Feature
Iwasan ang Sunog Upang Buhay Di Tepok
(January 30, 2005)
    Hindi pa man Marso (Fire Prevention Month) ay pumipinsala na ng maraming buhay at ari-arian ang sunud-sunod na sunog sa ilang lugar sa Metro Manila. Simula pa noong Disyembre kung saan namatay sa sunog ang babaeng anak ni House Speaker Jose De Venecia dahil sa Christmas lights. Nitong nakaraang linggo naman, magkakasunod na sunog ang naganap sa ilang bahagi ng Quezon City at Manila. Madaling araw ng Lunes, Enero24 nang masunog ang isang paaralan sa San Miguel, Manila. Sumunod na araw ay isang pabrika naman ng plastik ang nasunog sa Caloocan City na sinasabing umabot ng milyon ang napinsala. Ilang oras lang ay tinupok naman ng sunog ang 100 kabahayan sa Bgy.Ramon Magsaysay at sumunod dito ay isa pang sunog sa Culiat ang naganap.
    May pahiwatig na maaga ang pagpasok ng tag-init ngayong taon at kadalasang sa mga ganitong panahon nananalasaang mapinsalang apoy. Ito ay higit na delikado lalo na sa mga lugar kung saan dikit-dikit ang mga kabahayan tulad ng mga squatters area kaya't narito ang ilang mga paalala sa pag-iwas sa sunog upang maiwasan ito.
-
Ugaliing tanggalin sa saksakan ang mga "plugs" pag hindi ginagamit.
    Ang mga kagamitan na ginagamitan ng kuryente tulad ng TV, bentilador, kompyuter, plantsa, at iba pa ay madalas pagmulan ng sunog kaya dapat tanggalin ang mga ito sa saksakan pagkatapos gamitin.
-
Maging maingat sa pagbili at paggamit ng gas stoves at de-kalan na lutuan.
    Isa sa nga pangunahing dahilan ng sunog ay dahil sa pagsabog ng mga tangke ng gasul. Uapang maiwasan ang ganitong pangyayari, siguraduhing bumili ng mga tangke ng gasoline sa mga tindahan na may patunay sa certified itong gamitin. Huwag ring pabayaang nakabukas ang tangke pagkatapos gamitin sapagkat ang gas ay maaring sumingaw at angbiglang pagbukas nito o magsindi lang ng apoy malapit ditto ay magiging sanhi ng pagsabog.Mag-ingat din sa paggamit ng de-kalan na lutuan sapagkat maaring matapon ang gas kung magiging pabaya. Huwag ring hayaan ang niluluto habang itoay nakasalang.
-
Ilayo ang mga bagay na madaling magliyab sa tabi ng mga saksakan at lutuan.
    Ang mga kurtina, diyaryo,libro, mga papel at madaling maapuyanay dapat malayo sa mga saksakan ng kuryente, sa lutuan, sa "ashtray" dahilkapag nahagip ito ng maliit na apoy ay mabilisitong kakalat dahil sa mga bagay na ito.
-
Ilayo ang mga bagay tulad ng posporo at "lighter" sa naabot ng mga bata.
    Makabubuting ilagay sa hindi madaling maabot o makita ng mga bata ang mga posporo, "lighter" at iba paupang maiwasan ang paglalaro sa mga ito.
-
Turuan ang mga bata sa pag-iwas sa sunog.
    Ibahagi sa mga anak o nakakabatang kapatid ang mga tungkol sa insidente ng sunog at kung paano ito maiiwasan upang maging mulat sila sa mga posibleng mangyari kung magiging pabaya sila at kung paglalaruan nila nag mga bagay na nagiging sanhing sunog.Ituro rin sa kanila na ang mga bagay tulad ng poporo at "lighter" ay gamit pang-matanda lamang.
- Sa oras ng "black out," ilagay sa tamang lalagyan ang lampara/kandilao patayin na lamang ito kapag hindi na kailangan.
    Kadalasang bumubulusok ang sunog tuwing nagkakaroon ng "black out" dahil sa mga kandila o lampara na napapabayaan. Ang mga kandila o lampara ay maaaring ilagay sa abatayang gawa sa yero o kahit anong hindi madaling tablan ng sunog upang kahit matumba ito ay hindi ito matutuloy. Pwede rin itong lagyan ng tubig na pabigat upang hindi maadaling bumagsak at kung bumagsak man ay madaling mapapatay ang apoy.
- Para sa mga nagsisigarilyo, iwasan ang pagtatapon ng mga upos kung saan-saan lalo na sa mga dikit-dikit na kabahayan.
    Ang upos ng sigarilyo ay may apoy paring maliit nanatitira na maaaring maging sanhi parin ng sunog. Makabubuting tapakan ito hanggang sa maubos ang apoy at itapon sa basurahan. Iwasan din ang pagkakalat.
-
Maglagay ng listahan ng mga numero ng telepono ng mga kinauukulan upang kung mangyari man ang sunog ay madaling makahingi ng tulong.
    Makakatulong kung alam natin ang mga tulong na pwede nating hingiankaya maglagay tayo sa tabi ng lutuan o kung saan man sa bahagi ng kabahayn upang lagging maalala.
    Kahit malayo pa ang Fire Prevention Month, kailangan tayong maging alerto at maingat sa ating mga gawain na maaaring maging sanhi ng sunog. Kailangang maipagkit sa ating isipan ang mga pangunahing pamamaraan ng pag-iwas. Mas makabubuti kung nalalaman natin ang mga bagay na makapagliligtas sa atin upang kung dumating man ang panahon na maging biktima tayo ng sunog ay hindi tayo nangangapa sa wala at aasa na lang sa kinauukulan.
by: garette
|