PASALAYSAY

CATEGORY: LOCAL SPECIALTIES

Pitong mag-aaral, Vincent Patrick Queja (IV- Bro Mutwald), Marianne Joyce Marcial (IV- Bro. Flavius), Mia Kaye Valmonte (IV- Bro. Arkadius), Jassy Santos (IV- Bro. Arkadius), Maria Katrina Mesina (IV-Bro. Flavius), Vaughn Johnson Hautea (IV- Bro. Hartmann) at Ian Valeriano (IV- Bro. Hartmann), taong 15-16, ay nagtulong-tulong upang makumpleto ang CyberFair Project sa _________. Sila ay lumahok sa Cyberfair sa mga sumusunod na taon: 2002, 2003 and 2004.

 

Email Contact: leilar1619@teacher.com

 
PROJECT OVERVIEW
1. DESCRIPTION OF OUR COMMUNITY


Ang pansit ay "trade mark" ng Lungsod ng Malabon. Maraming kainan ang itinayo kung sa ibat- ibang bahagi ng Malabon subalit mayroong hinahanap ang mga dayuhan sa nasabing lugar at iyon ay ang PANSIT MALABON. Ito ay angat sa iba pang lokal na pagkain ng lungsod. Ang mga tao ay sumusuporta sa pagpapanatili ng kanilang negosyo at pagdaragdag pa ng kalidad ng pagkain. Ang Pista noong ika 8 ng Disyembre 2004 ay resulta ng pagkakaisa at pagiging handa ng mga tao para maging tagumpay at patuloy na aktibidad ang okasyon. Bilang resulta, ang dating tahimik na lugar, ay nabago bilang isang lungsod na puno ng tagumpay at katahimikan.

 
2. SUMMARY OF OUR PROJECT


Ang mga local specialties ay tumutulong sa ating lipunan na mapaunlad ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kapwa nating Pilipino at pati na rin sa mga dayuhan. Ito ay isang napakalaking bagay kung pag-uusapan ang kumpletong pangyayari na may kinalaman sa pagkain at ang tulong ng ating mga namumuno sa kanilang mga nasasakupan. Pinapaunlad din nito ang kabuhayan ng mga tao dahil ipinakikilala dito ang local specialties sa ating komunidad.

Ang aming lungsod ay kilala sa patis, bagoong, kakanin at ang kaaya-ayang Pansit Malabon na sa bawat tikim ay nagbibigay kasiyahan at sa labis na kasarapan ay nakakalimutan natin ang ang ating pangalan. Ito ang isang dahilan kung bakit tanyag ang Malabon, kung isasang-tabi natin ang pangunahing suliranin, ang baha, ay makakagawa tayo ng pagbabago mula sa inaasahan patungo sa masarap na specialties.

Kilala na ang Pansit Malabon at sa pamamagitan nitong CyberFair Project, ipinakikilala namin ang Malabon sa positibong paraan. Bahagi na sa serbisyo sa aming komunidad na ipaalam ang ideya na ito sa ibang tao at walang anumang bahid ng pulitika. At dahil sa ito ang pinakaunang pista ng Pansit Malabon na nangyari sa buong kasaysayan, kami'y tumutok dito, partikular sa mga tao sa likod ng tagumpay at sa komunikasyon sa pagitan ng lokal an pinuno at sa mga taong sakop nito.

inibigyang pansin din namin ang mga nagluluto at nagtitinda ng Pansit Malabon para sa kanilang walang sawang pagsuporta sa ating trasdisyon, hindi lamang ito, dahil amin ding ipinapakita ang kultura ng Malabon sa pamamagitan ng musika, sayaw at pagkain na magpapakilala sa lugar at ang mga namumuno ay naglunsad ng isang pista na magiging isang pangunahing atraksiyon hindi lamang sa Malabon pati narin sa ibang munisipalidad at pagpapakita ng pagkakaisa ng mga tao.


3. OUR COMPUTER AND INTERNET ACCESS


Ang porsiyento ng mga mag-aaral na gumagamit ng Internet sa kanilang bahay ay 40 hanggang 50%. Ang aming iskwelahan ay mayroon nang 3 computer laboratory para sa Basic Education Department. Ang bilang ng mga workstation na mayroong Internet ay 24. Ang bilis ng Intenet na nang mga computer ay 100mbps. Ang bilang ng taon kung gaano na katagal nakakabit sa internet ang aming mga computer ay 5.


4. PROBLEMS WE HAD TO OVERCOME


Ang mga pagsubok sa ating buhay ay pinauunlad ang ating pagkatao. Hindi tayo matutong tumayo sa sarili nating mga paa kung hindi natin gugustuhin at walang determinasyon sa ating mga kalooban.

Bilang isang ordinaryong estudyante, marami kaming iba't ibang gawain at mga organisasyon na kinabibilangan, kaya't nahihirapan kami sa paghahati-hati ng aming mga oras ngunit nalulutas namin ito sa pamamagitan ng tamang paghahati-hati ng oras. Marami rin kaming nakaharap na problema sa oras ng aming pakikipanayam. Nahirapan din kaming matagpuan ang mga tindahan ng Pansit Malabon sa kadahilanan na hindi sapat ang aming kaalaman sa pasikut-sikot ng lugar.

Sa sobrang kasikatan ng Pansit Malabon, ang mga may-ari ng mga tindahan ng Pansit Malabon ay hindi magawang kausapin kami at paunlakan ang aming pakikipanayam dahil sila ay maraming kailangang gawin kaya't pinili na lang namin na pumunta sa ibang tindahan ng Pansit Malabon ngunit parehong problema ang aming nakaharap. Nahirapan din kami na makausap at makapagtakda ng araw ng aming pakikipanayam sa pinuno ng buong pagdiriwang ng Pista ng Pansit Malabon na si G. Jojo Flores.

Mayroon ding hindi inaasahang pangyayari na aming kinagulat, nang malapit na kaming matapos sa aming pakikipanayam sa mga may-ari ng tindahan ng Pansit Malabon o kaya'y mga mamimili rito, nasira ang memory na digital camera na aming ginamit sa pakikipanayam. Ngunit isa pala itong magandang pagkakataon sa amin dahil nang inulit namin ang aming pakikipanayam, ang mga may-ari ng mga tindahan ng mga Pansit Malabon ay nandoon na at ang mga nakuha naming mga larawan ay mas maganda pa sa nauna. Ito lang ang aming nasabi “Ito ang tinatawag nating kapalaran.”

5. OUR PROJECT SOUNDBITE


Aming ipinakilala ang Lungsod ng Malabon sa isang mabuti at positibong paraan. Hindi natin maitatanggi ang kaisipan na ito ay isang maliit na lungsod na nasa tabing dagat, at sa mga panahong may bagyo o di kaya'y may pagtaas ng tubig, ang Lungsod ng Malabon ay binabaha. Pero, hindi lamang ito ang dahilan kung bakit ang Malabon ay nalulubog sa iba't ibang uri ng polusyon. Hindi rin ito nangangahulugan na walang sapat na pondo para ipahatid ang lahat ng pangangailangan para masuportahan ang mga proyekto tulad ng Tree Planting Project, Cleanliness Drive Campaigns at iba pa. Ito'y mayroong sapat paliwanag. Ang aming lungsod ay nasa mababang bahagi ng Metro Manila na sa panahon ng tag- ulan, ang mga naipong tubig sa mga karatig pook ay bumabagsak sa lungsod ng Malabon, dahilan kaya nagkakaroon ng malawak na pagbaha sa buong lungsod. Ang anumang positibong bagay ay laging may negatibong panig. Nais lamang naming bigyang diin na sa pamamagitan ng pagsusuri, lagi tayong magkaroon ng positibong pananaw. Hindi dapat bigyang pansin ang anumang maling bahagi ng lungsod sapagkat ang baha ay di yaman ng Malabon, kahit ito'y nakakaapekto sa ating buhay ngunit dahil dito kami dinala ng Panginoong Diyos.


6. HOW DID YOUR ACTIVITIES AND RESEARCH FOR THIS INTERNATIONAL SCHOOLS CYBEFAIR PROJECT SUPPORT STANDARDS, REQUIRED COURSEWORK AND CURRICULUM STANDARDS?


Habang ginagawa namin itong website , mas nalaman pa namin ang importansya na tinuturo ng mga guro namin sa eskuwelahn ng mga lumipas ng taon. Pag pumapasok tayo sa eskuwelahan tayo ay inaasahang maging responsibleng tao na gagabay sa atin habang tayo ay nabubuhay. Habang ginagamit namin ang mga ito, nakakabuo kami ng mga impormasyon na magagamit ng mga kabataan na katulad namin.

sa sa mga natutunan namin sa asignaturang Ekonamiks ay kung paano ang tamang paghawak ng pera dahil nalaman namin kung gaano kahirap ang buhay ng ating mga kababayan. Nagbigay daan ito sa amin na ipagmalaki ang mga produkto ng Malabon katulad ng Pansit Malabon, patis, bagoong, mga laman dagat at maramipang iba. Kabilang ang tinuro sa amin sa Filipino kung paano makipanayam sa mga kilala o ordinaryong tao na aming kakapanayamin. Ang asignatura namin sa Physics ang hindi namin inaasahan tutulong sa amin dahil mas pinalawak nito ang kaalaman sa paggawa ng project narrative . Ang Matematika naman ang nagturo sa amin mag- liquidate ng mga pera na nagastos namin sa buong kumpitisyon. Ang pinakaimportante na asignatura, English , na nagturo sa amin nagmagsulat ng mas maayos na talata na naatas sa amin ng aming guro. Ang pangunahing tumulong sa amin upang matapos ang website na ito ang asignatura sa Komputer dahil ito ang nagbigay sa amin ng kaalaman upang makagawa ng kakaiba at simpleng website . Nalaman din namin ang kakaibang mundo ng industriya na nagmulat sa aming mga isip kung paano magkaroon ng sariling negosyo. Dahil sa paligsahan na ito, nahasa pa namin lalo ang aming mga abilidad na nasa amin mula pa ng kami ay pinanganak.


Copyright © Pancit Malabon Festival 2004
No part of this website may be copied or reproduced in any form without the prior written consent of the webmaster.
All Rights Reserved 2004. Email the webmaster.