Maghati-hati kayo at saka maghari
(Maquiavelo).
Sinu-sino
ang mga naghahari sa bayan? Si Don Rafael, noong nabubuhay pa ay hindi
naghahari-harian sa bayang ito, sa kabila na siya ang pinakamayaman,
nagmamay-ari ng pinakamalaking lupain at may utang na loob ang halos lahat sa
kanya. Dahilang sa siya ay mapagkumbaba ay sinikap niyang na huwag
pahalagahan ng iba ang kaniyang kabutihan, hindi siya nagkaroon ng maraming
kakampi sa bayan, at siya ay kinalaban nang makita na nasa masamang kapalaran.[1]
Si Kapitan
Tiyago kaya? Na kung dumadating sa San Diego ay sinasalubong ng mga
nagkakautang sa kaniya ng orkesta, ipinaghahanda ng piging at pinupuno ng
maraming handog, napupuno ng mga pinakamabuting prutas, ang kaniyang hapag;
kapag nakakahuli ng usa o baboy-damo ay napupunta sa kanya ang isang hita;
kapag nabati ang kabayo ng isang may utang, kalahating oras pa lamang at ang
kabayo ay nasa kanyang kuwadra. Ngunit sa kabila nito, siya ay pinagtatawanan
sa talikuran at tinatawag na sakristang Tiyago.[2]
Ang
kapitan kaya ng bayan?[3]
Siya ay isang nakahahabag na nilalang,
hindi nag-uutos, siya ang sumusunod; hindi nagagalit kaninuman, siya ang
napapagalitan; hindi nagpapasiya, may nagpapasya para sa kanya, ngunit siya ang
nanagot sa Alcalde Mayor[4]
sa lahat ng ipinag-utos, ipinagawa at ipinasya para sa kanya, na parang ang
lahat nang iyon ay lumabas sa kanyang isipan;[5]
ngunit dapat ipagtapat, alang-alang sa kanyang karagalan, na ang tungkuling
hinahawakan ay hindi niya ninakaw,[6] ni
kanyang nakuha sa panlulupig;[7]
kaniyang ginastusan ng limang libong piso at maraming kahihiyan, subalit ang
gayong mga ginugol ay iniisip niyang maliit dahil sa kanyang kinikita.[8]
Kung
gayon, ang Diyos kaya? Ah, ang mabait na Diyos ay hindi nang-iistorbo sa
mga budhi o maging sa pagtulog ang mga mamamayan: hindi Niya
pinanginginig ang mga tao, at kung sa isang pagkakataon ay mabanggit ang
kaniyang pangalan sa isang sermon, ay tiyak na sasagi sa kanilang pag-iisip,
samantalang nagbubuntung-hininga ng: “Kung iisa lamang sana ang Diyos!”[9]
Ang taong bayan ay hindi malabis na nag-aabala sa mabuting Panginoon: sapat
na ang kaabalahan na kanilang iniuukol sa mga santo at santa.[10]
Sa paniniwala ng mga taong bayan, ang Diyos, ay naging katulad ng mga
kahabag-habag na haring napapaligiran ng mga maharlika: at sa ganito
ang mga huli ang pinapahalagahan ng mga tao.[11]
Ang San
Diego ay isang parang lunsod ng Roma, ngunit hindi ang Roma sa kapanahunang ng
tusong si Romulo[12]
nang lagyan niya ng muog ang lunsod sa tulong ng kanyang araro; o sa kapanahunang siya ang nagdidikta ng
mga batas ng buong mundo dahilan sa kakayahan niyang magpaagos ng sariling
dugo at nang sa kaniyang mga kalaban:[13]
ang San Diego ay kahawig ng Roma sa kapanahunang ito,[14]
at walang ipinagkaiba kundi ang istraktura sa Roma na may mga monumentong
marmol at mga coliseo, sapagkat
sa San Diego ay may mga monumentong sawali at sabungang pawid. Ang
kura ay siyang Papa na nasa Vaticano; ang alferez ng Guwardia Sibil ay
siyang Hari sa Italya na nasa Quirinal, dapat na maunawaan na alinsunod sa
pagkakalagay ng sawali at sabungang pawid. At dito,
Si Padre
Bernardo Salvi ay ang bata at tahimik na Pransiskano na naipakilala na
namin sa unahan. Ang kanyang mga pag-uugali at kilos ay naiiba sa marami
niyang kasamahan at lalo pa sa kanyang pinalitan na magagaliting si Padre
Damaso. Siya ay payat, masasakitin, palaisip, mahigpit sa pagtupad sa
kanyang mga tungkulin sa pagkapari at maingat sa maaring masabi sa kanya.[15] Makaraan
ang isang buwan mula nang siya ay dumating ay halos sumapi ang lahat sa V.O.T.,
bagay na ikinalungkot ng karibal nilang cofradia ng Santisimo Rosario.[16]
Napapalundag niya ang sariling
kaluluwa sa kagalakan sa pagkakita na sa bawat leeg ay may nakasuot ng apat o
limang kalmen at sa bawat baywang ay corea..[17]
at ang mga prusisyon ng mga patay o
mga multo na ang suot ay abitong ginggon.[18]
[1] Si Don Rafael ay dugong Espanyol at mayaman, ngunit walang hilig sa pulitika. Dahilan sa walang paksiyon ng mga tao na nabuo sa kaniyang panig, sa panahon ng kaniyang masamang kapalaran ay wala siyang nakitang kakampi.
[2] Si Kapitan Tiago ay kinatatakutan dahilan sa may pautang ngunit pinagtatawanan sa talikuran.
[3] Kapitan ng Bayan (gobernadorcillo) – sa panahon ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas ay siyang pinakamataas na pinuno ng bayan/ (katumbas ng ating punong-bayan). Sa panahon ng Espanya sila ay pinipili ng taunan sa halalan ng isang lupon ng mga principalia at ang resulta ng pagpili ay pinagtitibay ng kura paroko.
[4]
Katawagan
[5] Ito ang kasamaan na ang mga lokal na opisyal ay pisil sa ilong ng matataas na pinuno ng lalawigan.
[6] Nangangahulugan na hindi niya natamo ang katungkulan sa pamamagitan ng pandaraya.
[7] Hindi rin nakuha ang kapangyarihan sa pamamagitan ng mga armadong tauhan. (guns and goons)
[8] Subalit ipinapakita rito ni ni Rizal na ginagastusan ng malaki ang isang pinunong bayan ang kaniyang katungkulan (gold), ngunit hindi niya iniinda ang nasabing malaking halaga dahilan sa mayroon siyang pakinabang mula dito. Ang kalakarang ito ay nagpapatuloy pa hanggang sa kasalukuyang panahon.
[9] Kung iisa lamang
[10] Ipinapakita na ang mga Pilipino noon (at maging ilan sa ngayon) na mas takot sila sa kanilang mga santo at santa kaysa sa Diyos.Halimbawa: kapag nagkakasakit ay hinihikayat ang maysakit na ipagdasal sa kanilang mga santo/santa na pinaniniwalaan na nagtatagalay ng himala at kung mamamatay ang may sakit ay sasabihin “kalooban ng Diyos.”
[11] Pagsundot sa mga Pilpino–higit na pagpapahalaga sa kanilang mga santo, kaysa sa Diyos.
[12] Romulo – ayon sa alamat siya at ang kaniyang kapatid na si Remus ang nagtatag ng lunsod ng Roma at kinalaunan ay kaniyang pinatay ang sariling kapatid na si Remus, upang mag-isang pagharian ang lunsod. Makikita sa alamat na ito na ang pulitikal na interest ay sumisira hindi lamang ng pagkakaibigan, kundi maging pati na ng magkakapatid.
[13] Ang tinatalakay ang panahon na ang Roma ang pinakamakapangyarihang imperyo ng mundo.
[14] Ang San Diego ay katulad ng Roma – ang paglalarawan ni Rizal ay sa kaniyang kapanahunan na nagaganap ang hidwaan sa pagitan ni Papa Leo XIII (papa 1878-1903) noong ang Vaticano ay hindi pa estado at ng Haring ng Italya na si Humbert I (hari 1878-1900).
[15] Dalawa ang maaring maging kahulugan ng maingat – una, ay hindi gumagawa ng paglabag; at pangalawa, magaling na magtago ng paglabag sa kautusan ng simbahan. Ang ikalawa ang higit na katangian ni Padre Salvi.
[16]
Mayroong nagaganap karibalan sa gawaing pangkabanalan ang dalawang magkaibang
kapatiran sa parokya ng
[17] Bakit umiindak ang kaniyang kaluluwa sa kagalakan (lihim ang kaligayahan at hindi ipinapakita sa iba) sa pagkakita ng maraming kalmen sa leeg at corea (isang lubid na may buhol) sa baywang? – Ito ay dahilan sa siya ang nagbibili ng mga ito sa taga parokya. Pansinin ang puhunan at presyo ng mga paninda ng mga religious items na ito:
Religious charms of all sorts were very visible part of the popular religion. They were bought mainly from the friars and priests. Del Pilar disapprovingly noted that the money spent by the people for these items constituted a disguised tribute to “monkism.” All sorts of scapulars, rosaries, and belts or waist cords invested in with varying degrees of miracalous powers were manufactured in the convents and sold at prices that yielded a return of 1,000 percent on cost. Narrow leather cords worn around the waist by members of cofradias (brotherhoods or sisterhoods) cost some five centavos to produce but sold for sixty two and half centavos after having been sprinkled with holy water and blessed with magic incantation.
Old woolen trousers given away free by
students were cut into hundreds of small round or square pieces; these were
made into scapulars which were sold at thirty one centavos each. Del Pilar
identifies the
Corpus, O.D. Roots of the Filipino Nation Vol. II pp. 58-59
Ikaw man ang nag-iisang nagtitinda ng kalakal (na katulad ni Padre Salvi) sa sa lahat ng tao sa isang bayan, hindi ka kaya maging maligaya? Mula dito ay maari din ninyong maisip ang laki ng kagalakan ng mga negosyonte sa bansa na ang kanilang kompanya ay mayroong monopolyo ng produktong labis na kinakilangan ng mga tao o kung may kakumpitensiya ay mayroon namang silang cartel?
[18] Dito higit na nagagalak o maaring
humahalakhak pa si Padre Salvi – prusisyon ng mga patay o multo –
isa sa mga pinaniniwalaan