Navigation

- Home
- Feedback
- Link Me!
- About Me!
- Forum
- Links


Mark and Jennylyn

- Mark's Profiles
- Jen's Profiles
- Gallery
- Articles
- Their Shows
- Mark loves Jen!


Link Me!

Use this button to link in my site, thanks!




Mark and Jennylyn Fansite!


Mark at Yasmien, nag-enjoy sa HK

Memorable kina Mark Herras at Yasmien Kurdi ang kanilang first trip abroad. Nag-Hongkong sila nung Semana Santa.

Halos hindi sila tumigil sa hotel dahil ginalugad nila ang Hongkong at madalas 3:00 AM na sila nakauuwi.

Kasama ni Mark ang kanyang Daddy Jun at si Yasmien kasama ay ang kanyang Mommy Miriam.

Nagmistulang tour guide sina Manay Lolit Solis, Rommel Gacho, Belinda Felix, at ilan pang staff ng Startalk na ilang beses nang pabalik- balik ng Hongkong.

Ang mainstay na ka-buddy ng mga bagets ay si Clara Galvante, anak ni Ma'am Wilma Galvante ng GMA 7.

Ito rin ang pinaka-memorable na Hongkong trip ni Clara dahil kasama niya ang paborito niya sa Starstruck at crush pa pala niya na si Mark.

Ang in-enjoy nang husto ng mga bagets ay ang pagliwaliw sa Ocean Park. Lahat ng rides ay sinakyan nila at hindi sila umalis hangga't hindi naikot ang lahat ng sulok nito.

Hindi rin nagpaawat sa shopping ang dalawa at hindi nakalimot si Mark sa pagbili ng pasalubong na Gucci perfume para kay Jennylyn.

Naloka ang buong grupo kay Mark lalo na si Manay Lolit dahil panay ang kalkal nito sa kanyang cellphone. Nagtataka ito, bakit text siya nang text, laging "message failed."

"Naka-roaming ba `yang phone mo?" tanong ni Manay Lolit kay Mark.

Doon lang nalaman ni Mark na kailangan palang ipa-roaming ang phone kapag lumabas ka ng Pilipinas.

Nahihiya itong makihiram sa cellphone ni Rommel Gacho kaya si Manay Lolit na ang nakiusap kung pwedeng maki-text o kahit isang tawag lang si Mark para kay Jennylyn.

Pinagbigyan ito ni Rommel, kaya kaagad na nag-dial si Mark kay Jennylyn pero hindi ito sinagot ng dalaga dahil walang caller ID na lumalabas sa phone nito gawa ng tawag mula sa ibang bansa.

Nag-text si Mark sa kanya na sagutin ang phone dahil siya ang tumatawag.

Ilang sandali lang, nag-ring kaagad ang cellphone ni Rommel, si Jennylyn na pala itong tumatawag at hindi na nahintay ang tawag uli ni Mark.

Matagal ding nag-usap ang dalawa sa gitna ng tuksuhan ng mga kasama, pero deadma lang ang Mark dahil mukhang matindi na ang tama nito sa kanyang ka-loveteam.

Hindi deretsahang inamin ni Jennylyn na sila na dahil hindi pa raw niya ito sinasagot pero aminado si Jennylyn na close na sila ni Mark sa isa't isa.

Bumili pa si Mark ng bracelet na may nakalagay na pangalang "Maki" (tawag ni Jennylyn kay Mark, samantalang "Baby" ang tawag ni Mark kay Jennylyn), para dagdag daw iyun na pasalubong kay Jennylyn.

Ilang araw lang pagkatapos bumalik dito sina Mark, nakita nang suot ni Jennylyn ang naturang bracelet.

`Yun daw ang request ni Mark kaya sinunod lang niya para maging happy ito.

Ano kaya ang ibig sabihin niyan?

Kilalang-kilala ng mga kababayan natin sa Hongkong sina Mark at Yasmien. Nabasa nila rito na pupunta roon ang dalawa kaya inabangan nila ito.

Nagpiyesta ang mga kababayan natin sa HK dahil walang kyeme ang dalawa sa pagpapalitrato at pagpirma ng autograph sa kanila.

Tiyak na ang wish ni Mark na pagbalik niya uli ng Hongkong, kasama na niya si Jennylyn.

Type din kaya ni Yasmien na makasama din dito sa Hongkong ang non- showbiz guy na bestfriend daw nito ngayon?

Back to Articles Page

Updates
UPDATES!

04/27/04: New Layout!
more...



Site © Saphira
Layout © Quickness


Fun Stuff

- Quiz
- Games
- Survey


Tagboard

Name

URL or Email

Messages(smilies)



Tagboard!


Guestbook

- Sign Guestbook!
- View Old Guestbook