh: (Ano'ng practicability???) Sige. Magpupuyat nga ako para pag-aralan ng todo itong Parliamentary.
K. Speaker: Gusto mo ako na lang gumawa ng constructive speech mo?
Lagsh: Hindi, sige, ako na.
K. Speaker: Eh yung huling rebuttal speech, sino?
Lagsh: Ikaw na lang; tutal DebateSoc ka naman eh, hehe.
Waaaaaaah! Bakit ako tumanggi na panggawa niya ako ng speech? Para sana hindi na ako nag-aral hanggang alas kuwatro ng umaga! Tanga tanga tanga! Atsaka bigla kong naalala, pareho kaming magfa-final rebuttal speech! So kailangan ko rin gumawa ng akin. =(
Tapos, yung debate na mismo. Nung pinakita ko ang speech ko, hindi ang practicability ang nagawa ko, kung hindi yung katulad rin ng sa kapwa ko speaker, hahaha!
K. Speaker: Hindi ba pinag-usapan natin sayo yung practicability???
Lagsh: Ah, eh, ah, eh, ah, eh...
Inalis ko ang lens sa kanan kong mata kasi nai-irritate siya. So lumabo ang paningin ko. Hindi pa pantay, kasi yung isa may lens, yung isa wala. So nahihirapan akong magbasa ng speech ko. Putol-putol at nawala ang emotions ng aking argument, to the point na kahit hindi ko pa nae-expire ang aking 7 minutes ay umupo na ako. Hindi ko na na-discuss ang better accountability sa Parliamentary.
Tapos, may point sa interpolation na nagkainitan ang kapwa speaker ko at first negative speaker ng kabilang grupo. Feeling ko para akong isang batang musmos at virgin pa na naligaw sa isang battlefield. Sa moment na yun na-feel ko na parang hindi ko deserve sa UP Diliman, hehe.
At hindi tulad nila, patong-patong ang readings ko sa armrest ko. Dahil hindi ko ganun kinarir ang debate, tarantang-taranta ako sa paghahanap ng puwedeng i-cross examine sa kalaban. Nanginginig na ang boses ko dahil hindi ko alam ang ptutunguhan ng mga pinagsasabi ko. Di gaya nila, memorize na memorize. Naks.
Kakahiya kaya sa kapwa speaker ko. Para siyang attorney kung makipag-argue, samantalang ako, hayun ako't humihiling na sana ay mag-collapse na lang ako tapos paggising ko, sembreak na, haha!
In the end, natalo ang side namin. Hindi maatim ng konsiyensiya ko.
Ikatlong katangahan:
Lagsh: [texts] Ei astig ka! Pra kang atty kung makipag-debate. Yeah I know it's my fault natalo tayo...
K. Speaker: Hehe tnx! Wla yun.
Ang tanga-tanga ko. Hindi ko naman fault eh. Sino ba kasing nagpumilit na ako ang maging speaker??? Kahit broadcasting student ako ay wala kaming workshop sa pagde-debate.
Anyway, tapos na naman yun. Sour grapes na lang ako—at least sa unang group activity, highest kami, hahaha! 92! Samantalang yung nanalong side sa debate, 85 lamang ang points nila!
Hindi Ako Masama!
Hindi ako masamang tao. Sadyang natatawa lang talaga ako nang mga panahong iyon.
Sa Comm 3 class ko, yung second batch na ang mag-i-speech to inform sa klase. Yung huling speaker, hayun siya't pumunta na sa harapan upang mag-deliver ng speech.
All dandy and normal ang delivery niya nang... tsantsararan! Biglang na-mental block! Kaya't kagaya ko sa PolSci 14 debate namin, nataranta siya ng todo. Nakita na niya ang dapat niyang sabihin, ngunit nang magsalita ulit siya, bigla siyang humagulgol!
Professor: Calm down, calm down. Don't get nervous.
Speaker: *hikbi hikbi*
Hindi ako sa pag-iyak niya natuwa. Noong magsimula na siyang magpatuloy sa kanyang speech, doon ako natawa.
Speaker: *hikbi* The Columbia space shuttle *hikbi* *hikbi* is a mystery to aeronautics *hikbi* scientist. *hagulgol* It just crashed from space with *hikbi* *hikbi* the malleable materials molten *iyak* and the brittle materials *hikbi* pulverized.
Nanginginig na ako sa upuan ko sa kapipigil sa pagtawa. Parang kinukuwento niya ang dilema sa buhay niya sa emotions sa kanyang mga sinasabi, pero tungkol sa space shuttle ang dini-discuss niya.
At mas natawa pa ako dahil ang nilalaman ng speech niya ay yung readings namin sa UP Pampanga sa NatSci I.
At mas lalong nagiging obvious ang pagpigil ko ng pagtawa tuwing lalakas ang hagulgol niya. Mga six minutes ang speech at hindi naalis ang paghikbi. Sabi ng seatmate ko, ang sama ko raw.
Hindi naman di ba? ;)
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 3 ::::::...
Teeth-brushing myth: 5 minutes ang recommended brushing duration sa ating mga ngipin para maging healthy ang mga ito. Sa dila naman, the whiter it is, the dirtier it is. Kaya kung white iyan, aba't kumuha na ng kutsara at simulang i-scrape ang dila upang ito'y luminis kahit kaunti lamang! |
 |
SEPTEMBER 8, 2004
Soundtrack: Masaya - Bamboo
Emotional Status: So-so
Brain Content: Pirated CDs talaga, oo.
|
Pictionary
inalis ko ang pic, hehe
Father, father. You should have passed onto me the artistahin looks that mother keeps on claiming you had when you were a teen-ager, instead of this short-temper that is slowly creeping into my entity.
inalis ko ang pic, hehe
And what's with the big eyes, Mom???
Haaay. Nakakabaliw ang pag-aaral. Eh kung pinanganak na lang kayo ako sa isang tribu kung saan araw-araw ay wala akong inaatupag kung hindi makipaghabulan sa mga baboy-ramo at pagtulog sa mga kuweba sa kagubatan?
Drama daw ang buhay for those who feel.
Comedy daw ang buhay for those who think
Parang baliktad yata?
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN BROADCOMM 100 ::::::...
Bawal ang promote ng occultism at supernatural sa mass media. Bawal din ang pagpromote ng bad grammar. (Duh!!! Bakit???) |
 |
SEPTEMBER 7, 2004
Soundtrack: Anthem Of Our Dying Day - Story Of The Year
Emotional Status: Cool
Brain Content: Waaah andaming kailangan gawin talaga as in over OA.
|
Gee Cee
Ang katauhan ko'y nabubugnot sapagkat sa aking personal na palagay, hindi ako magkakamit ng titulong University o College Scholar sa semestreng pangkasalukuyan.
Sa Unang Taon ko sa UP (Pampanga), University Scholar (US) ako noong unang semestre, samantalang College Scholar (CS) ako sa sumunod na semestre pagkatapos noon.
Aking nais na ipaalala lamang sa aking mga mambabasa, hindi ako grade conscious. Inyong unawain na may pagkaka-iba ang pagiging hardcore na grade-conscious sa pagiging casually grade-conscious.
Ako'y nabibilang sa pangalawang nabanggit.
Sa ngayon, nais na nais kong makakuha ng titulong Scholar, ngunit ayon sa aking edukadong hula, may kababaan ang aking mga makukuhang grado sa semestreng ito. Kaya ako'y inyong pahintulutang magmura ng kahit minsan lamang: poonyetah!
Bago magpatuloy, nais kong sambitin na ako'y nahihirapan na sa paggamit ng maayos na Pilipino; nasa Internet-an lamang ako ng Pangunahing Aklatan ng Unibersided Ng Pilipinas at ako'y hindi maaaring lumampas ng ala una kaya gaddemit magmamadali na'ko't hindi na magpapaka-pure grammatical Filipino.
So ayun nga, ayokong mababa (mababa sa akin ang lower than 2.0 na grade) ang makuha kong grade kasi, sigurado, bababa ang standards ko. I mean, kapag nagka-2.75 akong grade, and tendency ay titingalain ko na ang 2.5 o 2.25 bilang mga matataas na grade. Ako ba'y inyong nage-gets???
Pero hindi nga ako hardcore na GC. Kasi, hindi ko tinotodo ang pag-aaral ko. Lagi na lang akong blog, PlayStation (salamat jaykie sa controller!), nood TV, surf, at PC Games).
Gusto ko lang talaga, title. Title title title title. US o CS kahit ano basta may title, huwag lang drop out.
Sa BC100 ko pa naman, isa ako sa Gang Of Four. Gang of 4 Must-Drop Students daw sabi ng terror kong propesor. Haay. Ano ba ang aking nagawa??? Pumalpak lang naman ako ng isang beses sa kanyang utos na huwag magpapasok ng kahit sinong late.
Sa mga sumusubaybay ng Phenomenon series ko, baka wala muna sa Tuesday kasi busy tayo. May report ako sa BC100 atsaka speech sa Comm 3. May debate sa Friday sa PolSci 14, may dalawang papers na dapat tapusin sa Hum 2 by next week Wednesday, at may reaction paper rin pala sa isang play sa Comm 3 due next week Friday. Meron din pala reaction paper sa PolSci 14 na due sa last week ng September. Tapos, synopsis din pala ng 50 plays by contemporary Filipino writers sa MP174 ko. Atsaka pala isang 25-page na play sa MP174. Atsaka pala yung essay na assignment namin.
Saya ng buhay ko no? Hindi na nga ako manonood ng Cheerdance competition dahil sa pesteng mga gawaing ire.
By the way, sa sembreak, may mangyayari. Sinabi ko na dati pero sinabi ko ulit para hindi niyo malimutan. Pero huwag nang abangan. Ano kaya yun? Basta. Saka na.
Maikling Pahabol
Galing akong Vargas Museum kanina. Heto lang ang masasabi ko sa karamihang mga paintings:
Whatever!!!!
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN BROADCOMM 100 ::::::...
Labag pala sa batas ang ginagawa ng Private I at Imbestigador nang paggamit ng hidden camera tapos pinapakita sa publiko. Sa korte, hindi tinatanggap bilang ebidensiya ang secret recordings, except sa special cases, gaya ng sa banko, etc. |
 |
SEPTEMBER 4, 2004
Soundtrack: Love Of My Life - Rachelle Ann Go
Emotional Status: Determined to do something
Brain Content: 'Baba ng speech (entertain) grade ko sa Com 3! 1.375 lang!
|
Usapang Lalaki At Babae At Bading At Tibo
Ito ang naganap sa Comm 100 class ko kahapon.
Tinanong ako ng teacher ko ng concept ko ng beauty. Ako naman, innocently, tinanong ko kung babae o lalaki. Tapos, naghiyawan ang mga kaklase ko. Ngayon, ang gumugulo sa isipan ko:
BAKIT??
Hindi ako magma-maang-maangan. Alam ko ang tingin nila sa sinabi kong iyon ay may gay or bisexual tinge. Mga tao talaga, oo. Katulad ng sa babae, may concept din naman ako ng "beauty" ng lalaki ah. Kaya nga lagi akong insecure eh. Kaya nga minsan nabu-buwisit ako sa sarili ko at sa nanay ko dahil hindi niya ako iniluwal na "beautiful" in terms of lalaki. Kaya nga ang baba ng self-esteem ko eh.
Para sa mga naghiyawang lalaki sa klaseng iyon: ang papangit niyo kasi! Pero kung isa man sa inyo ay mapadpad dito, joke lang. =P
Napag-usapan lang din natin ito, may napansin ako sa nature naming mga kalalakihan in general. Well siguro, kasama ito sa pagiging patriarchal society natin and having women as "the lesser type" (to feminists: huwag niyo akong kulamin; kaya nga ni-quote ko ang "lesser type" dahil galing ko iyon sa isang sociology book). Sinabi ko na ito dati pero sasabihin ko ulit:
Bakit ang babae, kapag tinawag na pare, okey lang; minsan astig pa nga. Pero kung ang lalaki, tinawag na mare, medyo iba yata ang dating.
Bakit yung isa kong babaeng kaibigan, noong nakita niya si Angelina Jolie sa cover ng isang mag, sabi niya, "Shet. Alam mo, natitibo ako dito." Eh kung may kaibigan din akong lalaki na kapag nakita ang isang male celebrity sa mag cover, sasabihin niya, "Shet. Alam mo, nababakla ako dito."
By nature, ang mga lalaki ay competitive, aggressive, at mas paranoid sa projection ng kanilang sekswalidad, na dala na rin ng pagiging competitive. May mga OA na males nga na wala nang ginawa kung hindi sabihin na "gusto nilang upakan ang mga bading" at "galit sila sa mga bading" para, sa tingin ko, ma-project pa ng mas husto ang kanilang pagkalalaki. Pero kung akong tatanungin, mga insecure sa masculinity!
Ang babaeng aasarin mong lesbiyana ay hindi ganun ka-affected samantalang ang lalaking asarin mong badaf ay, kung ika'y lalaki, hahamunin ka ng sparring.
Kaya mas close-close ang mga babaeng magkakaibigan dahil hindi sila nagko-compete individually.
Pero wala pa ring tatalo sa pagkakaibigang babae-lalaki. ;)
Anyway, sabi ko, ang concept ko ng beauty ng babae ay yung hindi mas matangkad sa akin, long and shiny hair, at hindi chinita—gusto ko yung may expressive na eyes.
Pero hindi iyon ang nais ko talagang isagot. Ang gusto kong sabihin sana: ayokong ma-constrict sa iisang concept ng beauty ng babae. May mga chinitang maganda, may mga bural ang mata na maganda, may mga normal lang ang mata na maganda. May morena, black beauty, at white beauty. Bakit ko kailangang magtalaga ng iisang concept ng beauty kung pwede namang i-enjoy lahat?
Atsaka mas mangingibabaw sa akin ang personality—na mas prefer kong unconventional. Hindi yung typical. Kung pwede ay yung may fashion statement at sariling style. Yung astiging babae.
Nga pala, may masama ring reputasyon ang amoy ng lalaki. Kapag sinabing ang lugar ay amoy-lalaki, ibig sabihin ay may hindi kaaya-ayang amoy. Eh kung amoy-lesbiyana ang lugar? O kaya amoy-babae? O kaya amoy-bading?
Samu't-saring kuwento
May mangyayari sa Sembreak sa Visionary.
Hindi ko kayo sasabihang "Abangan" dahil hindi ko tiyak kung ito'y kaabang-abang nga. Napansin din ninyo na nagbago tayo ng color scheme. Medyo sawa na ako sa ulan. Ngayon, liyab na tayo. Ano kaya ang nagliliyab?
Secret!
(Sige, mag-intriga kayo.)
Naku, wala akong masyadong masabi. Visit na muna ninyo ang blog ni Chona Mae Banaag o Chona for sure. http://chona.blogspot.com. 100% guaranteed na mag-e-enjoy kayo.
Haaay. Ano pa ba. Medyo tinatamad akong magkuwento eh.
Ah, oo, NANALO ANG MAROONS AGAINST BLUE EAGLES! Yehehey! Sana hindi matalo ang UP against UE. Grabe. Manonood talaga ako ng cheerdance competition ng live. Speaking of cheerdance, kawawa ang kaklase ko sa Com 3 na Pep Squad. Lagi siyang pinagagawan ng stunts, hahaha!
Person: Pep squad ka ba?
Pep Guy: Oo.
Person: Wow! Head stand naman diyan!
Nakita ko pala si Maxene Magalona face-to-face last week.
Hinihintay kong bumukas ang elevator. Pagbukas ng elevator, face-to-face daw kami ni Maxene! As in eye-to-eye. Ang ganda-ganda niya! Pero siyempre hindi niya ako pinansin. Hindi ko rin siya pinansin, kahit pareho kaming celebrity, nyahaha!
Joke lang.
Bakit ba feeling ko snobbish si Maxene? Kasi artista siya. Na-realize ko, ayaw niyang i-assume na kilala ko siya. Kaya siguro halos tingin natin sa mga artista ay snobbish dahil hindi sila namamansin. Kasi nga, ayaw nilang i-assume na kilala natin sila. Tayo naman, dahil kasa-kasama natin sila sa bahay through television, feeling natin kilala natin sila.
Kasi nga naman, baka magmukha silang ma-feeling kapag nag-smile sila basta-basta. Parang si Atom Araullo. Nag-smile na lang bigla sa housemate ko, kaya hate na hate siya ngayon ng housemate ko dahil ma-feeling daw.
Hanggang dito na muna. Hay.
PS: Galit ako sa mga ma-feeling in real life.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN POLSCI 14 ::::::...
Ang Bise-President ng Pilipinas ay maaaring bigyan ng kahit anong posisyon sa cabinet. Ibig sabihin, puwede ring hindi. Meaning, kahit walang ginagawa ang Bise-Presidente, sumasahod ito. Ang Konggreso ang nagtatalaga ng sahod ng Pangulo at VP.
|
--> August 04 <--
|