Walang Pag-asa
Lyrics By: Poeticprose
Music By: Poeticprose
Date Created: 1995
Date Modified: March 17, 2001
Chord Pattern:
Stanza: D-G (2x)
F#-G (4x) - A
Chorus: D-G-A-D (2x)
F#m-G (2x) - A
I
Minsa'y inabangan sa kanto
Suot ko pa naman ang levi's kong bago
Hindi ko inakala
Siya pala ay iyong kasama
Ang kaisa-isa
At masungit mong ina
II
Ngayon ako'y naghihintay sa labas
Baka sakaling ikaw ay lumabas
Ngunit nagkamali
Ikaw ngayo'y nakangiti
Mayroon kang kasama
Isang lalaking ubod ng pogi
Chorus:
Palagi na lang
Akong hindi makadiskarte
Bukod sa mahiyain
Ako at torpe
Palagi na lang
Itong bulilyaso
Mga plano ko sa iyo
III
Yayain kitang ihatid sa inyo
Handang-handa na at nagpaguwapo
Pero ako ay nabigla
Nang kita'y aking ng niyaya
Mayroon kang dala dala
Toyota '95 Corolla
(Repeat Chorus)
               (
geocities.com/researchtriangle/node/2402)                   (
geocities.com/researchtriangle/node)                   (
geocities.com/researchtriangle)