![]() |
Astigin din pala ang hiya nito. Biruin niyo, sa araw-araw na ginawa ng Lumikha, wala na siyang inatupag kundi bosohin ang mga jumi-jingle na lalaki sa nag-iisang pang-estudyanteng CR ng nag-iisang building ng nag-iisang UP Pampanga. Sa buong buhay nito, siguro wala na siyang napapanaginipan sa pagtulog kundi ari ng lalaki. Memorize na rin siguro niya ang brand ng underwear ng mga estudyante: Calvin Klein, Bench/, Carter, Hanes, Penshoppe, Kanebo, Warren, Fruit Of The Loom, Avon, Ever Bilena, Lucky Me, Mitsubishi, Panasonic, atbp. Sa araw-araw na pamboboso ng gagambang ito habang naninirahan sa pader ng pangalawang cubicle ng male CR, wala na ring ginawa itong si Yubs, isang Business Management student, kundi umupo sa inidoro at magmuni-muni. Minsan nga sa tagal niya sa loob, napagkakamalan na siya ng mga tao na nagtatae, nagpapa-"lipas oras," tumitira ng shabu, rumeregla, nanganganak, nangangatay ng biik, at sumasamba kay Satanas. Love-struck eh. Iyan si Yubs. Malakas ang tama ni Mickey-isang Psych student na hindi lang magaling sa academics, matalino sa school, at maalam sa bagay-bagay, kundi magaling din sa pag-aaral-sa kanya. At mabait din siya. Marami siyang kaibigan, mapa-babae man o lalaki, mapa-Friendster, MySpace, Everyone’s Connected, Friend Surfer, o real life. Kaya siguro patay na patay itong si Yubs sa kanya. Minsan, nabangga ni Yubs si Mickey sa lobby. Biglang nag-slow motion ang paningin ni Yubs! With matching ‘Pagdating Ng Panahon’ pa sa background. Siyempre, bigla ba namang mabangga ang object of affection. Kinilig siya to the bones. Yihee. Ngunit si Yubs ay torpe. Wala siyang nasabi. Ika nga ng mga nakakatanda, “speechless.” Kahit magpasori, hindi niya nagawa. Kaya hayun si Mickey, nakalabas na ng UP at dumiretso na sa jeep na sa tingin ni Yubs ay papuntang langit kung saan tunay na nararapat ang kanyang irog. Likod na lamang ni Mickey ang nasilayan ni Yubs (slow motion pa rin). Dahil sa pangyayaring ito, mas matulin pa sa kabayo ang pagtakbo ni Yubs, although may hawig siyang konti sa kabayo. Dumiretso siya sa CR ng mga lalaki nang tumitibok ng malakas ang puso. Bubuksan na sana ang zipper, tapos biglang, “HOY! ANAK KA NG PUNYETA, MAY TAO KASI!” May isang bading na nakaupo kung umihi ang nasa loob. May tao pala sa paboritong cubicle ni Yubs, kaya humingi na lang siya ng paumanhin. Instead na gamitin ang kabilang cubicle, nag-ayos na muna siya ng buhok sa harap ng basag-basag na salamin hanggang makalabas ang bading na may carnation pink pang handbag na bitbit-bitbit. Pale yellow ang kulay ng ihi niya dulot ng madalas niyang pag-inom ng lemonade na lasang tubig na may food coloring sa canteen. Habang bumubuhos ang ihi sa inodorong may mga nagsilagasang pubic hair ng iba’t-ibang lalaki (kasama ang bading kanina), nabaling ang atensiyon niya sa sari-saring bandalismo sa paligid niya. “Sali na sa Sigma Beta Delta Kappa (EBAK)!”
Naaliw siya sa pagbabasa ng samu’t-saring bandalismo, ngunit bigla niyang naalala ang pagkatorpe niya kay Mickey. Napasimangot siyang muli. Umaapaw na ang kanyang saloobin kaya kinuha na lang niya ang nagtatae niyang Panda ballpen mula sa kanyang notebook sa Math 14 at nagsulat na rin sa pader. “May problema ako sa pag-ibig... Nahulog na ang damdamin ko sa kanya!... Ano’ng gagawin ng isang torpeng katulad ko?...” Ni-zip ni Yubs yung pantalon niya, umeskapo na’t umuwi. Kinabukasan, medyo hindi okey ang gising ni Yubs, masigla ang sikat ng araw, mainit-init ang panahon, pero tolerable naman. Ang air pressure ay hindi tiyak, gayundin ang humidity. Ang mga ulap, cumulo-stratus ang kanilang japorms. 6:02 pm daw lulubog ang araw at medyo may low tide mamayang gabi. At oo nga pala, sa tabi ng Pilipinas, may low-pressure area daw na namumuo. Makakaranas daw ng kaunting pag-ulan sa may Bicol at mga thunderstorms naman sa may Mindoro. May mga tsismis na may strike daw ang mga dyip sa Gitnang Luzon sa araw na iyon, pero wala naman pala. Si Yubs, totoo man ang sabi-sabi o hindi, gusto pa rin niyang pumasok-atat na atat na yata ang bata nating makita ang araw-araw na inaabangan at oras-oras na inaalalang blue book sa Comm II... at siyempre, si Mickey. Bago sinimulan ang unang klase, CR muna ang stopover. Cubicle #2. May bitak-bitak na ebs sa tubig kaya ni-flush muna niya ito at huminga na lang sa bibig para hindi maamoy ang pasabog. Madalas marinig natin sa mga banyagang pelikula at cartoons na dilaw ang kulay ng pagiging “chicken” o duwag; minsan naman, ito ay kulay ng kaligayahan; yellow din ang kulay ni Cory Aquino; pero sa sitwasyon ni Yubs, ang kulay na dilaw ang kulay ng kanyang ihi. Mas matingkad kaysa kahapon, dulot siguro ng dehydration o hepatitis. Nabigla itong si Yubs nang tumingin siya sa ilalim ng bahay ng mapagkumbabang gagamba, Mas marami pa sa mga mansiyon ni Erap ang mga nag-reply sa sinulat niya kahapon. Puro kagaguhan. “Tol, naiintiindihan ko ang problema mo. I-jakol mo na lang yan. ;P”
Kagaguhan-ito ang pangkalahatang tawag niya sa mga reply na may free giveaway pang mga drowing at cartographic sketches ng iba’t-ibang lahi at anyo ng ari ng lalaki. Lalabas na sana ang ating bida nang mabasa pa niya ang isang tugon na nasulat gamit ang isang red na bolpen. “Bakit ka natotorpe? Bakit mo ba siya gusto? Feeling mo ba ganun siya kababaw para hindi ka niya magustuhan, kung sino ka mang bata ka? Kung iisnabin niya ang iyong pagmamahal, aba’y hindi ka niya deserve. Pero tiwala ako sayo na crush mo siya dahil hindi mababaw ang tingin mo sa kanya. Part talaga ng buhay ang pagiging torpe. Madalas torpe din ako sa mga natitipuhan ko, pero dapat matutunan natin itong i-surpass. Sa ibaba nito may nagsulat, “Fineeling mo talaga, noh!???” Natigilan si Yubs, parang si Eddie Gil nang malaman niyang tumalbog ang mga tseke niya. Kinuha niya muli ang nagtatae niyang Panda ballpen at nagsulat ng reply sa sinabi ni Anonimus. “Tol... mahirap na... Siguradong-sigurado ako na hindi kami puwedeng magkatuluyan... Iyon ang dahilan kung bakit 100% akong torpe... Kung tatanungin ako ni Tinitigan ni Yubs ang gagamba sa tabi at inisip na baka ito ang sumagot. Paglabas niya ng pangalawang cubicle, tinignan niya isa-isa ang mga taong nasa CR nang oras na iyon: ang bading na minura siya kahapon na nagpapahid ng Pond’s powder sa mukha, ang bisayang janitor na nagma-mop ng floor, si Boyds na jumi-jingle dun sa urinal, at ang supremo ng isang frat na kalalabas lang sa unang cubicle. Tanong niya sa sarili, “Sino kaya ang Anonimus na ito?” Dumiretso na siya sa una niyang klase. Hindi na siya nakinig sa mukhang-pasas niyang prof sa History II dahil ang mga mata niya ay kay Mickey lang nakapuwesto. Siyempre pasulyap-sulyap lang, para hindi masyadong obvious. “Ano ba talagang dapat kong gawin? Haaay. Sana may puwede akong kausapin, pero wala.” Dumating ang dismissal kaya garapal lahat ng mga students. Ma-reremind ka sa pagkagarapal ni Loren sa pagiging preseidente sa hinaharap. Pumasok sa isip ni Yubs si Anonimus. Napag-isip-isip ng utak niyang may ilang kilo, tanging si Anonimus na lang ang puwede niyang kausapin ukol sa kanyang dinaranas. Hindi niya puwedeng kausapin ang librarian na kaibigan niya tungkol sa love problems niya. Una, masyadong confidential. Pangalawa, gurang na’t kulubot, baka hindi na maarok ang teenage love. Minsan gusto na niyang kausapin ang kuya niya tungkol dito, pero sigurado siya na iba ang magiging reaksiyon nito. Naglakad siya patungo sa CR at pumasok sa Cubicle #2, hindi para umihi, kundi para lang tsekin kung may tinugon ang lihim niyang kaibigan. Meron nga. “Kung talagang sure na sure ka na na hindi puwedeng maging kayo, “Hoy, Anonimus! Kung cno mn yng chat-m8 mo diyan, mag-tsupaan na lang kau!”
May suminding light bulb sa ulo ni Yubs. Brilyante ang ideya. Nakapag-decide siya na sundin ang sinasabi ni Anonimus. Inisip niya, “Siguro nga, ganun na lang ang kailangan kong gawin para kay Mickey. Bukas na bukas mag-iiwan ako ng anonymous love letter sa locker niya, para solved na ako.” Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang estrangherong counselor niya. “Pre... sige... gagawin ko iyan... Salamat sayo, kung sino ka man... Kunin ka nawa ni Lord Ü ...” Abangan ang kasunod...
|
![]() ![]() ![]() |
VISIONARY v3.0 - Everything Copyright © Lagsh View: 800x600 Resolution / 16 or 32 bit color All Rights Reserved no animal was hurt in the making of this website |