Ang
kaguluhan na nangyayari sa bahay ni Kapitan Tiyago ay kagaya rin nang
nangyayari sa iniisip ng bayan. Si Maria Clara ay walang ginagawa kundi
ang umiyak at hindi pinakikinggan ang mga salitang pampalubag-loob ng kanyang
tiyahin at ni Andeng, na kapatid niya sa suso. Ipinagbawal ng ama ng
dalaga na makipag-usap kay Ibarra samantalang hindi pa inaalis ng mga pari ang excomunion.
Si Kapitan Tiyago, na abalang-abala sa paghahanda sa kanyang bahay upang
matanggap nang buong dangal ang Kapitan Heneral, ay ipinatawag sa kumbento.
“Huwag kang umiyak, anak ko,” sabi ni Tia
Isabel, samantalang pinapahiran nang gamusa/chamoise ang makikintab na mukha ng mga salamin, “aalisin din
sa kanya ang excomunion… susulatan ang santo Papa… magbigay tayo ng
isang malaking limos… Si Padre Damaso ay
nawalan lamang ng malay tao… hindi namatay!”
“Huwag kang umiyak,” ang mahinang sabi ni Andeng, “paparoonan ko upang makausap mo, sa ano
pa at ginawa ang mga kumpisalan kundi upang magkasala?[1]
Ang lahat ng bagay ay napapatawad, sabihin lamang sa kura!”
Dumating
din si Kapitan Tiyago. Sa kaniyang mukha ay binakas ng mga babae ang
sagot sa maraming katanungan; subalit ang panlalambot ang inilalarawan ng
mukha ni Kapitan Tiyago. Ang kaawa-awang tao ay pinagpapawisan,
hinahaplos ang kanyang noo at hindi makapagsalita.
“Ano,
Ang
isinagot ay isang malalim na buntung-hininga, samantalang pinapahid ang isang
patak na luha.
“Alang-alang
sa Diyos ay magsalita ka! Ano ang nangyari?”
“Ang aking
kinatatakutan!” bulalas na halos maiiyak. Wala nang lahat. Iniutos
ni Padre Damaso na sirain ko ang kasunduan kay Ibarra, at kung hindi ay
paparusahan ako sa buhay na ito at sa buhay na darating![2] Gayon
ang sinasabi sa akin ng lahat, kahit na si Padre Sibyla![3]
Hindi ko siya dapat papasukin sa aking bahay [4]
at…limampung libo ang utang ko sa kanya![5]
Sinabi ko ang bagay na ito sa mga pari, ngunit ayaw akong pakinggan: Alin
ang ibig mong mawala sa iyo, sabi nila sa akin, limampung libong piso o ang
buhay mo at ang iyong kaluluwa? Ay,
Si Maria
Clara ay umiiyak.
“Huwag
kang umiyak, anak ko,” ang dugtong na ito ang hinarap, “hindi ka kagaya ng ina
mo na kailanman ay hindi umiiyak… hindi umiiyak kundi noong naglilihi…[6] Sinabi sa akin ni Padre Damaso na dumating
na ang isang kamag-anak niyang galing sa Espanya… at siyang nais na maging
katipan mo…”[7]
Tinakpan
ni Maria Clara ang kanyang mga tainga.
“
“Iyan din
nga ang iniisip ko, Isabel; si Ginoong Crisostomo ay mayaman… ang mga Kastila
ay nag-aasawa lamang nang dahil sa salapi… ngunit ano ang ibig mong gawin ko?[8]
Binalaan akong paparusahan ng excomunion … sinasabing mapanganib ang
aking kaluluwa at katawan… ang katawan, nadinig mo? Ang katawan!” [9]
“Datapwat
wala kang ginagawa kundi pasakitan lamang ang iyong anak! Hindi ba
kaibigan mo ang arsobispo? Bakit hindi mo sulatan?”
“Ang arsobispo ay prayle din, walang
ginagawa ang arsobispo kundi ang sabihin lamang ng mga prayle.[10]
Ngunit huwag kang umiyak, Maria; darating ang Kapitan Heneral, marahil ay
gugustuhin na makita ka at ang mga mata mo ay makikita na namumugto… Ay! Ang akala ko pa naman ay
magkakaroon ako ng isang maligayang hapon… kung hindi lamang dahil sa malaking
kaguluhang ito ay ako
[1] “Huwag kang umiyak,” ang
mahinang sabi ni Andeng, “paparoonan
ko upang makausap mo, sa ano pa at ginawa ang mga kumpisalan kundi upang
magkasala? – isipin mong mabuti kung ano ang gustong mangyari ni Andeng
para kina Ibarra at Maria Clara.
Pati ang kumpisalan ay talagang hindi
pinatatawad ni Rizal – tandaan
[2] Makikita ang bisa ng
pananakot sa impiyerno bilang instrumento ng mga prayle upang takutin ang isipan
ng mga Pilipino.
[3] Mapapansin na
nagkaroon ng kampihan ang mga prayle laban kay Ibarra kahit na ito ay
nagtanggol lamang sa karangalan ng ama.
[4] Makikita ang lupit ng
ekskomulgasyon – si Ibarra ay hindi papasukin o kausapin man lamang sa bahay ni
Kapitan Tiyago at sa kanino pa mang bahay na ang naninirahan ay Katoliko.
[5] Tandaan na may
sosyohan sina Don Rafael at Kapitan Tiyago sa negosyo – ang halagan P 50,000 na ang sosyo ni
Don Rafael at ngayon ay magiging pag-aari na ni Ibarra. Iniisip kasi ni Kapitan
Tiyago na ang utang na iyon ay mababali-wala kung magkakatuluyan ang
magkasintahan.
[6] Si Donya Pia na ina
ni Maria Clara ay umiyak lamang noong naglilihi. Hindi ba ang isang magiging
ina ay masaya sa pagsilang ng kaniyang magiging anak. Ang pag-iyak ng isang babae habang naglilihi ay palatandaan na hindi
niya gusto ang nangyari sa kaniya.
[7] Mapapansin na
talagang hindi gusto ni Pray Damaso si Ibarra para kay Maria Clara at naghintay
pa ng isang binatang taga Espanya para itapat na manliligaw at/o maging
kasintahan ni Maria Clara.
[8] Alam din ni
Kapitan Tiyago na maraming mga mahihirap
na Espanyol ang nagpupunta sa Pilipinas noon para makapag-asawa ng isang
mayamang Pilipina na tagapagmana. Ang mga Espanyol na ito ang nagpauso ng
pamamaraan ng pag-akyat sa hagdanan ng mataas na antas pan-lipunan sa
pamamagitan ng pag-aasawa.
[9] Ang banta kay Kapitan
Tiyago ay hindi lamang sa buhay na darating, pati sa katawan –mabibilanggo.
[10] Ipinakikita din ni
Rizal na maging ang arsobispo ay nagiging sunud-sunuran sa mga prayle.
[11] Mawawalan siya ng P
50,000 at nakikiusap sa birhen na manalo siya sa sugalan.