minsan badtrip magmahal...
iwasan mo, ikaw din masasaktan...
sundan mo,ikaw din iiyak...
bigay mo lahat kulang pa rin...
nagpakatanga ka na,gagaguhin ka pa...
minsan hintay ka nang hintay, di mo alam...
iniwan ka na pala.
minsan na akong nagmahal...
minsan na akong nasaktan...
minsan na rin nagpakatanga dahil minsan 'minahal kita'.
hahayaan ko pa bang maulit?
bakit hindi?
eh, minsan lang akong naging masaya nang mahalin kita...
di ba masakit pag iniwan ka?
di ba masakit pag niloko ka?
di ba masakit pag pinaasa ka?
pero di ba mas masakit pag pinaniwala ka na mahal ka nya,
kahit may mahal na sya iba...
nagmahal ka na ba?
pero inakala mong mali kaya tinago mo na lang?
nasaktan ka na dahil alam mong mahal mo sya pero di mo maipakita?
nasubukan mo na bang magsisi na dapat sana
ay sayo sya kung ipinadama mo lang sana...
takot ako mawala ka...di ko alam kung bakit
di sa hindi ako mabubuhay nang wala ka...kundi takot akong
dumating ung panahon na mahal pa rin kita...kahit wala ka na...
pag nawala ako, siguro di un kawalan syo...
di un makakaepekto sayo, pero gusto ko lang malaman mo, hapi ako...
bakit?
kasi kahit minsan sa buhay ko, nakilala ko ung isang katulad mo...
magmahal? marunong ako nun!
ung tipo bang tanga ka na, sige pa rin kasi mahal mo siyang talaga...
pero sa bandang huli... itatanong mo...
tanga ba talaga ako? o mahal ko lang talaga siya...
mahirap makipaglaban sa bagay na alam mong talo ka...
wala kang magagawa kundi hayaan mo na lang tumahimik hanggang ilayo niya
siya sayo
ang taong pinakamamahal mo, dun mo maiisip na sana pinaglaban ko siya...
minsan natuto kang magmahal...
minsan naranasan mong masaktan...
minsan natuto kang umasa...
kasi minsan minahal mo siya ng lubusan...
**another one of those i got from an e-mail