Ang mga bituin ay nagkikislapan pa sa bubungan ng asul ng langit at ang mga
ibon ay natutulog pa sa mga sanga, nang ang isang pangkat ng masasayang
magkakasama ay lumalakad sa mga lansangan ng bayan at papunta sa lawa, sa
tulong ng tanglaw ng mga sulong may sahing na tinatawag na huwepe. Ang mga ito
ay limang dalaginding na matutulin ang
lakad, hawak-hawak ang mga kamay o nakahawak sa kani-kanilang baywang na
sinusundan ng ilang matandang babae at mga alilang may sunong na bakol na puno
ng kakanin, pinggan, atbp. Sa pagkakita sa mga mukhang naglalarawan ng
kabataan at kinasisinigan ng mga pag-asa, pagkatanaw sa ayos ng kanilang
maiitim at malagong buhok na nililipad
ng hangin, at ang malalapad na tiklop ng kanilang mga damit ay
mapagkakamalan silang mga diwata sa gabi
na tumatakas papalayo sa araw, kung hindi natin alam na sila ay sina Maria Clara na kasama ang
apat niyang kaibigan: ang masayang si Sinang na kanyang pinsan, ang
seryosong si Victoria, ang magandang si Iday at ang mapag-isip na si Neneng,
ang may kagandahang mahinhin at matatakutin. Masaya ang kanilang pag-uusap, sagutan,
nagtatawanan, nagkukurutan, nagbubulungan at pagkatapos ay naghahalakhakan.[1]
“nakakabulahaw kayo may mga natutulog pa!” ang sabi sa
kanila ni Tia Isabel, “noong kami ay mga bata ay hindi kami nag-iingay nang
ganyan.”
“Kasi
hindi rin naman kayo gumigising nang maaga na
Titigil
sila sandali sa kanilang malakas na pag-uusap, tinitimpi ang mga boses, ngunit
madaling nakakalimot, muling magtatawanan at pinupuno ang mga lansangan ng
kanilang sariwa at batang tinig.
“Magkunwari kang galit ka, huwag mong
kausapin!” ang sabi ni Sinang kay Maria Clara, “kagalitan mo upang huwag mamihasa sa masama!”[3]
“Huwag
ka namang masyadong mahigpit,” sabi ni Iday.[4]
“Higpitan
mo, huwag kang tanga! Ang
mangingibig ay dapat sumunod, habang nangingibig, pagkatapos, kapag asawa na ay
walang ginagawa kundi ang magustuhan!” payo ng maliit na si Sinang.[5]
“Ano ba
ang alam mo sa mga bagay na iyan, bata ka pa?” ang bulas sa nagsalita ng
kanyang pinsang si
“Pssst,
tahimik kayo at narito na sila!”[7]
Siya
namang pagdating ng pulutong ng mga binata na may dalang na malalaking sulong
kawayan. Naglalakaran silang walang tawanan, na sabay sa tugtog ng isang
gitara.
“Parang
gitara ng pulubi!” ang sabing tumatawa ni Sinang.
Nang
magtagpo ang dalawang pulutong ay ang mga babae ang siyang mga walang kibo, na
waring mga hindi pa natututong tumawa, datapwat ang mga lalaki ay siyang naging
masalita, nangagsisibati, nangakatawang palagi at makaanim na tanong upang
magkamit ng kalahating kasagutan.[8]
“Tahimik
ba ang lawa? Magkakaroon kaya tayo ng mabuting panahon?” tanong ng mga
ina.
“Huwag po
kayong matakot; mabuti po akong lumangoy!” sagot ng binatang payat at mataas.
“Dapat na
nagsimba muna tayo!” buntunghininga ni Tia Isabel na
daop-kamay.
“May
panahon pa po at maisasagawa; si Albino na noong kanyang kasibulan ay naging seminarista, ay makapagmimisa sa bangka,” sagot
ng isa na itinuro ang binatang payat at matangkad. Ito naman, na may mukhang
manunukso, nang marinig na siya ang
tinukoy, ay nag-anyong banal na ginagaya si Padre Salvi. Si Ibarra, na kahit hindi magaslaw ay kalahok
din sa kasayahan ng kanyang mga kasama.
Nang
dumating sila sa tabing-lawa ay namutawi sa labi ng mga babae ang paghanga at
katuwaan. Doon ay may dalawang malalaking bangka na nakatali, na
napapalamutian ng mga bulaklak at mga dahong tahi-tahi, at may mga telang
bukul-bukol na may sari-saring kulay: nakasabit sa pinakaharapan ay
malilit na parol na papel na nasasalitan ng mga rosas, mga klabel, mga prutas
na gaya ng pinya, kasoy, saging, bayabas, lansones, atbp. Dinala roon ni
Ibarra ang kanyang mga alpombra, mga tabing at mga cojin na ginawang
malalambot na upuan para sa mga kababaihan. Ang mga sagwan at mga gaod ay
balot din ng palamuti. Sa bangkang lalong mainam ang gayak ay may isang
alpa, mga gitara, kurdiyon at isang sungay ng kalabaw; sa isang bangka naman ay
may mga kalang palayok na may gatong; inihahanda na ang tsa, kape at salabat
para sa almusal.
“Dito
ang mga babae, diyan ang mga lalaki![9]”
sabi ng mga ina nang magsakayan, “huwag kayong malilikot! Huwag kayong
magkikilos pagkat lulubog tayo.”
“Mangagkrus muna kayo,” ang sabi ni Tia Isabel na nag-antanda.
“At
tayo lamang bang mga babae rito?” ang tanong ni Sinang na umiling. “Tayo
lamang ba… aray!” Ang sanhi ng aray na ito’y isang kurot sa kanya ng
kanyang ina.[10]
Ang mga
bangka ay unti-unting lumalayo sa baybayin at ang mga ilaw ay masasalamin sa
tubig ng lawa na tahimik na tahimik. Sa silangan ay nababanaag ang mga
unang kulay ng bukang-liwayway.
Ang
katahimikan ay naghahari; ang kabataan, dahil sa pagkakahiwalay na ginawa ng
mga ina, ay waring nalululong sa pagdidili-dili.
“Kaiingat
ka!” ang malakas na sabi ng magpaparing si Albino sa isang binata, “tuntungan
mong mabuti ang pasak na nasa ilalim ng iyong paa.”
“Bakit?”
“Baka lumusot at pumasok ang tubig; maraming butas ang ating bangka.”
“Ay,
nalulubog na tayo!” ang sigawang sindak na sindak ng mga babae.
“Huwag po
kayong matakot, mga ale!” payapang sabi ni Alvino, “ang bangkang iyan ay
walang panganib; sa bangkang iyan ay wala kundi limang butas lamang, at hindi
naman lubhang malalaki.[11]”
“Limang butas!
Jesus! Ibig ba ninyo kaming malunod!” bulalas na nangingilabot ng mga
babae.
“Wala kundi limang butas lamang, at
ganito lamang kalaki!” patunay ng dating seminarista na ipinakikita ang munting bilog ng
kanyang mga daliring hinlalaki at hintuturo.[12]
“Tuntungan
ninyong mabuti ang mga pasak upang huwag lumusot.”
“Diyos
ko! Maria Santisima! Pumapasok na ang tubig!” ang sigaw ng isang
matandang babae na sa pakiramdam sa
sarili nakakaramdam ng pagkabasa.[13]
Nagkagulo
nang kaunti; ang ilan ay tumitili, ang ilan ay nagtatangka nang tumalon sa
tubig.
“Tuntungan
ninyong mabuti ang pasak diyan!” patuloy ni Albino na itinuturo ang
kinaroroonan ng mga dalaga.
“Saan?
Saan? Diyos! Hindi namin nalalaman! Maanong kahit awa lamang
ay parito kayo dahil sa hindi namin nalalaman!” ang pakiusap ng mga natatakot
na babae.
Kinailangang
ang limang binata
ay lumapit sa kabilang bangka upang mapakalma ang mga sindak na mga ina. Anong pagkakataon! Parang sa
piling ng bawat isang dalaga ay may isang panganib: ang mga matatandang babae ay hindi
nagtataglay ng kahit na isa man lamang mapanganib na butas.[14]
At lalo pa pagkakataon! Si Ibarra ay nakaupo sa tabi ni Maria Clara, si
Albino ay sa tabi ni Victoria, at gayon din ang iba. Ang pananahimik ay
muling naghari sa umpukan ng mga ina, ngunit hindi gayon ang nangyari sa dako
ng mga binibini.[15]
Sa
dahilang ang tubig ay lubhang tahimik, ang mga baklad ay hindi lubhang
nalalayo, at lubha pang maaga, ay pinagkasunduang iwan muna ang pagsagwan at
ang lahat ay mag-agahan. Pinatay ang ilaw ng mga parol sapagkat ang
bukang-liwayway ay nagpapaliwanag na sa kapaligiran.
“Walang
katulad ang salabat kung iinumin sa umaga bago magsimba!” ang sabi ni Kapitana
Tika na ina ng masayang si Sinang; uminom
ka ng salabat na kasama ng puto, Albino, at makikita mo, maiisipan mong muling
magdasal.”[16]
“Iyon nga ang ginawa ko,” ang
sagot ni Alvino, “naiisip ko na ngang
mangumpisal.” [17]
“Huwag!”
sabi ni Sinang, “uminom kayo ng kape sapagkat nagbibigay ng masasayang
kaisipan.”
“Ngayon
din, sapagkat nalulungkot ako ng kaunti.”
“Huwag
iyan!” paalaala sa kanya ni Tia Isabel, “uminom
kayo ng tsa at kumain ng galyetas; sinasabing ang tsa ay nagpapatiwasay
sa
pag-iisip.”
“Iinom po ako ng tsa na may galyetas!” sagot ng
masunuring magpapari; “salamat na
lamang at alinman sa mga iinuming ito ay hindi ang Katolisismo.”[18]
“Pero
magagawa mo ba …?[19]
ang tanong ni Victoria.
“Alin
ang uminom pa ng sikulate?
[1] Bakit ganoon ang
kanilang pag-uusap, sagutan, nagtatawanan, nagkukurutan, nagbubulungan at
pagkatapos ay naghahalakhakan - ang mga babae ay mayroong pinag-uusapang
sikreto na kanilang-kanila lamang. Maaring may ikinukuwento si Maria Clara ukol
sa kanila ni Ibarra.
[2] Ipinakikilala ni
Rizal na maliit pa si Sinang – o bata pa sa edad, mahalaga ito sa pag-unawa sa
magiging usapan sa susunod na kabanata.
[3] “kagalitan mo upang huwag mamihasa sa masama!” - Bakit ganito
ang payo ni Sinang kay Maria Clara? - Ang sagot ay makikita sa Kabanata 22 at
mga talababa 9-14 ANO NATULALA KA BA?
[4] “Huwag ka namang
masyadong mahigpit” – mabuti pa si Iday, mapagbigay.
[5] kapag asawa na ay walang ginagawa kundi ang magustuhan -
talagang may ibang tinutumbok dito si Rizal.
[6] Ano ba ang alam mo
sa mga bagay na iyan, bata ka pa? – ang itinatanong kay Sinang ay kung may alam
na siya sa mga bagay na nakasulat sa Kabanata 22 at mga talababa 9-14. –
Bakit tila may alam na si Sinang? Simple lang ang kasagutan – pinagtitiwalaan
siya ni Maria Clara.
[7] Napapahiya ang mga
kadalagahan sa mga kalalakihan na marinig ang kanilang pinagkukuwentuhan.
[8] Mapapansin ang mga
babae ay masayang nag-uusap, ngunit tumatahimik kapag may mga kalalakihan. Ang
mga lalaki naman ay tahimik kung mag-usap-usap, ngunit nagiging maingay kapag
napapalapit sa mga babaeng minamahal.
[9] Makikita ang
makalumang paraan ng pamamasyal ng mga binata at dalaga sa panahong iyon,
pinaghihiwalay ang mga babae at lalaki sa isang lugar.
[10] Pansinin ang
kapilyahan ni Sinang – naghahanap na may makasamang mga lalaki sa bangka, kaya
nakurot ng ina.
[11] Makikita ang
kakayahan ni Rizal na magpahayag ng luntiang pagbibiro sa hindi halatang
paraan.
[12] Ano kaya ang limang
butas na sinasabi ni Albino, na nasa bangkang kinaroroonan ng limang dalaga? At
isinenyas pa ang laki ng butas sa pamamagitan ng pagbilog ng hinlalaki at
hintuturo.
[13] Maaring ang matandang
babae ay napa-ihi.
[14] Mapanganib na butas? – talagang si Rizal sobra sa
kapilyuhan, ito kaya ang dahilan kung bakit binabantayan ng mga binata ang mga
kadalagahan, at hindi pinapansin ang mga matatandang babae na para bang walang
taglay na mapanganib na butas.
[15] Makikita na si Alvino
ay gumawa lamang ng isang eksena para matakot ang mga ina o kasama ng mga kababaihan
upang sila ay pasakayin sa bangka na kinaroroonan ng mga dalaga.
[16] Si Alvino ay dating
semenarista na nawalan ng pananalig sa simbahan.
[17] Mapapansin
[18] Makikita ang isang
mataas na panunuya ni Rizal sa simbahan “iinumin
ni Alvino, ang lahat ng iniaalok sa kanya;
ang maanghang na salabat, ang mga mapapait na kape, tsa, at sikulate,
ngunit hindi niya kayang inumin o
lagukin ang Katolisismo.
[19] Ang tanong ni
[20] Sagot ni Alvino ay kaya
niyang inumin ang sikulate (hindi ang Katolisismo).