Ang tanging bagay marahil na hindi mapagdududahan na ipinagkaiba ng tao sa
hayop ay ang pagmamahal sa kanilang mga pumanaw. Nakapagtataka na ang
pag-uugaling ito ay malalim na nag-uugat doon sa mga bayang lalong nahuhuli sa
kabihasnan. Sinasabi ng mga mananalaysay na ang mga sinaunang naninirahan sa
Pilipinas ay gumagalang at sumasamba sa kanilang mga ninuno;[1]
ngayon ay kabaligtaran ang nangyayari: ang mga patay ay siyang
nakikiusap sa mga buhay.[2]
Sinasabing itinatago sa kahong gawa sa kahoy ang mga buto ng kanilang mga
namatay na katulad ng mga taga - Nueva
Guinea at patuloy na kanilang kinakausap; maraming bayan sa Asya, Aprika at
Amerika ang nag-aalay sa mga patay ng kanilang mga pinakamasarap na
pagkain o paboritong kinakain ng namatay noong buhay, at nagdadaos pa sila ng
piging na inaakala nilang dinadaluhan ng mga yumao. Ang mga Ehipsiyo ay
nagpapatayo nang mga palasyo, ipinagtatayo sila ng munting dambana ng mga muslim,
atbp., ngunit ang bayang pangunahin sa bagay na ito ay lalong nakakilala ay ang
Kami ay naiiba sa lahat. Kahit na
may mga nakasulat sa mga libingan, ay walang naman kahit isa na naniniwalang
ang mga patay ay nagpapahinga, at lalong walang naniniwala na sila ay nasa
kapayapaan[4]. Ang mga mabuting mag-isip ay naniniwala na
ang kanilang mga ninuno ay tinustusta pa sa purgatoryo, at kung hindi pa
nakakaalis ay maaring makakasama pa nila doon nang mataga-tagal na panahon.[5]
At kung mayroong pagnanais na kumontra sa aming sinasabi ay dumalaw sila sa
aming mga simbahan at mga libingan sa buong araw ng Todos Los Santos, magmasid
at makikita.
Dahilan sa tayo ay nasa bayan ng San Diego
na, ay dalawin natin ang kanyang
sementeryo, matatagpuan sa gitna ng mga palayan sa kanlurang bahagi, hindi ang
bayan, kundi ang nayon ng mga patay: ang daang tungo dito ay isang
makipot na landas na maalikabok kung tag-init, at mapapamangkaan kung tag-ulan.[6]
Isang pintuang kahoy at bakod na ang kalahating bato at ang kalahating kawayan
at sanga, ang siyang naghihiwalay sa kanya sa bayan ng mga buhay, ngunit hindi
nakakapigil sa pagpasok ng mga kambing ng kura at ilang baboy ng mga kalapit na
pumupunta doon upang magsiyasat sa mga libingan o kaya ay bigyan ng buhay ang
kapanglawang iyon.
Sa kalagitnaan ng malawak na bakurang iyon ay may nakatayong isang
malaking krus na kahoy na nasa ibabaw ng mataas na bato. Niyupi na ng
bagyo ang latang INRI[7]
at ang letra ay binura na ng ulan. Ang paanan ng krus ay
katulad ng sa tunay na Golgota, nakabunton na magkakahalo ang mga bungo at
kalansay na basta-basta na lamang inihahagis doon ng walang pakundangang
supulturero na abala sa pagkakuha ng mga ito sa libingang inaalisan niya ng
laman.[8]
Tila sa lugar na iyon nila hinihintay, hindi ang kanilang muling pagkabuhay,
kundi ang pagdating ng mga hayop na sa pamamagitan ng binabawas na tubig mula
sa kanilang mga katawan ay makapagbigay init at humugas sa malalamig at
nakatiwangwang na mga butong iyon. Mga bagong hukay ang makikita sa mga
paligid: sa isang dako lubog ang lupa, sa ilang dako ay may waring
bunduk-bundukan. Ang halamang tarambulo at pandakaki ay malusog na
tumutubo roon; ang una ay upang ang kanyang matitinik na bunga ay makatibo ng
mga binti, at ang pangalawa ay upang ang kanyang amoy ay makadagdag, sakaling
ang amoy ng sementeryo ay kulang pa. Gayunman, nakasabog sa lupa ang
ilang maliliit na bulaklak, mga bulaklak na, gaya ng mga bungo ay wala nang
makakilala sa kanila kundi ang Lumikha:[9]
ang kanilang mga talutot ay nagpapakita ng maputlang ngiti, at ang kanilang
halimuyak ay katulad ng amoy ng libingan. Ang damo at mga halamang
gumagapang at pumupuno sa mga sulok, gumagapang sa mga bato at kumakapit sa mga
nicho at sa gayon ay kaniyang pinagaganda ang kapangitan ng kaniyang
hubad na anyo; kung minsan ay pumapasok sila sa mga bitak na gawa ng mga lindol
at itinatago sa paningin ang mga iginagalang na guwang ng mga libingan.
Sa sandali ng ating papasok ay nabugaw na
nang ilang mga tao ang mga hayop; mangisa-ngisang baboy na lamang, hayop na
mahirap pasunurin, nakasilip sa pamamagitan ng pagpapasok ng kanilang ulo sa
isang malaking sira ng bakod, itinataas ang nguso, at waring ang ibig sabihin
sa isang babaing nagdarasal, ay: “Huwag mong kaining lahat, magtira ka
naman sa akin ng kaunti, hane?”[10]
Dalawang tao ang naghuhukay malapit sa
maguguhong pader: ang isa sa kanila ay ang sepulturero na parang walang
anuman sa kanya ang ginagawang iyon: inihahagis ang mga kalansay, na
tulad lamang ng isang hardinero na ang inihahagis ay parang bato at mga tuyong
sanga; samantalang ang kasama niya ay gumagawang bantulot, pinagpapawisan,
humihitit at maya at mayang dumudura.
“Hoy,” sabi sa wikang Tagalog ng
humihitit, “hindi kaya mabuting sa ibang lugar na tayo humukay? Bago pa
ito.”
“Pare-parehong dati na ang lahat ng iyan!”
“Hindi ko na kaya ito! yang binali
mong buto, nagdudugo pa! At may
mga buhok pa”.
“Napakaselang mo naman! para kang
empleyado sa Tribunal!”[11]
ang parunggit ng isa, “Kung ikaw kaya ang humukay ng isang bangkay na
dalawampung araw pang lamang nakalibing, gabi at umuulan… namatay ang aking
ilawan…”[12] Ang
kasama niya ay kinikilabutan.
“Natanggal ang mga pako ng kabaong, ang
bangkay ay halos lumabas na, napakatindi ng amoy… at pinasan ko pa … at
dahil sa umuulan ay kapwa kami basa, at…”[13]
“Ha!…At bakit mo hinukay sa libingan?”
Patakang tanong na nakatingin sa sepulturero.
“Bakit? Ano ang malay ko?
Iniutos sa akin!”
“Sino ang nag-utos sa iyo?”
Ang sepulturero ay napaurong at
pinagmasdan mula ulo hanggang paa ang kasamahan. “Ano ba?, para kang
Kastila; iyan din ang lihim na tanong sa akin ng isang Kastila, pagkatapos.[14]
Sasagutin kita
[1] Kapapansinan ito ng malalim na kaalaman ni Rizal sa pre-kolonyal na kabihasnang Pilipino.
[2]
Ayon kay Rizal ay binago ng kolonyalismo ang pananaw ng mga Pilipino sa mga
yumao. Bago tayo masakop – ang
espiritu ng mga namatay ang tagapamagitan ng taong buhay sa mga diyos.
Ito ang dahilan kung bakit ang mga sinaunang tao sa Pilipinas ay nagkakaroon ng
pagsamba sa kanilang mga yumaong ninuno sa anyo ng anito na kanilang
pinaniniwalaan na ang espiritu ng mga sumakabilang buhay ay nagliligtas sa
kanila sa mga kapahamakan. Sa panahon ng
pananakop hanggang sa ngayon ang mga
taong buhay ang gumagawa ng paraan upang ang mga namatay ay makalapit sa Diyos
sa pamamagitan ng mga pamisa o ritwal pang-relihiyon. Ang huling hanay
ng paniniwala ang pinalaganap sa Pilipinas at pinakinabangan ng malaki ng mga
prayle.
[3] Dito makikita ang malalim na interes ni Rizal sa pag-aaral ng etnograpiya.
[4] Nakalagay sa maraming mga lapida ang “Namamahinga sa Kapayapaan” ngunit ang katotohanan ay lagi silang ginugulo ng mga padasal at iba pang mga seremonyang pansimbahan.
[5] Ipinakita rito ni Rizal ang kawalan ng lohika ng purgatoryo – ang isang namatay na ipinagdadasal ng kaniyang anak sa maraming taon, kapag namatay ang anak na ito ay magkakasama pa sila sa purgatoryo.
[6] Sa
paglalarawan ni Rizal sa daanan sa sementeryo ng
[7] INRI – Iesus Nazareno Rex Ieudaerum (Jesus Nasareno Hari ng mga Hudyo).
[8] Kawalan ng ayos ng paghukay at pag-aalis ng mga buto at kalansay mula sa mga libingan.
[9] Ang dami ng mga halaman sa lupa ng Pilipinas na tumutubo kahit saan. Sa pagsasabi niya na maraming mga halamang hindi pa kilala o wala pang siyentipikong pangalan ay isang paraan ni Rizal upang hikayatin ang mga naninirahan sa ibang lupa na magkaroon ng interest siyentipiko sa Pilipinas. Dahilan sa maraming mga halaman sa Pilipinas ang wala pang siyentipikong pangalan, nagpapakita ito na hindi pa ito napag-aaralan, lalo na ang mga taglay nitong kahalagahang medisinal at potensiyal na pangkabuhayan.
[10] Inaakala ng baboy na ang babaeng nagdadasal sa ibabaw ng libingang lupa ay kumakain din ng halaman o ng anuman bagay na bulok at nakikiusap sa babaeng nagdarasal na tirhan siya. Sa artikulo ni Rizal na Hayop ni Suwan ay inilarawan ni Rizal ang prayle bilang baboy. Kung pagbabasehan ang baboy sa hayop ni Suwan ay ito ang masakit na biro ni Rizal sa mga prayle na tila baboy na nakikinabang ng malaki sa simenteryo, dahilan sa mga pamisa sa patay, pagpapalibing sa libingan, at taunang pamisa.
[11] Ipinapakitang suplado ang empleyado ng gobyerno kahit sa opisina lamang ng bayan.
[12] Ang sepulturerong nagsasalita sa bahaging ito ay matagal na sa gawain ang kwento ay tungkol sa ginawa nyang paghukay sa bangkay ni D. Rafael.
[13] Sa kuwento ng sepulturero ay makikita ang kakila-kilabot na eksena ng ginawang pagkuha sa bangkay ni Don Rafael.
[14] Makikita ang husay ni Rizal sa pagsulat – nagawa niyang maikuwento ang paraan ng ginawang pag-iinbestiga ni Tinyente Guevarra sa pamamagitan ng kuwentuhan ng sepulturero at katulong nito.