Filipino Finals

Paksang pang-Panitikan
Pamagat ng Seleksiyon Uri Ng Akda May Akda Tagapagsalin Mensahe/Kaisipan/Mahahalagang pangyayari
"Panambitan" Tula Bella A. Abangan n/a
  • Sa mundo, ang mga tao ay hindi pantay.
  • Ang mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap ay lalong humihirap.
  • Imbis na tulungan ang mga naaapi, mas lalo pang pinagtatawanan.
  • Ang mayayaman na puno nalang ng luho ay gumagastos sa mga hindi kailangan.
  • Ang mahihirap ay tamad magtrabaho at pwede isisi sa kanila ang kalagayan nila.
  • Panambitan = pagmamakaawa sa Diyos.
  • Itinatanong ng may akda: "asaan na ang pagkakapantay-pantay na sinabi Mo, Panginoon?"
"Paalam Sa Pagkabata" Maikling Kwento Zantiago Pepito (di ko alam, pero kelagn malaman ito!)
  • Ang pagiging bata ay dumadaan lang ng isang beses sa ating buhay.
  • Ang bata sa kwento ay hindi nabigyan ng pagkakataon malasap ang pagiging bata.
  • Ang lambat ay naging simbolo ng malaking problema ng kanilang munting pamilya.
  • Ang lalaking nagg-gitara ay ang kanyang tunay na ama.
  • Sa wakas, mahal talaga cya ng asawa ng ina niya. Kahit ibinugbog sya nito ay minamahal niya ang bata dahil naaawa siya sa bata. Naipanganak siya sa loob ng problema na wala siyang kinalaman dito.
"Tinig ng Teenager" Tula Teo S. Baylen n/a
  • Ang mga teenager ay kinakawawa sa lipunan.
  • Nasa tamang edad na sila para pagkatiwalaan sa responsibilidad.
  • Ngunit masyado parin bata para pakinggan ang opinyon.
  • Ang tahanan ay kulang sa pagkalinga.
  • Ang paaralan ay wala namang ganap na karunungan na maibigay.
  • Ang simbahan ay maraming sermon tungkol sa mga masasama, na ginagawa naman ng mga pari.
  • Ang lipunan ay puno ng masamang ehemplo sa mga batang nakakakita dito.
"Unawain Mo Kami, Anak" Sanaysay Myra Prado n/a
  • Ang mga magulang natin ay nagmamahal sa atin ng tunay.
  • Kapag bastos tayo sa kanila, mas masakit pa ito sa kanila kesa masugatan.
  • Dapat unawain natin na ganun talaga sila, may pagkukulang din.
  • Pag tanda-tanda natin, maiintindihan na rin ang saysay ng mga tinuturo nila.
  • Sana magantihan din natin sila ng pagmamahal dahil un lng ung hiling nila.
"Masdan Mo ang Kapaligiran" Awit Asin n/a
  • Kapaligiran ay ibinigay ng Diyos.
  • Ang atin ay sinisira na ng ating karamutan.
  • Wala ng mga ilog na mapagliguan at magandang tanawin na mabisita.
  • Sana sa paguunlad ay napapalitan ang mga ginamit.
  • Gusto ng ASIN ng tag-ulan para may biyaya at pagbabagong dumating sa atin.
"Alaala ng Isang Taglagas" Sanaysay Pedro S. Dandan n/a May dalawang pinapahalagahan:
  • Ang oras at panahon natin ay mahalaga.
  • Ang nakaraan ay bahagi ng kasalukuyan.
  • Ang kasalukuyan ay paghahanda para sa hinaharap.
  • Sa buhay, kailangan magdaan sa ligaya, problema, kabiguan at tagumpay.
  • Taglagas = pagbabago at pagtatapos ng isang panahon sa buhay.
  • Ang pag-ibig ng nagsasalta ay wala sa oras.
  • Ihinambing niya sa bulaklak na nakita niya.
  • Hindi pa bumubuka ng todo ay natangay na ng hangin at namatay.
  • Ang pag-ibig dapat nasa tamang oras para maayos.
"Tinig ng Darating" Tula Teo S. Baylen n/a
  • Medyo may kaugnayan sa "Masdan mo.."
  • Pabaya na tayo sa ating mundo.
  • Pag dumating na ang susunod na henerasyon, tayo lang ang may pananagutan sa uri ng buhay nila na kailangan paggalawan.
  • 'tinig' ng susunod na salinlahi.
  • San na ang magandang uri ng buhay na hinahangad natin? Hindi na ata makakamit.

Paksang pang-Wika
Paksa: Ano ito? Mga Halimbawa: Kahulugan/Pagpapaliwanag:
Magkasingkahulugan at Magkasalungat Kung aalalahanin ang unang paligsahan, kailangan masabi mo kung alin ang magkasingkahulugan, at piliin ang salungat ng mga ito. Kasingkahulugan:
tama - wasto
bobo - mangmang
umalis - lumisan

Kasalungat:
marami - kaunti
malayo - malapit
Ang kasingkahulugan sa ingles ay "synonym" o pareho
Mas nakakalamang ang pagiging wasto, parang mas matindi.
Ang mangmang ay mas matinding salita kesa bobo.
Lumisan ay mas malapit sa lumayas, baka di ka na bumalik.

Ang kasalungat sa ingles ay "antonym" o kabaligtaran
*Ipuna na sa mga magkakasingkahulugan, may mga salitang mas tamang gamitin sa isang sitwasyon, at ang iba ay mas malalim.
Pagkakatulad ng mga salita Mas pinahabang talakayan ng mga magkasingkahulugan. Ngunit dito, mas hinimay ang paksa. Kailangan alam mo kung alin ang gagamitin para sa angkop na sitwasyon. Maganda at May itsura
Maramot at Sakim (oi jc! hehe)
Paniniwala at Pananampalataya
Kalat at Laganap
Pinuna at Pinintasan
Hukluban at Matanda
Ang maganda, mas nakaaakit pakinggan dahil lahat naman ng tao ay may itsura. Naiiba ka kung sinabi na ikaw ay maganda. Ang sakim ay mas malubha kesa sa maramot. Ito'y nagtutukoy sa taong ubod ng swapang. Ang paniniwala ay pwedeng gawin sa tao ngunit ang pananampalataya ay nakalaan lamang para sa mga Diyos. Ang laganap ay nasasagawa sa mga lugar na mas malalawak kesa sa mga lugar na may kalat na bagay. Ang pinuna ay pinansin ngunti di ka pinahiya dito. Ang pinintas ay kinritiko talaga. Ang hukluban ay matanda na, pangit pa. Parang lubhang matanda at nabubulok na. Pwede gamitin sa mga bagay ang 2.
Mga Pahiwatig (paborito kong paksa)
Mga bagay na may ibig ipakahulugan. May mas malalim na ibig sabihin kesa sa nakikita. May talinhaga sa ilalim ng pangyayari. Hudyat.
Pagkalag ng kadena
Tahimik na dagat
Pagdating ng umaga
Pag-ulan
Pagpapakalbo/pagpapagupit
Kalayaan
Malalim ang isipan, malalim na tao
Bagong pagkakataon, pag-asa
Kasaganahan, biyaya
(imbento lang ni neil) pagbabagong-buhay, pagbabago
Naiiba ang mga ito sa mga pamahiin ("superstition" sa ingles) na ang pamahiin ay may pinagmulang paniniwala mula sa kultura natin nuon. Ang pahiwatig ay sadyang may kahulugan.
Mga Idiyoma Pinapalitan ang pangkaraniwang pagtawag sa isang bagay at ginagawang matatalinhagang pahayag. Nahihiga sa salapi
Nagmumurang kamyas
Kadugtong ng bituka
Maitim ang budhi
Di-maliparang uwak
mayaman
nagbabata-bataan
kaibigan
masama ang intensyon, masamang tao
malawak na lugar/lupain
Mga tayutay Bahagi ng pananalita. Ginagamit ng mga manunulat/makakatha. Mataas na uri ng pananalita.
Hindi ko na enumerate lahat, just the diff. bet. 2 similar tayutays. Pls refer to your handouts.
Pagtutulad at Pagwawangis Ang pagtutulad ay gumagamit ng mga salitang panghambing ("tulad ng", "kagaya ng", "animo") at ang pagwawangis ay hindi na, deretsuhang paghambing.
Balintunay at Pauyam Ang balintunay, sinabi muna ang kabaligtaran, pinaasa ka muna, sabay pinahiya at ibinagsak. Ang pauyam, deretsuhan ka ng ininsulto. May punto ang balintunay na sabihin mo muna ang maganda, pero sa tingin ko mas ok pa ang pauyam dahil sinabi mo na agad, di ka na nagsinungaling. Pranka.
Pagpapalit-tawag at Pagpapalit-saklaw Pagpapalit-tawag gumagamit ng mga idiyoma. Pagpapalit-saklaw ginagamit ang isang part pangtawag sa kabuuan (limang bibig = limang tagasalita).
Pangitain at Panawagan (nabaliktad ko ung dalawa dun sa first version, sorry! def ng pangitain ay def na ng panawagan, and vice versa) Ang Panawagan, kinakausap mo ay mga bagay, o kaya mga "abstract" na ideya. Maaaring pag-ibig o kalayaan, pwede rin naman ang araw o ang gabi. "Kalayaan, kailan ko pa ikaw matatamo?" o kaya "Lumabas ka na, araw, at bigyang liwanag ang aking buhay." Hindi ka nila sasagutin.
Pangitain, kinakausap mo ang tao na wala sa iyong harapan. Hindi niya naririnig ang iyong mga pinagsasabi. (Hal. "Inay, kung andito lang sana kayo." pero nasa ibang bansa ung ina mo) Pwede rin mga taong sumakabilang-buhay na.
Pagsasatao at Onomatopiya Pagsasatao, binibigyang katangian ng tao ang mga bagay, hayop, halaman, kaisipan o "abstract" na ideya. (Hal. "Sumasayaw ang mga damo sa malambing na pag-ihip ng hangin.") Ang Onomatopiya, binigay sa tao ang katangian ng hayop, madalas nagagamit sa mga tunog. (Hal. "Umalulong si Juan sa sobrang gutom." aso lang ang umaalulong)
Mga Sawikain at Kasabihan Nagagamit sa pang-araw araw na pananalita. May mahalagang aral na napupulot mula dito. Tumatalakay sa araw araw na kabuhayan, tamang uri ng kabuhayan, paano maging marangal na tao, etc. Nagtutugma ang mga dulo.
Pag may tiyaga, may nilaga Pinahahalagahan ang pagsisikap sa buhay.
Ang tao kapag gipit, kahit sa patalim ay kakapit May mga taong sa sobrang hirap ng buhay ay desperado na, kahit nakamamatay ay gagawin.
Ang taong nagsasayang ng oras ay magsisisi sa lahat ng napabayaa't lumipas (imbento ko) Ang oras ay di na babalik parang "seize the day". Ang mga pagkakataon ay di na dadaan muli kung hindi mo ito napagsamantalahan sa unang pagkakataon.
Pagpapaikli at Pagpapahaba ng pahayag May mga pahayag na sobrang haba, pwedeng sabihin nalang ang payak na punto. May mga pahayag namang maaaring pahabain gamit ang malalalim na salita, para mabigyan ng talinhaga at kalaliman.
Maikli: Pinahaba:
Ayaw ko. Iyan ay labag sa aking kalooban.
Asar ako sa kanya. Mainit ang dugo ko sa kanya.
Paumanhin. Sana nawa'y mapatawad mo ang aking pagkukulang sa iyo.

Mahaba: Pinaikli:
Ang aking kaibigan ay nagdaraan sa isang matinding kalbaryo. Nais na niyang makawala sa mga pangyayaring nagbigay sa kanya ng sakit ng ulo at mabigyan na ng kaginhawaan. Naghihirap ang kaibigan ko.
Mahirap mapaibig sa isang taong alam mong hindi maaring maging sa iyo. Ang buong paligid ay dapat sang-ayon sa ganitong pagkakaayos upang matamo ng dalawang nagiibigan ang masarap na pagsasama at maginhawang buhay pag-iibigan. Kung hindi ay sila'y makadanas ng maraming problema. Ang pag-ibig ay dapat nasa tamang panahon upang matamo nito ang kabuuan nito.
Eto na yata yung huli, tamad nko eh! Tyka, madami pa ko kelagn gawin eh.. -luis