+ Ultimate Jennylyn +
The ultimate Jennylyn Mercado
By: Nora V. Calderon
Content provided by: The Journal Group
Before tahimik lamang ang buhay ni Jennylyn Mercado. Fourth year highschool na sya.
Dahil mahilig umawit, minsang bumisita siya sa kanyang friend, pinakanta si Jennylyn sa Café de Malate. After that she had an occasional gig there.
Pero hindi nagtagal un dahil bawal sa school na pinapasukan niya ang mag showbiz ang mga estudyante.
Madalas, sinasabi ni Jennylyn noon, may sarili siyang mundo. Pero hindi na ngayon, nagmula nag mag join siya, ang female major winner noong Feb 1. Ang araw na ‘yun ang pinaka favorite day niya, to date, dahil hindi nya akalian na siya ang mananalo.
Changes
After wining the Starstruck, anu anon a ba ang nagbago sa buhay ni Jennylyn?
“Heto po, ngarag, wala nag oras sa mga kaibigan, lagging puyat,” tipong pagku complain, pero nakangiting wika ni Jen, “Saka po kailangan pakisamahan mo lahat.
“Namimiss kop o ang studies ko, pero kailangan huminto na muna ako dahil hindi ko na po kaya. Nanghihinayang lang po ako kasi fourth year na ako sa Augustinian Abbey School sa Las Pinas. Nakakapagod a rin po, kung magaaral pa ako.
“At saka hindi rin nila ako papayagang bumalik sa school dahil bawala ang pagsu showbiz sa kanila.
“Pero ok lang po, hindi po ako nagrereklamo. Nararanasan ko na ngayon kung ako ang pagiging artista. Mahirap pala, dahil halos wala kang tulog sa sunod sunod na schedules. Lalo po ngayon na nagsimula na kaming mag taping ng bagong teledrama na kasama ko ang mga finalist sa Starstruck.
“Meron pang Click every Saturday. Every Sunday, regular fdin po ako sa SOP. “Tapos, every Sunday, ang Duet For Love episode namin sa Love to Love na sa Puerto Galera pa kami nag first day taping: Kami ni Mark Herras ang magka love team Masaya po lagi ang taping naming dahil sa musical comedy ang Duet For Love.
Nakakatuwa po kasama sina Tito Hajji Alejandro at Tita Pinky Marquez na gumanp na parents namin nina Toni Gonzaga at Jay-R.”
Every Mondays, Wednesdays and Fridays, taping nila ng bagong soap with the StarStruck finalist, under Louie Ignacio. Thursdays, taping ng Love to Love 3. Saturdays taping ng Click and Sundays, live naman sila sa SOP. Bale free day lang ni Jennylyn ay Tuesdays, na kung minsan may TV guestings pa siya. May mga VTR pa sila ni Mark ng TV commercials.
Feeling magkapatid
Anong feeling niya nu’ng sa S-Files, on Feb 22, parang nag propose na sa kanya si Mark?
I’m flaterred po, pero nagulat ako. Hindi ko po inisip na sasabihin niya yon dahil ang akala ko, magkakapatid lang kami sa Starstruck. Nabigla po ako, pero alam ko pong hindi pa naman seryoso si Mark dahil career po muna ang mahalaga sa amin ngayon. Mga bata pa kami, trabaho muna.” May boyfriend daw siya, hindi naman totoong nag break na silaat minsan ay kasama raw nya niya sa GMA 7?
“Wala po akong boyfriend talaga dahil nakipagbreak na ako sa kanya nang mag join ako sa Starstruck. Wala po akong kasamang lalaki pag pumupunta po ako ng GMA 7.
“Mommy ko lamang lagi kasama ko. Minsan iyong pinsan kong lalaki, kamasa naimn ng Mommy ko baka poi yon ang sinasabi nilang boyfriend ko.” Tinanong namin ang Mommy ni Jennylyn kung okey sa kanay si Mark; sabi nito, okey naman daw si Mark. Kapga daw mapagmahal sa magulang ang isang bata, mabait ito. At nakita rind aw niyang gentleman at very sweet si Mark.
intriga
May share na rin intriga kay Jennylyn dahil may lumabas na balitang dati raw sya GRO at nanganak na raw sya. “Sobra po talaga akong nagulat, dahil wala naman katotohanan. Disente po ang Café de Malate na siya kong kinantahan noon. Naapektuhan po ang family ko, naiyak si Mommy, pero sabi ko nga, simula pa lamang iyon ng mga intriga at kailangan maging handa kami. Conservative po ang family ko kaya nagulat ako sa balitang iyon.”
Hindi lang yun, nililigawan daw siya ni Aiza Seguerra?
“Iyon po, ikinagulat ko rin iyon dahil once po lamang kaming nagkita ni Aiza, sa isang show. And after that, hindi na kami nagkita up to now.
Lumipat na ba siya ng bahay? Sabi niya dati, nahihirapan siya dahil malayo ang bahay nila sa, Las pinas City. “Ayaw ko pong umalis sa bahay namin. Hindi po naman masyadong malayo, ngayong nakabili nap o kami ng sasakyan. Hindi nap o masaydong problema.
Album
May magandang boses, hindi pa ba niya papasukin ang recording? Mayroon na po, sa GMA Records, pumirma na po ako ng contract. Nag start na akong mag recording last Thursday, March 4. Twelve songs po lahat ang laman ng album na ang carrier ay composition ni Gary Granada. Mayroon din po akong revival songs na duet kami ni Janno Gibbs
“Nakakatuwa po dahil triple J daw kaming mga recording artists ng GMA Records. Si Jolina Magdangal, si Janno saka ako. Happy po ako dahil kung talagang papipiliin ako, mas gusto kong kumanta lamang. Pero narito pa rin po, I might as well na pagbutihin ko na rin ang pag arte.
“Pwede ko rin po pagsabayin ang pagkanta at pag aartista ko, kaya sana magkaroon pa kami ng workshop.”
Playboy Mark
Pero kumusta naman kung talagang totohanin na ni Mark ang panliligaw sa kanya ni Mark, hihintayin siya?
“Si Mark po mabait, madaling pakisamahan gentlemena, smart. Madalas ko nga syang biruin na playboy siya, sabi naman niya, hindi na raw. Pero only time will tell po.
“Pero sabi ko nga sa kanya unahin muna naimn ang career namin bago pa lamang kaming magsimula.”