Battle of the Brainless I

Q: What is the National Bird of the Philippines?
Clue: Its name starts with the letter "M"(Maya).
A: Manok!
Q: Hindi, brown ang kulay nito.
A: manok na pinirito.
Q: Hindi, mas maliit pa diyan.
A: Maggi chicken cube

Q: Saan tayo madalas pumunta pag summer upang maligo.
Clue: Nagsisimula sa letrang "B" (Beach).
A: Banyo.
Q: Hindi, pag pumunta ka doon, naaarawan ka.
A: Bubong.
Q: Hindi, pag nandoon ka na, marami kang makikita na mga babaeng naka-bikini.
A: beerhouse!

Q: What is the National Flower of the Philippines?
Clue: It starts with the letter "S" (Sampaguita).
A: Sunflower.
Q: Hindi, binibenta ito sa kalye.
A: Stork. Q: Hindi, bulaklak sabi, eh.
A: sitsarong bulaklak! Q: Hindi pa rin. Ang ending niya ay letrang "A".
A: Sitsarong bulaklak na may suka!
Q: O, para madali ha, uulitin ko ang clues at dagdagan ko pa: pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa letrang "S", nagtatapos sa letrang "A" at kapangalan ito ng isang sikat na singer.
A: Si Sharon Cuneta!

Q: Sino ang kaunaunahang chess grandmaster of Asia?
Clue: Kapangalan niya ang tao ng chess (Eugene Torre).
A: Carole King.
Q: Hindi, mas mababa sa "King".
A: Al Quinn.
Q: Hindi, Filipino ang apelyido niya.
A: Armida Siguion-Reyna.
Q: Hindi pa rin. Mas mababa pa sa "Reyna".
A: Bishop Bacani.
Q: Mas mababa pa sa "Bishop".
A: Johnny Midnight (Knight).
Q: Mas mababa pa sa "Knight".
A: Jerry Pons (Pawns)?
Q: O ayan na ha. Nabanggit mo na ang lahat ng piyesa. Yung kahulihulihang piyesa na lang.
A: Sylvia la Torre