Ang balita sa nangyari
ay madaling kumalat sa buong bayan. Sa una ay walang makapaniwala, ngunit
sa dahilang hindi maaring hindi mapaniwalaan ang sadyang katotohanan, ang lahat
ay napabulalas sa pagkabigla. Ang
bawat isa ay nagkaroon ng opinyon ng
ayon sa abot ng kanilang isipan.[1]
“Si Padre
Damaso ay patay na!” sabi ng ilan,
“Nang
damputin, ang mukha ay puno ng dugo at hindi na humihinga.”[2]
“Mamahinga
“Ano ang
ginawa? Sinaktan bang muli ang
koadhutor?”[4]
“Ano ang
ginawa? Tingnan natin! Isaysay sa amin.”
“Nakita ba
ninyo kaninang umaga ang pag-alis ng isang mistisong Kastila na dumaan sa
sakristiya habang nagsesermon?”
“Oo!
Oo, nakita namin. Tiningnan siya ng masama ni Padre Damaso.”
“Nang
matapos ang sermon ay ipinatawag at tinanong kung bakit umalis. ‘Hindi po
ako marunong ng Tagalog, Padre,’ ang sagot. ‘At bakit ka nangutya at
sinabi mong ang sermon ko ay wikang Griyego?’ ang sigaw sa kanya ni Padre
Damaso at binigyan ng isang sampal sa pamumukha. Ang huli ay gumanti,
nagbuntalan silang dalawa hanggang sa sila ay naawat.[5]
“Kung sa
akin nangyari iyan…” ang gigil na bulong ng isang nag-aaral.
“Hindi ko
minamabuti ang ginagawa ng Pransiskano,” sagot ng isa, “ang pananampalataya ay
hindi dapat ipataw sa tao na kagaya ng isang kaparusahan o isang sapilitang
pagtitika[6];
ngunit labis kong ikinagagalak ang pangyayari sapagkat kilala ko ang binatang
iyan, alam kong siya ay taga San Pedro,
“Kung gayo’y nilalang sila ng Diyos at
sila-sila ay nagbubuntalan!”[7]
“Subalit
dapat nating tutulan ang nangyari,” ang bulalas ng isa pang nag-aaral, “ang
di-pag-imik ay magtataglay ng kahulugang pagsang-ayon at ang nangyari ay
maaaring maulit sa kaninuman sa atin.[8]
Nababalik tayo sa panahon ni Nero!” (isang malupit na emperador Romano)
“Nagkakamali
ka!” ang sagot ng isa, “si Nero ay isang dakilang artista at si Padre Damaso ay
isang napakasamang mag-sermon!”
Ang
sali-salitaaan ng matatanda ay iba. Samantalang hinihintay ang pagdating ng
Kapitan Heneral sa isang kubo sa labas ng bayan, ang sabi kapitan sa bayan ay:
“Hindi
madaling masasabi kung sino ang nasa katwiran at kung sino ang wala;[9]
gayunman, kung si Ginoong Ibarra ay nagkaroon ng kaunti pang pagtitimpi…”
“Kung si
Padre Damaso ay nagkaroon ng kalahati man lamang ng pagtitimpi ni Ginoong
Ibarra, ang marahil ay dapat ninyong sabihin?” ang tutol ni Don Filipo, “ang
masamaay nagkapalit ang dapat ugaliin ng isa’t isa; ang bata ay nag-ugaling
matanda, at ang matanda ay nag-ugaling bata.”
“At walang
kumilos ang sabi ninyo, walang umawat kundi ang anak na dalaga ni Kapitan
Tiyago?” ang tanong ni Kapitan Martin. “Ni sinuman sa mga prayle, kahit
ang alkalde? Hm! Iyan ang lalong masama! Hindi ko ibig ang
malagay sa kalagayan ng binata. Walang makapagpapatawad sa kanya ng
pangyayaring siya ay kinatakutan. Iyan ang lalong masama, hm!”
“Gayon ang
palagay ninyo?” ang masusing tanong ni Kapitan Basilio.
“Inaantay ko,” ang sabi ni Don Filipo na
nakipagtinginan sa nagtanong, “na hindi siya pababayaan ng bayan.[10]
Dapat nating alalahanin ang mga ginawa ng kanyang ama at ang ginagawa niya sa
ngayon. At sakaling ang bayan ay hindi umimik dahil sa pagkatakot, ang
kanyang mga kaibigan…”
“Ngunit
mga ginoo,” ang putol ng kapitan sa bayan, “ano ang magagawa natin? Ano
ang magagawa ng bayan? Mangyari na ang mangyayari ay ang prayle rin
ang laging nasa katwiran![11]”
“Laging
nasa katwiran dahil lagi nating
inaayunan,” sagot ni Don Filipo na may pagkayamot at itinindi ang
pagsasabi ng salitang “lagi.” “Bigyan naman natin kahit minsan ang
ating sarili at saka tayo mag-usap.”[12]
Ang
kapitan ay nagkamot ng ulo, tumingin sa bubong at sumagot nang maasim ang
tinig. “Ay! Ang init ng dugo. Parang hindi ninyo alam kung saang bayan tayo naroroon; hindi
ninyo kilala ang ating mga kababayan. Ang mga prayle ay mayayaman at
nagkakasama-sama at tayo ay hati-hati at maralita. iyan nga! Subukan
ninyong ipagtanggol siya, makikita ninyong mag-iisa kayo sa kagipitan.” [13]
“Tunay,”
ang bulalas ni Don Filipo na may kapaitan ang kalooban, “iyan ang mangyayari
samantalang ganyan ang pag-iisip, habang ang pagkatakot at ang pagtitimpi
ay magkatulad ng kahulugan.[14]
Binibigyan pa natin ng pansin ang isang kasamaang nangyayari sa sandali
kaysa kabutihang sadyang kailangan;[15]
agad-agad na susungaw ang katakutan at hindi ang pagtitiwala, ang bawat isa ay walang iniisip kundi
ang sarili, walang nakakaalaala sa iba, kayat mahina tayong lahat!”[16]
“Siya,
alalahanin ninyo ang iba, bago ang inyong sarili, at makikita ninyo kung hindi
kayo maiwan! Hindi ba ninyo alam iyong salawikaing Kastila, na: ang tunay na pagkahabag ay dapat magsimula
sa pagkahabag sa sarili?”[17]
“Ang
sabihin ninyo,” sagot na nagagalit na tenyente-mayor, “na ang tunay na karuwagan ay nagsisimula sa malabis na pagmamahal sa
sarili at nagtatapos sa kahihiyan![18]
Ngayon din ay ihaharap ko sa alkalde ang aking pagbibitiw sa tungkulin; suya na
na ako sa kalagayang itong kakutya-kutya nang hindi naman nakagagawa ng mabuti
sa kaninuman… Diyan na kayo!”
[1] Kaya ingat sa
pinakikinggan at binabasa nating mga komentarista.
[2] Sa proseso ng
kuwentuhan ay nagkakaroon ng mga dagdag. Ibalita na patay si Pray Damaso.
[3] May mga tao na
tinitingnan na ang kamatayan ni Pray Damaso ay pagbabayad nito ng utang.
[4] Alam ng parokya na
ang katulong na paring Pilipino sa
[5] Kung maala-ala ng
mambabasa ang estudyanteng nabagot dahilan sa wikang Tagalog na ang sermon ay
lumabas sa kalagitnaan ng pagsesermon ni Pray Damaso. Pinagalitan ni Pray Damaso at binuntal, kaya ang nangyari ay
kapwa sila nagbuntalan. Maaring isa ito sa dahilan kaya pumunta ng mainit ang ulo
ni Pray Damaso sa handaan ni Ibarra at minumura ang mga walang galang sa
simbahan.
[6] Isang hanay ng salita
na nagpapamulat sa kahalagahan ng kalayaang pangrelihiyon na noon ay wala sa
Pilipinas dahilan sa ang negosyo este ang relihiyon ay monopolyo ng simbahan.
[7] Ang estudyante ay
nagkukunwaring hindi marunong ng Tagalog – isang Pilipino na dahilan sa may
kakayahan na magsalita ng wikang Espanyol ay minaliit na ang kaniyang sariling
wika. Ang mayabang na estudyante at ang mayabang na Prayle ay nagkatagpo – ginawa
talaga sila ng Diyos para sa isa’t isa upang magbuntalan. Malimit naman
talagang ang mga nagbubuntalan ay parehong mayayabang.
[8] Mapapansin na isinama
ni ni Rizal ang eksena ng mga estudyante ng Maynila na nakipagmiyesta sa
[9] Ang bayan ng
[10] Inaasahan ni Don
Filipo na ang bayan ang magkakanlong kay Ibarra – ang paniniwalang ito ni
Don Filipo ay nagpapakita na inaasahan niya ang lakas ng bayan ay kayang
magkanlong sa mga api laban sa mga mapaniil. May potensiyal na lakas ang
bayan – lakas na ayaw matuklasan ng mga naghahari at nagsasamantalang uri sa
lipunan.
[11] Makikita dito na ang
pangangatwiran ng kapitan ng bayan ay nakabatay sa kaniyang takot sa
kapangyarihan ng korporasyon ng mga prayle. Ang lakas ay gumagawa ng huwad na katwiran.
[12] Yamot si Don Filipo
dahilan sa ang bayan ay hindi magkaroon ng sariling katwiran ang bayan, kapag
ang bayan ay marunong ng kolektibong mangatwiran doon lamang ito kikilos para
hanguin sa kaniyang abaat aping kalagayan.
[13] Ang korporasyon ng
mga orden ng prayle ay maaring may hidwaan sa isa’t isa, ngunit nagkaaksundo
naman kung may babatikos laban sa isa sa kanila. Alam ito ni Pray Damaso kaya
nga sinisimulan niya ang probokasyon laban kay Ibarra, kapag lumaban si Ibarra
ay nasa likod ni Pray Damaso ang mga korporasyong relihiyoso. Ang bayan ay
watak-watak, laging hati ang bayan bulag sa kanilang pagiging mapanata sa
katuruan ng mga alagad ng simbahan. Kapag ang bayan ay natutong bigyan ng
katwiran ang kanilang sarili, magigising sila sa kanilang nakatagong lakas,
upang tapusin ang mga mapagsamantala at mapanupil sa lipunan.
[14]. Kailangang alisin
ng bayan ang kaniyang kaduwagan na nasa anyo ng “pagtitimpi” – kapag nagpahayag
ang bayan ng kaniyang determinadong pagtutol, walang lakas na maring
makahadlang sa kolektibong pagkilos ng bayan.
[15] Mas pinahahalagahan
pa na talakayin ang sandaling insidente kaysa sa mga bagay na pangmatagalan.
Ito puna ni Rizal sa mga Pilipino ay
mapapansin pa hanggang ngayon – pinag-uusapan natin ang mga maiinit na
isyu, ngunit namamatay ito ng hindi na natin alam kung ano na ang
kinahantungan. Subalit ang
mga mahahalaga at mga suliranin na nagpapahirap sa bayan ay hindi natin
napagtutuunan ng pansin.
[16] Iniisip lamang natin ang sarili at hindi ang kapakanan ng
pangkalahatan. Ito ang dahilan ng kahinaan ng bayan.
[17] Binanggit ang
makasariling kasabihan na mula sa mga Espanyol. Maaring pinalaganap nila
noon ang kasabihang ito bilang bahagi ng kanilang disenyo na paghati-hatiin ang
maraming mga Pilipino, sa harap ng kakaunti ngunit nagkakaisa mga mananakop.
– Sa kasalukuyan, hanggang hindi tayo nagkakaisa ay makikita ninyo ang epekto
niyan sa presyo ng mga sinsingil sa atin. Kailangang sama-sama ang
sambayanan, para sa kapakanan ng bayan.
[18] Maaring suriin ang
argumento ni Don Filipo na ang
kaduwagan ay nagmumula sa malabis na pagmamahal sa sarili.