MGA PAALALA PARA SA MGA MAGULANG NG MGA MAG-AARAL SA SAUYO HIGH SCHOOL

  1. Alamin ang mga nilalaman ng mga MEMORANDUM na ipinahayag ng mga namumuno ng paaralan. Mababasa ang mga ito sa opisyal na Website ng Sauyo High School. (www.oocities.org/sauyo_hs)

  2. Mangyari pong payuhan ang inyong mga anak na magdala ng payong o anumang bagay na panangga sa init at ulan..

  3. Huwag po sana ninyong papasukin ang inyong mga anak kung ito ay may karamdaman.

  4. Kung maari po lamang ay siguraduhin na matulog nang maaga ang inyong mga anak upang hindi sila mapuyat at hindi mahuli sa pagpasok sa klase lalo na ang pang-umaga.

  5. Kung maaari ay makipag-ugnayan sa gurong tagapayo ng inyong mga anak at magbigay ng kontak number para sa di inaasahang at biglaang pangyayari.

  6. Ang pananagutan ng paaralan para sa mga irregular students ay doon po lamang sa loob ng mga oras na kung saan ina-atinan nila ang kanilang mga "back subjects". Mangyari pong alamin ang oras ng kanilang pag pasok at uwian.

  7. Ang "Orientation" para sa mga balik-aral, may mga backsubjects at transferee ay gaganapin sa July 7, 2007 (Sabado) sa mga sumusunod na oras:

                          a) Second year and Fourth year --- 8:00 to 12:00 Noon

                          b) Third year ---- 1:00 to 4:00 P.M.

  1. Ang "General PTA at Home Room PTA" meeting ay gaganapin sa July 21, 2007 sa ganap ng 8:00 A.M. to 12:00 Noon. Para sa mga magulang ng First year students mangyari pong tandaan na isa sa mga mahalagang bagay na tatalakayin ay rules and regualtions ng paaralan.

  2. Regular na alamin ang kalagayang ng inyong mga anak sa loob ng paaralan at alamin ang school calendar of activities na mababasa sauyo website.

 

                    MARAMING SALAMAT PO! MABUHAY!