Battle of the Brainless II

Q: Sino ang National Hero na naka-picture sa 500-peso bill? Clue: Ang initials niya ay "N-A"(Ninoy Aquino).
A: Nora Aunor.
Q: Hindi, ang last letter ng kaniyang palayaw ay "Y".
A: Guy Aunor?
Q: Hindi, dati siyang naging Senador.
A: The former Senador Nora Aunor.
Q: Hindi, patay na siya!
A: Patay na pala si Nora Aunor???

Question: Ano ang ginagamit na floatation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Clue: starts with the letter "S" - Go!!! ("salbabida") Beep!
Ateneo: (linalapit ang bibig sa mike) Sirena.
Host: Hindi! Hindi ito babae. Beep!
San Beda: Siyokoy.
Host: Hinde!! Hinde ito Lalake! Beep!
La Salle: Siyoke.

Q: Ano ang tawag ng tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Clue: "L" ang simula ng pangalan niya (Lifeguard).
A: Lifebuoy.
Q: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng taong ito.
A: Safeguard.
Q: Hindi, pero makukuha mo ang pangalan nito pagpinagsama ang mga dalawang sagot.
A: Safe boy.
Q: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan. A: Si Mr. Clean.

Q: Anong hayop sa dagat ang may walong tentacles?
Clue: Ang pangalan niya ay nagsimula sa "Octo" (Octopus).
A: October.
Q: Hindi, walo nga ang tentacles nito.
A: Octo-walo.
Q: Hindi pa rin. Ang hayop na ito ay walang spine at malambot ang katawan.
A: Octoart Dancer.
Q: Hindi, nagtatapos sa "s" ang pangalan nito.
A: Octoarts Dancers.
Q: Hindi pa rin.
A: Octomechanix

Q: Saan binaril si Dr Jose P. Rizal?
Clue: "B" ang simula (Bagumbayan)
A: Sa back?
Q: O sige, pwede rin na ang simula ay "L" (Luneta).
A: Sa likod?
Q: Hindi pa rin. Para mas madali, gamitin natin ang kaniyang modern name - "RP" (Rizal Park).
A: Sa rear part