JOB DESCRIPTION NG ISANG TATAY
< ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->
Ang ama ang kinikilalang haligi ng tahanan.  Ito ay dahil na rin sa siya ang inaasahang magtatayo nito at susuporta rito.  Siya ang ulo at ang pinakapinanggagalingan ng lakas at buhay ng isang bahay.  Ang trabahong ito ay nakaatas sa kanya kaya ito ay kanyang responsibilidad at hindi dapat pinababayaan.

Ang ama ang siyang naghahanapbuhay para sa pamilya.  Siya rin ang dapat na magbigay ng proteksyon sa bawat miyembro ng pamilya. Kaya, dapat siyang kumilos nang ayon sa inaasahansa kanya.  Sa oras na siya ay magkamali sa desisyon o hakbang na gagawin, maaari niyang tangayin ang buong sambahayan.  Ang kanyang palya sa tungkulin ay maaaring magsimula ng pagkapariwara ng mga anak.  Hindi ba’t tinatawag ng pansin ng Santo Papa ang pamilya bilang pangunahing institusyon na siyang dapat na unag huhubog sa pag- iisip ng mga bagong tao.  Ito marahil ang isa sa dapat pagtuusan ng pansin ng mga ama sa ngayon dahil anuman ang ituro o makuha ng anak mula sa kanyang kabataan ay dadalhin niya sa kinabukasan, maganda man o pangit.
Ngunit,ang bawat miyembro ng pamilya ay may sariling pag- iisip at may kakayahang gumawang sariling desisiyon.  Kahit na ikinokonsidera natin ang tatay bilang pinuno ng institusyon ng pamilya, hindi naman nito inaalis ang karapatan ng mga anak at ng asawa na gawin ang kanilang nais.  Walang mangyayari kung isa lang ang kumikilos at nag- iisip sa mag- anak; dapat lahat.
Siguro, laganap na ang ganitong idelohiya sa panahon ngayon.  Ang ama ay masasabing mataas pa rin ngunit mulat ang mga anak sa kanilang responsibilidada sa pamilya.  Ang ina o minsan, ang panganay, ang siyang nagsisitayuang puno ng pamilya.  Pero, kapansin-pansin pa rin ang pagiging kulang kung wala ang isang ama.  Siya kasi dapat, kasama ng ina, ang naggagabay sa kanilang mga supling.  Siya ang lakas na nagbubuklod samag- anak habang ginagawa ng bawat miyembro nito ang kani- kanilang mga gawain.
Two heads are better than one.
_
HOME
PANPIL19
Feedback
Copyright 2003
Name: Donnie Ray Baje
Email: donnie_ray.baje@up.edu.ph
< ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->