Filipino para sa ikalawang termino

Paksang pang-Panitikan
Pamagat ng Seleksiyon Uri Ng Akda May Akda Mensahe/Kaisipan/Mahahalagang pangyayari
"May Plastik ang Mundo" Tula Odie Cruz Lacsamana
  • Sa mundo, lahat ng tao ay may kaplastikan
  • Sa iba't ibang panig ng lipunan ay makikita ang kanilang mga asta at kababalaghang isinasagawa.
  • Matutong umiwas sa mga plastik at magpakatotoo narin sa sarili
"Uhaw ang Tigang na Lupa" Maikling Kwento Liwayway Arceo
  • Ang pamilya ay dapat mauna sa lahat ng bagay sa mundo.
  • Ang pagiging martir ay dapat nasa oras.
"Ang Paghuhukom" Nobela Lualhati Bautista
(nagsalin)
  • Tanggapin ang hamon ng buhay
  • Huwag magpaiwan sa mga pagbabago, makisabay sa mga ito
"Ang Tundo Man Ay Langit Din" Nobela Andres Cristobal Cruz
  • Ang pag-ibig ay napakahalagang bagay - alagaan ito
  • Matutong magtiis sa ngalan ng pagibig
  • Alma - babaeng mayaman; Victor - lalaking mahirap
"Maganda Pa Ang Daigdig" Nobela Lazaro Francisco
  • Tungkol sa hustisya
  • Ipinakita ang pagsikap ng isang tao kabila ng mga kawalan ng katarungan
  • Lino - tatay ni Ernesto na nakulong

Jose Rizal
Araw ng Kapanganakan Hunyo 19, 1861
Lugar na pinagsilangan Calamba, Laguna
Mga Magulang Ama: Francisco Mercado Rizal      Ina: Teodora Alonzo y Quintos
Mga Paaralang pinasukan Ateneo Municipal de Manila, University of Sto. Tomas, Universidad Central de Madrid (España)
Mga Wikang pinag-aralan Arabic, Catalan, Chinese, English, French, German, Greek, Hebrew, Italian, Japanese, Latin, Malayan, Portuguese, Russian, Sanskrit, Spanish, Tagalog, iba pang diyalektong native (22 lahat)
Mga Bansang pinuntahan Maraming mga bansa sa Europa, Asia at Amerika. España, China, Japan, Estados Unidos, etc.
Mga Akdang sinulat "Noli me Tangere"(1887), "El Filibusterismo"(1891), "Sa Aking Mga Kabata"(1869), "Huling Paalam"(1896)
Mga Babae sa buhay Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela - Mga naunang babae
Leonor Rivera - naging kasintahan ng 11 taon. Di payag ang ina ni Leonor kay Rizal.
Consuelo Ortiga y Rey - nagkagusto kay Rizal, babae na nakilala sa Espanya. Hindi tinuloy ni Rizal ang pagligaw
O Sei San - nakilala sa Japan, maraming tinuro kay Rizal
Gertrude Beckett, Nellie Boustead, Suzanne Jacoby - mga nakilala sa Europa (Madrid at Paris)
Josephine Bracken - nakilala sa Dapitan. Pinakasalan ni Rizal kahit wlang pahintulot sa magulang o sa Simbahan.
Araw ng Kamatayan Disyembre 30, 1896
Lugar kung saan binaril Sa Bagumbayan Field, na ngayon ay Luneta Park na
feeling ko hindi kakareerin ni sir ang mga tanong dito sa portion na to, lalo na ung about the girls, di na cguro ganun ka detalyado un..
Sinalin mula sa: Jose Rizal Website

Paksang pang-Wika
Paksa: Ano ito? Mga Halimbawa: Kahulugan/Pagpapaliwanag/Paglilinaw:
Makulay na pahayag Kasanayan sa pagbubuo ng talata na walang ideyang lilihis sa orihinal na ibig ipakahulugan. Ang pagtapos sa talata ay ang ibinanggit na sitwasyon. Dapat lahat ng ideya ay magkakaugnay. Sitwasyon: Malaki ang ginastos para sa pagdiriwang ng kaarawan niya.       Noong Huwebes ay nagkaroon ng isang selebrasyon para sa kaarawan ng isa kong kaibigan. Mapapansin agad ang dami ng pagkain na nakahain sa lugar kung saan isinagawa ang naturang pagdiriwang. Nakita din na makukulay ang mga dekorasyon doon at maganda ang nagawang programa. Mayroon ding bandang tumugtog upang maaliw ang mga nagpunta sa pagdiriwang. Nuong Lunes nga ay nakita ko ang bandang iyon sa mall na magkakasamang nanuod ng sine. Sa lahat ng preparasyon, tiyak na malaki ang ginastos para sa pagdiriwang ng kaarawan niya.
Sa nabanggit na sitwasyon, pwedeng tanggalin na ang pangungusap na nakasulat sa pula. Bagaman ang ideya nito ay naka-ugnay sa naunang pangungusap, hindi ito diretsong maiuugnay sa paksa ng talata. Walang kinalaman ang pagnuod ng sine sa laki ng ginastos nila.
Katotohanan at Opinyon May mga pahayag ang mga tao na sadyang may pagbabasehan at katibayan. May pinagbatayan ang mga ito at hindi na pwedeng kontrahin. Ito ay naoobserbahan at subok na ang katotohanan ng mga ito. Ngunit mayroon ding mga pahayag na hindi maaaring paniwalaan agad. Maaaring ito ay pansariling pananaw ng tagapagsalita ukol sa sitwasyon o kaya't ang kanyang paniniwala. Pansarili ang mga opinyon na ito, at hindi dapat tutulan, bilang respeto sa iba. Katotohanan:
Ang guro ng Filipino IV sa De La Salle Zobel ay si G. Llaguno.
   *Totoong si G. Llaguno nga naman ang guro sa Filipino.
Ang Noli Me Tangere ay isinulat ni Dr. Jose Rizal.
   *May pinagbabatayan, at tanggap na simula sa mga panahon
   na iyon na si Jose Rizal ang nagsulat ng Noli Me Tangere.

Opinyon:
Mas maganda si Ann kaysa kay Len
   *Sariling pananaw lang ng tao. Pdeng di ito totoo para sa iba.
Kasanayang Pangkomunikatibo
Kasanayan: Identipikasyon/Katangian: Halimbawa:
Pagbuo ng Desisyon tiyak at napagisipang mabuti 'Ako'y magaaral maging isang doktor'
Pagbigay ng Payo nasuri ang sitwasyon ng maigi 'Isipin mo muna ang magiging bunga nito bago ka kumilos'
Pagbigay ng Kundisyon "kung", "kapag" 'Sasama lang ako kung sasama din siya'
Paggawa ng Konklusyon base sa naibigay na sit. 'Malaki na ang kanyang nailingkod dahil sa taglay niyang tiyaga'
Pagbigay ng Reaksyon base sa sariling pananaw 'Hindi matagumpay ang grupo dahil sa mahinang pamamalakad'
Pagbigay ng Direksyon simple, tuwiran, malinaw 'Kumanan diyan at dirediretso hanggang sa istasyon ng bus'
Pagbigay ng Impormasyon batayan, sapat ang kaalaman 'Ang bahay ay natatagpuan sa Parañaque. Ang bahay ay malaki at puti. May malaking garden ito sa harap at puti ang pintura.'
Pagbigay ng Babala may pag-aaruga sa kapwa 'Huwag tumawid dito sapagkat ito'y nakamamatay'
Pakikiusap/Paguutos sinabi sa 'discreet' na paraan 'Ang lakas ng tunog ng radyo', 'Sira na ang sapatos ko'
Pahintulot
(paghingi, payag, di-payag)
"maaari ba..?", "sige..", "dinaramdam ko ngunit..." 'Maaari bang ilipat ang stasyon ng tv?'; 'Sige lang, hindi naman ako nanonood'; 'Paumanhin pero ako'y nanunuod'
Bilang at Panahon may kadalasan at kadalangan 'araw-araw ay hinahatid ko siya sa eskwela' [madalas]
'minsan ay humihingi ako ng pandagdag na pera' [madalang]
Pagsang-ayon "tunay", "talagang", "oo" 'Tunay na mahusay siyang tumugtog ng gitara'
Pagsalungat "labag sa akin", "hindi", "ayaw" 'Ayaw kong lumabas ka pa ng bahay ng ganitong oras'
Pag-aalinlangan "tila", "baka", "yata" 'Baka mahuli ako mamaya, mauna na kayo'
Pangangatwiran pagmamatuwid/panindigan 'Hindi mo sinunod ang utos ko, samakatuwid binabawi ko ang iyong cellfone.'
Debate Nasa handouts daw un lahat.. eh since paulit ulit naman ung handouts.. tyka tinatamad.. hehehe
© 2004 ni Luis Medina. Unauthorized duplication and/or distribution of this material will be persecuted and may be punishable by pederal law.