Author's note: …not just promoting parokya ni edgar's BIGOLTILYO album..ü so sa mga hindi pa nakakabili jan, get yourself a copy now! Astig! ü
I better get ready for a big surprise…bukas na ang alumni homecoming, hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa kung sisipot ako o hindi..*isip isip isip* syet naman! Ang simple simple nito pero hindi ako makadecide! Bakit ba, ano ba'ng problema at kelangan pag-isipan? Men! Baka abutin ako neto ng dulo ng taon!
Ganito kasi yun…[reminisce muna ang lola nyo..]
…PAST…
Highschool, 2nd year in particular, naging classmate ko 'tong si "jinx"..wala naman, normal lang, hindi ako nagkacrush sa kanya…pero habang lumilipas ang mga araw , tinutukso na nila kami, pati teacher! Tama ba?! Ewan ko nga kung pa'no nagsimula, basta yun na yun!ü syempre itong lola nyo mahiyain kuno, kaya umiiwas na 'ko…nakakhiya naman kasi sa kanya, baka ano pang isipin nya.ü so iniwasan ko na nga, para makaiwas sa mga "uuyyy.." ng mga classmates naming alang magawa…pero ewan ko ba! Ang labo! Medyo kinikilig na daw ako nun! Goshsh! Ok fine! Kilig na nga kung kilig, pero syempre hindi pahahalata…tahimik lang akong tao eh, kaya wala akong pinagsabihan…kilig na lang sa isang sulok..tsk tsk!ü
…hindi ko lang alam kung pa'no,
basta biglang nagsama tayo…
'di nagtagal ay napaibig mo ako…
Hindi na kami nag-uusap nun..grabe! hindi nya pa ba nahahalata, sya lang ang hindi ko kinakausap sa classroom! Ano kaya ang nasa isip nya sa mga panahong yun? Ewan hindi ko talaga alam! Wish ko lang sana he feels the same way as I do…ngek! Maraming beses kapag mahuli ko syang nakatitig sa'kin, agad syang umiiwas..men!ü ano ba 'to, lagi ko na syang iniisip, paggising pa lang, den sa school, pag-uwi, hanggang pagtulog! Naman!ü nweyz, pnilit ko'ng makalimot nung bakasyon na..naisip ko, bata pa talaga ako sa mga ganyang bagay, kaya wag munang seryosohin…ang alin?? Basta, bahala na nga!
3rd year na kmi…nabalitaan ko mga boys sa classroom namin nagbibinata na! Akalain nyo ba namang sabay sabay sila nanligaw! Oops! hindi sa'kin ha!ü I mean sabay sabay nilang niligawan yung mga gusto nila..eh eprot tong si "jinx" , nabalitaan kong naliligaw through landline! Ngek! At may bridge pah! Medyo hurt daw ako dun..men! gusto na nyang magka girlfrined! Waahahh Pero hindi ako!!! *relax relax relax* nyeh! Ayaw sa kanya ng girl [classmate din namin]! Kaya…ang saya saya ko! Ang sama noh? I find happiness in other person's misery…pero ano'ng magawa ko, eh happy ako nung malaman ko yun…ü
…tulad pa rin ng dati, hindi pa rin kami nagpapansinan…ang tindi neto! Dinadaanan lang namin ang isa't isa na parang hindi kami magkakilala, eh magkaklase naman kami..stranger by the day! Pero tuloy pa rin ang "love team" namin [actually maraming nalilink sa knya, lakas na karisma neto! ewan ko nga ba!] tuloy pa rin ang tuksuhan, pati mga fans ko sa lower yearü and some ates and kuyas sa school, nakikijoin sa pagtukso! Ano say nyo?? Hehe kaya tuloy pa rin ang kiligh-sa-sulok moment ko..haayy…. PROM na! Gosh nakaPINK ako! Take note PINK! Yuck, as in! pero enweyz, wish ko invite nya 'ko sa dance floor, kahit isang dance lang…pero…HINDI NYA 'KO ININVITE!!! …ang masama pa dun, sumayaw sila nung niligawan nya na ayaw naman sa kanya! Pucha! Dinidedma mo talaga ako ha! Umuwi akong badtrip…
uy ang bilis naman ng panahon, last year na namin sa highschool…sabi nila highschool life is da best! Neknek nila! Pero cge, sabi nila eh…cguro nga..kasi dito ako unang "nagmahal ü"..ng todo, kinilig ng husto, pero hindi ko naipakita, hindi ko nasabi kahit kanino! I have to keep dat astig personality in me eh..kaya nyo to?
So balik tayo, 4th year na nga…ala akong bf, ala rin sya..i mean ala syang gf..so we're both available! Asa pa rin 'tong lola nyo! Syempre ano pa nga ba, sya pa rin ang lagi kong iniisip..ang swerte nya noh?hehe ü …one day in July nagulat na lang ako, bigla ko syang kinausap! Sa lagay na 'to ako pa daw ang nagulat hehe ang labo! Hayy hidi ako nakatulog that night..mababaw na kung mababaw, ang basic ng conversation namin…ganito yun, sinabi ko lang na sya ang nakamantsa ng uniform ko, natapunan kasi ng green paint…sabi nya sori at nagbiro pa na tanggalin ko daw uniform ko kasi sya na lang daw ang maglalaba..eh loko pala sya, ano naka bra akong uuwi? Hehe pwede! Haay naku basta ang saya saya ko daw nung araw na yun! Hahaha normal friends na ulit kami [bakit abnormal ba dati??] basta yun na yun..i decided na sasakyan ko na lang mga tuksuhan nila, ako naman pala ang nakikinabang eh! Hehe ü
At ito ang highlight! Kumbaga main dish na to kung sa pagkain pa..taran!
One fine afternoon, under a talisay tree, sa likod ng classroom namin, facing the ricefield [sensya na eh medyo malayo sa civilization 'tong exclusive school namin..ü] nakaupo ako sa isang chair [yung chair na may arm…armchair ba tawag dun? Ang bobo ko namn!ü] gumagawa kami dat day ng feasibility study sa science…so nakaupo nga ako, kasama ko 3 guy classmates ko, and isa na dun si "jinx" …sinimulan ng isa "uuyy jinx daw oh.." I frowned [hmmp drama effect!] pero medyo smile ako ng konti kasi kilig eh, sabay tanong na "ha?" parang hindi ko daw narinig…SUMAGOT SI JINX! Ito ang sabi nya [in our own dialect, translated na 'to ü] "oi wag kayong ganyan…FRIENDS LANG yan kmi…ngayon nga lang kami nag-uusap nyan kasi dati nagkakahiyaan pa kmi…" whew! hanggang ngayon memoryado ko pa yung linyang yun…noon pa ma'y sobrang lupit mo na…ang lupit!ü
Tapos…ito na…dumaan ang ilang saglit, kami na lang dun naiwan…nakaupo pa rin ako, but guess what! Sabay sabay HUWAATT?! Diz time nakaupo na sya sa arm ng chair na inuupuan ko [clear ba ang description?] ang sweet ng scene…hehe ang saya saya noh? Eniweyz, kinakabahan ako, syempre hindi ko na alam ang sasabin …silence…katahimikan…men! Hindi kami nagsasalita, hindi kami nag-uusap1 ano, uupo na lang ba tayo dito?? Hoy kausapin mo naman ako, kakausapin din naman kita, mauna ka muna…PERO WALA! After moments of feeling each other's presence…nagwalk-out kami, sa magkaibang direksyon! Ano ba naman? Naman naman naman..bakit ganun? Ewan ko na lang talaga!
Ekasakto na ang timing, planado na ang sasabihin
Ngunit hanggang huli, wala pa ring nasabi
At bakit ko ba pinabayaan
Mawala nang hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa!
…wala na talaga akong nagawa…I let go of the chance, I wasted the opportunity! Sayang bakit hindi kita niligawan..hehe [sa buruguduystunstugunstuy album po 'to ng parokya..ü] At alam nyo ba ang pinakamasaklap dun? Itong kabarkada ko na hobby ata ang magpakita ng motibo, tapos kung liligawan na sya, iiwanan nya na…lam nyo ba, naging "target" nya si jinx! Nagalit ako sa kanya, nasabihan ko sya ng "flirt", pero hindi nya alam kung bakit ko sya sinabihan ng ganun..naisip ko na traydor sya..eh gago pala ako! Pa'no naman sya magiging traydor, hindi nya alm na may gusto ako kay jinx..[sorry na lang talaga sa friend ko, until now guilty pa rin ako..ang bait bait nya pa naman sakin..]
so yun, wagi sya sa plano nya. Niligawan nga sya ni jinx, nakakainis talaga, lalo na yung mga times na hinahatid sya, syempre kabarkada ko yun, sabay din kami umuuwi…ang hirap magpretend na ok lang ako, pero kinaya ko naman..
fake a smile, just sigh..fake a laugh, deny! men, ang hirap naman! ano man, give up your own happiness just to see others happy! pucha! huwhaatt?!!! uso pa pala to???
NAGING SILA nung malapit na graduation namin…waahhh! Kung kelan ok na kami ni jinx, normal friends na kmi, saka pa gumuho ang mundo ko! [OA namn!] nakakainis talaga, ikaw daw! MOVE ON na lang ako, LET GO na…i tried..ang hirap pala, gago sya! Ilang gabi ko rin sya iniyakan…
Hindi pala sila nagtagal, 6 months lang ata..college na kasi, magkaiba sila ng school..[pero schoolmate ko si jinx,related lang course namin..ü] nung break na sila, 'tong si jinx ako ang tinatanong kung kmusta na daw yung ex nya..minsan TINAWAGAN AKO NI JINX! Tinatanong ba namn sakin yung cp# ng ex nya, nakalimutan nya daw or naerase nya or something..naman nananadya ka ba?? Memoryado mo number ko, tapos yung cp# ng ex mo nakalimutan mo? ang lupit neto, at ako pang tinawagan!..pero I was kinda flattered… hehe ü huy I should be over him!
…PRESENT…
3 years na ang nakalipas… and would you believe, until now naiiyak pa rin ako! [3rd year college na po kami sa mga panahong 'to] ang swerte nya naman, hanggang ngayon..sya pa rin ba?? Ewan! nagkikita kami sa school, nagbibiruan kung minsan, sabi nya may pa nga nung nagkasabay kami sa library na may gusto daw ako sa kanya dati..gago! tama sya! I guess I'm not yet over him…wag na kasi syang magbiro ng ganun!
So nag-iisip pa rin ako…lahat ng mga kaklase ko pupunta bukas, syempre magkikita sila dun..kaya ko kaya makita ang scene na yun? Ewan ko na lang! ano pupunta ba ako bukas o hindi??…bahala na.. makatulog na nga…zzzzzz
*gawa ito ng aking ate ____ -- whoops, secret pala daw! :P