Mark Jen Lover

+ Lumaki ang Cell Bill ni Mark +

Dahil kay Jennylyn, lumaki ang cellphone bill ni Mark!

Pilipino STAR Ngayon 04/16/2004

Kumpirmadong mag-on na ang dalawang StarStruck Survivors na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado dahil maraming beses na silang nakikitang sweet, holding hands at bulungan nang bulungan.

Mas lalo pang tumibay ang `hinala' ng lahat nang mapansing parating nagkakatampuhan ang dalawa sa mababaw na dahilan na ayon sa mga taong malapit sa kanila ay "super seloso" si Mark dahil may mga tumatawag daw na lalaki kay Jennylyn na hindi knows ng aktor.

Bukod dito ay si Jennylyn din ang pinag-aksayahan ni Mark ng libu- libong bill sa cellphone nu'ng nasa Hongkong ito at nasa Tagaytay City naman si Jennylyn during the Holy Week season.

Mukhang boto naman si `Nay Lolit Solis kay Jennylyn for Mark dahil wala siyang reklamo nang malamang si Jennylyn ang kausap ng alaga niya nu'ng magkakasama sila sa Hongkong.

Nagtagumpay ang GMA Artist Center sa plano nila sa dalawa na magligawan, hayun, tinotoo nga, sana lang may marating ang kanilang relasyon at career, especially Jennylyn na tila mas nauungusan pani Yasmien Kurdi ngayon.

Hindi myembro ng StarStruck si Oyo Boy Sotto, pero nagtagumpay siya na mapasagot si Nadine Samonte, isa sa StarStruck Avengers, kaya't sila ang magkasama nu'ng Holy Week kasama ang pamilya ng dalagita.

Tinanggap naman ni Tyron Perez, na isa ring may gusto kay Nadine na si Oyo Boy na ang boyfriend nito at binati pa niya ang dalaga.

Say ni Tyron, "At least ako, pinanindigan ko ang pangako ko sa mommy niya na hindi ko liligawan ang anak niya dahil bata pa at tinupad ko rin ang gusto ng mommy niya na friends muna kami ng anak niya dahil nga bata pa. Hindi ko lang alam, bakit nag-iba ang nangyari, siguro, mas sikat si Oyo Boy."

Kaya sa trabaho na lang ibinubuhos lahat ni Tyron ang kanyang oras at mas lalo itong nagpursige na makapag-ipon para sa pamilya.

"Unti-unti na pong naghahanda ang nanay ko sa pagkakarinderya. Kaya kailangan ko pong mag-ipon pa para sa mga karagdagang gagamitin sa pagtatayo nito," dagdag pa ng binata.

Tuwang-tuwa rin siya nu'ng bakasyon dahil muli raw siyang nakatikim ng lutong bahay at sariwang gulay, dahil ang mga nabibiling ulam daw dito sa Maynila ay walang mga lasa at puro vetsin naman.

"Marunong po kasi akong magluto, kaya alam ko kung ano 'yung tamang timpla at dinaya lang. Kaya po miss na miss ko ang probinsya kasi masarap ang pagkain at sariwa pa ang hangin doon," tila batang nagrereklamong sabi ni Tyron. (Ulat Ni Reggee Bonoan)