Tatlong araw ang lumipas, pagkatapos ng aming isinalaysay na pangyayari.
Ang tatlong araw na ito, kasama ang kanilang mga gabi, ay iniukol ng bayang San
Diego sa paghahanda sa kapistahan at mga sali-salitaan, na sabay sa
bulung-bulungan.[1]
Samantalang inaasam ang mga sasapit na kasayahan, ang ilan ay pinupulaan ang
kapitan, ang iba ay tinyente mayor, ang iba ay
kabataan, at hindi sila mawawalan ng taong sisihin sa lahat ng
pangyayari.[2] Pinag-uusapan
ang pagdating ni Maria Clara, na kasama ni Tia Isabel. Ikinatutuwa nila
ang gayon dahil mahal sa kanila, at sabay sa paghanga sa kanyang kagandahan ay
nahahanga rin naman ang mga tao sa mga pagbabago ng ugali ni Padre Salvi.[3]
“Madalas ay nagkakamali kung nagmimisa; hindi na nakikipag-usap nang madalas at
halatang-halata na lalong pang namamayat at lalong nagiging malungkot,[4]”
sabi ng mga babaeng kaniyang kinukumpisal. Namamalas ng tagaluto ang
kanyang mabilis na pamamayat at na masama ang loob dahil sa hindi halos
tinitikman ang kanyang mga inihahain. Datapwa’t ang lalong nagpapatindi
ng mga bulung-bulungan ng tao ay ang pangyayaring nakakikita sa kumbento ng
mahigit sa dalawang ilaw kung gabi, samantalang si Padre Salvi ay nasa ibang
bahay…[5]
sa bahay ni Maria Clara! Ang mga lay
sister ay nagku-krus ngunit patuloy rin sa kabubulong.[6]
Si
Juan Crisostomo Ibarra ay tumelegrama buhat sa kapitolyo ng lalawigan at bumati
kay Tia Isabel at sa pamangkin nito, ngunit hindi sinasabi ang dahilan ng
pag-alis niya. Marami ang nag-aakalang siya ay nakabilanggo dahil sa
ginawa niya kay Padre Salvi nang kinahapunan ng Araw ng mga Patay. Ngunit
ang mga haka-haka ay nagbago nang makita siya nang hapon ng ikatlong araw na bumaba
sa harapan ng bahay ng kanyang katipan at bumating magalang sa pari na
magpupunta rin doon.
Tungkol
kay Sisa at sa mga anak nito ay walang nangagambala.[7]
Kung
magtutungo tayo ngayon sa bahay ni Maria Clara, isang magandang pugad na
napapaligiran ng mga puno ng suha at ilang-ilang, aabutan pa natin ang
magkasintahan na nakadungaw sa isang bintana na tanaw ang lawa. Ang
nagbibigay ng lilim doon ay mga bulaklak at mga halamang gumagapang na
nagsasabog ng bango at kumakapit sa mga kawayan at mga kawad.[8]
Ang kanilang
mga labi ay bumubulong ng mga salitang masarap pa kaysa lagaslas ng mga dahon
at mahalimuyak pa kaysa hangin na may dalang bangong buhat sa halamanan.[9]
Iyon ang mga sandaling sinasamantala ng mga sirena sa lawa,[10] ang
dilim ng matuling pagtatakip-silim upang idungaw sa ibabaw ng mga alon ang
kanilang mumunting ulo upang hangaan at batiin ng kanilang awit, ang paglubog ng araw.[11]
Sinasabing ang kanilang mga buhok at mga mata ay bughaw, may koronang dahon ng
mga halamang tubig na may bulaklak na pula’t puti; sinasabing paminsan-minsan
ay inilalantad ng maputing bula/foam
ang kanilang parang mga nililok na katawan, na maputi pa kaysa bula,[12] at
kung ganap ng kumalat ang gabi ay sinisimulan nila ang kanilang mga
nakawiwiling laro/divinos juegos[13] at
nagpapadinig sila ng mahihiwagang taginting na katulad ng tunog ng alpa;[14]
sinasabi rin…[15] ngunit balikan natin ang magkasintahan at
pakinggan natin ang pagtatapos ng kanilang usapan.[16]
sabi ni Ibarra kay Maria Clara ay: “Bukas, bago magbukang-liwayway, masusunod ang
iyong kagustuhan gagawin kong lahat ngayong gabi upang huwag magkulang ng
anuman.”
[1] Ang tsismis ay isa sa
mga pangunahing libangan at pampalipas oras ng mga Pilipino.
[2] Mapapansin ang
opinyong publiko sa mga isyung pambayan – nahahati ang mga tao ayon sa kanilang
pinaniniwalaan o sinisisi sa bawat pangyayari.
[3] Napapansin ng mga
taga
[4] May iba at palaging iniisip, laging gustong nag-iisa (bakit
kaya? Bahala ka ng sumagot), nalulungkot (may kasintahan na
ang kaniyang minamahal at wala siyang kalayaan na makapagpahayag ng pag-ibig) at nakapagpapayat sa kaniyang katawan.
[5] Talagang dito ay
mayroong ipinahihiwatig si Rizal na may iba pang bahay na pinupuntahan si Padre
Salvi at ang bahay ni Maria Clara ay isa lamang. Bakit nagtataka ang mga tao na
may ilaw? Kuripot si Padre Salvi, (katulad ng mga taong para makatipid ay
pinapatay ang ilaw), kaya nag-iiwan ng ilaw si Padre Salvi ay upang huwag
isipin ng mga malisyoso na wala siya sa kumbento – sa ganitong paraan ay
masasabi natin na si Padre ay “nagtatago
sa liwanag”
[6] Bakit kaya
nagku-krus ang mga lay sister ? –
siguro ay naghihinala na mayroong ginagawang hindi tama si Padre Salvi -
makatwiran ang kanilang pagmamalasakit upang mapanatili ni Padre Salvi ang
kalinisan ng kaniyang tungkulin. Bakit
naman sila bubulong-bulong? Maaring nagkukuwentuhan o nagseselos.
[7] Ang mga mahirap ay
hindi pinagtutuunan ng pansin ng mga tao.
[8] Ibig sabihin, sina
Ibarra at Maria Clara lamang ang magkasama – solong-solo nila dahilan sa
wala pa si kapitan Tiago. Si Tia Isabel
naman ay kausap si Padre Salvi.
[9] Ang kanilang mga
labi ay bumubulong ng mga pangungusap, na masarap pa kaysa lagaslas ng mga
dahon at mahalimuyak pa kaysa hanging may dalang bangong buhat sa halamanan
– ano kaya ang ginagawa ng kanilang mga labi? Ibarra wala lang ang ama
ng dalaga ay nagkakaganyan ka na.
[10] Iyon ang mga
sandaling sinasamantala ng mga sirena sa lawa – Maria Clara, wala lang
ang ama mo ay nagkakaganyan ka na – behave,
huwag mong sirain ang iyong
magandang imahe.
[11] Ano kaya iyong
idinudungaw na mga ulo upang batiin ng kanilang mga awit ang paglubog ng araw?
– ikaw na ang bahalang umintindi at kung
magkapareho tayo ng pagkakaunawa sa mabulalak na pananalita ni Rizal, ang
maipapayo ko lamang sa iyo ay tumakbo ka na sa pinakamalapit na kumpisalan.
[12] sinasabing paminsan-
minsan ay inilalantad ng maputing bula/foam
ang waring mga nililok na katawan ng sirena, na maputi pa kaysa bula –sa
paglalarawan ng katawan ng sirena, hindi ko sinasabing katawan ni Maria Clara
–sa unang paglalarawan ni Rizal na maputi si Maria Clara, “mas maputi pa kaysa sa
bulak”
[13] kawili-wiling laro/divinos juegos– ano kaya iyon? -
nakakaintriga naman ang larong iyon.
[14] nagpapadinig sila ng
mahihiwagang taginting na katulad ng tunog ng alpa – Teka, pag naglalaro ng divino juegos ay makakarinig ng
mahiwagang taginting mula sa mga manlalaro (teka, mataas ang pitch ng tunog na
iyon) – kung hindi ako nagkakamali, iyon ang tunog na kapag narinig mo,
mapipilitan kang tumigil sa anumang iyong ginagawa, at ang iyong buong isipan
ay mapapatuon sa iyong tenga.
[15] sinasabi rin… - ang lakas na mambitin,
[16] sinasabi rin… ngunit
balikan natin ang magkasintahan at pakinggan natin ang katapusan ng kanilang
usapan – ayon naman pala, nakalimot lang naman pala - si Rizal at hindi
nabantayan ang magkasintahan at nangangarap lang pala ng tila kulay berdeng
kaganapan. Mabuti na lamang at abala si Rizal sa paglalarawan ng kapaligiran at
mga imahinatibong eksena, kung hindi ay walang pagkakataon na magsolo ang
magkasintahan…. Iipagpatuloy ninyo ang pagbabasa ng nobela – baka meron
tayong makita na magpapatunay na ang
dalawang magkasintahan ay nagkaroon ng
matatamis na sandali…