Pag-aawit ng mga puso.
Maagang nagsimba sina Tia Isabel at Maria
Clara: ang dalaga ay nakagayak, may rosaryong ang mga butil ay bughaw na
nakaikot sa kamay at ang matanda ay nakasuot ang kanyang salamin upang mabasa
ang Ancora de Salvacion
(isang aklat dasalan) samantalang nagmimisa. Saglit pa lamang nakaaalis
ang pari sa altar ay sinabi ng dalaga ang kagustuhang makauwi, na ikinamangha
at hindi ikanasiya ng mabait na tiyahin na nag-aakalang ang kanyang pamangkin ay
mapanata at maibigin sa dasal, na katulad ng isang monja. Tumindig
na nagkukurus at paungul-ungol ang butihing matanda. “Ba!
Patatawarin ako ng mabait na Diyos, na
nakakilala ng higit sa puso ng mga dalaga kaysa inyo, Tia Isabel,”[1]
ang nais sanang sabihin sa kanyang tiyahin
upang matigilan ang matigas na sermong na parang sa ina.
Ngayon ay
nag-aalmusal na sila at inaalis ni Maria Clara ang inip sa pamamagitan ng
pagtahi ng isang supot na sutla, samantalang ang tiyahin ay nagpipilit na
alisin ang mga bakas ng nakalipas na kasayahan, kaya sinimulan na ang
pagpapagalaw ng walis. Abala naman si Kapitan Tiyago sa pagbabasa at
pagrerepaso sa ilang kasulatan. Bawat
ingay sa kalsada, ang bawat sasakyang dumadaan ay nagpapatibok sa dibdib ng
dalaga at nagpapanginig sa kanya.[2]
Ah, ngayon ay ninanais niyang muli ang bumalik sa tahimik na beaterio,
kasama ng kanyang mga kaibigan!
“Sa aking
palagay, Maria, may katwirang ang manggagamot,” sabi ni Kapitan Tiyago. “Dapat kang magpunta
sa lalawigan, labis kang namumutla at kailangan mo ng ng mabuting hangin.
Saan mo gusto, sa Malabon… o
“Ngayon ay
pumunta kayo ni Isabel sa beaterio, kunin ang iyong mga damit at
magpaalam sa mga kaibigan mo ,” patuloy ni Kapitan Tiyago na di nagtataas ng
mukha, “hindi ka na muli pang babalik doon.”
Naramdaman
ni Maria Clara ang isang kalungkutan na dinadanas ng isang kaluluwa kapag
iiwanan na sa buong buhay ang isang pook na naging saksi ng kaniyang
kaligayahan, ngunit ang isang panibagong damdamin din naman ay
nakapagpapalambot sa gayong kalungkutan.
“Sa loob
ng apat o limang araw, kapag mayroon ka nang mga bagong damit ay pupunta tayo
sa Malabon… Ang ninong mo ay wala na sa
“Lalong
mabuti sa kanya ang
“Ah, siya
nga!” sagot ni Kapitan Tiyago, ngunit nagbago at nasabing, “si G. Crisostomo!”
Nabitiwan ni Maria Clara ang hawak na tinatahi, nagtangkang kumilos, ngunit
hindi nangyari: isang panginginig ang naglakbay sa kaniyang
katawan. Nadinig ang mga yabag sa hagdanan at pagkatapos ay isang
sariwang tinig ng lalaki.
“Ano ba,
hangal na bata ka, ano ang nangyayari sa iyo?” ang nasabi ng matanda na pinahid
ang isang patak na luha sa kanyang kuluntoy na mata. Si Maria Clara ay napahiya
at tinakpan ang mga mata ng kanyang mabibilog na bisig. “Halika na,
mag-ayos ka!” ang dugtong na masuyo ng matanda. Samantalang kinakausap
niya ang ama mo tungkol sa inyong… halika, at huwag mo siyang paghintayin.” Ang
binibini ay napadalang parang batang maliit at nagkulong sila sa kanyang silid.
Si Kapitan
Tiyago at si Ibarra ay nag-uusap na mabuti nang lumitaw si Tia Isabel na halos
kinakaladkad ang kanyang pamangkin, na pasuling-suling ang mga mata ngunit
hindi tumitingin sa tao.
Ano kaya
ang pinag-usapan ng dalawang kaluluwang iyon na nag-uusap sa pamamagitan ng ng
mga mata, na lalong mabuti kaysa sa bibig, usapan ng mga kaluluwa upang ang
tunog ay di makagulo sa kaligayahan ng damdamin? Sa mga sandaling ang
isipan ng dalawa ay nagkakaunawaaan sa pamamagitan ng titig, ang salita ay
nagiging mabagal, pahinto-hinto, at mahina, na nagiging parang maugong na tunog
ng kulog sa nakasisilaw na liwanag at tulin ng kidlat: ipinahahayag
ang damdaming kilala na, isang isipang batid na, at kung ginagamit ang
pangungsap ay sa dahilan lamang sa kasabikan ng puso, na nakakasakop sa buong
pagkatao na inaagusan ng kaligayahan, ay may nasang ang buong sangkap ng
tao, na kasama ang lahat ng kabagayan ng pag-iisip at katawan ay magpahayag ng
maligayang kagalakang inaawit ng kaluluwa. Sa mapagtanong na titig
ng pag-ibig, ay walang maisagot ang pangungusap: ang sagot na palagi ay ang ngiti, ang halik o buntung-hininga.
Pagkatapos
nang pagtitigan ang magkasintahan, ay mabilis nilang tinakasan ang alikabok na
galing sa walis ni tia Isabel at nagtungo sa asotea upang malayang makapag-usap
sa lilim ng munting balag, ano kaya ang pinag-usapan nilang pabulong, at kayong
mumunting bulaklak na pula ng cabello de angel na nakikinig? Kayo
ang magsabi sa amin, yamang kayo ay may mabangong halimuyak sa inyong hininga
at may kulay sa inyong mga labi; ikaw, simoy ng hangin, na nag-aral ng mga
di-karaniwang himig sa lihim na taglay ng gabing madilim at sa hiwagang taglay
ng aming di pa natuntungang mga kagubatan; kayo ang magsabi, mga sinag ng
araw, na siyang maningning na larawan sa lupa ng Lumikha,[4]
tanging walang katawan sa pook ng mga nilalang, kayo ang magsabi, kayo, sapagkat
ako ay walang abot na isalaysay kundi mga kabaliwang walang kainaman!
Subalit
ayaw kayong magsalita ay tatangkain ko nang gawin ito sa aking sarili. Ang
langit ay bughaw: isang masarap na simoy na hindi pa nasasamyuan ng amoy
ng rosas ang nagpapagalaw sa mga dahon at mga bulaklak ng mga halamang gumagapang
sa balag, kaya marahang gumagalaw ang mga cabello de angel, sa mga
orkidyas na nakabitin, mga isdang tuyo at mga lamparang Insik. Ang tunog
ng sagwan na humahalo sa malabong tubig ng ilog, ang pagdaraan ng mga sasakyan
at karo sa tulay ng Binondo ay umaabot sa kanila, ngunit ang hindi nila
naririnig, ngunit hindi ang ibinubulong ng ale. “Mabuti nga, diyan at
mababantayan kayo ng lahat ng kapitbahay,”[5]
ang sabi nito.
Sa simula
ay walang pinag-usapan kundi mga paksang walang kabuluhan, mga masasarap na
kasinungalingan na katulad sa mga pagyayabang ng mga bansa sa Europa;[6]
naiibigan at nasasarapan ng mga mamamayan sa bayang nagsasalita ng kayabangan
ngunit nagpapangiti o nagpapakunot ng kilay sa mga taga-ibang lupa. Ang
babae, dahilan sa kapatid ni Cain, ay selosa, kaya nagtanong sa kanyang giliw:
“Palagi mo ba akong naalaala, hindi mo ba ako nalimutan sa iyong mga
paglalakbay; sa gayon karaming malalaking bayan, na maraming magagandang babae…!”[7]
Ang
lalaki naman, ay isa pang kapatid ni Cain, marunong umiwas sa mga katanungan at
sumagot na kaunting kasinungalingan,: “Maaari bang kitang malimot?” ang
sagot habang na nakatitig sa maitim na mata ng babae, “maaari ba ako ay
magtaksil sa isang sumpa,[8]
[1]
[2] Inilalaraawan ang labis na pagkainip ng isang babae sa nalalapit nilang pagkikita ng katipan.
[3]
Pansinin ang pagdagil na ito ni Rizal kay San Antonio Abad. Ang nabanggit na
santo ay tinukso ng diablo sa disyerto at sa dakong huli ay namuhay na isang
ermitanyo. Sinabi ni Rizal na mapalad si
[4] Pansinin ang sinabing ito ni Rizal - ang liwanag ng araw na maningning na larawan sa lupa ng Lumikha, at ikumpara ito sa mga larawan at rebultong inanyuan ng mga santo/santa sa simbahan. Ito rin halos ang naging sagot ni Rizal sa kaniyang pakikipagtalong pang-teolohikal sa pamamagitan ng pakikipagsulatan kay Padre Pablo Pastell, sa panahon na si Rizal ay nasa Dapitan.
[5] Mapapansin dito na palaging may hinalang gagawing “hindi mabuti” ang magkasintahan. Ibig sabihin ni Tia Isabel ay upang makaiwas sa tsismis ang nag-uusap na magkasintahan.
[6] Ang usapan ng magkasintahan ay mga kayabangan (pambobola) na ang layunin ay higit na magpatawa kaysa sa magpahanga. Katulad ng mga bansa sa Europa na nagyayabang ng kanilang mga kahusayan, na kinakainis ng kanilang mga bansang karibal sa kapangyarihan.
[7] Makikita ang pagiging selosa ng mga babae – ito pa rin halos ang hanay ng kanilang katanungan ngayon.
[8] Ang mga lalaki ay sadyang nagsisinungaling upang umiwas sa mga paselos na tanong ng minamahal. Tapat ba si Ibarra kay Maria Clara? Pansinin ang nakasulat sa Kabanata 5 – na nagbubuhos ng alak sa mga bulaklak.