Cilantro Gang at the PMA: March 7-9, 2003
Pictures may be viewed at
http://photos.yahoo.com/ana_b_urbina and at the album PMA 2003.Franklin is the new Assistant Superintendent of the Philippine Military Academy.
Isang text lang ni Pat nung Tuesday, siempre oo kami agad na interesadong sasama sa kanila to PMA come Friday. May parade on Saturday, saka drills competition on Sunday. Ayos. Silent drill ang talagang gusto kong mapanood sa PMA, pero saka na lang iyon.
Thursday, dinala ko na ang big bag ko sa office. Nang i-text ko si Pat kung puwede ko nang idaan ang bag sa kanila after office hours, nag-offer na ipa-pick-up sa driver. E di thank you very big.
Friday at 7 am, may text si Franklin that we will leave after lunch.
Ang aga ko sa office, para maka-half-day at 11 am. Nag-deliver ng fish crackers si Derlie, naka-ambos pa ako ng isang pack. Na pinagawaan ko ng sawsawang sukang maanghang kina Aling Ester sa garage. Ayos na ayos!
May isa pang text si Pat that we will leave at 1:30 pm. I left the office quietly before noontime,so I was in Scout Castor at 12:30 pm. Ang dami ng ini-lo-load na gamit sa sasakyan, may mauupuan pa kaya kami?
Si Franklin muna ang nakakuwentuhan ko. He showed me the souvenir program of his PMA Maagap Class 1973, authored by Pat. There is a letter from Ria printed there, na nakapag-paiyak daw sa kanya. ( I will scan it so you can see.)
I sat through lunch with Pat and Franklin, still leafing through the souvenir program. Still at it after lunch.
Nagkukuwentuhan kami ni Pat about the PMA stint nang dumating si Tessie. Nandiyan na ako, sagot ni Dex, nang patawagan sa akin ni Pat. Nag-last jingle ang lahat, and off we went at 2 pm. Sa Besta kaming mga prep 65, at sa kabilang sasakyan sina Ria, Manny at dalawang alalay.
Maingay na kuwentuhan sa sasakyan. Unang binanatan ang fish crackers. Na-traffic sa ginagawang North Expressway, at nag-overheat ang sasakyan. Tigil kami sandali sa available lane. Pinalamig ang tank. Nang may lumalapit na tow vehicle, abante uli kami, till . . . iba na ang amoy, so we pulled over sa shoulder near a bridge. We asked for water dun sa nearby house, and two kids, Dennis and Alvin brought a pail of water plus tabo pa. And more water pa.
Pinabalik ang nauna nang sasakyan to assist us. We settled for a long wait. Nabuksan ang iba pang mga pagkain, at inumin. Nagkuwentuhan. At nadumog ng fans ni Dex, who recognized her from up that bridge! We were in San Rafael, Mexico, Pampanga.
Nang dumating ang isang sasakyan, dinumog rin ng tao. Akala nila may artista din doon!
Puwede na raw mag-proceed, declared Franklin. Kuha muna ng pictures of the fans. And of Dex with Dennis.
We stopped for dinner at Pancake House in Hacienda Luisita. Ang sarap ng pagkain nila doon. Relaxed ang ambiance, kaya medyo nawili sa kuwentuhan over dinner.
We resumed the trip na palit na ng sasakyan. We got all our pillows from the Besta. Franklin drove his prep 65 classmates. Nanood ng sine ang mga katabi ko kaya paano naman matutulog e full of suspense yung movie?
Nag-coffee break at kumain ng popcorn sa Rosario. Bumili ng mga essentials, including a map of Baguio City.
Sa Marcos Highway kami dumaan. I always like going through that tunnel in the mountainside.
Finally, eto na kami sa PMA gate proclaiming COURAGE INTEGRITY LOYALTY.
Derecho muna kami sa guest cottage, where they are temporarily housed. Nag-dinner ng adobo, etc. Wala nang time for Tarot card reading!
Sinamahan kami to Nakar Hall where we will sleep. Isang kuwarto for Manny, and isang kuwarto for the prep65 beauties. 2 ang beds sa room namin. Sino ang magtatabi? Naghihilik ako, claimed Tess. Ako rin, sagot ni Dex. Ayun, di sila ang partners. Hindi ako nakakatulog nang may ilaw, sabi ko.
Ni-lock-out muna namin si Manny sa shared bathroom. Kami ang nauna.
Ang pinakamalaking mistake ko ay bigyan si Dex ng Time Magazines to read. Inay, bukas ang ilaw! Wa epek lahat ang drama kong mag-bonnet, mag-takip ng palad sa mata. Finally, di na ako nakatiis, "Dex, di ka pa ba matutulog?" Pinatay
ang ilaw at siya pala ay sa bathroom nagtiyagang magbasa!
Cilantro Gang at the PMA: Saturday, March 8, 2003
Ang sarap matulog at mamaluktot with a blanket! Tama lang ang ginaw.
Medyo tinanghali nang gising, naubusan na ng hot water sa tap. Brrr!
Nagbukas ng bintana. Siempre, pine trees ang view. Soaked it all in. One of my fondest memories of the PMA was at a senior girl scout leader's training, camping at the PMA grounds in 1974. I was then a faculty member of the Centro Escolar University High School and in charge of girl scouts from the UST High School. We slept on individual bedrolls laid on the ground inside pitched Australian tents. We used primitive latrines. You cover your own waste with earth and lime. Our bathroom was also in a pitched tent.
Nauna akong maka-prepare for going out ( I intended to walk to the cottage) kaya iniwan ko na si Tess na maliligo pa lang, at si Dex na matutulog pa raw.
Paglabas ko sa Nakar Hall, di pa ako nakaka-2 meters ng lakad, ay nadaanan na ako ng Besta. Pinabili ng tinapay for breakfast ang dalawang drivers, sina Nestor at Joel. Siempre, sumakay na ako.
Si Franklin ang unang lumabas sa kuwarto nila. Naks, naka-full uniform, matikas! Inusisa ko lahat yung mga decorations niya. Marami, very kulayful.
Eto na sina Tessie at Manny. Nadulas daw si Tessie dun sa rug sa door ng Nakar Hall, nahulog ng two steps, kaya medyo shaken. Kuha ng BP (mataas) at consult sa doktor na anak over the celfone.
We lingered over breakfast, hoping for Dex to wake up and join us. Skip na lang daw siya ng parade, kasi talagang kailangan ang tulog.
Punta na kami sa parade grounds. Kilala na ang sasakyan ni Franklin, kaya sa PMA Headquarters ang parking namin. Naka-hilera na ang mga cadets. Kilig na kilig ako sa sight! Hindi ko ma-pinpoint kung sino ang mga lady cadets.
Lakad punta sa center front ng cadet formation. Akyat sa closest building. Opps, pinababa ako ng guard, bawal pala. Sige, ground level view na nga lang. I motioned to the very same guard, asking permission to take photos. Lumapit, kinuha ang camera, pina-pose ako, and took my picture! With the cadets in the background! Thank you! May nag-attempt na gumaya sa akin, di na pinagbigyan.
Papunta sa parade grounds, nasalubong ko si Pat. Dali, open house, sabi, and urged me to go up the quarters of ECHO company. Naks, para akong nakabalik sa West Point! Naka-display ang rooms, open ang closets and cabinets. Very neat! Babagsak ako, sa pag-aayos pa lang ng mga gamit!
After 10 minutes, pinababa na lahat, tapos na ang open house.
Proceed to the parade grounds. Pumili ng choice locations sa grandstand.
Super kilig ako sa parade. Ambisyon ko sa buhay, magaya ang adjutant's strut. Lahat nang i-execute na commands, pinapalakpakan namin! Spontaneous ang appreciative laughter sa strutting adjutant.
We posed with the cadets. Gusto ko sana, manghiram at magsuot nung plumed hat, pero di yata puwede. Ayos, female cadet yung isang ka-pose namin ni Tess.
Walk back to the PMA Headquarters. Pose dun sa may treehouse. Halfway lang ang akyat.
Pose sa beautiful pink flowers, sa sundial. Lakad sa souvenir shop. While I was choosing what souvenir T-shirt to get, tinawag ako ni Pat to watch the cadets as they march to the cafeteria. Iba na ang suot nila, gray jackets na.
I got a dark blue sleeveless shirt. We walked back to headquarters. Tess stopped to admire the pink flowers. Napamulagat ako when she suddenly picked one! Bigla pang humagikgik at sabi, "Ay, nalaglag!" Was I speechless! Ipinag-magaling pa ng bruha sa buong tropa ang kapilyahan niya!
Kakain daw kami sa labas. Dinaanan si Dex sa Nakar, and off we drove to the city. Ano'ng gustong kainin? Don Henrico's pizza daw, native to Baguio. Sa Carlos Pizza nauwi. Ang dami naming kinain! Ang sarap! Hinintay namin doon si Franklin. Maraming kuwentuhan. Si Tess, sumimpleng natulog konti sa Besta.
Babalik sa cottage yung isang sasakyan. Franklin took the Besta and drove us to Mines View Park. Sus, parang langgam na nag-shopping. Pasok, bili sa mga stalls, balik sa sasakyan. Ulit uli. At ulit pa. Kung anu-ano ang binili. Pati yung miniature walis. I got 2 blankets, red and blue. Gagamiting background for my photography.
Then we went to the Good Shepherd Convent for strawberry jam and cashew brittle. May pila ang ube jam, but Dex was able to get a service number without queueing, nag-beautiful eyes lang siya dun sa mga fans niyang salesgirls. Bilib ako.
Bibili ba ng gulay? Oo. So Pat texted the orders to her friend with a shoe stall at the Public Market. We parked at Burnham, walked to the market, and had merienda dun sa shoe stall while we waited for the gulays to be delivered there. Ang nabili ko? A pair of bakya from the shoe store. Sus, talaga naman! Tatlong cargador ang nagbitbit nung saku-sakong gulay na binili nina Tess, Dex and Pat. I am not exaggerating!
Finally, umuwi na sa guest cottage. Nag-hapunan. Katakut-takot na namang kuwentuhan, kaya ang pagpapahula ay muling nakalimutan.
Akala ko uuwi na kami at matutulog nang bumalik sa Nakar Hall, iyon pala ay mag-fre-freshen up lang at may night out sa Camp John Hay Manor.
Naks, nawala ang antok pagdating dun. May fireplace pa dun sa piano bar, at ang galing ng performance nung jazz group na taga UP Baguio daw. Maginaw that night, buti pinahiram ako ni Pat ng jacket with a hood, di kaya ng thin sweater ko ang lamig.
Nagbago ang geography that night. Si Manny ay lumipat sa guest cottage. Dex took his room at Nakar Hall. Tess and I took one bed each sa room namin. Hindi daw siya makatulog sa ginaw, sabi ni Tess. Aba e di nag-tig-isa kami dun sa binili kong blankets sa Mines View. Hindi pa rin daw siya makatulog. He, he, he! Hindi sanay nang walang katabi.
Ang ginaw talaga that night! I woke up twice to go to the bathroom.
Cilantro Gang Sunday at the PMA: March 9, 2003
May kumakatok sa pinto. Umaga na ba? Tingin sa relo, 8 am na! Bangon bigla. Si Manny, dala ang water heater.
Kahit maginaw, sige naligo na rin ako. Pero di ako maka-shampoo, kasi ang hair dryer ay locked with Dex in the other room!
Paglabas ko sa Nakar Hall, naghihintay na si Nestor sa Besta. Huwag daw siyang hintayin kundi balikan na lang at 9:15, sabi ni Tess.
Handa na ang Mangonon family na magsimba. Naiwan ako sa cottage. Pahatid ka sa parade grounds pagka-breakfast, bilin ni Franklin. Naabutan ako ni Tessie sa cottage at naabutan na rin kami ng pagbalik mula simbahan ng Mangonons, kaya hinintay na rin naming magising si Dex bago kami pumunta sa parade grounds. Panay ang kulit ko ng: "Baka wala na tayong abutang drill competition." Maghapon daw iyon, walong companies ang kasali.
Finally, dinaanan si Dex sa Nakar Hall at 10:30 am. Naabutan namin ang tail end ng Bravo Company drill. It took a while for the next company to appear. Hala, baka may lunch break na! Walang break, Franklin patiently explained. Nasa malayo yung kasunod na company, para di makita yung solution nung sinusundan. Parang Miss Universe contest daw. Nakatago yung ibang contestants habang sumasagot ng question yung isa.
Nabuo namin ang presentation ng next company. Panay ang pintas namin sa movements.
Eto na ang kasunod. Uy, mas maganda ang porma sa sinundan. Kaso, bakit halos mabangga na sila sa mga trees ay di pa lumiliko? Error, sabi ni Franklin. O, bakit derecho na, pauwi na ba sila? Error uli. Pero ha, kahit mag-backtrack, ang ganda pa rin ng formation nila. Sayang, gusto ko sila, sabi ni Pat.
Kailangan na kaming mag-lunch, gutom na si Dex na hindi pa nag-almusal. Reluctantly, iniwan ang peyborit company. Dumaan sa office ni Franklin. I was most impressed dun sa Hall of Valor inside the PMA Headquarters. May wood carving yung Medal of Valor. Naka-decorate sa wall. We viewed the recipients of the medal and read their brief stories. Marami got the decoration from fighting the Abu Sayyaf. Tingnan ninyo yung si Qeurubin, ani Franklin. Kahit daw lower rank officer, sinasaluduhan ng higher rank, basta recipient nung Medal of Valor. Wow, ha?
Pagdaan ng sasakyan sa parade grounds, about to exit na yung peyborit company. Sayang na sayang! Ang ganda talaga ng formation nila. Foxtrot ba iyon, Pat?
They dropped me off sa souvenir shop. I got some keychains. Ops, napasubo ng lakad kasi short distance nga, pero paahon pala.
Pagdating ko sa cottage and straight to the dining table, napagkamalan ko pa ngang corn soup yung salad dressing! Duling sa hingal!
3 pm daw kami babalik sa Manila. Habang inaayos nila ang mga vegetables for transport, nagpaalam akong babalik sa Nakar Hall on foot. He, he, he! Pag-round ko nung bend, at hindi na ako visible from the cottage, sumakay ako sa jeepney. (Siempre dapat sinusubukan ang public transport! Yung cadets pala, bawal mag-jeepney. They have to take a cab when they go out of the PMA grounds.)
Nakapagpahinga nang konti bago kami sinundo. At loading time, parang di magkakasya yung saku-sakong gulay, kaya iniwan yung mga kay Pat.
Kodakan galore bago kami lumakad pa-Manila.
Ang bilis ng biyahe. Sa Kennon dumaan. Matagal na akong di nakadaan sa Kennon. Naka, ang pangit na pala dun sa may Lion landmark. Dati, bababa pa doon for kodakan.
Joel, hinto tayo sa Rosario, sabi ni Ria. Uy, kanina pa tayo dumaan dun. Lampas na. Sa Urdaneta na kami nag-jingle stop. "Ang Nanay ni Apollo!" excited na sigaw ng mga fans ni Dex. Nagkagulo ang mga nagtitinda ng tupig dun sa may gasoline station.
Tumigil din kami for dinner sa Hacienda Luisita. Masayang hapunan at service de luxe sa Chow King. Hagalpakan sa mga kuwentong artista ni Dex. Sample:
Nasa location shooting daw sila sa Zambales. Instruction ng bading na direktor: "O, braless kayo dito, I want jiggling boobs." Isang oras na raw sila sa dressing room, di pa magawan ng paraan na maayos ang gel to augment the statistics of the young lead star. "Umamin ka na kasi kay direk (na she only wears big-size bra with gel pads)".
Finally, umamin na nga. Reaction ni direk: "Pack up! Magpalagay muna ng suso! Di puwede yan, lalangawin ang pelikula natin!"
Ang traffic ng biyahe! Natulog at gumising at natulog at gumising, nasa road pa rin kami! Hay . . .
Ang fish crackers, inilabas para libangan. Pati si Joel, nagpapak.
Finally, eto na kami sa Balintawak.
Gusto sana ni Dex, drop off na muna siya sa kanila, pero di puwede dahil pag binuksan ang likod, mahuhulog ang mga sako ng gulay, at paano huhugutin ang sa kanya?
So, straight to Sct. Castor. Unload and segregate, very systematic! Inihatid ng Besta si Dex, at kami ni Tessie ay sumama kay Manny.
Buti na lang guminaw din pala sa Manila, kaya presko rin ang tulog that night.
P.S.
Tuesday, pumunta ako sa bahay ni Dex, nagluto pa siya ng chicken cacciatore, at naghulaan kami.
00000000.