OCTOBER 2003 VOL 1. NO.1
   
HOT & SPICY
ni Ador Mahalay

IMORAL - ang kasalukuyang relasyon ng isang FEMALE PUBLIC OFFICIAL sa isang konsehal. Very hot ang escapades sa mga Lakbay-Aral at sosyalang gastos ng City Hall. Ang relasyong ito ay makalipas ang pakikipag-live-in sa isang kabaro na dating Barangay Official. Taste `em all!

PROMOSYON - matapos masangkot sa ilang ulit na over-pricing at ghost deliveries na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso, ang pamosong PURCHASING OFFICER ay pamuling nasangkot sa P1.8 milyong anomalya sa pagbili ng mga materyales kamakailan!

Maligaya ang kanyang “BOSING” at hindi nadawit sa korupsyon. Dahil dito, ang gantimpala ay promosyon bilang Hepe ng Palaruang Bayan matapos ang ilang linggong pamamahinga sa BGMO. Mr. Suave!

WALANG KAMATAYANG COMPUTER - matapos masangkot ang isang CITY ATTORNEY sa P1 milyong over-price sa pagbili ng mga computers, ay pamuling nagamit ang anomalya sa pagsibak sa CITY ASSESSOR! Pinagbintangan ang huli na bumili ng mga second-hand computers na diumano ay bago. Dalawang VIRUS na ang na-tsugi pero ligtas palagi ang MASTERMIND!

GATASAN NG BAYAN - ang pinaka-bugbog na pondo ng CITY HALL at BARANGAY COUNCILS ay ginagasta sa mga Lakbay-Aral ng ating mga hindi kagalang-galang na opisyales sa iba’t-ibang destinasyon, domestic at abroad!
Sa mga walang-kahihiyang pagbibiyahe nagaganap ang mga lagayan, junkets, imoralidad, sugalan at partihan ng perang sobra sa mga board, lodging at transportation expenses!

Kung matino lamang at hindi manhid ang CITY AUDITOR, ay malalaman ng taong-bayan kung gaano karaming Lakbay-Aral ang ginagawang instrumento sa pandurugas ng ating mga public officials sa pera ng taong-bayan (tinatayang gastos - P50 Million annually).

IMORALIDAD PA RIN - ang dahilan kanya natanggal ang isang mataas na public official sa kanyang puwesto kamakailan.
Ang reklamo ng natanggal na opisyal ay ang double-standard of justice na ipinaiiral ng City Hall at bakit daw ang ilang miyembro ng CITY COUNCIL at ilang DEPARTMENT HEADS ay hindi matanggal kahit lantaran ang imoralidad at korupsyon?

Hindi mo ba alam SEX-PALMER, na silang dinadalirot mo ay mga PARTNERS IN-CRIME?

CITY COUNCIL - ang ating City Council ay binubuo ng ANIM (6) NA KONSEHALA, anim (6) na istranghero, TATLONG (3) BABAERO, dalawang (2) matatapos na ang termino, ANIM (6) NA ILALAGLAG sa pilian ng kandidato, at LABING APAT (14) NA RUBBER STAMP!

TIYANGGE - pamuling magkakaroon ng Tiyangge sa Tabing Ilog bago mag Todos Los Santos, Pasko at Bagong Taon dahil malaki ang pakinabang ng City Hall, ilang public officials at promoters dito.

Ang City Hall (bagama’t kinapon pa ito) ay kumita ng P4M; ang promoters (kasama sina Glory Bee at Tampipi) ay kumubra ng P2M; ang mga elective public officials (Council at ilang Bgy. Captains) at ilang department heads ay naka-ambon bawat isa ng tig- P100,000.00 bawat dalawang (2) tents na maibebenta o mauupahan.