Had a full day last Dec 23. Nag-lunch
out kami ng
office friends ko, tapos ang dami ko pang ginawang
e-greetings nung afternoon (cramming ba), kaya pag-uwi
ko ay pagod, natulog agad. Ginising ako ng tawag ng
kapatid ni Potit. May dadalhin daw sila sa bahay.
Sige, siguradong ilang araw nang frustrated na hindi
ako ma-contact!
I went out to check if they have
come (baka hindi
na alam ang aking door) and there was this beautiful
full moon! Later, nadinig kong sa kapitbahay nga
kumatok!
Hindi pa nagtatagal, ikaw naman ang tumawag.
Talagang dapat may manggising
sa akin, kasi hindi
pa ako naka-pack for going home to Cabanatuan!
I skipped going to the office
on Dec 24. Late na
ring nagising, but we were able to leave at 9:30 am.
Pumila kami sandali, waiting for an aircon bus, pero
nang may pumaradang hindi aircon, sumakay na kami bago
dumami pa ang mga tao! Which was a good decision, kasi
walang pang aircon buses sa station, and traffic was
building up.
Hay . . . it took 5 hours to
reach Cabanatuan!
Lahat yata ng bayan, may Mall na sa Highway, kaya
prusisyon ang traffic in several places. Daig pa ang
lumipad mula East to West Coast! Okay lang sana
kung
may reclining seats at meal service!
Kain ang unang ginawa pagdating sa
Bitas. Nang
mahimasmasan, tinawagan ko na ang elementary school
classmate kong balikbayan from Toronto. I just got
directions on how to reach their place.
Nagkakuwentuhan sa bahay kung
paano kami
nagkatuntunan ng classmate ko. Siempre, sa Internet!
Ini-register ko ang lahat ng Urbina graduates sa Nueva
Ecija High School, pati Tatay ko, and then checked
kung sinong Class '65 and naka-register. Aba at iisa
lang, si Juanito Vicencio, na kaklase ko sa Cabanatuan
East Central. So I e-mailed him. Nagsagutan kami, kaya
nga may subwebpage na rin ang East Central sa website
ko! Last month, he told me he was coming home with his
daughter on Dec 11. So we exchanged Cabanatuan phone
numbers and decided to meet.
Sabi ng Nanay ko, taga-San Isidro
siguro ang ama
ng kaklase mo. Sabi ng Tatay ko, taga-Pantabangan
siguro ang ina niya. At tila may inaanak pa ako na
kapatid niya, dagdag pa. Sabi ng sister ko, iyan
siguro yung PMT commandant nung first year ako.
Matangkad, guwapo. Sasama ako sa iyo, Tita, sabi ng
pamangkin ko. Magdala kayo ng bibingkang kanin,
balikbayan pala yang pupuntahan ninyo, dagdag ng Nanay
ko.
So, bitbit
ang isang llanerang bibingkang
kanin, inihatid na kami ni Ojie sa Maria Teresa
Subdivision. Pupunta siya sa kapatid ng Nanay ko at
magdadala rin doon ng bibingkang kanin. Susunduin mo
kami, ha?
Nagkakuwentuhan
na rin pala si Juanito at ang
Nanay niya! Tama lahat ang haka-haka! At si Juanito
pala mismo ang inaanak ng Tatay ko! So you are
godbrother and godsister, exclaimed his daughter! At
baka distant relative pa namin sila, kasi
magkakamag-anak naman lahat dun sa Pantabangan.
Ang aming sundo,
nakipagkuwentuhan din sa
pinuntahan, kaya inabot na kami nang hapunan sa
katakut-takot na kuwentuhan dun kina Juanito. Nabasa
na rin naman niya sa website yung autobiography ng
Ingkong. Nag-trace pa kami ng mga kamag-anak sa
Pantabangan.
Nakakatuwa ring kausap ang Nanay niya,
kapatid,hipag,pamangkin, at anak . Nakipaglaro rin
kami sa apo ng pamilya. Nag-kodak-an.
Pagbalik sa
amin, kuwentuhan rin at kain na
naman! Inabot na ang noche buena ang kuwento na
nag-umpisa sa bagong MRT at nauwi sa trambiya nung
pre-war.
Ang aga namang
mamasko ng inaanak ko sa
kababata ko sa kapitbahay! Bitbit pa ang dalawang
kapatid at dalawang pinsan! But I spent some time
talking with them, kasi nga ang ninang ay pangalawang
ina, at sila ay ulila sa ina. Nabundol ng motorcycle
yung kababata ko in 1998, tumatawid lang at bibili ng
gulay, dun mismo sa may amin!
Yung gusto kong batched na pagdating
ng mga
kamag-anak ang siyang nangyari! Pag kasi sabay-sabay,
hindi gaanong makapag-kuwentuhan dahil masyadong
magulo! Saka kailangan siempre may time kang
panggigilan ang mga babies, tuksuhin ang mga smart
aleck kids, i-admire ang mga outfits ng mga sosyal,
kumustahin ang health ng mga matatanda, at pakinggan
ang mga daing sa gastos ng mga butihing maybahay na
may pinag-aaral na mga anak na teen-agers.
Ang pakulo ko ngayon
ay simple lang. Pagbigay
ko ng aginaldo, ipinapasilip ko sa multiple image lens
sa binibigyan, kaya hindi nila mabilang sa dami! Naku,
nag-aagawan pa ang mga bata dun sa lens. Magandang
tingnan yung mga tricycle sa highway through it. And
several others, na sila na ang nag-discover!
Nakadalaw na
lahat ang mga inaasahang
darating. Tawag sa kapatid ng Nanay ko. Pupunta ba
kayo dito? Baka magkasalisi tayo kung pupunta kami
diyan. Sila daw ang pupunta.
Kuwentuhan
na naman. Nang uuwi na sila, kami
ang binitbit at ipakikita ang bagong gawang kuwarto sa
bahay nila. Doon na raw kami matulog!
Ang sister
at ang pamangkin ko lang ang
natulog doon. Ako ay sumama pero bumalik sa amin.
Nagkamali ng desisyon, kasi ang family dog ay pinuyat
kaming lahat, tahol nang tahol at panay ang takbo at
akyat at baba sa hagdan! We realized, hinahanap ng aso
ang sister ko, na noon lang hindi natulog sa bahay
namin in a long time!
Kinabukasan,
after breakfast ay bitbit na ang
travel bag na dumalaw sa magkapatid na 90
at 88 year
old 'aunts', hindi blood relatives pero ganoon ang
turingan. Doon na ako dinaanan ni Ojie at umuwi na
kami dito.
Salamat at
madali ang biyahe. Lagpak patay
agad pagdating dito!
Pagpasok kahapon
dito sa opisina, natawagan
naman ng old friends sa IT industry, kaya kahit puyat
pa, ay lakwatsa na naman sa Makati kagabi. Ang
ganda
ng rainbow when I went out of the office before dark
kahapon!
Nahamugan pa
konti sa Starbucks Rockwell kung
saan nagkuwentuhan hanggang hatinggabi. Sipon pa
yata
ang aabutin, paano na ang Ayala Street Party sa
Biyernes?
Kahit umuulan
ngayon dito,
Maligayang
Bagong Milenyo!