KABANATA
25 SA BAHAY NG PILOSOPOY
Sa umaga ng sumunod na
araw, matapos na dalawin ni Juan Crisostomo Ibarra ang kanyang mga lupain, ay
nagtungo ito sa bahay ni Matandang Tasyo. Ang ganap na katahimikan ang
naghahari sa halamanan sapagka’t ang mga langay-langayang nagliliparan sa
harapan ng bahay ay bahagya nang makagawa ng ingay. Ang lumot na tumubo
sa matandang bakod na bato na ginagapangan ng isang parang baging na nagiging
palamuti sa bintana. Ang munting bahay na iyon ay mistulang tahanan ng
katahimikan. Maingat na itinali ni Ibarra ang kanyang kabayo sa isang tukod, at
halos ang daliri lamang ng paa ang inilakad, na dumaan sa halamanang malinis at
mabuti ang pagkakaalaga; inakyat niya ang hagdanan, at dahilan sa nakabukas ang
pinto, ay pumasok. Ang unang nakita ng paningin ay ang matanda na abalang
nakayuko sa isang aklat na sinusulatan. Sa mga dingding ay may
sari-saring tinuyong insekto at mga dahon,
kasama ng mga mapa at mga estante
na puno sa aklat na nakalimbag at mga sulat-kamay.[1]
Labis na nakatuon ang isipan ng matanda sa kaniyang ginagawa kaya hindi napansin ang pagdating ng binata, kundi
nang ito, sa pagnanais na huwag makaistorbo, ay nagbalak na umalis ng walang
pasabi.
“
“Patawarin
ninyo!” ang sagot nito, “napapnsin kong marami kayong ginagawa…”
“Oo nga,
nagsusulat ng kaunti, ngunit hindi naman kailangan na matapos na madali at ibig
ko namang magpahinga. May maitutulong ba ako sa inyo?”
“Malaki
po!” sagot ni Ibarra na lumapit, “ngunit…” at tinanaw ang aklat na nasa ibabaw ng hapag.
“
“Hindi!”
ang sagot ng matanda na inabutan siya ng isang upuan, “hindi ako marunong ng
Ehipsiyo, ni Kopto (matandang wikang ginagamit ng mga Ehipsiyo). man lamang,
nguni’t nakauunawa ako ng kaunting paraan nila sa pagsulat, at sumusulat ako sa
pamamagitan ng mga geroglifico.[3]
“Sumusulat
kayo ng geroglifico? At, bakit?” tanong ng binata na alinlangan sa
nakikita at naririnig.
“Upang huwag mabasa sa panahong ito ang
aking sinusulat!”[4]
Si Ibarra
ay napatitig sa kanya at sumagi sa isipan na may katotohanan ngang baliw ang
matanda. Siniyasat niya ang
aklat upang tingnan kung hindi nagsisinungaling at nakitang mabuting-mabuti ang
pagkakalarawan ng mga hayop, mga bilog, mga kalahating bilog, mga bulaklak, mga
paa, mga kamay, mga bisig, atbp.[5]
“Bakit kayo sumusulat, kung ayaw ninyong mabasa ang inyong isinusulat?”
“Dahilan
sa hindi ko inilalaan sa ating mga kapanahon ang aking sinusulat kundi sa ibang
panahong darating. Kung mababasa ng ating mga kapanahon ang aking mga
sinusulat ay marahil susunugin ang aking mga aklat, ang aking hinarap na gawain
sa buong buhay; [6] samantalang
sa isang dako, ang henerasyon na makakaalam sa kahulugan ng mga titik na ito ay
pawang matatalino, mauunawaan nila ang ibig kong kong ipaalam at masasabi nilang:[7] ‘Hindi
ang lahat ay nakatulog sa kapanahunan ng ating mga ninuno.’[8]
Ang lihim o ang mga di-karaniwang
titik[9] na
ito ay siyang nakapagliligtas sa aking gawa sa kamangmangan ng tao,
“At sa
anong wika kayo sumusulat?” tanong ni Ibarra matapos ang mahabang
pagkakapatigil.
“Sa
wika natin, sa Tagalog.”[11]
“At
magagamit ba ang mga titik na geroglifico?”
“Kung hindi lamang dahil sa kahirapan ng
pagguhit ng mga larawan na kailangan ng panahon at patitiyaga[12]
ay masasabi ko halos na lalo pa silang nakahihigit kaysa alpabetong Latin.[13]
Taglay ng lumang Ehipsiyo ang ating mga tinig; ang ating o, na panghuli
lamang at hindi kagaya ng sa Kastila, kundi isang tinig na pagitan ng o at
u; gaya natin, ang Ehipsiyo ay wala ring tunay na tunog e; nasa
kanya ang ating ha at ang ating kha na wala sa sa abakadang Latin
na kagaya ng paggamit natin sa wikang Kastila. Sa halimbawa: sa
salitang mukha,” ang dugtong na itinuro ang nasa aklat, “nailalagay kong
lalong wasto ang pantig na ha sa pamamagitan ng anyong isdang ito, kaysa
h ng Latin, na may iba’t ibang pagbigkas sa Europa. Sa isang
pagbigkas na lalo pa manding mahina, sa halimbawa sa salitang hain, na
ang h ay lalong malambot, ay ginagamit ko ang ulong ito ng
“Ha, po?”
“Hindi ba
ninyo sila naririnig? Ang mga tagadala ko ng sulat ay ang mga langay-langayan;[14]
sa taong ito’y kulang ng isa ang bumalik; marahil ay nahuli ng isang pilyong
batang Insik o Hapon.”
“Bakit
ninyo nalalaman na nakapanggaling sa mga bansang iyon?”
“Madali
lang: may ilang taon na, na bago sila umalis, ay tinatalian ko sa paa ng
isang putol na papel na may sulat na pangalan ng Pilipinas sa wikang Ingles, sa
pag-aakala kong hindi lubhang malayo ang kanilang mararating at dahilan sa
wikang Ingles ang siyang gamit sa halos
lahat ng mga lupain sa dakong ito.[15]
Mga ilang taong ang aking sulat ay di nagtamo ng kasagutan, hanggang sa
kahuli-hulihan ay ipinasulat ko sa wikang Insik, at nang sumunod na Nobyembre
ay nangagsibalik ditong may ibang papel na aking pinaturingan ang
kahulugan: ang isa ay nasa wikang Insik at ang laman ay isang pagbating
buhat sa mga pampangin ng Huang-ho, at ang isa, sa akala ng Insik na aking
pinagtanungan, ay wikang Hapon daw marahil. Datapwat inaabala ko kayo sa
mga bagay na ito at hindi ko itinatanong kung papaano ko kayo
mapaglilingkuran.”
“Naparito
ako upang kausapin kayo tungkol sa isang bagay na mahalaga,” ang sagot ng
binata, “kahapon ng hapon…”
“Nadakip ba ang nakakahabag na taong
iyon?” ang masiyasat na tanong ng matanda.[16]
“Si Elias
po ba ang sinasabi ninyo? Bakit ninyo nalaman?”
“Nakita ko
ang Musa ng Guwardiya Sibil.”
“Ang Musa
ng Guwardiya Sibil! At sino ang musang iyon?”
YSa kabanatang ito
ang pag-uusap ng creole/ilustrado
(Ibarra) at ng katutubong intelekwal na si Pilosopo Tasyo. Inilalantad ng
katutubong intelekwal ang kalagayang palipunan ng Pilipinas sa isang creole/ilustrado.
[1] Makikita sa loob ng
bahay ni Matandang Tasyo ang kapaligiran ng isang taong palaaral.
[2] Paraan ng pagsulat sa pamamagitan ng mga
tanda larawan na may kahulugang bagay, salita, titik, pantig at tunog ng mga
wika. Kaiba ito sa ating paraan ng pagsulat ngayon na ang gamit ay titik
ponetiko, dahilan sa ating pagsulat at pagbasa ang bawat titik ay kumakatawan o
nagpapabatid ng tunog. Maging si Rizal ay nagkaroon ng pagkakataon na
pag-aralan ang sistema ng pagsulat geroglifico ng
mga taga Ehipsiyo.
Sa kabilang dako pansinin ang mga
salitang “mahilig pala kayong bigyan
ng kahulugan ang mga geroglifico”
[3] Ginamit ni Rizal ang
salitang geroglifico sa paraan ng pagsusulat ni Pilosopo Tasyo – dito makikita ang henyo ni Rizal sa simbolismo, sapagkat ang
paraan ng pagsulat na ito ay sa anyo ng paglalarawan ng mga bagay at
pangyayari. – sa ganitong paraan inilarawan ni Rizal ang kalagayan ng
Pilipinas sa sarili niyang anyo ng “geroglifico”
– ang paglalarawan simbolikal at hindi grapikal ng kalagayan ng bayan.
[4] Isang aklat na hindi
layunin na mabasa ng kaniyang mga kapanahon – Ayon kay Ongoco, si Pilosopo Tasyo ay sumusulat ng kaniyang sariling
Noli Me Tangere.
[5] Pakipansin naman ang
paraan ng paglalarawan ni Rizal sa iba’t ibang mga bagay ukol sa Pilipinas at
mapapansin ninyo ang malupit na pagsasa-detalye ng mga ito. Kapag ito ay inyong
napansin, ay masasabi ninyong ang sinusulat ni Pilosopo Tasyo ay ang kaniyang
sarili Noli Me Tangere – o ito ay
isang susi na ibinibigay ni Rizal upang makilala ang kaniyang nobela..
[6] Malaki ang pag-asa ni
Pilosopo Tasyo sa mga susunod na henerasyon ng mga kabataang Pilipino, na higit
silang matalino kaysa sa kanilang mga ninuno. Mauunawaan ng mga susunod na
henerasyon ang nilalaman ng kaniyang aklat – bagay na naganap noon sa mga
mag-aaral bago magkaroon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang kanilang
ginagamit sa paaralang bayan ay ang
kumpletong Noli Me Tangere na
isinalin ni Patricio Mariano. Nawala ang dinamismo ng pag-aaral ng Noli Me Tangere sa panahon na lumaganap
ang expurgated edition na pinunit ang
mga kritikal na nilalaman ng nobela, upang pagtakpan ang mga kaisipan ni Rizal
na hindi kayang pangatwiranan ng mga alagad ng kolonyal na simbahan.
Ipaghambing ang orihinal na teksto ng libro ni Patricio Mariano at Charles
Derbyshire at ang orihinal na tekstong Espanyol ni Rizal, at makikita ang mga itinago
sa expurgated edition.
[7] Mga matatalinong henerasyon na may kakayahan na unawain nilalaman ng
Noli Me Tangere at mauunawaan ang dahilan ng kahinaan ng bayan
na siyang tunay na ugat ng ating paghihikahos sa kabuhayan at pagiging hubad sa
karangalan sa komunidad ng mga bansa sa mundo, magmula noon hanggang sa
kasalukuyan.
[8] Ipinapakita ni Rizal
na sa kabila ng isang mapanupil na lipunan at mga pamahiin na kumakalaban sa
mga makabagong kaisipan ay mayroon pa ring mga tao na nag-iisip ng pagsulong at
pag-unlad, at bumabatikos sa kababawan ng isang marumi at mapagsamantalang sistemang
panlipunan.
[9] Ang lihim o ang mga di-karaniwang titik – ito ang magpapatunay na
ang aklat na sinusulat ni Pilosopo Tasyo ay hindi talagang isinusulat sa
literal geroglifico kundi sa pamamagitan
ng mga maayos, maingat at hindi simuladong paraan. Kung ayaw mong maniwala
ay pansinin mong muli ang sinabi ni Rizal sa Kabanata 5 ukol kay Maria Clara na
“sa kaniyang harapan ay sumisibol ang mga bulaklak, ginisiging ang mga
tugtugin, at mga koro ng diyablo”
[10] Mapanganib ang mga
kaparian sa panahon ng mga Espanyol, pinupugnaw nila ang kritikal na anyo ng
intelekwal na pagkamalikhain ng mga Pilipino. Ang unang biktima ng kanilang mga
mapagpugnaw na kamay ay ang mga matatandang kasulatan na ginawa ng ating mga
ninuno sa panahon na hindi pa tayo nabibiktima ng kolonyalismo. Higit sa lahat,
ang Noli Me Tangere ay pinugnaw ng kolonyal na simbahan.
Ang Noli Me Tangere ay humarap din sa
tangkang direktang pagpugnaw ng mga dayuhang kaparian. Sa sulat na natanggap ni
Rizal Sa pag-alis ni Rizal sa Pilipinas noong 1888, ganap na nilikom ng mga
prayle ang mga nalalabing kopya ng Noli Me Tangere sa bansa.
Matutunghayan ang katotohanan nito sa sulat na natanggap ni Rizal mula kay kay
Rizal na ipinadala ni Alex Schandenberg mula sa Vigan, Ilocos noong Abril 9,
1889 na nagbabalita na dumating sa nasabing lugar si Arsobispo Pedro Payo at maingat na nagtatanong ukol sa nobela sa
paglalayon na sunugin ang lahat ng natitirang kopya.
Hindi nagawang
mapugnaw ang lahat ng kopya ng Noli Me
Tangere at nakarating sa ating panahon at upang ito ay maitago ay pinunit ang
nobelang ni Rizal, upang hindi mabasa ng buo ng maraming mga matatalinong
mag-aaral ang kabuuan ng nobela na dapat sanang nagpakilala sa ating mga kahinaan at nagligtas sa atin sa
maraming mga trahedyang panlipunan na kinauuwian natin sa kasalukuyan.
[11] Ipinapakita dito ang
kahalagahan at potensiyal ng wikang Tagalog/Filipino. Ang pagpapaliwanag sa
kalamangan ng wikang Tagalog/Filipino kumpara sa ibang wika ay sinulat ni Rizal
na isa sa mga kinikilalang lingwistiko ng kaniyang panahon at bihirang
matularan pa hanggang sa ngayon. Ang bahaging ito ay isang pagbibigay ni Rizal
ng mahabang paliwanag sa kaniyang tulang ginawa noong kaniyang kamusmusan na
pimagatang Sa Aking Mga Kabata – sa nasabing
[12] Mapansin sana na sa
bahaging ito ay ipinapaalam ni Rizal sa kaniyang mga mambabasa na ang mga satiriko
na nakapalaman sa Noli Me Tangere, sa
kabila ng kahusayan ni Rizal sa pagsulat ay pinag-isipan niya ng mahabang
panahon at labis na pag-iingat.
[13] Ito ang pinakamataas
na pagpapahalaga ni Rizal sa wikang Tagalog/Filipino
– Ang Latin ang naging wika ng dakilang imperyong Romano, ginagamit ng
Kanlurang Europa hanggang sa ika-18 siglo
at nanatili pa ring seremonyal na wika ng pandaigdig na simbahan. Si
Rizal ay nagpapahayag ng kadakilaan at kahigitan ng ating wika – ano ang kaya ang hindi magagawa at potensiyal ng mga taong nagsasalita ng
ganitong wika – sa panahon na ito ay mabibigyan
@ IPGMLKIMOSBUONGMUNDONIKWAY1PLIPNO.
[14] Makikita ang
kahusayan ni Pilosopo Tasyo, nagagawa niyang makipagsulatan sa mga taga-ibang
lupa sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga ito sa mga ibong langay-langayan at
hindi sa pamamagitan ng koreo. Si Rizal ay masasabing isa sa mga nakaunawa ng
darating na kahalagahan ng air mail
sa panahon na ang mga sulat ay dinadala sa ibang mga bansa sa pamamagitan ng
mga barkong nagdadala ng sulat o mail
boat.
[15]
[16] Noon pa man ay makikita na ang intelekwal ay may simpatiya sa isang
“tulisan.” Na nakikitahan niya ng potensiyal na makapaghahatid ng
pagbabago na kaniyang pinapangarap para sa lipunan.