Malapit na birthday ko at maeexpire na lisensya ko kaya naisipan kong magrenew ng ng driver's license sa LTO. Nagdecide akong magabsent sa opisina para malakad ko agad. Eh knowing the red tape and tortoise-like pace ng LTO, malamang buong araw ako sa mainit at masikip nilang opisina.
Lunes, May 19: putek, di ako nagising ng maaga kasi madaling araw na ko nakatulog.. so sabi ko sa hapon na lang ako pupunta sa LTO. tulog ulet! tumawag ako sa LTO pagkagising ko ulet ng 11am(hehe!) para itanong mga bagong requirements sa pagrerenew. may drugtest na ngayon a.k.a. "bagong raket". pucha, gastos na naman to. meron pa ring medical na itetest lang naman mata mo, ung magbabasa ka ng letters dun sa chart.. hayop yun, 50pesos wala pang 10 seconds!!! tanginang mga kababayan natin talaga, sobrang business-minded!
Ok, mga 12:30 umalis ako ng bahay.. mejo naiihi ako nun pero naisip ko na isave na lang para sa drugtest. pagbaba ko ng jeep, dumaan ako ng McDo para magsalamin sa CR. lam myo naman, mahangin, nasira hairdo ko. eh ayoko namang mag mukhang gago sa lisensya ko. mukha kasi kong lasing dun sa dati kaya gusto ko namang bumawi, db? habang nagaayos, pakanta kanta pa ko(wala kasing tao sa CR). tapos masyado ata akong nacute-an sa nakita ko sa salamin at naaliw sa pagkanta, pumwesto ko sa urinal at biglang napaihi!! naisip ko na lang pagkatapos na sinasave ko nga pala wiwi ko para sa drugtest! gagong Lex! pero sabi ko, "di bale, lagi naman akong naiihi eh" *confident smile* alam nyo naman yung weird talent ko na yun ryt? "CR boy" pa nga tawag nyo sa kin minsan eh.
Pagdating ko sa LTO, may sumalubong agad na lalaki.. "sir, paparenew kayo?" aa psychic! so sabi ko OO. first stop, medical exam. eto na yung sinasabi kong eye exam! 50pesos pa rin pero this time, 5secs lang! hanep talaga!! tapos, sinamahan ako ng lalaki sa loob ng LTO, kuha ng form at dumiretso na sa drugtest.. binigyan ako ng plastic bottle, "write your name and signature". punta kong CR, pero since lalaki ako(walang magcocontest a!), 'di pwedeng isara ang pinto ng CR. problema, shy type ako. di ako makaihi pag may audience. isa pa, kakaihi ko lang! so nagtry akong umihi.. after 1min, walang lumabas. 2mins, wala pa rin. labas ako ng CR sabi ko maya na lang ulet kasi kakawiwi ko lang. sabi sa kin nung medtek, "bili ka muna ng buko sa labas!"
Bumili ako ng buko. pagkaubos, triny ulet magwiwi.. unsuccessful pa rin! medyo asar na ko nun kasi alam ko na ihiin ako tapos ngayon ayaw lumabas. gusto ko pa namang matapos ng maaga. hanggang 3pm lang kasi cutoff sa LTO so dapat makaihi ako b4 that time. 1:30 pa lang naman so kaya pa siguro. ginawa ko, bumili ulet ng buko. lakad lakad, made "wsshh, wsshh" sounds and stuff! eto na, try ko ulet magwiwi!!! waaaahhhh!!! ayaw pa rin! pinipitik pitik ko na nga si birdie eh(tip 'to ni bjorn sa kin dati para maihi agad), nagshashake shake pa ko. wala talaga!! sai sa kin nung medtek, "relax lang sir. pinapawisan na kayo, lalong mas mahirap umihi nyan".. ah, ok!
Labas ako ulet para bumili ulet ng buko. putek, 2:30 na nun. kailangan ko nang maihi. nakakaiyak na to! di ko akalaing pumapalpak talent ko sa pagihi. katulad ng naunang dalawang buko, wala ring epek ang pangatlo. hiyang hiya na ko dun sa mga tao sa clinic. sabi nila balik na lang daw ako. tutal magaalas tres na, di na rin ako aabot.. sai ko, "sige, balik na lang ako."
Sayang oras, sayang pagod, sayang pagabsent sa opisina! Moral lesson: wag nang titingin sa salamin para magayos ng buhok bago pumunta sa LTO!!! hehehe..
Sori, walang kwentang kwento. salamat sa mga walang magawa at nagbasa nito. just needed a friend to talk to kasi. haha!