
|
Kung susuriin natin ang konsepto ng kahit anumang grupo ay sumusunod sa ideyang ito. Maging grupo ng mga politiko, mga estudyante, o kahit ng mga taong napapabilang sa mga fan's club, umiinog lamang sila sa ideolohiya ng iisang isipan, puso at damdamin ng mga tao? Ano ba ang meyroon ito, ano ang taglay nitong mga katangian kung kaya't kinababaliwan ito ng masa? At ito ang layunin ng proyektong ito, upang matunton ang mga katangian at / o mga pamantayan kung bakit nakapupukaw ang isang tao, partikular na nga sa kaso ni Jolina Magdangal. Bagamat maaaring lumawak ang masasakupan ng aming proyekto, nais naming maglagay ng ilang mga "bakod", upang ma-"focus" namin ang aming pag-aaral at pagsasaliksik. Una, ang paksa ng aming pagsasaliksik ay tungkol kay Jolina Magdangal lamang, ang kanyang napagdaanan at mga katangian kung bakit siya pumapatok sa mga tao. Hindi namin tatalakayin ng malaliman ang iba pang mga artista bagamat mababanggit, maaaring gamitin ang iba't ibang panahon upang magpakita ng "trend", at upang maipakita ang mga pagkakapareho at pagkakaiba nila. At ikatlo, ang proyektong ito ay preliminaryong pananaliksik lamang, na maaaring gamitin sa mga susunod pang mga pananaliksik at pagsusuri, at hindi bilang batayan ng mga sagot sa mga tanong ukol sa kulturang ito. |
|
ay nagsasabing na tao na ang dumaan dito |
||||
![]() |
||||