AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!
7 o'clock na! Late na naman ako for school! Nooo.... :( Bilis, bilis, BILIS! Sa lahat naman ng araw na ginawa ng Diyos, puro late.. Kumukonti tuloy ng kumokonti ang stipend. Imbes na 500 pesos, 400 pesos nalang. Waaahh.. hay nako. Hirap kasing magising. Lalo na kung malamig ang panahon. Parang nang-aaya pa yung malambot naming kama.. sinasabing "matulog ka nalang!!!" Tapos, 'di pa ako ginigising kahit nagpapagising ako. Kung 'di lang talaga mabait yung katulong naming kuba...
Syet! Traffic pa! Super late to the max na ako nito... Takbuhin ko na lang kaya?!
Andito na, at last! Baba sa kotse. Lakad, lakad, lakad... O, ayan na naman 'yang board sa harap ng humanities building. "Silence classes going on" daw! Huh?! Ano ba ang silence classes? Tinuturuan ang mga students maging tahimik? Wala naman 'atang ganun eh.. Pero siguro nga dapat meron. Ang saya siguro ng mga teachers nun... i mean, kung effective nga yun pagtuturo. Anyway! Liko sa may hagdan... akyat, akyat, akyat. 2nd floor. *hingal, hingal* akyat, akyat. 3rd floor. *hingal, hingal, hingal* Haaay.. di ko na kaya. Bakit kasi fourth floor ang una kong klase?! Late pa naman ako lagi kaya walang pwedeng makachika habang umaakyat. Pahinga muna 'onte... ay, teka, late na nga pala ako!!! *akyat, hingal, akyat, hingal* Konti nalang! On 2nd thought, nakakabuti rin namang nalalate minsan. At least 'di na 'ko kailangang makinig kay Mr. puti-na-ang-buhok-at-magreretire na next year. Okay, so, mabait naman sya...kaya lang, puro nalang sermon at kwento. May pa-Minoy's-Minoy's** arc pa! Para namang may nakikinig sa kanya... Ayan, nasa fourth floor na at last! Naririnig ko na ang ingay ng aking beloved class... Yes, talagang malapit na! lakad, lakad, lakad...
8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1, 0... YAAAHHOOO!!!! Sorry, hilig ko talagang sumigaw, nh? Pero masaya lang talaga ako. 10 minutes after na kasi ng prescribed time ng klase namin. Ibig sabihin, pwede nang mag-walk out! Wahahaha! Buti naman. 'Yoko muna kasing makasama ang aking ________** na ang bokabularyo lang 'ata ay "bitch" at "whatever": with matching W sign. Kain muna tayo sa mainit-pero-we-still-love-it Coop. (pronounced as "co op". 2 syllables, from the word "cooperative". not coooop.) Hmm.. ano bang pwedeng kainin?? Ay, tingin tayo sa 10-peso/20-peso store. Mmmm... hashbrown! "Miss, isa pong sour cream." Teka lang, 13pesos pala yun... mali yung ininvent naming name ng store. (yup, kami lang kasi ang gumawa nun..) Hay, what-ever --> with matching W sign pa!
Math na with Ms. Where-lies-your-difficulty. O, may surprise quiz 'ata. Yay! -- Oops, teka, bakit ako natuwa?? Ngek! Weird ko talaga...
Zzzz.. Huh?? Oh, sorry! Nagkaklase pa pala. Nakakaantok kasi talaga klase ni Ma'am-who-is-in-desperate-need-of-a-fashion-consultant. Okay, sige na po. Makikinig na po ako... Sekularisasyon, regulares, hari ng Espanya, GomBurZzzzzzz...
Lunch na. Coop ulit. Sana naman edible yun ulam. Yung cream of mushroom sana, kahit walang mushrooms. Kasama yung half rice na di naman half kundi three-fourths. Yun ding konting leche flan na 9 pesos at pork puchero na chicken naman. Ay! Mali lang pala basa ko.
(Habang naglalakad sa halls papuntang next class...) Uy, paratingdito yun dati kong crush. Uuuuy...!!! Kristina!!! Tingnan mo...kinikilig na yan! *_*
YES!!! Walk-out na naman. No surprise... Si Mr. I'm-always-absent-on-Monday pa! Tayo na sa lib...
Argh! Ano ba yan.. 'Di ko maayos-ayos yung ribon sa ID. Shocks! Natanggal na naman. Ang sama tuloy ng tingin sa akin nung nagkokolekta. Malas ko naman, siya pa yung laging may PMS..
*note: kelangan pa kasi ibigay ang i.d. bago makapasok sa PSHS library.*
Mabasa na nga lang... "Once" (tsrrr..tsrr... aargh!!! Ang ingay ng printer!) "upon" (Uy! Alam NYO BA SI... BLA BLAH BLAH... f*ck, ingay ng kabilang table!) "a" (ting,ting,ting.. quiet please... Huh?? Pati ba naman yung librarian??) "time," Nyak! Apat na salita pa lang nababasa ko. Aaargh!!!
Rrrriiiing!!! Hay. Bell na agad. Ang bilis, asar. Eh kung nagkaklase parang sooobrang taaaagggaaaal maubos ang oras.
Tic-tac-tic-tac... Half an hour na, la parin yung teacher namin. Pero 'di naman kami makawalk-out. Syempre, it'll be our lost daw. Atsaka m sure nasa very important meeting yan si ma'am na English unit head. O, yan, parating na at last! "Ma'am, you're late by 30 minutes!" "Ya, ya, i know, i know.. but i had a very important meeting to attend to." See? Sabi ko sa'yo eh!
Bigayan na ng grades sa Val. Ed. "Ang galing mo *toot*!!!" "I really really hate you *beep*.." "You're so smart... hingi naman ng grade, yadda yadda yadda" "F*ck, ang baba ng grade ko ma'am! Wag mo nang i-announce!" People, people, people...
Ayan na, papalapt na ang dark green Starex namin. Salamat naman. Natapos rin ang isang araw... Bukas pinto, pasok, upo, bukas aircon, relax. Bukas ulit. Last pahabol nalang... Alam nyo ba, sa Folkien (chinese language), pi-say means kulangot?