Pagpapakilala | |
Noli Me Tangere | El Filibusterismo |
Pinag-uusapan ang tungkol sa pagmamahal sa bayan. Labis na minahal ni Ibarra ang kanyang bayan at
labis ding nasaktan sa mga pagmamalabis ng mga prayle at ng gobyernong Kastila. |
Ihinandog ni Rizal sa tatlong paring martir (Gomez, Burgos at Zamora). Pinag-uusapan ang maraming isyu sa pulitika at pinapakita ang paghihiganti ng tao para sa inang bayan. |
Ang El Filibusterismo | |
Kabanata 1 "Sa Itaas ng Kubyerta" |
Bapor Tabo - malaking barko. simbolismo ng Pilipinas (watak-watak, mabagal, maganda lang sa
labas, natutuklap din ang pintura at nakikita ang kapangitan sa ilalim walang malinaw na direksyon)
> Sa itaas ng barko makikita ang mayayaman, mga kastila, mga pulitiko. magaganda ang mga suot ng mga ito. Napag-usapan bakit mababaw ang tubig sa bay. Don Custodio - "maglagay ng maraming itik para tumaas ang tubig" Donya Victorina - ayaw sa balut kaya ayaw ng itik. > ipagdurugtong ang Laguna Bay at Manila Bay. Nasabing kulang sa pondo, maraming masisirang gusali at walang papayag magtrabaho para maisakatuparan ito. Simoun - sang ayon dito. sosolusyonan nya ang tatlong problemang iyan. magpapautang siya para hindi kulangin sa pondo. sinabi rin niyang sa bawat bagong itinatayo, mayroong dapat masira kaya sirain na ang dapat sirain. sinabi rin niya na pag pinwersa ang mga tao, gagawa at gagawa din ang mga ito. realistikong mga kaisipan mula kay Simoun. |
Kabanata 2 "Sa Ibaba ng Kubyerta" |
> Kung sa itaas ng Bapor Tabo ay mayayaman at mga pulitiko, sa ilalim ng barko ang mga indyo, ang
mga masa, ang mahihirap. dito, siksikan at di kampante ang mga tao sa kanilang paligid. Basilio, Isagani, Padre Florentino - mas gusto nila sa ibaba hindi dahil sila'y mga Indyo o mahirap, pero dahil totoong tao ang kanilang makakaharap at makakasama dito, hindi plastik at nakataas ang ilong. Ibig ni Isagani at ni Basilio magtayo ng Academia de Castellano upang maintindihan na ng mga Pilipino ang wikang Kastila, para hindi na sila manatiling mangmang. nilapitan ni Basilio ang kapitan pero binigo siya nito. Bumaba si Simoun mula sa itaas upang makainom ang dalawang bata. nang tumanggi ang mga ito sinabi niyang "kaya walang nararating ang mga Pilipino ay puro tubig lang ang iniinom!" sinagot siya ni Isagani ng "kaya magulo ang utak ng mga Kastila puro cerveza ang iniinom!" Nabanggit din dito na mayaman ang isang bayan kung Kastila ang pari na nagmimisa. |
Kabanata 3 "Ang mga Alamat" |
> kasama ng pagsugal at paginom, nagiging panglibang ng mga tao ang pagkkwento ng mga alamat. 3 alamat: Alamat ng Malapad na Bato - kinwento ng kapitan > may kwebang malapad na bato, kinatatakutan ito dahil sa mga espirito at engkanto > nagtago doon ang mga rebelde at tulisan > sa tagal ng panahon, ang mga tulisan na ang kinatatakutan ng mga tao Alamat ni Donya Heronima - kinwento ni Padre Florentino > si Donya Heronima ay isang babaeng may kasintahang obispo > pinatira ito sa isang kweba upang magtago *naiinggit si Donya Victorina, "buti pa siya merong me gusto sa kanya" Alamat ni San Nicolas > sa kanya nagdarasal ang mga tao na nasa harap na ng kamatayan > may Intsik na lalapain na ng mga buwaya. nagdasal siya kay San Nicolas > naging bato ang mga ito. |
Kabanata 4 "Si Kabesang Tales" |
Kabesang Tales - may malawak na lupain. gusto ito kamkamin ng mga
kastila kaya't ipinataasan ang buwis. > mahusay si Tales bumaril, kaya nagkaroon ng batas na nagbabawal sa pagdala ng mga baril. > nagdala si Tales ng itak (mahusay din dito). ipinagbawal din ang itak. > dinakip si Tales at kinuha ang mga lupain ng pamilya niya nag-sangla si Juli upang mapalaya ang kanyang ama. kinulang ang pera niya kaya nangutang pa siya kay Hermana Penchang. ng hindi nito mabayaran ang utang ay naging katulong siya ni Hermana Penchang. |
Kabanata 5 "Ang Noche Buena ng Isang Kutsero" |
Sinong - nagpapatakbo ng kalesa (kutsero) > ito'y nangyari sa gabi ng pasko > palakad-lakad si Basilio, hinihintay ang simula ng prusisyon, pero di siya interesado manood. > nakita niyang binugbog si Sinong dahil wala itong sedula. hindi niya tinulungan (di pa niya oras) Ang prusisyon: 1. rebulto ni Matusalem (pinakamatandang taong nabubuhay sa mundo) 2. mga bata na may hawak na ilaw 3. imahen ni San Jose 4. maliliit na batang may bitbit na parol.. inaantok ang mga ito 5. imahen ng Mahal na Birhen > muling napaginitan at binugbog si Sinong dahil walang ilaw ang parol ng karwahe niya. > hindi masaya ang pasko ni Sinong, dapat ay kapayapaan sa halip ng mga kasamaan. |
Kabanata 6 "Basilio" |
> sa halip na kumain, pumunta si Basilio sa gubat upang dumalaw sa libingan
ng kanyang ina, walang iba kundi si Sisa, 13 taon na ang nakalipas ng ilibing ito dito. > nagmuni-muni si Basilio at napag-isipan ang kanyang buhay: > nakilala niya si Kapitan Tiyago sa Maynila, naging katulong siya nito > nakapag-aral ito sa San Juan de Letran > nung simula, walang kaibigan, mukhang mahirap, pero matalino talaga siya > nagbago ng ikalawang taon, may onting asenso na > lalong nag-iba nung ikatlong taon, repinado na at mukhang mayaman > nabatid na pangit ang sistema sa Letran kaya lumipat sa Ateneo Munisipal (medisina) > dito nakilala at naging kasintahan si Juli Naipakita dito na ang tao pag may pangarap at ambisyon, basta pagsikapan, mararating niya ito |
Kabanata 7 "Simoun" |
> paalis na si Basilio ngunit may narinig siyang ingay > nakita niya si Simoun at nakilala ito > sinabi niya kay Simoun na may utang na loob siya kay Simoun sa pagtulong sa paglibing kay Sisa > nalaman ni Basilio na si Simoun nga ay si Crisostomo Ibarra, na napaniwalaang patay na > nagtago ito sa ibang bansa at nagpayaman, samantalang sinunog ang bangkay ni Elias para kunwaring patay na siya > hindi pabor si Simoun sa pagpatayo ng Academia. "ang paggamit ng hiram na wika ay kahihiyan" |
Kabanata 8 "Maligayang Pasko" |
> paggising ni Juli ay walang pera sa altar na pinagdasalan niya (para
makabayad at makalaya) > naging katulong na ng tuluyan si Juli hanggang sa mabayaran niya ang utang niya. > nang madatnan si Tata Selo ay napipi na ito dala ng sama ng loob: (nadakip si Kabesang Tales, naging katulong si Juli, kinamkam ang lupain nila) Mga dahilan kung bakit ayaw na ng mga bata ang pasko: 1. ginigising sila ng sobrang aga para sa misa 2. matitigas na inarmirol na damit ang ipinasusuot sa kanila 3. masakit sa paa ang mga sapatos, masikip at matigas 4. ayaw nila lumuhod pag humahalik sa kamay ng mga kaanak nila 5. masyadong mahaba ang misa 6. pilit silang pinakakanta at pinasasayaw 7. puro matatamis ang pinapakain 8. kinukuha ng mga magulang ang mga aginaldo na para sa kanila |
Kabanata 9 "Ang mga Pilato" |
> pilato - mapang-hatol na tao (Pilate) > napagusapan ang mga dapat sisihin sa pagkapipi ni Tata Selo: 1. Tinyente ng gwardya sibil - pagdakip kay Kabesang Tales 2. Hermana Penchang - inaabuso ang kahirapan ng pamilya ni Juli 3. si Tata Selo mismo - dahil kulang sa pananampalataya > natubos na si Kabesang Tales at pag-uwi niya nadatnan niya ang mga balita: (iba na ang gumagawa sa lupa nila, naging pipi na si Tata Selo, wala na ang ari-arian nila, naging katulong na si Juli) > napatingin nalang siya sa malayo at wala nalang nasabi. > ang tunay na dapat sisihin ay ang mga prayle na kumuha sa lupain nila. dahil dito nadakip si Tales at naghantong sa mga pangyayaring iyan. |
Kabanata 10 "Karangyaan at Karalitaan" |
> may bumisita kay Kabesang Tales - si Simoun > may bitbit ang mga alalay niya na maraming pagkain at dalawang malalaking sako > ipinakita ni Simoun ang mga alahas niya at maraming ari-arian.. tinatakaw lang si Tales > nakita ni Tales ang nagbubungkal ng lupa nila na nakangisi lang sa kanya, pinagtatawanan siya > iniwan ni Simoun ang kanyang rebolber sa mesa. pagbalik niya wala na ito, at wala na si Tales > natuwa si Simoun dahil napasiklab niya ang damdamin ni Tales > sa mga sumusunod na araw, nabalitaang napatay ang mga ss: 1. ilang mga prayle 2. ang nagbubungkal ng lupain nila Tales at asawa nito > pamamaraan ng pagpatay: > binaril pero nilagyan din ng lupa sa bibig. may papel sa tabi nakasulat "Tales" sa dugo ng napatay. Naipakita dito na walang nakikitang katwiran ang mga taong galit. Kahit ano pwede magawa. Para narin niyang inadvertise na kriminal siya pero wala siyang pake basta't makapaghiganti. |
Kabanata 11 "Los Baños" |
> hindi pinoproblema ng Kapitan Heneral ang mga kababalaghang nangyayari sa
paligid > nagpunta siya sa boso-boso upang mangaso > may bandang kasama, dahil dito nabulabog ang kagubatan at walang mahuli ang Kap. Hen. > natawa ang mga babae.. kapag nangaso ka at wala kang nakuha katawa-tawa ka > may mga sumisipsip sa Kap. Hen. 1. may nagkunwaring hayop siya at ng barilin nagkunwaring napatay para kunwari me nahuli 2. sa baraha, nagpapatalo si Padre Sibyla at Padre Irene sa Kap. Hen. Inis na inis dito si Padre Camorra |
Kabanata 12 "Si Placido Penitente" |
> gusto ni Placido Penitente na tumigil sa pag-aaral dahil sa diskriminasyon
at pagpapabor ng mga guro sa mga studyanteng kastila. hindi na nga sila patas magtrato ng studyante,
di pa sila marunong magturo. > dakilang kakontra ni Placido si Juanito Pelaez. mga dahilan kung bakit walang natututunan ang mga studyante sa paaralan: 1. laging walang pasok 2. kulang sa libro - ang mayayaman lang ang meron 3. masyadong maraming studyante, di na matutukan 4. palpak lang talaga ung guro |
Kabanata 13 "Ang Klase sa Pisika" |
> pinakapalpak sa lahat ay ang guro sa Pisika. > pinapahiya niya ang mga studyanteng mahirap, pinapaboran ang mayayaman > wala siyang kakayahan magturo dalawang katangian meron ang isang taglay at maayos na guro: > dapat may kakayahan magturo > importante rin ang pakikisama at pagunawa sa mga studyante nya |
Kabanata 14 "Sa Bahay ng Estudyante" |
> nagkaroon ng pagpupulong sa bahay ni Makaraeg ukol sa pagpapatayo ng
Academia de Castellano. may kwentuhan, sayahan at kainan sila sa bahay na malaki at maaliwalas. > dito nila piniling magtipun-tipon para walang dahilan na pagsuspetyahan silang may ibang motibo ang mga ito bukod sa sayahan. > Ang mga kasapi ng samahan: Makaraeg - na may-ari ng bahay Isagani Basilio - na hindi pumunta dahil namomroblema siya sa sitwasyon ni Juli Sandoval - isang kastila Pecson Juanito Pelaez - na tila isang miyembrong pinagt-tyagaan lang ng iba |
Kabanata 15 "Si Ginoong Pasta" |
Ginoong Pasta - nilapitan ni
Isagani para humingi ng payo ukol sa
Academia. binigo rin siya nito at sinabing "Ang Pilipinas ay bayan na puno ng panukala. Sa simula
lang bumabanat." Sinagot siya ni Isagani "Nakatitiyak akong kung ano man ang sinimulan namin ay tatapusin namin." Ginoong Pasta: "Kung ano man ang nangyayari sa Pilipinas ngayon ay bahagi na ng tadhana at kapalaran. Wala nang magagawa ang sinuman." |
Kabanata 16 "Ang mga Kapighatian ng Isang Intsik" |
Quiroga - ibig magtatag ng konsulado ng bansang Tsina sa Pilipinas.
nagpatawag siya ng salu-salo na ang panauhin ay puro negosyante at mayayaman. > ang totoong motibo niya ay lapitan si Simoun at umutang ng malaking halaga. hinintay niya ang pagdating nito. > kaya lang siya nagpakain ay balak niya taasan ang presyo ng kalakal niya. pag tinaas niya ito ay mababawi din niya yung ginastos niya ngayon. > magkaiba sila ni Kapitan Tiyago, mahilig din ito magpakain pero bukas ang bahay niya sa kahit sinuman. Walang pinipiling panauhin at walang ibang motibo kundi magpakain. Simoun - dumating din at agad nilapitan ni Quiroga upang umutang. pumayag si Simoun pero malaki ang magiging tubo. > nilapitan din siya ng ibang mga negosyante at umutang din. papayag din siya, malaki din ang tubo. master plan ni Simoun: kapag malaki ang tubo, mahihirapan magbayad ang mga negosyante. pag di na makabayad, bankrupt na ang kanilang negosyo at babagsak. pag bumagsak ang negosyo, babalingan nila ang maling sistema ng gobyerno at sasama sa malawakang paghihiganti at rebolusyon. |
Kabanata 17 "Ang Perya sa Quiapo" |
> ang Quiapo ay isang pasyalan, magandang lugar, dinadalo ng mayayaman at mahihirap. marami kang
makikita dito. > pumupunta dito ang mga prayle dahil dito sila nakakakita ng magagandang mga babae Paulita Gomez - sin-spottan ni Padre Camorra Isagani - naiireta kac ang daming nangs-spot ke Paulita. |
Kabanata 18 "Mga Kadayaan" |
Kubol - sentro ng atraksyon sa Perya. pinamumunuan ito ni Mr Leeds Simoun - ginamit si Imuthis para insultohin ang mga prayleng nanunuod ng kubol sa pamamagitan ng pagsalaysay ng buhay ni Ibarra at pagtitig sa bawat prayle. nakonsensya ang mga ito at tinamaan. > nagsumbong ang mga prayle kay Ben Zayb > nagresulta ito ng pagkalagay kay Mr Leeds sa isang alanganin na posisyon > binigyan ni Simoun ng pera si Mr Leeds para makapuntang Hong Kong at magtago |
Kabanata 19 "Ang Mitsa" |
mitsa - fuse, ang sinisindihan sa mga kandila o paputok. ito ang nagpapaliyab o
nagpapaapoy sa mga bagay Placido Penitente - ayaw na talagang mag-aral dahil sa Dominican na propesor sa Pisika. sumama ang loob ng ina nitong si Kabesang Andang. > nakasalubong niya si Simoun. pinayuhan itong magpatuloy ng pag-aral dahil "kahit ano ang gawin mo ay di mo makukuha ang respeto at simpatya ng gurong yan kaya ituloy mo na." master plan ni Simoun: para mabuo ang galit ni Placido at tuluyang matulak ito lumaban. |
Kabanata 20 "Ang Tagapagmungkahi" |
naikwento dito ang buhay ni Don Custodio: > ang kanyang karanasan sa Espanya at pagpunta niya ng Pilipinas. > nagtagumpay dito at nag-asawa. > nagkasakit, bumalik sa Espanya para magpagaling at magmalaki. hindi parin tinanggap ng sariling lahi > bumalik at nagpasyang dito na siya mamamatay > nabigyan siyang katangian na pagiging inggrato. di tumatanaw ng utang na loob. kahit na gaano kabuti ng Pilipinas sa kanya, hindi parin niya ito tinutulungan umunlad. |
Kabanata 21 "Mga Anyo ng Taga-Maynila" |
Teatro de Variendades - dinadalo ng marami, pero mayayaman lang ang nakakapasok. dito
pinalabas ang dulang "Les Cloches de Corneville" > mga tao sa loob ay mayayaman, may kaya sa buhay > mga tao sa labas ay ang masa, mga mahilig lang mang-usisa > ang dula ay nasa wikang Pranses. > pinapanood ng marami dahil dinadayo ito ng mayayaman, napakaganda ng dula ayon sa mga Kastila, at dahil malaswa daw ang palabas Camaroncocido - tao na mukhang hipon. walang pakialam sa paligid |
Kabanata 22 "Ang Palabas" |
> Inintay pang makarating ang Kapitan Heneral bago sinimulan ang palabas
> Karamihan sa mga tao ay di nakaintindi sa palabas dahil nasa wikang Pranses > Daming poser lalo na ung mga nagsabing maganda o pangit ung palabas. pano nila nasabi un eh di nga sila makaintindi ng Pranses. isang halimbawa ay si Juanito Pelaez, hindi nya daw nagustuhan ang palabas > Malaswa ang mga eksena kaya't binabalik-balikan ng mga lalaki at ng mga prayle. Ben Zayb: "dapat i-ban ang palabas, nagdudulot ng maruruming kaisipan" |
Kabanata 23 "Isang Bangkay" |
Basilio - nawawala, di aktibo dahil sa mga nangyari sa kasintahang si
Juli at dahil malapit na mamatay si Kapitan Tiyago Simoun - hinahanap ang kanyang kasintahan na si Maria Clara. sinabi sa kanya ni Basilio na sumakabilang-buhay na ito dulot ng matinding pagkalungkot. 3 na pwedeng itinutukoy na "bangkay": 1. Kapitan Tiyago - unti-unti na siyang pinapatay ni Padre Irene 2. Maria Clara - namatay na dahil balewala na ang kanyang pag-aantay para kay Ibarra 3. Pilipinas - ang mismong bayan dahil sa bulok na sistema |
Kabanata 24 "Mga Pangarap" |
> Nasabi ni Jose Rizal na ang kabataan ang tunay na pag-asa ng bayan > ang talagang tinutukoy ng pamagat ay ang mga pangarap ni Isagani: gusto niya pakasalan si Paulita Gomez at magkapamilya sa lalawigan > hindi payag si Paulita dito dahil ayaw niya tumira sa probinsya > sumama ang loob ni Isagani |
Kabanata 25 "Tawanan at Iyakan" |
Panciteria Macanista - pinag-ganapan ng isang selebrasyon at kainan ng mga studyante sa
samahang Academia dahil nagpakita na ng kaunting interes si Don Custodio na
tulungan sila sa pagpapatayo ng Academia de Castellano. > ang bawa't isa ay nagtalumpati: lahat sila ay nagpahiwatig ng galit sa mga prayle > nasabing ang buhay ng tao ay nagsisimula at nagtatapos sa pari (binyag, misa, confirmation, kasal, malapit na mamatay, at sa libing puro nalang pari) Nabanggit ang apat na pinakamakapangyarihan at maimpluwensyang tao sa Pilipinas (in order): 1. Simoun - kahit wala siyang posisyon lahat ng tao ay takot sa kanya at malakas ang hatak niya sa buong gobyerno 2. Kapitan Heneral - maging siya ay may takot kay Simoun 3. Mga Prayle - paimportante masyado at talagang malakas ang hatak 4. Quiroga - pinakamakapangyarihan na negosyante |
Kabanata 26 "Mga Paskil" |
> nagkalat ang mga paskil sa mga pader na may mensahe ng paghihimagsik sa gobyerno > ang sinisisi sa pangyayari ay ang mga studyante > takot na ang mga studyante at maging mga magulang at karaniwang tao dahil baka sila madakip, pwede saktan at maaaring mapatay > pinayuhan si Basilio na magtago at itago ang mga papeles na maaaring magpa- convict sa kanya > umutang siya kay Makaraeg para mapalaya niya si Juli > gusto rin umutang kay Kapitan Tiyago pero baka kontrobersya dahil malapit na mamatay ito (hinihingi na nya ang pamana niya beforehand) > nagsimula na tumiwalag sa samahan nila ang mga studyante, nauna ay si Juanito Pelaez > hindi si Simoun ang may pakana ng mga paskil dahil may sakit siya. ang mga prayle ang may gawa nito para may dahilan silang ipadakip ang mga studyante na di nila gusto. |
Kabanata 27 "Ang Prayle at ang Estudyante" |
> nag-uusap dito si Isagani at si Padre Fernandez
Isagani: "hindi namin ginawa yun, hinuhuli pa kami! tapos ginugutom pa sa kulungan!" Padre: "eh kac ang mga studyante pinapaaral pero di nila sineseryoso kaya ayaw kyo ng mga guro" I: "kung ano kami ngayon, yun ay dahil sa maling pamamalakad ng gobyerno" P: "mali. ang mga magulang ang siyang may kasalanan mali ang pagpapalaki" I: "anu man ang meron kami ngayon utang na namin un sa magulang at sa sarili. ang masasama, nakuha lang sa lipunan" P: "un ung problema, kala niyo alam niyo na lahat. pero naniniwala parin akong isa kang mahusay na studyante, Isagani" I: "alam ko" |
Kabanata 28 "Pagkatakot" |
Ben Zayb: "hindi na dapat pinapagaral ang mga bata. kung anu-ano ang mga
natututunan gawin" > marami ay natatakot. ang Kapitan Heneral (dahil baka mapatalsik siya) at ang negosyanteng si Quiroga (baka siya malugi) > tinanong ni Quiroga si Simoun kung ano ang gagawin sa mga armas ni Simoun na tinatago niya Simoun: "patago mong ilagay sa mga bahay ng ordinaryong mga tao. pag inusig sila ng gwardya sibil at makita ang armas dun ay dadakipin sila at pahihirapan. pag nagdusa sila maghihimagsik sila" namatay na si Kapitan Tiyago dahilan ng: 1. Nalungkot sa balitang patay na si Maria Clara 2. Nabalitaan niyang binilanggo at ginugutom si Basilio 3. Tinakot siya ni Padre Irene: "nabubulok ka na. malapit ka na mamatay" talaga namang malapit na mamatay si Kapitan Tiyago. napaaga lang dahil sa mga dahilang iyan |
Kabanata 29 "Mga Huling Balita Ukol kay Kapitan Tiyago" |
> simple lang ang libing ni Kapitan Tiyago. nakapagtataka bakit hindi ito
pinaggastusan eh sikat naman siya > simple lang ang suot ng kapitan, hindi magarbo ang libing Padre Irene - ang pera na dapat ginamit para sa libing ay binulsa niya. binulsya rin nya ang malaking bahagi ng mga pamana niya kela Basilio at mga iba pa dahil bilang tagapayo ng kapitan, siya ang naghatihati ng mga ari-arian > ito talaga ang motibo niya kaya nya iniba ang dalas at bilang ng pagbigay gamot kay Kapitan Tiyago. alam niyang siya ang maghahati ng mga kayamanan at pagsasamantalahan niya ang pagkakataon. |
Kabanata 30 "Si Juli" |
> ng mapalaya si Juli, hinanap niya agad si Basilio > nalaman niyang kung kelan di na sya alipin, si Basilio naman ngayon ang bilanggo. nahimatay sya > nagpapalaya na ng mga ilang studyante, si Basilio nalang ang natira at ginugutom duon > nakausap ni Juli si Hermana Bali Bali: "ikaw lang ang makakatulong kay Basilio kaya't lapitan mo si Padre Camorra" > nung una ay hindi siya sumunod pero pagatapos ng ilan pang salita ay nakumbinse siyang wla nang ibang magagawa. > nang puntahan ni Juli ang prayle andun si Bali nanunuod, nagmamasid > narinig niyang sumigaw ng napakahaba ni Juli, tumakbo at naulog mula sa bintana una ulo, patay (ayus!) > ang katotohanan ay napagsamantalahan si Juli at sinabi sa kanyang pinatay na si Basilio sa bilangguan (stirero ito) > hindi naman pinatay si Basilio. sa totoo ay ok lang sa Kapitan Heneral na palayain na ito pero di ito natupad dahil sabi ni Simoun na wag. gusto lang ni Simoun na magdusa pa ito sa kulungan para magliyab ang galit sa kanyang puso |
Kabanata 31 "Ang Mataas na Kawani" |
> hindi masyado nabalita ang pagkamatay ni Juli > bagaman, pinayuhan parin si Padre Camorra na lumayo sa bayan > si Basilio nalang talaga ang natitirang bilanggo pa > nagtalo ang Kapitan Heneral at ang Mataas na Kawani naniniwala ang Kawani na walang kasalanan si Basilio. dapat palayain ito sabi ng Kap. Hen. na kailangan niya magbayad sa mga sala niya > alam ng Kawani na paaalisin siya sa pwesto niya kaya inunahan na niya at siya na mismo ang umalis sa pusisyon niya > samantalang tuloy parin si Matanglawin sa pagpatay. > binansagang ganyan dahil tulad siya ng ibong lawin. mabagsik at matalas ang paningin (spotter!) > pag ayaw sumama sa kanya pinapatay niya ito "dahil dapat mabawasan ang mga duwag sa mundo" > siya'y walang iba kundi si Kabesang Tales |
Kabanata 32 "Ang Bunga ng mga Paskil" |
> marami parin ang takot lumabas ng bahay dahil sa mga guwardya sibil. ayaw na rin pag-aralin ang
mga studyante > "pinaghihirapan namin paaralin ang mga anak namin sabay dadakipin lang ng ganun. wag na" - magulang > eto na ang mga nangyari sa buhay ng ilang mga studyante: Juanito Pelaez - bumalik na sa ama niya at nagtrabaho sa lupa nila Paulita Gomez - patuloy na sinusuyo at inaagaw ng ibang mga lalaki Isagani - patuloy sa pag-aaral. papakasalan na niya si Paulita Makaraeg - umalis na sa bansa dahil nagkakagulo na Basilio - haha, loser, nakakulong parin Simoun - gagastos para sa pista na kasabay ang kasal ni Paulita |
Kabanata 33 "Ang Huling Patuwid" |
> nagusap si Simoun at ang Kapitan Heneral > nakikita na ni Simoun na nagsisimula ng magkasuspetya ang mga tao tungkol sa kanya, bakit sikat sya at ang lakas ng hatak niya kahit wla naman siyang posisyon sa gobyerno? > sabi ni Simoun sa Kap. Hen. na mananahimik muna siya >nagkita sila ni Basilio (pinalaya na sa wakas) at nagulat sa itsura nito. madungis, masungit, mukha na siyang mamamatay-tao. tinanong niya ito tungkol sa kanyang itsura Basilio: "sa loob ng tatlo't kalahating buwan ng pagkabilanggo at pagdurusa, ako'y nagsimulang maniwala na hindi na ako pde manahimik lamang. nawalan pa ako ng pinakamamahal kong tao. ayoko na, sasama ako sayo sa pinaplano mo" > dahil dito ay natuwa si Simoun > napuna ni Basilio na may dala-dalang nitrogliserina si Simoun master plan ni Simoun: magdala ng lampara na mayroong nitrogliserina sa loob. tatagal lang ang ilaw ng 20 minuto. pagatapos ay unti-unti itong didilim at pag nawala na ang ilaw nito ay sasabog ito. maraming mamamatay at masusugatan, dahil dito ay magkakagulo. magkakaroon ng digmaan. > malalaman dito na hindi si Isagani ang mapapangasawa ni Paulita Gomez kundi si Juanito Pelaez, sa simpleng dahilan na masyadong matapang si Isagani, takot siyang maiwan mag-isa kung lumaban ito at mapatay. samantalang si Juanito ay pwede niya i-"ander" kahit kelan. mahal parin niya si Isagani, un nga lang mas pinili niya ung ginhawa at kayamanan |
Kabanata 34 "Ang Kasal ni Paulita" |
> 8am palang ay nakatambay na si Basilio sa bahay at nagmamasid sa mga tao
na dumadating. > dumating na ang sasakyan nila Paulita Gomez at Juanito Pelaez, ang mga bagong kasal > nakita ni Basilio ang itsura ni Isagani, malungkot at nasasaktan > matataas ang pusisyon ng mga panauhin, lahat mayayaman at kilala > ang mga gumastos ay si Don Timoteo de Pelaez at si Simoun > ng makita ni Basilio na dumating si Padre Irene ay nainis siya. ok lang sa kanya na sabugan ng bomba ang selebrasyong ito. mamatay na sila lahat > bagaman alam niya, nagulat parin siya at bumilis ang takbo ng puso niya, jinabar parin nung nakita niya si Simoun na dumating may dalang ilawan |
Kabanata 35 "Ang Salu-salo" |
> tuloy lang ang pagtanggap sa mga bisitang nagsisidating Paulita - di nya pinapakita na nalulungkot siya > tumambay si Basilio at Isagani sa may labas ng bahay. gusto pumasok ni Isagani pero binalaan siya ni Basilio. kinwento nya ang balak ni Simoun > pumasok parin sa bahay si Isagani at pinagmasdan ang mga tao, lalo na ang dalawang bagong kasal > nilapitan ni Padre Irene ang lampara ng mapansin nyang nagdidilim ito > nagulat siya ng makakita siya ng papel na nakasulat ang mga salitang "Mane Thacel Phares", na sa Filipino ay nangangahulugang "bilang na ang araw ninyo" > mas nakapagtataka pa ay may lagda ito ni Crisostomo Ibarra.. na pinaniwalaang patay na. > nagkagulo ang mga Kastila, patuloy na nagdilim ang lampara. kinatok ito ni Padre Irene at sinubukan ayusin. > may umagaw kay Padre Irene ng lampara at hinagis ito sa may ilog at tumalon sa bintana. pag tama nito sa ilog ay sumabog ito ng malakas > walang iba kundi si Isagani ang naghagis ng bomba, pinakita niyang aalagaan parin niya si Paulita kahit kelan > nabagabag parin ang mga Kastila sa maiksing mensahe na nilagdaan ni Ibarra. patay na un eh! from Dale: napansin niya na eto rin ung scene dun sa sineng 'Rizal'. ung matagal na, gradeskul pa. ung isang black and white scene, un nga hinagis ung lampara sa ilog tas sumabog... wla lang |
Kabanata 36 "Mga Kagipitan ni Ben Zayb" |
> napag-usapan ang pangyayari sa bahay ni Kapitan Tiyago. 'sensationalized'
pa nga dahil sa mga isinulat ni Ben Zayb > pinalabas ni Ben Zayb na ang mga nagpakabayani ay ang mga kastila tulad ni Padre Irene, Padre Salvi at Don Custodio > hindi nagustuhan ng Kapitan Heneral ang pangyayari dahil naipapakitang wala siyang kakayahan mamuno > samantalang sumusugod na ang mga tulisan, pumapatay, nagsusunog > sinabi ni Simoun kay Basilio na ibalita niya kay Matanglawin/Kabesang Tales ang nangyari kay Juli > nang ibalita ito sa kanya nagsiklab ang apoy ng kanyang galit, gusto patayin si Camorra pero wla na nga ito sa bansa > may iilang mga taong nagdududa na talaga kay Simoun pero iilan palang |
Kabanata 37 "Ang Kahiwagaan" |
> nagkaroon ng imbestigasyon at natuklasang may nagkalat ng pulbura sa paligid ng bahay ni
Kapitan Tiyago mga pinaghihinalaan: 1. Kabesang Tales - dahil sa nangyari kay Juli 2. Basilio - dahil din sa ginawa kay Juli 3. Isagani - dahil sa sama ng loob kela Paulita Gomez at Juanito Pelaez 4. Simoun - may nakakita sa kanya na dala niya ang lampara > nalaman naman na si Isagani talaga ang nagligtas sa araw kaya't di na cya pinaghinalaan > hinahanap na ng mga gwardya sibil si Simoun (dahil suspek din sya, iniisa-isa lahat, miske na si Simoun un) |
Kabanata 38 "Kasariwaang-palad" |
> ibig sabihin ay "kamalasan" ang minalas dito ay walang iba kundi si Simoun
> patuloy sa pagpatay si Matanglawin, lahat na pinatay nito > galit ang mga gwardya sibil kay Matanglawin *unang-una, hindi lahat ng gwardya sibil ay kastila, may mga Pilipino dito (3 uri): 1. ang mga gustong mabuhay kaya nakikisama 2. naniniwala sa mga prinsipyo ng mga Kastila 3. kailangan lang ng hanapbuhay > talaga naman bilib ang mga gwardya sibil na pinoy kay Matanglawin, pati ang mga kapwa kalahi niya ay pinapatay niya dahilan lang sa propesyon nila.. "masahol pa sya sa prayle" > may nakaharap na gwardya sibil si Matanglawin, walang iba kundi si Tano > naglaban ang dalawa at napatay si Matanglawin/Kabesang Tales, hindi man ito ginustong mangyari ni Tano |
Kabanata 39 "Ang Katapusang Kabanata" |
> nagkakagulo na, naghihimagsik ang mga tulisan dahil sa pagkamatay ni Kabesang
Tales > nakita ng mga tulisan si Simoun, inapi ito at lubha itong nasugatan > nagtungo si Simoun sa simbahan, duguan siya, at nakita niya si Padre Florentino, nagulat ito dahil sa mukha ni Simoun ang halu-halong damdamin at emosyon, lahat negatibo: takot, galit, kahihiyan nagkaroon sila ng dialogo: Simoun: bakit ako pinabayaan ng Diyos? Padre: ikaw ang nagpabaya sa sarili mo. sa mga nagawa mo, walang Diyos sa puso mo S: maaaring umamin ako sayo, pero hindi sa kanila. mamamatay akong sikreto ang identidad ko. asan na ang pag-ibig?? P: kung nararapat lang ang mga ginagawa, at hindi tulad ng mga ginawa mo, nanduon ang tunay na pag-ibig S: bakit ganito lang ba magtatapos ang lahat? P: dahil ang mga ginawa mo ang siyang makakapagbigo sayo sa huli S: bakit umiiral ang kasamaan sa halip ng kabutihan? P: dahil ginusto mo S: bakit pagatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, alipin parin ako? P: mabuti ng putulin na iyan kung ang alipin ngayon ang siyang mang-aalipin sa bukas S: alam kong sa kabila ng lahat kukupkupin parin ako ng Panginoon P: nawa'y patawarin ka, dahil nawalay ka lang sa iyong landas > at duon nagtapos ang buhay ni Simoun, dala-dala parin nya ang sama ng loob at kabiguan > dinala ni Padre Florentino ang mga alahas ni Simoun sa dagat at inihagis isa isa > Padre Florentino: "Sana ang mga alahas na ito ay pumunta na sa ilalim ng dagat, di na kailanman mapakinabangan pa ng masasamang tao sa mundo. Kung maaari itong magamit para sa ikabubuti ng tao at ng lahat, ipagkaloob na ng Diyos ang mga ito sa nararapat. Pero kung puro kasamaan lang ang maidudulot nito ay lamunin na ang mga ito ng dagat" |
wakas |
Mga Tauhan (alphabetical by name, di kasama ang mga titulo tulad ng Padre, Don, etc) | |
Basilio | batang nanggaling sa hirap ngunit dahil sa pagsisikap at sa tulong ni Kapitan Tiyago ay napaangat
ang estado ng kanyang buhay at nagtamo ng tagumpay. kasintahan ni Juli (anton umali sa "Bulong: Habi
ng Dila") siya rin ang batang si Basilio mula sa Noli Me Tangere, na kapatid ni Crispin. |
Ben Zayb | isang manunulat na sipsip sa mga Kastila. |
Padre Camorra | isang pari na kilala bilang isang manyak, maraming pinagnanasaang babae at pinapakita niya ito. gs2
siguro maging eLeS. nabanggit sa kwento na pinagnanasaan niya si Paulita Gomez at pati na rin si Juli |
Don Custodio | isang mayaman na Kastila na unang nakita sa itaas ng Bapor Tabo. 'jologs' sa sariling bansa kaya't
pumunta dito at nagtagumpay. |
Padre Fernandez | propesor at naging dating guro ni Isagani. may mutual na paghanga sa isa't isa ang dalawang ito at matalik silang magkaibigan |
Padre Florentino | isang mabuting pari, tapat at matalino, kaibigan ng marami lalo na ni Simoun |
Hermana Penchang | mayaman na tao. mahilig mansamantala ng kapwa niya. mapanghusga rin. |
Hermana Bali | isang chismosa, pakialamera, intrigera. mahilig pumagitna at pumapel sa mga sitwasyon. (dana de guzman sa totoong buhay. de loko lang!) |
Imuthis | isang espinghe (sphinx) sa kubol sa perya ng Quiapo. |
Padre Irene | tagapayo ni Kapitan Tiyago. pinagkakatiwalaan nito, ngunit (sa karaniwang ugali ng karamihan sa mga prayle sa mga kwento ni Rizal), may lihim na masamang motibo ito. |
Isagani | studyante na kasa-kasama ni Basilio. masikap din at nagtagumpay. isa siyang maprinsipyo at palaban na tao. kung ano ang nasa isip niya, sasabihin agad ng diretso. hindi plastik, malakas ang loob. cya ang kasintahan ni Paulita Gomez. |
Juanito Pelaez | bata na mayaman ang pamilya, pero mahina ang utak at mayabang. oportunista, nauunang tumiwalag kapag nagkakagulo na ang sitwasyon. |
Juli | anak ni Tales, kasintahan ni Basilio. isa siyang taong mapagpaniwala sa milagro at himala kung kaya't napapasubo siya sa alanganin at mapanganib na sitwasyon. (angela mendoza sa "Bulong: Habi ng Dila") |
Kapitan Heneral | pinakamataas na nagrarankong opisyales sa buong Pilipinas. pero miske eto ang kaso, nagiging sunud- sunuran parin lang sya ke Simoun. wla cyang sariling kapasidad mamalakad ng bansa at un na nga, ang dali niya madala sa.. habi ng dila (jerry karseboom sa "Bulong: Habi ng Dila") **pasalamat ke Anthony sa pagbigay pansin dito |
Mataas na Kawani | sundalong mataas ang pusisyon, marangal na tao, laging patas kung lumaban |
Mr. Leeds | salamangkero at namumuno sa kubol sa perya ng Quiapo. matalik na kaibigan ni Simoun. |
Makaraeg | mayaman na studyante, matino, madaming kaibigan, bukas-palad. |
Matanglawin | isang malupit na tulisan. maraming pinapatay na tao. see Kabesang Tales. |
Ginoong Pasta | isang negosyante at abogado na nanggaling sa hirap, nagsikap at namumuhay na ngayon ng marangya.
sanggunian ng mga prayle. sipsip din sa mga Kastila, takot mawalan ng pabor mula sa mga to. |
Paulita Gomez | kasintahan ni Isagani. napakagandang babae. pag nakita mo daw ay mai-inlab ka na agad. ganun daw siya ka-chik. |
Pecson | masipag pero pesimista, negatibo ang tingin sa lahat ng bagay |
Placido Penitente | isang mabuting studyante, matalino, marunong, masipag. katulad niya si Isagani dahil palaban siya at naiiba. |
Quiroga | isang negosyanteng intsik. kailangan me makukuha siya sa bawat gawin niya. matalik na kaibigan ni Simoun. |
Sandoval | isang Kastilang studyante pero sumusuporta sa pagpapatayo ng Academia de Castellano |
Tata Selo | ama ni Tales, lolo ni Juli. mabuting tao ngunit dinatnan ng matinding kalbaryo sa buhay. |
Simoun | mestizong lalaki na kahit walang posisyon sa gobyerno ay malaki parin ang impluwensya sa mga tao
na nandito. kinatatakutan maging ng Kapitan Heneral. siya rin si Crisostomo Ibarra mula sa Noli Me Tangere. nagpayaman muna at nagbalik upang magsagawa ng malawakang paghihiganti laban sa mga kastila. palagi nyang motibo pasiklabin ang galit sa damdamin ng mga tao para tulungan siya sa kanyang rebolusyon. (apang florescio sa "Bulong: Habi ng Dila") |
Sinong | kutserong pinoy. napag-initan siya at nabugbog sa araw ng pasko. |
Kabesang Tales | anak ni Tata Selo, ama ni Juli. cabeza de barangay. ayaw niyang maging cabeza dahil kapag may hindi nagbayad ng buwis, siya ang magaabono nito. malakas na tao, may kapasidad sa kung anu-anong larangan lalo na sa paglaban. |
Tano | isang Pilipino na naging gwardya sibil. hindi nya kasundo ang kanyang ama sa kanilang pananaw sa
sitwasyon ng bansa. ama niya ay walang iba kundi si Kabesang Tales. |
Kapitan Tiyago | nagmula pa sa Noli Me Tangere. mabuti at matagumpay na tao. maraming kakilala at sikat dahil sa kanyang kabutihan. naging mabuting "benefactor" at kaibigan kay Basilio, pinag-aral niya ito. |
Donya Victorina | matandang babae. bilasa na. gurang. (chris dizon sa "Bulong: Habi ng Dila"). gusto niyang siya lang ang pinagnanasaan ng mga lalaki kaya pilit na nagpapapansin ngunit di naman pinapansin. |