![]() |
Sambit nila, “If you love someone, set her free; if it comes back to you, you are meant to be.” Pweh. Kami ni Carla/Karla, parang 12 years na since magwalay ang aming landas. What if nagkita kami ulit pero magkaiba na kami ng pananaw sa buhay, interes, ugali, at status? Pero pa'no kung all goes well? The “I Don’t Remember” Setup Coffee Shop. 10 am. Nahanap ko na rin sa wakas si Carla sa Friendster three days ago. Napagkasunduan namin na magkita sa Coffee Shop dito sa Angeles. Sa kabutihang palad, kilala pa niya ako. She’ll be wearing pink daw. Hayun siya. Parating at patingin-tingin kung saan. Hinahanap niya siguro ang lalaking naka-white at naka-salamin. “Hi! Are you Jason?”
Nangalkal muna siya ng bag. Habang ginagawa niya iyon, umiikut-ikot sa isip ko kung paano ako makikipag-converse sa kanya. Hindi pa naman ako good conversationalist. Kasalanan ng high school ko. Kulang sa vocal training. Iyan tuloy. Hayan na, tapos na siya. “So, um, kumusta ka na? Hehe, after about 12 years! Last kitang nakita noong bata pa tayo.”
Medyo namumula ang mukha ko. Medyo pinagpapawisan kahit may aircon. Habang kinakausap ko niyan siya hindi ako nakatingin. Hindi ako sanay makipag-eye contact eh. Humirit ako, “Medyo weird ang question ko pero, ano na nga bang whole name mo? Alam mo na, Prep tayo noon. Walang pakialam sa ganyan-ganyan, haha.”
Siyet. Nauubusan na ako ng sasabihin. Dapat nag-speech masters ako o kaya personality workshop bago nakipag-meet sa babaeng ito. Kalkalin ko na kaya ang aming “nakaraan” noong pre-school? “Um, iyong Holy Child, iyong school natin noon, ni-renovate na. Nandoon pa rin iyong punong mangga. Si Ma’am Zabala, if you still remember her, nagtuturo pa rin doon. Tagal na no? One time nga gusto kong bumisita para makita ang mga nagbago.” Nakangiti siya. “Hindi ba lagi kitang kasama noon? Kapag recess. Atsaka noong Graduation practice.” Tang-*na. Heto na ang nakakakabang part. Bahala na. Here it goes. “Oo nga eh. Binigyan kita dati ng puting bulaklak, naaalala mo pa ba? Haha, kinilig nga sina Ma’am noon. Ewan ko nga ba. Ke-bata-bata natin noon pero para na tayong teen-agers kung mag-ano.” Tumingin siya sa bubong. Balik tingin sa akin. “Sure ka? Wala akong maalala eh. Hihi, sorry. Marami na kasing nangyari sa buhay ko noong high school. Medyo mas doon ang naaalala ko. Kasi noong First Year ako...” Ouch. Wala daw naaalala. The Pinoy Soap Setup Coffee Shop. 10 am. Nakatitig ako sa labas. Malayo ang aking tingin habang hinihintay ko ang pagdating ng aking kababata. Napangiti ako habang pinaglalaruan sa isip ang mga matatamis na pangyayari sa aming nakaraan. “J-Jason!? Jason!” sigaw ng isang babaeng inosente ang mukha sa may pintuan.
Tumakbo siya papunta sa aking kinalulugaran. Hindi ko na rin matiis. Ako’y tumayo upang salubungin ang dilag ko. Na tila ba batobalani, kami’y nagdikit at in-embrace ang isa’t-isa ng mahigpit. “I missed you so much talaga. 12 years na, Jason!”
Kumalas ako ng kaunti sa pagkahigpit at tinignan ang kanyang mukha. “O, ba’t ka umiiyak?”
Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang kanyang mga luha habang siya’y napangiti. Inimbita ko siyang maupo sa aking kinauupuan kanina. “So, how are you? After all these years.” Sasagot na sana siya, kaso bigla siyang na-distract nang may nag-park na itim na van sa labas. “J-Jason! Naku, nandiyan na sila. Atsu na'la! Atsu na'la! Diyos kung malugod!”
Nagsilabasan ang mga tauhan ng Daddy ni Carla sa labas. Lahat sila naka-shades at may dalang mga baril. Tang-*na. Ano’ng gulo ‘to? The Jologs Setup Coffee Shop. 10 am. Nasa harapan ko siya ngayon. Nakasalamin din siya. Hehe, pareho kami. Sabay kaming nag-tour ng memory lane. Alam niyo na. Iyong “special memory.” “Oo nga, naaalala ko pa iyong bulaklak. Pero, sorry talaga! Wala na siya. Bakit ka nga pala bumalik sa Holy Child?”
May pagkamangha sa kanyang mukha. Dahil siguro doon sa US. “Aaaaay!” tili niya sabay takip sa kanyang naka-smile na bibig.
Tinuloy ko ang kuwento ko, pero medyo weird siya in fairness. Talagang we share some things in common. Pati pagka-weird. Habang kinukuwento ko ang buhay ko kinakalikot niya ang cell phone niya. Hindi na nga siya nakatingin sa akin. Hindi tuloy ako nakatiis. “Uy, sino ba iyang mga ka-text mo? Are you still listening? Sige hintayin na lang kitang matapos.”
Tang-*na. Ano ba ‘to? Kami muna dapat ang mag-usap. Masinsinan. “Uy, mga friends, ito si Jason. Long lost classmate ko noong Kinder at Prep.” Nag-smile ako sa kanila, kahit medyo nailang ako sa dami nila. “Uy, ulitin mo iyong nangyari sa inyo nang umuwi kayo galing States,” utos niya ulit habang sinisiko niya ng patago ang iba niyang mga kaibigan.
Sabay-sabay silang nagtilian. “Waaaah! Marunong ngang mag-English.” The Star Setup Coffee Shop. 10 am. Kaharap ko siya habang ang panga ko ay nakalaglag at ang mga mata ko’y kulang na lang ay puputok sa pagkalaki. Tang-*na. “C-Carla!? Ikaw ba iyan?”
The Blessed Setup Coffee Shop. 2 pm. Ayaw niyang magkita kami ng umaga kasi may pupuntahan muna daw siya na importante, kaya sa pagkainit-init na alas dos ng hapon kami nagkita. Narito ngayon kami sa coffee shop na ito, at sinerve na ang aming order. Pa-ilang effect. “Hehe, it’s been ilan na ba? Labindalawang taon! Ang last na nakita kong mukha sayo ay iyong noong pareho pa tayong paslit.”
Inabot ko ang aking iced coffee para may sinisipsip habang nakikipagkuwentuhan kay Carla. Napalundag ako ng kaunti sa pagkabigla nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. “Sandali lang!” A-Ano ba ‘to? Plan B ko iyan mamaya eh. Iyang hawak-kamay-ng-biglaan-sabay-whisper-ng-uy-Carla-may-sasabihin-ako-sayo technique, in case hindi kami maka-drift sa aming special past. Lukewarm ang kamay niya datapwat malambot. Nakatitig ang mga mata niya sa akin. Ang mga matang iyon... hindi pa kinupas ng panahon. Sila pa rin ang dating beautiful eyes na madalas kong tignan noong kabataan namin. “Jason, puwede munang magdasal tayo? Magagalit si Lord. Pasalamatan muna natin Siya sa kapeng hinandog niya sa atin ngayong hapon.”
Nakapikit siya ng nakakumpol ang kanyang eyebrows. Halatang matindi ito kung magdasal. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay. Baka biglang magkamilagro niyan. “Hayan, tapos na. God is so good talaga.”
Kinuha niya mula sa ibaba ng table ang kanyang purse at may kinuhang libro. “Here, basahin mo ‘to every night. Malalaman mo diyan kung bakit hindi ka dapat malungkot. Grabe, praise the Lord talaga. He’s so kind. The Bible was written nga pala by people inspired by God.”
Seminaryo!? Pa’no na tayo? Tang-*na naman. “Oops. Holy Mary! It’s 3 pm. Pupunta pa akong Bahay Ampunan. Sama ka? Dapat we should care for the less fortunate; nakasulat sa Chapter ___ ng Book of ___, Verses ___ to ___.” The Boyfriend Setup Coffee Shop. 10 am. Kaharap ko na siya. Naka-beret siya. May shades na naka-band sa kanyang buhok. Maporma. Mabango. Siyempre, kumustahan kami. Tapos napunta ang usapan sa noong pre-school kami. “Naaalala mo pa ba noong binigyan kita ng bulaklak? Atsaka iyong kiss. Haha. Bata pa tayo noon. Medyo nakakailang isipin.”
Aba. Open-minded. Sophisticated. Mabait. Perfect girl! Sino’ng hindi mahuhulog ang damdamin sa ganitong klaseng babae? May parating na lalaki. Tisoy. Naka-shades. Maporma din. Guwapo. Mukhang nagdyi-gym. Fil-Am yata. Pumunta siya sa tabi ni Carla to my surprise. May halik pa sa pisngi. “Sorry I was late. Ang dham-ey khashing nakha-park na khot-chey eh,” sabi niya na may katawa-tawang Fil-American accent na tila Nancy Castiliogne na naging lalaki. Dapat sumali na lang siyang Star Struck para doon siya pagtawanan ng mga tao. Aaaah! Tang-*na. Nako-conscious na yata ako. Could it be!? Could it be na... boyfriend niya ito? Oo, boyfriend niya nga ito. “Ah, Jason. This is Gabby.”
Ahaha. Tumatawa ang puwit ko. Kadugo pala niya ang mokong. Akala ko sa TV lang nangyayari ang ganitong mga setup. Naalala ko tuloy iyong Broken Vow ni Sarah Geronimo atsaka iyong patalastas na deodorant sa airport. Pati pala buhay ko parang ganoon na rin. “Hindi, joke lang! He’s my boyfriend. 2 years. Gabby, friend ko noong pre-school, Jason.” The “Have Seen You Before” Setup* Coffee Shop. 10 am. Nag-iisa akong nakaupo sa aking silya, nang biglang may parating na medyo chubby na babae na nagsusuklay. Sandali lang. Parang familiar ang mukha ng babaeng ito. Feeling ko nakita ko na siya somewhere. “Um, hi, excuse me, are you Jason? Kasi you’re wearing white polo and eyeglasses. I suppose you are Jason.”
Tang-*na. Saan ko na kasi nakita ang babaeng ito? I mean, oo, nakita ko na siya noong pre-school. Pero ang nasa tip ng mind ko ay recently ko lang siya nakita. Matanong na nga. “Err... Carla, have we met before? I mean, recently.”
Hindi ako nakumbinse. Malakas ang kutob ko na nakita ko na siya. Chubby. Medyo dark. Biluging mga mata. Makuwento siya. Habang inuulan niya ang mga tainga ko sa mga kuwento niya tungkol sa buhay niya sa Quezon, kuno nakikinig ako, pero sa totoo, iniimbistigahan ko sa isip ko kung saan ko nakita ang babaeng ito just recently. “My barkada and I went to a slumber party sa Pasay. Grabe, ang saya. We were throwing pillows at one another” Galing akong SM Mega Mall pagkatapos naming nanood ng ‘The Butterfly’s Evil Spell’ na play sa UP Diliman one time. Hindi kaya doon ko siya nakita? O kaya sa mismong play? Hindi siguro. Hindi ko naman siguro maaalala ang mukha niya ng ganito katindi. “My friend, Ivon, she had many jokes to tell talaga, I swear. She keeps making fun of her big sister’s boobs! Ang funny talaga niya, I swear!” Malalim ang aking pag-iisip pero medyo nakuha ng hearing sense ko ang word na ‘boobs.’ Kaya lang balik sa pag-iisip sa misteryosang identidad ni Carla. Hindi kaya sa magazine? O kaya sa TV? “...When I heard the joke, I laughed hard talaga. At that time I was having my period. Tawa ako ng tawa tapos, naramdaman ko... lumabas siya!” My Dream Setup Coffee Shop. 10 am. Masaya kaming nag-uusap ni Carla. Hinahalungkat namin ang aming “nakaraan” at tawa na kami ng tawa sa mga boo-boo’s na kinukuwento namin sa isa’t-isa. At last, nalaman ko na rin kung bakit siya lumipat ng school after Grade 2. Nagbe-blend ang aura namin. Noong una naiilang ako, pero puwede pala siyang biruin. Medyo nahihirapan kasi akong maki-get along sa mga babaeng hindi mo mabiro. Buti na lang may sense of humor siya. “May binigay pa nga akong mais na kinagat-kagat ng kung sino noon sayo, hehe.”
Nagpalitan kami ng cell number. Hinalungkat pa niya ang mga quotes ko. Ringtones. Picture messages. “O, huwag kang masyadong mabana. Walang ganyan sa bundok.”
Masaya kami. Mabuti na lang at pareho naming ayaw ang ‘My First Romance.’ Natapos ang araw. Hinatid ko siya sa kanila. “Bye, Jason! I had a great time. Sige, keep in touch na lang. Ikumusta mo na lang ako sa mga kamag-anak mo sa Pinatubo, hehe.” Nabigla ako—kasabay noon ay isang halik sa pisngi. Parang iyong dati... noong pre-school. Pumasok na siya ng bahay. Tang-*na. Hindi ko man lang natanong kung single pa siya. Bigla siyang lumabas ulit ng gate. “Uy, Jason, siya nga pala, ano na nga ba ang website mo? Para ma-visit ko one time.”
Hindi na ako makatiis. It’s now or never. Dapat masabi ko na sa kanya ang dapat kong sabihin. “Carla... I have to tell you this...” * From the Modess commercial. |
![]() ![]() ![]() |
|