Kups

	Lyrics By:    Poeticprose
	Music By:     Poeticprose
	Date Created: October 1998 
	
	I
	
	Sinet mo ang alarm para magising ka ng maaga
	
	Tinapat mo pa sa mukha at malapit sa yong tenga
	
	Ngayon umaga na hindi ka pa rin gumagalaw
	
	Mataas na ang sikat at ang sinag ng araw
	
	II
	
	Sa pagmamadali almusal mo ay nalimot na
	
	Ang tren papaalis na kaya late na naman sa opisina
	
	Pagpasok sa opisina kunyari ay walang nakakita
	
	Patay malisya, dumiretso sa yong mesa
	
	Refrain
	
	Hoy KUPS , ka talaga
	
	Hoy KUPS , ka talaga
	
	III
	
	Leyt na nga sa umaga kung magtanghalian ay ang haba pa
	
	At kapag uwian na wala pa sa oras lalarga ka
	
	Ang pinoproblema ay ang yong hahapunanin
	
	Kasi di marunong magluto ng tunay na pagkain
	
	IV
	
	Iyong iniisip kung MakDonalds ba o Pitsa Hat
	
	Pero sa sinigang at sa munggo ikaw ay atat na atat
	
	Kaya sa groseri dumiretso para bumili ng mga sangkap
	
	Pero ng naluto mo na ito kahit ang aso mo ayaw kumagat
	
	Refrain
	
	Hoy KUPS , ka talaga
	
	Hoy KUPS , ka talaga
	
	V
	
	Habang namamalansta, sa tibi nakatutok ang yong mata
	
	Bukas na nga ang vidyo may balak pang makinig ng radyo
	
	Hindi inaasikaso ang hugasan na plato't baso
	
	At umaalingasaw ang basura sa kusina mo.
	
	VI
	
	Magmamadaling araw at mukhang hindi ka pa bibitaw
	
	Sa teleponong hawak mo, mukhang hindi ka pa aayaw
	
	Sa pakikipagusap sa babaeng yong sinisinta
	
	Kaya sigurado ko sa umaga late ka na naman sa opisina
	
	Last Refrain
	
	Hoy KUPS , ka talaga
	
	Hoy KUPS , ka talaga 
	
	Hoy KUPS , ka talaga
	
	Hoy KUPS , ka talaga (fade)
	
	 
	
	CHORD PATTERN:
	
	I, II - VI D---G---D---
	
	Chorus Dsus-D-Dsus-G---D---
	

    Source: geocities.com/researchtriangle/node/2402/songs

               ( geocities.com/researchtriangle/node/2402)                   ( geocities.com/researchtriangle/node)                   ( geocities.com/researchtriangle)