VISIONARY
CONSECRATED AREA

NOVEMBER 2004
Go HOME

the lips that don't open
Hands off! NOVEMBER 29, 2004                                                

Earfood: If The Feeling Is Gone - Kyla
Ramdam: Extremely tired
Gunam: 20 more days before it's over.

hiatus 2

i am tired.

i am busy.

i am very busy, i only sleep 3 hours a day.

i will be back exactly december 20.

and i will introduce to you a couple of people and newfound friends. ;)

see ya later, terminator!

|

the lips that don't open
Hands off! NOVEMBER 23, 2004                                                

Earfood: These Days - Bamboo
Ramdam: Blank
Gunam: Magkaka-org na ako [sana].

ang sarap

ang sarap manligaw...
ang sarap magpaka-gentleman...
ang sarap magpaka-badboy...
ang sarap magkengkoy-kengkoyan...
ang sarap maging corny...
ang sarap magpatawa...
ang sarap manahimik...
ang sarap maging feeling...
ang sarap magbakla-baklaan...
ang sarap tumambay sa corridor...
ang sarap kumain mag-isa sa canteen...
ang sarap maging suplado...
ang sarap makipagkaibigan...
ang sarap maging bastos...
ang sarap manigarilyo...
ang sarap sumayaw...
ang sarap maging maangas...
ang sarap maging tibak...
ang sarap matulog in public...
ang sarap kumanta ng malakas kahit wala sa tono...
ang sarap magpaka-jologs...
ang sarap maging kj...
ang sarap mangiliti ng babae...
ang sarap magdala ng (panlalaking) "kikay" kit...
ang sarap mag-shades...
ang sarap makipag-eb...
ang sarap mapahiya sa klase...
ang sarap maging nerdy...
ang sarap maging wirdo...
ang sarap matakot sa dilim...
ang sarap matakot sa aso...
ang sarap mag-smile...
ang sarap makipag-usap...

...pag GUWAPO ka...

|

the lips that don't open
Hands off! NOVEMBER 21, 2004                                                

Earfood: Jeepney - Spongecola
Ramdam: Enthusiastic
Gunam: I have to be a DJ. Really.

mga nalalaman

starting last weekend, i officially started to practice or tutor myself on how to speak english (using american english accent) conversationally and spontaneously. at first i was having a hard time, then i unraveled a technique to avoid dead air in case in radio.

it's simple! just keep in mind what you really want to say! if you're narrating an experience, picture the experience in your mind like a motion picture being played and describe what you're "watching"! and it works for me!

i also began practicing dj stuff. i merely use winamp list, select which song to introduce, etc.

puspusan na 'to. kariran na.

may hiniram din akong libro: radio and television announcing. andami kong natutunan sa pronunciations, lalo na ng mga bansa at ciudad. halimbawa:

kenya: [keen'-yuh]
paris: [pah-ree']
mauritania: [maw-ree-tay'-nee-uh] ('maw', as in 'flaw')
zaire: [za-yeer']
malaysia: [mah-lay'-zha]
sao tome: [saong-to'-may]
copenhagen: [kaubn-haun']

at iba pa! nalaman ko rin na ang isang taong tiga-france ay hindi isang french kundi isang frenchman o frenchwoman. hindi na rin uso ngayon ang paggamit ng salitang "policeman" o "policewoman." ang in ngayon sa mga grammarians, "police officer" na.

ang interesting talaga ng bc101 subject ko. radio production kasi eh. last meeting, ginawa akong sample talent sa newscasting. grabe, nakakakaba sa talent booth! nangangabulol-bulol pa ako, taliwas sa normal kong pagbabasa sa bahay. sa thursday, sound effects production kami.

ang pinaka-finals namin dito ay gagawa kami ng either serious drama, comedy, o horror para sa radyo. astig.

snatch aftermath

may bago na akong cellphone! in the end, blessing in disguise ang pagsnatch sakin nung mokong na snatcher na yun kasi nokia 8210 ang model naming binili ni ermatz (though second hand). yung dati ko 3350.

heto ang bago kong number: 0918*******

may twist na mangyayari

sa march, baka samahan na ni ermatz si erpatz sa amerika. which means, maiiwan kami ng kuya ko dito sa pinas. which means, mabubuhay kami ng walang magulang, physically. which means, kami na ang bahala sa gastusin sa bahay at iba pang responsibilidad. which means, transition na to independence.

kaya lang naman ako magpapaiwan sa pinas dahil gusto kong i-pursue ang aking pangarap na maging involved sa broadcast media industry.

lagsh: ma, pag naging reporter ako sa tv, yayabang ka na.
ermatz: ako? hindi!
lagsh: makausap mo lang ang tindera ng karne sa palengke, isisingit mo na anak mo ko. 'uy alam niyo, anak ko yung reporter sa ___.'
ermatz: hindi, no.
lagsh: pati sa mga kliyente mo sa tindahan, sasabihan mo na anak mo yung reporter.
ermatz: e kung papa mo nga di ko kinukuwento sa mga tao na nasa amerika siya eh.

sabi ko sa ermatz ko, kapag walang nangyari sa pangarap ko, susunod ako sa amerika, magpapa-americanize ng ilang taon, tapos babalik dito, pogi na't mayama't may pambili ng kotse't artistahi't fluent ng todo sa ingglesa't puwede nang maging vj sa mtv.

|

the lips that don't open
Hands off! NOVEMBER 19, 2004                                                

Earfood: Waiting In Vain - MYMP
Ramdam: Suicidal
Gunam: My life is slowly turning into rusty shit.

biktima

[state the cruelest curse word here, like f.y. or t.i.] mong nang-snatch ng cellphone ko! mamatay ka na! pati classcards ko at p200 di mo pinalampas, ogag! kahit pa 3315 lang yun, kailangan ko pa rin ng texting/calling device at alarm clock!

ngayon, wala na akong orasan! naghahanap pa ako ng mga wall-clock sa tabi-tabi para lang malaman ang oras!

ang masaklap pa, nandun ang mga pinaka-ingat-ingatan kong messages ng mga tao, especially ni jeannie na pati mga simpleng pag-uusap namin noong september at mga share-share-an ng angas namin sa mundo lately naka-store pa rin dun, at ng iba pang messages ng ibang kaibigan!

pucha, balang araw pag naging presidente ako ng pilipinas humanda ka.

lagsh: [hugs ermatz dearly] ma, na-snatch phone ko.

tupang sunog

ako ang black sheep ng pamilya.

iyan ang aking latest finding. at nalulungkot ako. kaya napapadalas ang tambay ko sa lagoon ng mag-isa at nagpapalipas-angas habang nakikinig ng musika sa aking walkman. dagdag pa sa frustration ko sa aking kurso. dagdag mo pa ang isolation ko sa mga kaibigan. di ako magtataka kung mag-breakdown ako one time.

hindi rin ako magtataka kung mapariwara ako balang araw. sana hindi.

pero kung ako ang papipiliin, sana mapariwara ako. temporarily.

wala lang. para may twist ang buhay. tapos bigla akong titino ulit.

para kapag sikat na ako, may cinematic life akong mape-present sa mga tao. haha. pesteng desire for fame na ito, oo. medyo sinisira ang utak ko. sana pinanganak na lang ako ng may hitsura tapos magaling mag-basketall at mahilig sa kotse. period.

she wants to go home, but nobody's home
where she lies broken inside
there's no place to go, no place to go
to dry her eyes, broken inside
her feelings she hides
her dreams she can't find
she's losing her mind
she's falling behind
she can't find her place
she's losing her faith
she's fallen from grace
she's all over the place yeah
"nobody's home" | avril lavigne


palitang lang ang mga she at her ng panlalaking pronoun, akin na ang kantang ito sa ngayon.

saysay

para hindi masayang ang pagbasa niyo ng entry na ito, heto ang mga natutunan ko sa bc101 class ko na sa palagay ko ay dapat niyo ring matutunan:

:: ang pronunciation ng poem ay po-yem.
:: hindi naghi-hiss ang mga ahas. kahit i-research niyo man.
:: ang diction ay ang choice of appropriate words to use, hindi pronunciation. hence, dictionary.
:: dinner is lunch. promise. ang hapunan ay supper. never say you'll be having dinner kapag gabi na.
:: kilometers. pwedeng i-pronounce ng kee-low-mi-ters o ki-la-mi-ters.

|

the lips that don't open
Hands off! NOVEMBER 13, 2004                                                

Earfood: Daliri - Kjwan
Ramdam: Mulat
Gunam: Walang pasok sa Monday.

express

isa sa mga hindi ko maintindihan masyado ay ang madalas sabihin ng mga tao na ginagawa nila ang isang bagay "to express myself".

q: why do you play the guitar?
a: to express myself.

q: why do you write poems?
a: to express myself.

q: why do you like to dance?
a: to express myself.

q: why do you sing?
a: to express myself.

sa totoo lang, kahit pa dominantly nag-e-express ako sa blog ko ng aking nararamdaman o naiisip (unlike dati, before visionary [ekskomunikado]), tine-take into account din ang readers. kung wala akong pakialam sa aking mga readers, aba'y kasayangan ng oras itong ginagawa ko.

ako gusto kong mag-aral mag-play ng gitara. pero never to express myself. gusto kong magkaroon ng bagong skill, siyempre, kasama na doon ang para ma-impress ang ibang tao.

sa totoo lang, i doubt kung totoo bang nagsusulat ang isang tao just to express himself/herself. maaaring hindi nila intensiyon ang mag-express. malay natin gusto nilang mahasa ang skill nila.

ayokong magsulat totally for myself. i find it senseless on my part. kung gusto kong for myself lang, sa isip ko na lang ire-remain, huwag nang pa-blog-blog pa na kasayanagan pa ng oras, kuryente, at internet.

ito, sinusulat ko ito not to purely express myself. para mabasa ninyo.

chats with ermatz 2

ermatz: ako, nakaka-receive din ng mga quotes sa cellphone pero never kong fino-forward.
lagsh: eh ba't ifo-forward mo pa may asawa ka na?

ermatz: gusto kong magpapayat.
lagsh: ba't mo gagawin iyon eh may asawa ka na?

lagsh: ma, ba't dalawa lang anak mo?
ermatz: mahirap ang buhay. baka hindi ko kayanin.
lagsh: sabi nila ang unang anak produkto ng pagmamahal.
ermatz: oo.
lagsh: yung pangalawa produkto daw ng ano...
ermatz: ng ano?
lagsh: wala, hehe.

lagsh: ma, gawa mo ako ng juice.
ermatz: ikaw na, pagod na ako. bata pa lang ako naglalaba na ako ng damit namin. naglilinis na ako ng bahay. ang laki-laki ng bahay na matanda natin sa porac, nililinis ko nang buong araw iyon noon. 19 years old pa lang ako nagtatrabaho na ako. ako na ang nagpapa-aral sa sarili ko. honor student pa ako noong hayskul. e kayo?

lagsh: ma, gawa mo ako ng juice.
ermatz: ay ayoko. ikaw na.
lagsh: gawain ba iyan ng isang mabuting ina?

ermatz: ang hirap ng buhay. ba't ba lagi na lang akong sinusubukan ng diyos?
lagsh: pagsubok? parusa iyan sa lahat ng mga kasalanan mo.
ermatz: ano bang mga kasalanan ko?
lagsh: basta.

ermatz: itapon mo nga ang basura. may buhok ka na sa ibaba mo, basura lang di mo matapon.
lagsh: ikaw rin naman meron ah.
ermatz: ha?
lagsh: itatapon na, eto na o.

lagsh: [kagat sa kamay ni ermatz]
ermatz: arrrrraaaaaaaaaaay! bwisit na bata ka, mali ata ang pagpapalaki ko sayo.
lagsh: ba't yung iba may picture-picture sa cellphone?
ermatz: balang araw, magkakaroon din kayo niyan.
lagsh: gusto ko ngayon na. pa'no ko pa ma-e-enjoy ang kabataan ko?
ermatz: nung kami, wala man kaming tv. radyo lang. nakikirinig lang sa kapitbahay.
lagsh: kayo yun. iba na ngayon.
ermatz: edi yung magiging anak mo bilhan mo habang bata pa para lumaki siyang masaya.
lagsh: ayoko nga. nung ako di ko naranasan tapos siya magpapakasaya?

ermatz: napanood mo ba sa magpakailanman yung mga rapper?
lagsh: dice & k9? oo.
ermatz: yung mga kumanta ng sashimi.
lagsh: itsumo.
ermatz: oo, yun. asawa pala nung babae (hi-c) yung lalaking maliit (dice). ang ganda niyang babae pinatulan niya yung pangit na yun.
lagsh: e ba't ikaw pinatulan ni papa?
ermatz: magtigil ka nga. inaalok akong ms. philippines noon pero feeling ko pangit ako nun.
lagsh: follow your feelings.

katulong: [to her 3-year old daughter, habang pinapaliguan niya] wag kang mag-inarte, putang-ina mo.
lagsh: [thinks] ikaw kaya ang ina niyan.

ermatz: kaya pinatawad ko ang daddy niyo nung nambabae siya para hindi tayo broken family.
lagsh: kung hindi mo siya pinatawad artista na kami sana ngayon.

gwapo

madalas sabihin sa akin ng mga nakakadiskubre ng blog ko na nakabasa ng sana guwapo ako na hindi naman daw ako pangit kaya wag ko na dapat i-wish na sana guwapo ako.

alam ko na hindi ako pangit. pero hindi nga ako guwapo. kaya sana pa rin, guwapo ako.

|

the lips that don't open
Hands off! NOVEMBER 11, 2004                                                

Earfood: Sige - 6Cycle Mind
Ramdam: Fine
Gunam: Okey na ang sked ko! Success and enrolment!

asignatura

heto ang mga subjects kong nakuha this sem (18 units + pe 2):

pe 2 bridge. mahirap daw ito. pero bahala na. kailangan ko talaga ng pe, kaya ito ang pinatulan ko. sakto pa sa sked ko. sakto rin ang philippine folk dance for men at marami-rami pa ang available slots pero parang "haler!? folk dance?"

ang prof ko dito ay siya ring "terror kuno" prof ko last sem sa weight training for men. ako, hindi ako nate-terror-an sa kanya. oa lang talaga minsan ang kule.

speech comm 115. ang aga nito. 7 am. pero oks lang. mas gusto kong maaga kesa ginagabi. ang masasabi ko sa klase ko dito: una, medyo outcast ako dito kasi ako lang ang dumayo mula cmc. lahat ng classmates ko ay mga speech comm majors. atsaka todo ingglisan dito. mapapasabak yata tayo sa konyo-konyohan.

hum 1. ang tanging ge ko sa sem na ito. ang iilap kasi ng mga mst subjects. mababa expectation ko dito at tingin ko so-so lang. ayoko pa naman ng nagbabasa masyado.

french 10. ito yata ang magiging paborito kong subject sa semestreng ito. bonjour, monsieur laxamana! au revoir! tapos puro pa college of music mga classmates ko. kantahan na 'to ng on'a saimera plus ja me...

comm 140, bc 101, mp 115. di ko pa napapasukan ang mga 'to.

balitang starstruck

kung matagal na kayong suki ng visionary, alam niyo by now na noong starstruck 1, obvious na sinubaybayan ko siya. at baka gawin ko ulit sa season 2!

lalo na't ang high school klasmeyt kong si chris dioranne marayag aka chris martin ay kasali sa top 14 at namamayagpag din sa votes.

saka na ako mag-e-elaborate. nasa cafe lang ako't hindi at ease.

para dun sa certain oj sa star circle national teen quest: death to your english-speaking! >:| inis na inis ako sa taong ito. ewan ko ba. lalo na kahapon. grrr.

senti-sentihan ulit

love is really and dominantly a decision.

first you feel a little, then you finally decide that you will love that person and be there always for that person. no matter what.

rejected or not.

it's a decision. and i made up my mind.

random

pumuputi raw ako, sabi ng mga tao. so effective pala. >:) kaso ang problema ko ngayon, medyo hindi pantay ang kulay ko sa mukha at leeg. paputiin ko nga rin ang leeg ko, haha.

kahapon galing akong sm north upang magtingin sa mga music stores ng puwedeng bilhin, although ang talagang hinahanap ko ay mga latest album ng: sandwich, spongecola, at 6cycle mind. casette tapes ang hinahanap ko kasi ang walkman ko ay pang-casette tape. atsaka mas mura.

dahil wala akong makita (spongecola meron, kaso cd, sa tower), ang binili ko na lang ay moonstar 88 atsaka 17:28. ang mura ng album ng 17:28! p50! mantakin niyo!

heto ang mga katawa-tawang nakita ko:

album ni heart evangelista, p100+ lang! cd na iyon. album ng isang babaeng nagngangalang ashley (local artist na reject sa star for a night at star circle national teen quest na ngayon ay naghahanap ng career sa mtb ang saya-saya sa segment na luv idol, ur d pair), p80 lang! p80 din ang album ni danica sotto!

wala lang. natatawa lang ako.

(ps: ang hirap mag-blog kapag tinatamad. bawi na lang ako next time.)

|

the lips that don't open
Hands off! NOVEMBER 6, 2004                                                

Earfood: Same Ground - Kitchie Nadal
Ramdam: Mixed emotions
Gunam: Sana hindi ako mag-15 units lang this sem.

kape with carlo

Carlo Lorenzokagabi naka-hangout ko si idol na reporter na si carlo lorenzo. nilibre ko siya ng kape sa starbucks katips (mantakin niyo ako pa ang nanlibre!), in celebration of my being a college scholar sa nakaraang semestre.

oo, college scholar pa ako! kahit pa talagang tatamad-tamad ako last semester. heto ang aking mga nakuhang marka:

communication 3: 1.5
malikhaing pagsulat 174: 1.5
political science 14: 1.5
communication 100: 1.5
broadcast communication 100: 2.0
humanities 2: 1.0
physical ed 2: 2.0

gwa: 1.50

peste. 0.5 na lang university scholar na. mabalik kay carlo.

ang masasabi ko sayo, carlo: isa kang malibog na reporter! hahaha! pero wag ka mag-alala, idol pa rin kita.

next time crewcab ng gma gamitin natin, wag sarili mong wheels, para maranasan kong makasakay ng gma vehicle, hehe. pagpasensiyahan mo rin ang kaguluhan ng kuwarto ko sa boarding house. ganun talaga eh. ;)

balitang enrolment

hindi pa ako tapos mag-enroll. kasalanan ito ng crs eh. ang unang results ko, nakuha ko ang sked ng comm 140 class ko ng th 1-4. ang bc 101 class ko naman, t 1-4. nang enrolment, sabihan ba naman ako na nagkamali daw ang crs. ang bc 101 daw (under sa prof na yun) ay th 1-4 daw talaga.

conflict sa comm 140 ko. so kailangan kong ipa-cancel ang comm 140 ko para maka-enlist dun sa bc 101 ko. nang magpapa-enlist ako ulit sa comm 140, wala nang slot kahit anong sked. petition na lang.

nang gumana ang petition at nagbukas sila ng class, m 4-7 siya. e ang pe 2 ko, mth 4-5. kapag di ako kumuha ng comm 140 this sem, made-delay ako ng isang sem. kaya kinailangan kong ipa-cancel ang aking pe 2.

nang pina-cancel ko ang pe 2 ko, sinabihan ako na bawal magpa-enlist on the same day na nagpa-cancel ka. so sa lunes na ako ulit magpapa-enlist. malaking ligaro talaga kung may slot pa akong makita, of course, sa pe 2 na gusto ko. kung mga philippine folk dancing for men na lang, aysus.

kapag hindi ako nakakuha ng pe 2 this sem, hindi na ako pupuwedeng maging cum laude sa aking graduation. rule kasi sa college ko na dapat tapusin ang mga pe sa 1st year at 2nd year, that is, kung nagva-vie ka for a title. eh ako, at least cum laude ang habol natin.

bottom line: PUNYETANG CRS ONLINE! pag na-delay ako o kapag nawala ang laude standing ko, kasalanan niyo 'to.

sun cell.

bibili ako ng sim para sa sun cellular. astig ng unlimited text at calls. kaya kayo, bili na rin kayo ng sun sim, para usap-usap tayo all-day, all-night!

|

the lips that don't open
Hands off! NOVEMBER 2, 2004                                                

Earfood: Fire - Kitchie Nadal
Ramdam: Musically transforming
Gunam: Must take driving and/or guitar lessons in December.

lagsh the songwriter

may ginawa kaming maikling kanta ni pareng yey. ako ang sumulat ng lyrics tapos siya na ang gumawa ng rest (arrangement, vocals, etc.). old rock and roll ang sound ng song. yung lyrics na man, no more than 15 minutes kong nasulat. siyempre, si pareng yey, ambilis din nakumpleto ang track. 4 hours lang ata, tapos.

off limits
lyrics: jason laxamana
everything else: xavier arevalo


[chorus]
huwag mo kong guguluhin
at huwag nang susubukan
huwag mong sisirain
ang araw ko, ang araw ko
pare ko

araw ng kasarinlan ko
at ng kalayaan
ngayon ako'y sisigaw
sarili ko, aking tanaw

[chorus 2z]

ngayon ako'y lilipad
at tatakpan ang araw
iilaw na parang bituing
may sanib na sigla

[chorus]

[coda -added by xavier]
huwag mo lang sirain ang araw ko
oks ba tayo diyan
patapos na 'to

maaaring mapakinggan ang kanta sa pamamagitan ng pag-download nito. wma ang file type.

bago nabuo ang kuya ko

days ago, dahil sa "senti-sentihan" ko (see november 1 entry), ninais kong alamin ang love story ng aking erpatz at ermatz. siyempre dahil nasa amerika si daddy-o, kay ermatz ako nagpakuwento.

lagsh: "ma, sa dami ng mga babae sa pilipinas, ba't ikaw ang pinatulan ni papa?"
ermatz: "gago."
lagsh: "e pa'no naging kayo?"

sa buong buhay ng ermatz ko, naka-dalawang boyfriend lamang siya, at ang isa ay walang iba kundi si erpatz. ang unang boyfriend niya ay isang commerce student, na suma-sideline bilang isang janitor.

sinusundo raw si ermatz sa school niya tuwing uwian, pero dahil medyo konserbatibo pa noon siya, ayaw ni ermatz ang nakikipag-holding hands o magpa-akbay.

ex ni ermatz: *aakbay kay ermatz*
ermatz: *aalisin ang kamay ni bf* "ay, teka, naiinitan ako."

nung maglaon, sinabi ng bf ni ermatz kay ermatz na nakapasa ito sa navy. kaya medyo nagkahiwalay sila. pero hindi pa naman sila break.

pagkagradweyt, si ermatz ay sa fuji xerox namasukan, kung saan employee rin ang aking erpatz. pareho silang may diyowa: ang bf ni ermatz ay yung navy boy, habang si erpatz naman, isang nagna-nars.

hindi ko alam kung ginogoyo lang ako ng ermatz ko pero sabi niya, marami raw nagkakagusto sa kanya sa mga technician ng fuji xerox, pero alam nilang may bf siya. tapos, si erpatz naman, madalas daw siyang tuksuhin ng mga kaopisina kay ermatz.

mahilig mag-overtime si ermatz sa xerox. ang erpatz ko naman daw, kahit nag-o-overtime si ermatz, doon lang siya sa kabilang table. pasimple na kunwari pati siya may ginagawa pa. may effect pa na kunwari hindi pinapansin ni erpatz si ermatz.

one time daw, nilapitan ng erpatz ko ang ermatz ko.

erpatz: "pat... ah, eh... hindi ko alam kung puwede sana kitang ligawan."
ermatz: "naku, hindi puwede eh. may boyfriend ako."

hanggang diyan pa lang ang nakukuwento ng ermatz ko. bigla kasi kaming nananghalian noong nagkukuwento siya. ipapatuloy ko na lang some other time.

i wanted to turn you on
my favorite song
i wanted to be near you but
somebody owns you now
i'll try to live somehow
"241 (my favorite song)" | rivermaya

edad

kahapon sa sementeryo, may isang matanda doon na hindi ko kilala na nagsabing ang liit ko pa lang noon pero ngayon ang laki-laki ko na raw.

nang biglang may dumating na mga parang high school students ang edad. laking gulat ko nang ma-realize ko na sila ang mga maliliit na bata na kinakalaro ko dati. lalo na si john-john... artistahin na ngayon! di tulad dati na inaagawan ko lang ng laruan noong bata pa! nandoon din ang aking inaanak (si jobelle) na nasa high school na ngayon.... artistahin din!

tumatanda na talaga tayo.

|

the lips that don't open
Hands off! NOVEMBER 1, 2004                                                

Earfood: Wag Na Wag Mong Sasabihin - Kitchie Nadal
Ramdam: Masayang ewan
Gunam: Shet tumatanda na ako.

test mic

ako ang tipo ng taong mahilig magkimkim sa kalooban. kahit ano pa man iyan: galit, lungkot, saya, pag-ibig, pagkamuhi, o libog. sa akin lang lahat, walang nakakaalam.

pero hindi na ngayon. hinding-hindi na. salamat sa isang pangyayari ngayong sembreak.

masaya na ako-sa buhay at sa sarili ko in general-kaya napaaga ang pagbabalik ko. may mga bagay na gusto kong klaruhin:

:: hindi ako bumalik dahil sa mga appeal ng iba't-ibang visitors. plano ko talaga next year na o kaya never, pero parang sa mulawin, may mga twist na nangyari sa buhay natin. at hindi ko sasabihin dito kung ano ang mga iyon.
:: hindi ako nag-hiatus dahil sa mga nang-aaway sa akin na, in fairness, pagbalik ko ay nariyan pa rin at walang tigil na bumibisita. salamat sa pag-aabang sa aking pagbabalik.
:: hindi ko intention ang mapa-relate sa undas ang bagong theme ng visionary. medyo ito ang bago kong trip, kaya ito ang ginamit ko.

nabanggit ko noong bday entry ko na ang hikaw kong kinuha noong kaarawan ko ay simbolo ng isang goal na gusto kong makamtan sa sembreak na ito. hindi ko siya nakamtan. lumihis sa ibang direksyon eh. ang maganda dito, lumihis siya sa direksyong hindi ko inaasahang magiging okey. sobrang okey sa pakiramdam.

at hindi ko sasabihin dito kung ano ang direksyong iyon.

coz i can find my own way
big date tonight there's no tomorrow
so let's leave it on the line
coz there's time it's not too late
to change direction turn your head son
so let's leave it on the line
"these days" | bamboo

kung ang inaasahan ninyong lagsh ay ang dating lagsh na wala nang ginawa kundi magpa-cute at magpaka-trying hard sa pagpapatawa, nakakalungkot pero tapos na ako sa bahaging iyon ng buhay ko. siguro pasulpot-sulpot na lang ang katauhang iyon, pero pagod na ako sa pagpapanggap.

pagpapanggap.

pinilit kong mag-project ng masayahin at kwelang persona sa aking blog, pero sa huli ay frustration lang ang inabot ko. kaya ang operasyon ko ngayon: wala nang online lagsh at real-life lagsh.

let's volt in. ;)

panaw

naalala ko lang noong isang araw, noong buhay pa ang lolo ko. medyo senile na rin siya noon, kaya kung anuman ang mga sinasabi niya, hindi ko na lang pinapansin.

natatandaan ko pa, mga one month bago siya namatay, nasa sala kaming dalawa. siya, nakaupo lang habang ako nama'y naglalaro-laro yata. bigla na lang niyang sinabi sa kawalan, "bebang, bili ka nga ng baboy."

paulit-ulit niya itong sinabi. may ibang mga pangalan din siyang tinatawag at inuutusan, pero hindi ko na lang siya pinapansin.

namatay ang lolo ko.

nakuwento ko sa ermatz ko ang tungkol sa pangyayaring inilahad ko kanina. may isang nagngangalang bebang daw na pamangkin ng aking lolo, ngunit mas nauna itong pumanaw kaysa kay lolo.

ayoko man maniwala, pero tila nagpakita ang ibang mga kaluluwa sa lolo ko noon. siguro sinusundo na, ganun.

+   +   +   +

kuwento naman ng dati naming katulong.

siya raw ang nagbabantay sa lolo niya noong nasa ospital ito. natutulog umano ang kanyang lolo ng bigla na lang itong humarap sa kanya at ngumiti.

at pumanaw pagkatapos.

+   +   +   +

kung may kababalaghang naganap dito sa bahay namin na talagang nakakabaliw isipin, ito ay noong kamatayan ng aking lolo.

roommates ang lolo ko, ang ate ng lolo ko (lola monang), at si lola dito sa bahay.

dinala sa ospital si lola monang. nang mamatay siya, pinag-usapan ng tita ko at ng ermatz ko na huwag munang sabihin kay lolo na pumanaw na ang ate niya kasi baka mabigla ito.

isang araw, sasabihin na sana nila kay lolo. pagpasok nila sa kuwarto, wala pa man silang sinasabi ay naghihinagpis na kaagad si lolo at ito kaagad ang hirit niya:

"wala na pala si monang. iniwan na niya ako! huhuhu. sinabi sa akin ng isang babaeng naka-puti."

senti-sentihan

kanta lang ako.

i love you babe
in love ako sayo
hindi mo lang alam
ako'y naririto
i love you babe
mahal na mahal kita
sana makita mo
sa'king mga mata
"i love you babe" | rainier castillo

|


--> October 04 <--


     VISIONARY v3.0 - Everything Copyright © 2004 Jason Laxamana
     Best View: 800x600 Resolution / 16 or 32 bit color
     All Rights Reserved. He who shall plagiarize will transform into watery shit.
     no babies were aborted in the making of this website.